⚠ Mature content! Tamang disiplina sa pagbabasa ang kailangan.
"Welcome sa Star Family, Davagne!"
Masayang bungad ng mag-asawang Lucy at Necanor Star kay Davagne Lustre, Pag-dating niya sa Hacienda Star. Sinundo siya ng isa sa mga katulong ng pamilya dahil gusto raw ng mag-asawa na surpresahin siya sa pag-dating niya sa bahay ng mga ito.
Lumaki sa Ampunan si Davagne. Ayun sa mga madre na nag-alaga sa kanya sa ampunan, sanggol palang siya ng iwan siya ng kanyang ina sa gate ng ampunan, nakabalot ng jacket sa loob ng isang kahon. At ngayon nga, limang taon na siya, siya ang maswerteng napili upang ampunin ng mag-asawa.
"S-Salamat po." Nahihiyang nasambit ni Davagne habang naka-yuko.
Naka-ngiting nilapitan siya ng mag-asawa at saka niyakap. Ramdam niya ang saya ng mga ito sa pag-dating niya. At aminin man niya sa sarili o hindi, sobrang saya din niya dahil iyon ang unang pagkakataon na maramdaman niya ang yakap ng mag-asawa. Sa wakas, may mga magulang na siyang ituturing.
That day was his happiest day ever! Lalo na ng malaman niyang may kapatid pala ang kanyang Papa Necanor.
Eckiever Star ang pangalan ng lalaki. Sampung taon ang tanda nito sa kanya. Nag-aaral si Eckiever sa Star academy na pag-mamay-ari din ng pamilya Star.
Well, ang Star family ay ang pinaka-mayaman na pamilya sa buong probinsya ng Palawan. Sa lapad ng lupain ng mga ito sa San Vicente Palawan, kasama ang mga negosyo na itinayo sa siyudad ng Puerto Princesa, literal na mayaman talaga ang mga ito. Hindi pa kasama ang mga negosyo sa Manila at Cebu.
"Enough crying. Baka mahimatay ka nanaman." Narinig ni Davagne si Eckiever ng magsalita sa kanyang tabi.
Napa-balik siya sa kasalukuyan. Oo, inaalala niya ang araw kung paano siya napunta sa Star family. At mabigat sa kanyang dibdib ang malaman na sa halip na yayakapin siya ng mga magulang na umampon sa kanya, siya ang yumakap sa walang buhay nitong mga katawan.
Kahapon dumating ang balita sa kanila na namatay daw sa car accident ang mag-asawang Star. Literal na ikinagulat niya iyon, at hindi din niya pinaniniwalaan. 20 years old na siya, he's living his life free from worries. Bagamat hindi pa siya nag-tatrabaho dahil inaaral pa niya ang negosyo ng mga magulang, hindi naman siya pasaway.
"Anong sabi ng mga police? Nahuli na ba ang suspek, Uncle?" Tanong ni Davagne habang pinupunasan ang kanyang mga luha.
Hindi parin niya matanggap na wala na ang mga mababait niyang mga magulang. Inalagaan siya ng mga ito, hindi pinabayaan kahit minsan. Tapos babawiin lang ni Lord ng ganun-ganun lang?
Naramdaman ni Davagne ang pag-tapik ni Eckiever sa kanyang balikat. "They're still searching for him. Wag kang mag-alala, mahuhuli din ang driver na bumangga sa kotse nila Kuya." Mahinang sagot ng lalake sa kanya.
Muli siyang napa-singhot bago tiningnan ang dalawang kabaong sa kanyang harapan. Maraming bisita ang dumating sa lokasyon kung saan naka-burol ang mag-asawa. Nakikiramay sa pagkawala ng mabubuting mag-asawa.
"Sonia, ikaw na muna ang bahala sa mga bisitang dumarating, ihahatid ko lang si Davagne sa kanyang silid." Narinig niyang sabi ulit ng kanyang Uncle.
Ang kinakausap nito ay ang mayordoma sa mansyon. Pagkatapos ay inalalayan siya nitong tumayo upang akayin papunta sa kanyang kwarto sa ikalawang palapag ng bahay.
"I wanna stay here.." Pabulong na sabi ni Davagne ng makatayo.
"Simula kahapon, apat na beses ka ng nawalan ng malay dahil sa kaka-iyak. Wala ka parin tulog na maayos. Magpahinga ka muna. Ako na bahala sa mga bisita." Mahinahon ang paraan ng pagsasalita ni Eckiever habang kausap siya.
Kaya napa-singhot lang si Davagne at napa-yuko.
30 years old na si Eckiever ngayon. At kahit pa nga lalaki si Davagne at ampon lang sa pamilya. Tinanggap din siya ng binata bilang pamangkin. Ito ang nagpapakain sa kanya noon kapag wala sa bahay ang mga magulang. Eckiever is a definition of responsible man. Hindi siya nito kinakalimutan na i-check kapag hindi siya bumababa sa hagdan tuwing nagkakasakit siya.
Kaya hindi na nakapagtataka na lumapit na ng husto ang loob ni Davagne sa lalaki. Tinuring na talaga niya itong kamag-anak.
Namalayan na lang ni Davagne na nakapasok na pala sila sa kanyang sariling silid. Pina-upo siya ni Eckiever sa gilid ng kama bago inumpisahang hubaran ng damit.
Davagne is 20 years old, pero ang kanyang katawan ay parang sa 15 years old. He's small although he's 5'3 foot tall. Well, bakit naman hindi siya magiging maliit kung ang lalaking sa nasa harapan niya ay 6'2 foot tall?
Lahi ng matatangkad kasi ang pamilya Star. Ang kanyang ina na si Lucy Star ay 5'9, si Necanor naman ay 6'1. Kaya siguro hanggang ngayon, baby parin ang turing sa kanya ni Eckiever.
"Wear this white shirt. Matulog kana pagka-labas ko. Gigisingin kita mamaya kapag kakain na, okay? And stop crying, it's not good for your health." Bilin pa ng lalaki habang binibihisan siya.
"I miss them.." Bulong ni Davagne bago muling suminghot.
"Davagne, we all misses them. Pero kailangan nating tanggapin na wala na sila. It's for their to die peacefully too."
Totoo talaga na matapang si Eckiever. Kahit kasi sa ganitong sitwasyon, nanatiling blangko ang ekspresyon nito. Bagama't ilang beses itong natulala sa harap ng mga police. Nakita din ni Davagne kung paanong ikuyom ng lalaki ang mga kamao ng palihim. Sa madaling salita, magaling magtago ng totoong damdamin si Eckiever.
Napa-tango si Davagne bago itinaas ang mga paa at ipinatong sa kama. Hanggang sa tuluyan ng humiga.
"Uncle, why don't you also take a rest? Wala ka parin tulog simula pa kahapon." Nahagip ng kamay ni Davagne ang laylayan ng itim na coat ni Eckiever.
"I'll do that later. Sleep now."
Pagkatapos nun ay tuluyan nang lumabas ng silid si Eckiever at iniwan si Davagne na muli nanamang umiyak mag-isa.
Mabilis na lumipas ang limang araw at inihatid rin sa huling hantungan ang katawan ng mag-asawa. At tulad ng inaasahan, marami ang nakipag-libing. Hindi iniwan ni Eckiever si Davagne habang inililibing ang kapatid at ang asawa nito. Kaya ng maramdaman niyang nabuwal si Davagne, mabilis niya itong nasalo at tsaka binuhat.
Inaasahan na niya na mawawalan ito ng malay. Kahit pa kasi noong bata ito, madalas na itong mawalan ng malay. Wala namang sakit sa puso ang kanyang pamangkin, pero talagang mahina lang ang puso nito pagdating sa mga madadamdaming senaryo.
Pagkatapos ng libing, dinala niya ang wala paring malay na si Davagne sa sasakyan. Tsaka inutusan na ang kanilang driver na umuwi na. Pagdating sa Hacienda, dumiretso na si Eckiever sa mansyon upang dalhin sa silid si Davagne. At tsaka kailangan na rin niya magpahinga. Ilang araw din siyang kulang sa tulog.
"Senyorito, anong pagkain ang ihahanda ko mamaya?" Tanong ng isa sa mga tagapag-luto sa Hacienda.
"Something with soup. Lagaan mo rin ng fresh eggs si Davagne. Magpapahinga muna kami, lalo na ako, sobrang pagod ko." Sagot ni Eckiever bago tuluyang umakyat sa hagdan.
Pag-baba nga niya kay Davagne sa kama, hindi na rin siya nagdalawang isip na humiga sa gilid ng pamangkin at tsaka doon na natulog.