"Where you said you're going to?"
Madilim ang anyo na tanong ni Eckiever kay Davagne ng makita niya itong naka-suot ng leather black jacket na tinirnuhan ng itim din na pantalon. Suot nito ang itim na cap na bumagay sa hubog ng mukha ng binata.
Isang linggo na simula ng lumipat sila sa Manila. Tagumpay din ang pag-transfer niya sa Philippine University. Ang nabago lang sa mga kilos ni Davagne, napapa-rami ang araw na lumalabas siya ng bahay upang makipagkita sa mga kaibigan.
Hindi siya tumatambay lang, actually, pumupunta sila sa dance studio na pagmamay-ari ng pamilya ng kaklase niya.
"Outside. I'll be back before midnight, Uncle."
"Dave, isang linggo ka palang sa Manila, saan mo plano pumunta at sino ang kasama mo? Manila is different from the province."
"I know. Kaya nga hindi naman ako gagala sa mga lugar na bawal. Sa dance studio ako pupunta." Sagot ni Davagne bago inayos ang sumbrero na suot.
"Dance studio? You know how to dance?" Nahilot ni Eckiever ang noo bago pailalim na tinitignan ang pamangkin.
Napapansin niyang dumadalang na ang pag-lalapit nito sa kanya. Bihira nadin umarteng bata na gusto palagi ang pinagtutuunan ng pansin. Nagsimula ang pagbabago noong dumating sila sa Manila.
"Yeah. Aalis na ako, dinala ko yung credit card na binigay mo."
"Hold on!" Mabilis na nahawakan ni Eckiever ang braso ng binata at hinila ito pabalik.
Lihim naman na natigilan si Davagne. Pero sinikap parin na maging kalmado.
"Why?" Tanong niya.
"Magpahatid ka sa driver. And don't forget to call me kung may problema. I'll be in my room, may mga papeles akong susuriin." Ani Eckiever habang naka-titig sa binatang pamangkin.
"En. Okay."
Pagkatapos tumango, sumirit na si Davagne palabas ng bahay at walang lingon likod na isinara ang pinto. Malapad ang condo unit na tinitirhan nila, dalawa ang kwarto kung saan ay tig-isa silang dalawa. May katulong na stay-out. Iba pa ang nag-luluto ng kinakain nila.
Pagbaba sa parking area, sinalubong na si Davagne ng driver na tinawagan ata ng kanyang Uncle. Tinanong pa kung saan siya pupunta kaya itinuro din niya. Ang distinasyon, Pasig City.
"What took you so long? Kanina pa kami nag-hihintay." Salubong sa kanya ni Daniela.
Daniela Divas, 21 years old. Kaklase ni Davagne. Bagamat anak mayaman si Daniela, iba ang hilig ng dalaga. Nag-apply kasi itong saleslady sa isang drugstore na malapit lang din sa dance studio ng mga magulang nito.
"Sorry, my uncle questioned me a lot." Natatawang paumanhin ni Davagne.
"Your uncle again huh. Dinaig pa niya ang Papa mo, infairness."
"Let him be." Ani Davagne bago pumasok sa studio. "Where is everyone?"
Napansin kasi niya na walang tao sa loob.
"Huh! Actually naiinis din ako. Hindi man lang sinabi sa akin nila Kuya Cole na birthday pala niya ngayon. So ayun, nauna na sila sa resto bar. Ikaw nalang hinihintay ko."
"Resto? Pero hindi ako nagpaalam na pupunta ako sa resto?"
"Hello! Nasa tamang edad kana! Pwede kana magkaroon ng night life. At isa pa, safe ang lugar dahil pag-aari ni Cole." Ani Daniela pagkatapos siyang bigyan ng hampas sa balikat.
Okay lang ba talaga? Paano kung galitan siya ni Eckiever? Masyado pa namang strict yun kahit pa nga hindi halata.
"But-"
"No buts! Hintayin lang natin na maka-alis yung driver mo, sasakay na tayo sa kotse ko." Putol ni Daniela sa pag-aalangan niya.
Hindi na rin naman nakasagot si Davagne. Kunsabagay, tama naman ang kaibigan niya. Adult na rin naman siya. At isa pa, hindi naman siya nagrereklamo kapag umaalis ang kanyang Uncle ng gabi at uuwi madaling araw na.
Hindi siya inosente para hindi mahulaan na galing ito sa bahay ng nobya niyang si Joan. Sa loob ng isang linggo na dumating sila sa Manila, tatlong beses na rin na nagkita ang dalawa. Bagama't hindi pa ito ipinapakilala sa kanya ng kanyang Uncle.
"Alright, he's gone. Let's go!" Hinila ni Daniela ang kanyang kamay kaya napasunod nalang siya dito.
So ayun nga, binyahe nila ang kahabaan ng daan papunta sa Resto na pag-aari daw ni Cole. Hindi naman kalayuan sa dance studio.
Oo nga pala, Cole is an adult man who owns resto businesses. He's 30 years old tulad ni Eckiever. Nakilala niya ito sa dance studio ng minsang ihatid nito ang kapatid.
Pagbaba nila sa sasakyan, hinila na siya ni Daniela at dinala sa loob. Si Daniela din ang nakipag-usap sa security kaya mabilis silang nakapasok.
"Yo! We're here!" Sigaw ni Dominic. Kapatid ni Cole Lauren.
Masayang sumugod dito si Daniela habang hila-hila parin siya. "Geez, saan si Kuya Cole?"
"Oh! Nasa loob pa. Kinakausap yung mga trabahador niya. Hello, bro!" Bati ni Dominic kay Davagne.
Ginantihan naman ito ng tango ng binata. "-low. Musta?"
"Okay naman. Sensya na, nakalimutan kong sabihin sa inyo ni Daniela na birthday ni Kuya ngayon. Sit, nag-order na ako ng drinks." Ani Dominic.
Drinks, paano ba sasabihin ni Davagne na hindi pa siya nakakaranas uminom? Nevermind, hindi masama ang sumubok.
At nag-simula nga ang inuman ng dumating na si Cole. Well, sa una, low alcohol lang ang iniinom nila, hanggang sa umorder na si Cole ng medyo malakas. At hindi narin naiwasan na mag-simulang maging madaldal si Daniela.
"Napansin kong hindi ka masyadong umiinom. Is this your first time?" Sabi ni Cole malapit sa kanyang tenga. Malakas ang tugtog kaya medyo mahirap magkaintindihan.
"Yeah." Tipid naman na sagot ni Davagne.
"I see, don't worry, ihahatid kita kung sakaling malasing ka."
"Thanks."
Nag-patuloy ang inuman at pagpapak ng pulutan ni Daniela. At napapadalas naman ang sulyap ni Davagne sa kanyang relo. Pakiramdam niya, mabilis lumipas ang oras. 10:30 na ng gabi.
"Come on! Cheers!" Sigaw ni Dominic na inayunan ng mga bagong kasama nila sa table.
Actually, hindi nga alam ni Davagne kung paanong dumami na sila sa table. Tinungga niya ang bote ng San Miguel at tsaka pasimpleng sinulyapan ang pwesto ni Cole. Mabuti nalang, hindi umiinom ng alak ang lalake. Nangako kasi ito na ihahatid siya pauwi.
Although, pwede naman niyang tawagan nalang si Eckiever.
"Hey! Davagne, diba Uncle mo yung Chairman ng Star Company? Balita ko gwapo yun. Tell me, is he single?" Lasing na si Daniela. Kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig.
Pero mukhang lasing na rin naman siya. Dahil bigla na rin siyang napasagot.
"He's taken. Enough with your fantasy."
"Oh shit! Bigo kana agad, girl!" Sigaw ni Dominic kay Daniela na napa-pout.
"Shut up, Dominic. But wait, taken by his wife or girlfriend?" Ani Cole.
"Girlfriend." Wala sa loob na sagot ni Davagne.
Hindi yun naka-takas sa paningin ni Cole. Napataas ang kilay nito at tsaka napa-cross ng mga braso.
"Girlfriend lang pala eh. Pwede ko pa sungkitin!" Ani Daniela na sinuportahan naman ng mga lasing na kainuman.
Samantalang nanatiling walang imik si Davagne at muling kumuha ng isang bote ng alak at tsaka tinungga.
"It'll be difficult kung ikaw ang susungkit, Daniela." Wa sa sariling nasambit niya.
"What? Why naman?! Maganda ba ang girlfriend ng Uncle mo?" Palatak ni Daniela na tinawanan ni Dominic.
"Baka hindi ka pasado sa standards." Pang-aasar pa nito.
Inubos muna ni Davagne ang laman ng bote bago siya nag-salita. "Well, because I will surely stop you from approaching him. I want him for myself, you know?"
Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang yan, tugtog nalang ang narinig ng grupo dahil literal na walang nakapag-salita.
Well, except for one girl na naka-upo sa grupo. She's pretty and elegant too. Is she perhaps a model?
"What do you mean, you want him for yourself? Don't tell us, you swing that way?"
Si Davagne lang ba ang nakapansin? Bakit parang medyo sarkastiko ang paraan ng pagsasalita ng babae?
"Swing what? You mean, I can't like him as a man?" Yep! Lasing na siya.
At napansin yun ni Cole. Kaya mabilis itong lumapit sa pwesto ni Davagne upang awatin ang umuusok pa lang na apoy sa pagitan ng dalawa. Pero mukhang walang planong tumigil ng babae. Dahil bigla uli itong nagsalita.
"So, you're gay, and you actually like your Uncle? Alam ba niya na bakla ka?"
"Oh shit, that was below the belt, girl!" Mabilis na tumayo si Daniela at hinarangan si Davagne upang protektahan.
"Heh! Bakla huh. What if I am, apektado ka?"
Sa halip na batuhin siya ng salita, isang malakas na halakhak ang pinakawalan ng babae bago tumayo.
"Well, good luck. Haha! I'm excited to know kung ano ang magiging reaksyon ni Eckiever kapag nalaman niya ang totoo?" Anito bago iniwan ang grupo.
Si Davagne naman ay parang nahimasmasan. Mabilis siyang napatayo at humihingal na napa-hawak sa kanyang dibdib. Paanong nalaman ng babae ang pangalan ng kanyang Unang?
"Fuck, what did I just do?" Bulong niya sa sarili.
"Hey relax. Sigurado naman na hindi kilala ng Uncle mo ang babaeng yun. Why don't I send you home now?" Ani Cole habang sinisenyasan ang kapatid na magpatuloy lang sa pag-enjoy.
So ayun nga, hindi alam ni Davagne kung paanong nakalabas siya ng resto bar. Ang alam lang niya, heto siya ngayon sa gilid ng Manila Bay, katabi si Cole habang umiinom ng royal softdrinks.
"So, you're gay?"
Napaflinch si Davagne sa narinig. Parang gusto niyang lumubog sa kinauupuan. Actually, hindi niya ang alam ang totoong sagot sa tanong na yan. Hindi rin niya alam na sasabihin niya ang ganun sa inuman.
Is he gay? Hindi niya alam.
"I don't know, pero kung itatanong mo sa akin kung gusto ko nga si Uncle, masasabi kong-" napa-tingin si Davagne sa madilim na karagatan. "Bawal ba mahalin yung taong nagpaparamdam sayo kung gaano kaganda ang mabuhay na may pamilyang nag-aalala sayo?"