TAHIMIK lang si Celestine sa front seat habang nagmamaneho habang katabi si Carlie sa passenger seat. Tinatahak na nila ang daan patungo sa lugar nila Chiara upang dumalo sa nalalapit na nitong kasal. Huwebes ngayon at sa Sabado na ang kasal nito at sa Boracay iyon gaganapin kaya doon sila magtutungo. Wala siya sa mood, itong katabi niya lang ang mukhang hindi mapakali sa inuupuan at mukhang sabik na sabik na sa kasal ng kaibigan.
"Oh my gosh, I'm so much excited for Chiara's wedding! I just can't believe that she is getting married so soon. I'm so excited to meet her, Sis!" Nasasabik at puno ng kaligayahan nitong sambit na ikinailing niya lang.
"Oo nga eh, kulang na lang ikaw na ang ikasal. Mas excited ka pa nga kesa dun sa ikakasal." Inirapan siya nito na hindi nakawala sa kaniyang paningin.
"Seriously, Sis. Is that how you treat me? You're so mean to me na ah? Grabe ka na. But don't worry, I already told Chiara that after she gets married, I will be next." May gulat na napalingon siya sa katabi na bahagya pang kumunot ang noo nang marinig ang sinabi nito. Ang alam niya kasi wala pa itong naging karelasyon kaya mukhang nagbibiro lang yata ito.
"Oh, nagulat ka yata ah. Wait, don't tell me-" saglit itong natigilan sa pagsasalita at gulat na humarap sa kaniya, "You didn't know that I was in a relationship? Oh my god! Nahuli ka na sa news, Sis! Maglilimang taon na kami ng boyfie ko next month, I thought you knew it na."
"Hindi ka naman nagkukuwento sakin. Malay ko bang may boyfriend ka na pala?" Patuloy lang siya sa pagmamaneho habang nakatuon ang tingin sa daan.
"Alright, I'm sorry I didn't tell you about it. Masyado ka kasing busy sa work mo. Ngayon lang naman kita naisturbo kasi nag-aalala na rin ako sayo. Buti nga eh sumama ka sakin ngayon." Ngiti nito sa kaniya na nagtaas baba pa ng kilay.
"Hindi naman talaga ako sasama kung hindi mo lang ako pinilit noh." Tama nga naman siya. Hindi naman talaga siya sasama subalit pinilit talaga siya nito. Wala siyang nagawa kundi ang pumayag sa takot na gawin nito ang pagbabantang tatawagan ang ex-boyfriend niya na ayaw na ayaw talaga niyang makita buong buhay niya.
Nang makarating sila dun ay nagpareserve na sila ng isang unit sa may malapit na Hotel at nagcheck in agad.
Makalipas ang Sabado ay ginanap na ang kasalan nila Chiara at ang magiging asawa nito. Labis ang kasiyahan at kagalakan ng mga taong imbitado sa okasyong iyon lalo na si Carlie na puro palakpak ang ginagawa at ngiting-ngiti pa sa saya. Samantalang siya ay ngiting napipilitan lang ang iginagawad. Hanggang sa reception nga na ginanap lang sa Hotel na chineck-in-an niya eh wala pa rin siya sa mood. Ayun nga nasa hulihan pa siya na table umupo habang umiinom ng wine. Kung bakit ba kasi siya sinama ni Carlie dun gayung wala naman siyang hilig na dumalo sa mga ganung okasyon.
Natigil lang siya sa pag-iinom ng wine nang tumunog ang hawak niyang phone. Kaagad na niyang nalaman na galing sa kompanya niya ang tumatawag kaya tumayo na siya at naghanap ng lugar na hindi maingay bago sinagot ang tawag.
"Hello. I'm attending an event today, I'm not in my office. Let's just talk tomorr-" Hindi na niya natapos ang sinabi nang nalaman mula sa isang empleyadong tumawag ang isang kagimbal-gimbal na balita.
Nagalit pa siya noong una pero nang maintindihan ang sitwasyon ay pinilit rin niyang maging huminahon. Ayaw niyang matakot sa kaniya ang mga empleyado. Nainis lang talaga siya sapagkat mukhang kailangan niyang bumalik sa opisina niya ng wala sa oras. Ibinaba na niya ang tawag at kaagad lumapit kay Carlie.
"Hey Carlie, I'm sorry but I have to go back to the company. Something bad happened, I had to fix the mess."
"Ganun ba? Okay, then just be careful on your way back. Magpapaiwan na ako dito, magpapasundo na lang ako sa boyfriend ko tomorrow. Ako na din ang magdadala sa mga naiwan mong gamit. Take care, Sis."
"Okay, See you." Humalik siya sa pisngi nito at kinuha ang shoulder bag sa table na inuupuan bago lumabas dun sa reception. Paglabas niya sa may hallway kaagad niyang pinindot ang press button ng elevator. May nasalubong siyang tatlong lalaki na lumabas sa elevator kaya napagilid siya para padaanin sila bago pumasok sa elevator. Napatingin siya sa oras sa kaniyang phone, it's already past 10pm.
Kung minamalas nga naman, anong oras na saka pa lang magkakaroon ng problema sa kompanya niya at nagkataon pa na wala siya. Pagdating niya sa parking lot ay dimeretso kaagad siya sa kotse niya at nagmaneho.
Ilang oras ang lumipas ay sa wakas nakarating na siya sa paroroonan. Kaagad na ipinark ang kotse at lumabas dun. Pagpasok niya sa kompanya ay nagmamadaling tinungo niya ang elevator.
Nang makaakyat na siya sa pangatlong palapag ay tinungo na kaagad niya ang opisina. May lumapit sa kaniya na isang empleyado na sa tingin niya ay ang tumawag at nagreport sa kaniya kanina.
"Ma'am, s-sinabihan ko na po siya kanina pa na p-parating na po kayo. But he keeps on shouting at us while looking for you. We can't stop him. I-I'm sorry for the trouble, Ma'am." Bakas ang pagkabalisa ng pagkakasaad nito at mukhang kinakabahan sa maaari niyang itugon.
Tuloy pa rin siya sa paglalakad at bakas ang seryoso ng kaniyang mukha na para bang wala lang iyon para sa kaniya. Ngunit sa loob niya ay kinakabahan na siya, ramdam rin niya ang panginginig ng dalawang kamay kaya ikinuyom niya iyon upang walang makahalata.
"It's Okay. Just go back to your work. I'll take care of it." Kalmado niyang saad sa empleyado na agad naman itong tumalima patungo sa pwesto at ibinalik ang sarili sa ginagawa.
Nang nasa tapat na ng pinto si Celestine ng kaniyang opisina ay nagpakawala muna siya ng paghinga bago pinihit ang doorknob at binuksan ang pinto. Bumungad sa kaniyang harapan ang iritableng mukha nito habang kaharap ang isa sa empleyado niya na nakayuko, mukhang hiyang-hiya na ito dahil siya ang pinagbubuntungan ng galit ng lalaking kaharap. Nakaramdam naman kaagad siya ng awa rito.
"Mr. Delacruz, I can take care of it. You can go now, thank you." Agad itong tumalima at lumabas sa opisina niya.
Nakataas ang kilay na tinitigan niya ang nasa harap niya saka lumapit sa table niya pagkatapos ay umupo sa swivel chair niya.
"Tell me what's your problem. Why are you here at this hour?" Malamig ang tonong tanong niya rito habang nakakrus ang dalawang kamay. Pinakititigan niya ito ng mabuti, he looks so tired, drunk and terrible but she doesn't care at all.
"How cold. You're not the Celestine I know before. Why suddenly change?" Binigyan niya ito ng isang simpleng ngiti.
"Nagbabago talaga ang ugali ng isang tao at normal lang iyon, Harold. Ganun rin ako. Well, hindi naman masamang magbago ng ugali, diba? In fact, being cold is one of my favorite attitudes and you know that. Kaya wala pa rin namang nagbabago sakin. So far, normal pa rin naman akong tao. Ikaw ba Harold, normal ka rin ba?" Nakita niya ang pagtiim-bagang nito sa huli niyang sinambit.