Chereads / Kiss Of The Rain / Chapter 3 - HEARTBROKEN

Chapter 3 - HEARTBROKEN

KALAUNAN ay pinisil ni Harold ang tungki ng matangos na ilong saka kinuha sa may upuan ang isang folder.

"Look Celes, I'm not here to cause any trouble, okay? I just wanted to talk to you, that's all." Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon dito.

"Yeah. You wanted to talk to me, that makes sense. But I'm not convinced about the, I'm not here to cause any trouble, thing. As far as I know, you have caused trouble at my company an hour ago and one of my employees reported it to me about what you did. And what's worse, you yelled at one of my employees. What's gotten into you to come here and make an embarrassment scene in front of my clients? Kahit nandito kayo sa office ko, naririnig pa rin ang malakas mong paninigaw sa empleyado ko. Kung gusto mo akong makausap, makitungo ka ng maayos." May bakas na ng galit ang pananalita niya rito.

"Okay, fine. I'm sorry for causing any trouble. I just really wanted to talk to you.. Look, this matter is really important right now, okay? Please, Celestine." Inirapan niya lang ito at huminga ng malalim. Gusto na niyang matapos ang usapan agad upang makaalis na ito.

"Ano ba yang gusto mong pag-usapan at mukhang atat na atat kang makausap ako? I'm not in the mood right now and I wanted to rest. So can you please hurry up?" Walang ganang sambit niya na agad nitong tinanguan.

"Okay, here take a look at it." Saka nito inabot sa kaniya ang folder na hawak ngunit tinitigan niya lang ito.

"What was that for?" Kalmado niyang tanong rito. Kung tutuusin ay wala rin siyang interes sa bagay na iyon.

"This is my work. Here, I wanted you to take a look at it, please. Let me work with you, Celestine." Tinaasan niya lang ito ng kilay.

"And how sure are you that I will accept you here in my company?"

"Seriously, tinatanong pa ba yun? Syempre kasi marunong akong maghandle sa ganitong bagay and you know that. And of course if you let me, I could be your great partner. Alam ko na ang lahat tungkol sa mga ganitong bagay, napag-aralan ko na ito. Kaya hindi na ito mahirap para sakin. I'm sure hindi mo rin kayang gawin ang trabaho mong ito ng mag-isa, you need someone who's an expert." Pagmamayabang nito na hindi siya nakumbinsi.

"Then, bakit hindi ka sa ibang kompanya nag-apply? Mukhang papatok naman yang inooffer mong galing at katalinuhan. Baka dun maging sikat pa ang proposal mo." Sarkastiko niya namang tugon rito.

"Oh, c'mon Celes. Wala ka pa rin bang tiwala sakin? Can't you trust me again?" Naikunot niya ang noo sa naging tanong nito. Tumawa na lang siya ng mapakla saka naman umiling-iling na tumingin rito.

"Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan pa kita Harold. Sa nakikita kong ugali na pinapakita mo ngayon ay mas lalo lang akong nakukumbinsi na huwag kang pagkatiwalaan pa. You shouted at my employees, making an embarrassing scene at my own company, and now asking me to work with you without any hesitation na para bang wala kang ginawang mali dati. What else would you expect me to do, be glad for what you did?" Pinandilatan naman niya ito ng mata. Ayaw na ayaw talaga niyang sinisigawan ang mga emplayado niya sa kompanya ng kahit sino lang. At isa pa itong taong kaharap niya na walang ginawa kundi ang manggulo sa buhay niya at inisin siya.

"Oh, really. Nandyan na naman tayo sa mga alibi mong yan eh. Humingi naman na ako ng pasensya. Hindi pa ba sapat iyon??" Naiirita na ang pananalita nito.

"Well, your apology is not enough for what you did to me three years ago." Natigilan ito sa sinabi niya at mataman siyang tinitigan. Hindi kaagad ito nakabawi sa pagkagulat.

"We both know what happened to us before, Harold. Sa tingin mo ba madali lang yun kalimutan para pumunta ka dito at sabihing gusto mong magtrabaho sakin, nahihibang ka na ba? Ni ayaw na nga kitang makita o makausap pa tapos gusto mong makisosyo sakin?" Halos pasigaw na niyang anas rito. Nang makabawi ay saglit niyang pinakalma ang sarili.

"Mababaw man ang rason ko kung yun ang iniisip mo, pero dapat ko lang iyong gawin hindi lang para sa sarili ko kundi para na rin sa kompanya ko. Baka kasi pag natanggap ka na dito ay mas lumubo pa ang ulo mo't sigaw-sigawan ulit yung mga emplayado ko dito. And I won't allow you to do that. Kaya palalagpasin ko ito ngayong gabi, pero pag bumalik ka pa ulit dito asahan mong ako na mismo ang kakaladkad sa iyo paalis dito sa kompanya ko. I'm forgiving you for what you did to me and for hurting my feelings before. Pero hindi ibig sabihin nun na napatawad na kita ay pwede ka na ulit pumasok sa buhay ko but no Harold, don't expect that from me."

"And for that job you want to get, I'm sorry but I won't allow you to work with me either. At kung sa tingin mo ay masyadong risky para sa akin ito, then it's none of your business. Believe me Harold, I'll make sure that this work will be successful with all I can even without your help. Nakaya ko ngang ihandle yung sakit at hirap na iniwan mo sakin three years ago, ito pa kayang pangarap ko?"

Nangagalaiti sa galit na tinuturo siya nito. Pinilit niya pa ring maging kalmado sa harapan nito habang nilalabanan ang matatalas nitong tingin sa kaniya.

"Remember this, Celestine. We're not done yet, I'm not done yet with you. You'll see, I'll make you pay for it." Saka nito malakas na sinarado ang pinto ng kaniyang opisina palabas. Napasandal na lamang siya sa swivel chair at bumuga ng hangin.

****

"HEY, any problem?" Tumingala si Jhairo sa nakatatandang kapatid na si Jhiro nang tapikin siya nito sa balikat at umupo sa tabi niya.

"Nah, there's just a lot on my mind." Walang ganang saad niya rito bago tunggain ang alak sa hawak na baso saka ulit nagsalin ng isa pa.

"It's too early for that. You just drank last night and now you're drinking again? Wala ka bang balak mag-agahan muna? Baka mamaya puro tubig na lang laman ng tiyan mo ah." Ngumiti siya rito ng mapait at hindi binigyang pansin ang sinabi nito.

"Sanay na ako sa ganito Kuya. Saka mapipilit mo ba ako? Gusto mo, sabayan mo pa ako dito." Naiiling itong naglapag ng tasa sa harap at nagtimpla ng tsaa na paborito nitong iniinom sa umaga.

"Ikaw ha, ilang linggo ka pa lang dito sa pamamahay ko eh mukhang ikaw pa ang makakaubos sa mga alak na tinabi ko dito." Hindi nakawala sa kaniya ang biro nito nang mahina siyang napatawa. Mataman siya nitong tinitigan na ikinunot ng kaniyang noo.

"What's that stare for?" Tanong niya rito na agad naman itong umiling. Matapos magtimpla ay tumabi ito ng upo sa kaniya bago siya ulit tingnan at sagutin.

"Nothing. Just... Can I ask you something? Ikaw ba eh talagang nakalimutan na ang nakaraan? Talaga bang nakamove-on ka na? O baka nagsisinungaling ka lang sakin?" Hindi naman siya agad nakaimik saka bumuga ng marahas na hangin.

"The truth is, I still find it hard to forget everything about Kuya. Although, pinipilit ko naman talagang kalimutan ang lahat. It's just, I-I can't. Kahit anong subok ko, kahit anong gawin ko para makalimutan ang lahat, para kalimutan siya, hindi ko pa rin kaya Kuya."

Sobra siyang nasasaktan pero manhid na rin yata siya dahil hindi man lang niya kayang umiyak. Mas pinili niya pa ring inintindi ang sitwasyon gayung nasasaktan na siya. Ayaw niyang isipin ng kapatid na masyado na siyang malambot upang magpadala sa sitwasyong matagal na dapat niyang kinalimutan.

"Pinilit ko naman siyang kalimutan Kuya. Lahat nang mga bagay na pwedeng gawin at libangan ay ginawa ko na but it's hard and it makes my heart break even more whenever I think about her. Sinubukan ko rin na makipag-date sa kahit sinong babae, and even tried to sleep with one of them. Pero hindi ko pa rin kayang humanap ng iba. Kaya masisisi mo ba ako kung hanggang ngayon ay siya pa rin ang laman nito?" Tinuro niya ang parte kung saan nakapwesto ang kaniyang puso.

Naramdaman niya ang palad ng kapatid na tinatapik ang kaniyang balikat. Ito man ay hindi alam ang gagawin sa kaniya para makumbinsi siyang kalimutan ang lahat. Gayunpaman, walang sinuman ang pwedeng makapagdidikta sa nararamdaman ng isang tao. Kahit siya man ay hindi niya madidikta ang sariling nararamdaman.

"I understand you bro. But let me just remind you with one thing. That woman is already married. Kaya dapat mo na siyang tantanan dyan sa isip mo. Isa pa, wala ka na ring magagawa. Kung anuman yung nangyari sa past niyo, nangyari na yun. Hindi mo na maibabalik ang nakaraan. Mas lalo ka lang din mahihirapang makalimot kung binabalik-balikan mo ang nakaraan." Wala siyang ibang masabi sa makahulugan nitong sinabi kaya tumango-tango na lang siya.

"You should move on and get started for a new beginning, bro. Hindi habang buhay ay siya na lang ang laging laman ng puso't isipan mo. Aba'y baka hindi ka na makapag-asawa niyan. Paano ako magkakaroon ng maganda't gwapong mga pamangkin na nagmana sayo kung hindi ka pa nagkakaroon ng taong aanakan?" Mapang-asar nitong saad na sinabayan niya rin ng tawa saka sinuntok ito sa balikat.

Minsan naiisip niya kung kapatid niya ba talaga ito o kung may kapatid ba talaga siya? Magkaiba kasi talaga sila ng ugali. Mahilig magbiro si Jhiro at sobrang napakamasayahing tao, bata pa sila ay ganun na ang katangian ni Jhiro na kasalungat ng katangian niyang minsan malamig ang pakikitungo at tahimik lang.

"Mas mabuti pang sumama ka na lang samin ni Seb sa Sabado dun sa Boracay. Rico and Chiara's wedding is on Saturday. I'll go there with Seb since we're both invited. 10pm ako aalis since ihahatid ko pa ang mga anak ko sa mother-in-law ko para may kasama sila. Dun lang ay makagawa rin ako ng paraan para tulungan kang makalimot." Napaisip siya sa sinabi ng kapatid at kalaunan ay tumango lang siya rito na walang kasiguraduhan.

"I'll think about it, Kuya."

"Alright. Tawagan mo na lang ako kapag nakapagdecide ka na." Saad nito bago umalis sa tabi niya at iniwan siya sa veranda.