Chereads / My Wife is my Father's Mistress / Chapter 12 - Chapter 11

Chapter 12 - Chapter 11

Pagdating na pagdating namin ay pumuwesto agad kami sa dati. Sa harapan para mas maganda ang view namin. As usual ang mga gago may kanya-kanyang babae na naman sa tabi. Umayaw akong may maka-table Ang habol ko lang ay ang mapanood ang babaeng nakamaskara. Isa pa, masakit pa ang sugat ko para lumandi.

Gaya ng dati, maraming kalalakihan ang nag-aabang sa pagsayaw ng babaeng nakamaskara. Nakatatlong bote na ako ng beer nang pinatay ang mga ilaw at pumaimbabaw ang malamyos na saliw ng musika.

Naghiyawan na at nagpapalakpakan ang mga panauhin.

Nang lumabas ang babaeng nakaitim naman ngayon. Itim ang maskara at itim ang kasuotang bikini. Mahaba ang boots na suot at may mahabang itim na guwantes sa kamay. Ngayon, hindi tubo ang props niya kundi isang upuan sa gitna. Doon siya nagpagiling-giling.

Gaya ng nagagawa nito sa ibang lalaki, nilukuban ako ng matinding libog pero ang sa akin, kasama ang puso kong malakas ang kabog. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko dahil simula noon, hindi na nawala ang pantasya kong akin siya. Akin lamang siya.

Gumiling-giling ang babae at pinapaulanan ito ng pera. Nagtiim-bagang ako, dahil alam kong malabong maging akin siya. Malabo pa sa tubig kanal dahil hindo lang naman ako ang nagpapantasya rito. Maari na ngang pag-aari na rin siya ng iba. Nakuyom ko ang aking kamao.

Nang patapos na siyang magsayaw, siya namang may dalawang lalaki ang gustong lumapit sa kanya. Agad silang dinaluhan ng mga nakapaligid na guard. Kinuha ko iyon na pagkakataon para pumuslit sa likod ng stage. Hindi rin ako napansin ng mga kaibigan ko dahil pagkatapos ng sayaw ay naging abala na sila sa mga babae nila. Nag-init sa napanood kaya binaling sa ka-table ang libog.

"Hi!" bati ko nang makababa ang babaemg nakamaskara sa stage. Medyo madilim pero nahalata ko pa rin ang pagkagulat at pagkataranta niya.

"Paano ka..." hindi niya itinuloy ang kanyang sasabihin at nanatili lamang siyang nakamasid sa akin. Nang biglang lumiwanag dahil binuksan na ang ilaw sa club. Dinig pa rin ang pagkakagulo roon. May nagbabasag pa ng bote at humihiyaw.

Napalunok ako nang tumambad sa aking paningin ang kagandahan ng babaeng nakamaskara. Mas nakakahumaling ang ganda niya sa malapitan. Kahit pa nga natatakpan ang mukha niya ng maskara ay masasabi ko pa rin na maganda siya. Hindi katulad ng naisip ko noong una kaming magtagpo. Humahalimuyak ang bango niya sa katawan. Kahit pa sabihing pawis na ito. Halos hindi ako makakilos na para bang naestatwa na ako. Ibang-iba talaga ang dating ng babaeng ito sa akin. Kumislot ang kaibigan ko sa baba.

Naitulos ako sa aking kinatatayuan nang magsimula na siyang maglakad at taas noong nilagpasan ako. Gusto ko siyang lingunin pero parang ayaw naman gumalaw ng katawan ko.

"Umalis ka na bago ka pa mahuli ng mga guard. Siguradong hindi ka na muling makakabalik dito sa club kapag nahuling nandito ka!" Babala niya na hindi ko man lamang binigyan ng pansin. Mas napansin ko ang malamyos na boses niya kahit pa may pagkamataray ang tono. Ang sarap pakinggan.

Narinig ko ang mga yapak niyang muling naglakad palayo. Doon na ako nagising at nagkaroon ng lakas ng loob para magsalita at muling habulin siya ng tingin.

"Sandali, gusto kitang makilala!" malakas ang loob kong pahayag. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi man lamang ako nilingon. Tumawa pa ito na walang halong saya.

"Sorry, pero wala akong balak ipakilala ang sarili ko sa kahit na sino man. Makakaalis ka na bago pa ako tumawag ng guardiya!" muli niyang banta sa akin pero hindi ako nagpatinag. Hindi niya inaasahan ang bigla kong paglapit sa kanya. Baka sakaling maalala niya ako. Ayaw ko namang ipaalala na ako ang nakatalik niya six years ago. Baka mas lalo niya akong iwasan at hindi na makakalapit sa kanya.

"I just really want to know you. At kung maaari..."

"Hoy! Anong ginagawa mo rito?" Napalingon kaming pareho sa sumigaw. Isang lalaking malaki at bato-bato sa muscles ang katawan.

Napasinghap ako dahil alam kong wala akong laban sa laki nito. Puwede ko naman ipagtanggol ang sarili ko pero alam kong sa hospital ang bagsak ko. Wala sa sariling napakapa ako sa aking sugat. Hindi iyon masakit ngayon dahil uminom ako ng dalawang pain reliever.

"Hayaan mo siya, Lito. Ako ang tumawag sa kanya dahil may tinanong ako," maawtoridad na saad ng babaeng hanggang ngayon ay hawak ko pa rin sa braso. Tumingin ang mga mata niyang kulay bughaw sa pagkakahawak ko. Kaya naman binitiwan ko ang kanyang braso.

Alam kong nakasuot ito ng contact lens. Hanggang sa mata ay pilit pa rin niyang itinatago kung sino siya.

Hindi nagpatuloy ang tinawag niyang Lito sa paglapit sa akin. At hindi na rin ako nakahuma noong tuluyang umalis ang babaeng nakamaskara. Kuyom ang kamao at bagsak ang balikat akong umalis sa likod ng stage. Kaya lamang ay may malaking ngiti na nakapagkit sa aking labi. Hindi ko man nalaman ang pangalan niya, kuntento na ako na ipinagtanggol niya ako. Hindi niya ako ipinahamak.

Pumuslit muli ako at hindi nagpahalata kung saan galing. Nagtungo muna ako sa banyo bago muling bumalik sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko.

"Saan ka galing?" tanong ni Aiden noong maka-upo na ako. Akala ko pa naman hindi niya ako mapapansin. Namumungay na ang mga mata niya dahil sa alak na nainom. At maaring sa libog na nadarama na rin.

"Diyan lang sa banyo," kaswal na sagot ko. Kumuha ako ng inumin at tinungga iyon.

Pagkababa ng bote, nagsalubong ang kilay ko sa pamamaraan ng pagtitig sa akin ni Aiden. Na para bang nagsisinungaling ako. Well, nagsisinungaling nga ako pero wala na siya dapat pakialam doon. Muli kong tinungga ang alak.

"Nakipagmake-out ka siguro doon sa waitress ano?"

Bigla akong nabilaukan sa iniinom dahil sa akusa niya. The fuck! Kung ano-ano pumapasok sa isip ng gago. Pinasukan na yata ng hangin na nakakapagpabobo. Paano kaya niya napapatakbo ng maayos ang negosyo nilang construction supplies.

"Ogag ka talaga kahit kailan!" singhal ko na ikinangisi niya. Alam kong nakikinig si Heron na tatawa-tawa rin lang habang lamas na lamas na ang babaeng katabi sa kahihimas niya.

"Sinong waitress?"singit na tanong ng babaeng makapal masyado ang drawing sa mukha. Nagmumukha tuloy clown. Ewan ko kung bakit nagustuhan ito ni Heron. Sabagay kahit pangit basta may butas papatusin ni Heron.

Naigala ko tuloy ang mga mata ko. Oo nga, bakit wala si Yssa ngayon? Hindi ko siya nakita.

Okay lang kaya iyon?

Hindi sa nag-aalala ako sa kanya. Nasanay lang talaga ako na nakikita siya sa tuwing pumupunta kami rito. Hindi nga lang talaga lumalapit sa amin. Naiimbiyerna yata sa babae ni Heron. Kahit ako man, gusto kong ingudngod sa semento ang mukha para mabura iyong drawing nitong kasing kapal.ng kanyang pagmumukha.

Muli kong pinagala ang tingin. Baka naman nagkaroon na iyon ng problema o nasangkot na naman sa gulo.

"Ano 'ng pangalan? Yssa ba?" muling tanong ni Aiden. Pinanlakihan ko siya ng mata. Napansin ko naman ang pag-asim ng mukha ng babaeng nagngangalang Bev.

"Yssa? O, wala siya. Nagday-off. Baka nakipagtanan na sa boyfriend niyang tricycle driver," kaswal na saad ng babae habang nilalandi si Heron.

Nakuha niya ang aking atensiyon sa pahayag niyang iyon. May boyfriend na si Yssa? Hmm, sino naman kaya ang masuwerteng lalaki? Sa totoo lang good catch si Yssa. Maganda na, workaholic pa. At mukhang birhen pa. Sayang naman kung sa tricycle driver lang siya mapunta.

Naipilig ko ang aking ulo. Isa rin akong malaking tarantado sa naiisip. Talagang pinag-iisipan ko pa si Yssa ng masama. Ano nga ba ang laban ng isip sa pag-ibig? Wala! Ako nga kung sakaling pansinin at bigyan ako ng pagkakataon ng babaeng nakamaskara ay tatanggapin ko maging sino man siya. Maging madilim man ang nakaraan niya ay kaya ko sigurong tanggapin. May anak man ito, basta walang asawa. Natawa ako sa huling naisip.

Tang ina! Nababaliw na nga yata talaga ako. Yayain ko na nga lamang umuwi ang mga ito. Baka mas lalo akong mabaliw lalo na at hindi na yata aabot sa kama itong si Heron. Halos mahubaran na niya ang kasamang babae.