Chereads / GUARDIAN SERIES: Eckiever / Chapter 5 - KABANATA LIMA

Chapter 5 - KABANATA LIMA

Philippine University.

"Bakit naka-sunglass ka?" Bulong ni Daniela ng makita siya nito sa loob ng kanilang classroom.

Naka-panagalumbaba si Davagne habang naka-titig sa labas ng bintana. Thinking if his Uncle will avoid him until he and Joan got married. Iniimagine palang niya, parang nahihirapan na siya huminga.

Kailan ba nagsimula na maramdaman niyang gusto niya si Eckiever Romantically? Wala siyang ibang matandaan maliban noong araw na dumating sila sa Manila. Yun na ba talaga ang simula? No, actually, Yun ang araw na nalaman niya na gusto niya si Eckiever.

"Daniela, kilala mo ba yung babaeng naka-sagutan ko kagabi?" Sa halip na sagutin ang tanong, binato niya ng tanong ang kaibigan.

"Hm? Yung babaeng wagas maka-lait? No. Pero baka kilala ni Kuya Cole, gusto mo ba tanungin ko?"

"No. Just give me his number, ako na magtatanong." Napa-sandal sa upuan si Davagne at tsaka napa-tingala.

Ilang sandali lang, tumunog ang cellphone niya.

"Done, sinend ko na sayo yung number. Pa-practice ka ba mamaya?" Yung sayaw ang tinutukoy ni Daniela.

Hobby lang naman niya ang pagsasayaw. Kaya hindi niya alam kung sa salitang ba siya sa mga activities ng school. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tsaka tiningnan ang acreen photo na naka-display. Picture nila ng kanyang Uncle ang naroon.

"Let me ask my Uncle first." Tipid niyang sagot sa kaibigan.

"Okay! Iiwan muna kita dito, kailangan ko pumunta sa library."

Tango lang ang naging sagot ni Davagne. Bago nagsimulang mag-type.

Davagne: Uncle, can I go to my friend's dance studio later?"

Normally, isang chat or text nya lang kay Eckiever, mabilis itong nag-rereplay. Kaya ngayon na alam ni Davagne na iniiwasan na siya ng lalake, sigurado na hindi ito magrereply agad. And he's right. Dahil 2 minutes na ang nakalipas, wala parin ito nag-rereplay.

Napahigpit ang hawak niya sa cellphone. It's his fault. Kung hindi siya nag-lasing kagabi at nagdakdak doon sa resto, hindi sana ganito ang sitwasyon nila ng lalake ngayon.

"Damn! Uy! Davagne, wala daw tayong klase ngayon. Naaksidente yung isang teacher at pumunta sa ospital yung iba pa."

Nilingon niya ang kaklase na bagong pasok. Nakalimutan niya ang pangalan nito pero tinanguan pa rin niya bilang response.

So ngayon na walang pasok, saan siya pupunta? Nai-tap niya ang daliri sa arm rest ng upuan. Napa-flinch lang siya ng marinig ang phone na tumunog. At literal na parang tumalon ang puso niya ng makita kung sino ang nag-chat.

Eckiever: "Do whatever you want."

Dinaig pa niya ang ipinako sa kinauupuan ng mabasa ang chat. Ito na ba ang simula ng paglayo nilang dalawa sa isa't-isa? Why is it so painful?

Dahil dito, isinara niya ang phone at tsaka isinukbit ang bag sa likod. Pag-labas ng classroom, tinungo niya ang exit gate. Hatid sundo siya ng driver sa school kaya kung hindi niya ito tatawagan, hindi rin ito susundo.

Nang makita ang taxi, pinara niya iyon at tsaka sinabi kung saan siya pupunta.

Samantala, Star company.

Kababalik lang ni Eckiever mula sa lunch meeting. Muli niyang tiningnan ang cellphone at nahilo't niya ang noo. Hindi naman niya gusto ang nangyayari. Davagne was right, Hindi naman siya pinpressure ng lalake kahit pa nga pala iba na ang nararamdaman nito para sa kanya.

Pero hindi iyon rason para hindi niya maisip na sa bawat gabing umaalis siya upang makipagkita sa nobya, lihim palang nasasaktan ang binata. Kailan pa nagsimula ang nararamdaman ni Davagne para sa kanya?

Sa tuwing naiisip niya yun, hindi mapigilan ni Eckiever ang hindi mapalunok. Natigilan lang siya ng mag-vibrate ang kanyang phone.

"You've successfully fully paid the two bedrooms condo. Thank you for choosing us!"

Fully paid?! Napakunot ang noo ni Eckiever. Hindi siya bumili ng condo- wait.. Binigay niya nga pala sa pamangkin ang isa niyang credit card. Walang pagdadalawang isip na tinawagan niya ang pamangkin. Kaya lang, hindi niya ito makontak!

"Damn it!" Gigil na muling sinubok ni Eckiever na tawagan ang numero ni Davagne.

Naka-ilang subok na siya pero hindi talaga niya ito makontak. Kaya ang kompanya ng may-ari ng condo unit ang kanyang tinawagan.

"Makati con-"

"Nandyan paba yung 20 year old boy na bumili ng condo ninyo?" Deritsong tanong niya sa sumagot.

"Oh! No sir. Actually kaka-alis lang niya. Pero sabi niya, babalik din siya bukas makalawa para lumipat."

"What?!"

"Ahm.. Is there something wrong?"

"Never mind!"

Pinutol agad ni Eckiever ang tawag at tsaka mabilis na tinawagan ang kanyang driver. Puno ng pangalang Davagne ang kanyang utak habang palabas ng kanyang opisina. May pagmamadali ang mga hakbang na tinungo niya ang elevator pababa sa ground floor.

"Bring me back to my house." Ma-otoridad niyang utos sa driver paglabas niya ng building at makita itong naghihintay.

Habang tumatakbo ang sasakyan, hindi mapigilan ni Eckiever ang hindi mapakali. Ito kasi ang unang pagkakataon na kumilos ang kanyang pamangkin na hindi ipinapaalam sa kanya. Anyway, even back when his older brother and sister-in-law were still alive. Hindi kasi ugali ni Davagne ang gumawa ng isang bagay na hindi ipinapaalam sa kanila.

Dahil dito, hindi na nila naiwasan ang talagang magustuhan ang kabaitan ng ampon. Lalo't hindi rin ito pala-reklamo.

Wait- pala-reklamo?

Natigilan si Eckiever, bakit ba nakalimutan niya yun? Hindi nga pala ugali ni Davagne ang magreklamo kahit pa nga nasasaktan na ito. Kahit pa nga noong masugatan ito sa kakalaro noong 10 years old ito, hindi ito nagreklamo na masakit.

"I'm fine, really." Yan ang palagi nitong sagot.

Pero kagabi, kagabi.. Sa unang pagkakataon, after 15 years, nagawang mag-reklamo ni Davagne sa kanya. Namura ni Eckiever ang sarili ng maalala ang takbo ng usapan nila ng pamangkin.

The way the little guy cried.. It's kinda..

"Damn it!" He cursed once again.

Ilang minuto lang, narating niya ang condo unit nilang dalawa. Nagmamadaling tinungo niya ang elevator nang makapasok siya sa building. Although, he suddenly paused ng bigla siya makaramdam ng pag-kahilo.

"Sir?" Nag-aalalang tanong ng security guard na nag-lalakad. "Are you okay? You look pale."

"Shit.." Yun lang at tuluyan na ngang nagdilim ang paningin ni Eckiever.

Wala pa nga pala siyang tulog simula pa kagabi.

Nagkamalay lang siya ng maramdaman ang basang tela na ipinupunas sa kanyang noo. Ramdam din niya ang kilos sa gilid ng kanyang higaan. Saan ba siya?

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at kahit nanlalabo, nakita niya kung sino ang naka-upo sa gilid ng kama at inaasikaso siya.

"Davagne.." He mumbled.

Bahagya natigilan ang kanyang pamangkin subalit saglit lang. Muli itong nagpatuloy sa ginagawa.

"Just sleep. Pinatawag ko na yung cook natin." Mahinang sagot ng binata.

Nahihilo parin si Eckiever, kaya hindi na niya nilabanan ang paghila ng antok.

Samantala, napa-buntong hininga si Davagne ng makitang naka-tulog na ulit ang kanyang Uncle Eckiever. Kahapon, sakto pagdating niya sa condo, nakita niya kung paanong mabuwal si Eckiever sa harap ng Elevator.

Kaya nagpatulong siya sa security guard upang dalhin si Eckiever sa kanilang condo. And yes, kahapon pa tulog ang binata dahil ayun sa doctor na pinatawag ni Davagne, over fatigue and lack of sleep ang dahilan kung bakit ito nahimatay. Ang ending, tuluyan na rin itong nagkasakit.

And everytime na magkakamalay ito, pangalan ni Davagne ang palagi nitong binabanggit.

"I'm planning to leave the house tomorrow. Pero heto ka't may sakit." Bulong ni Davagne habang naka-titig sa natutulog na si Eckiever. "Hindi ko alam kung bakit palagi mong tinatawag ang pangalan ko, but that's a foul you know?"

Bumaba ang tingin ni Davagne sa labi ng binata. It's so pretty. Pulang-pula ang mga ito dahil siguro sa lagnat ng binata. Wala sa sariling napa-yuko si Davagne. Natigilan lang siya ng makitang nangunot ang noo ng kanyang pasyente.

"Pag-gumaling kana, saka na lang ako aalis. Ako na lang ang aalis para hindi na ikaw ang umiwas sa akin. Siguro naman, sa susunod na magkita ulit tayo, pwede ko na sabihin sayo na hindi na kita gusto." Bulong ni Davagne bago muling tinignan ang mapupulang labi ni Eckiever.

Napalunok siya ng ilang beses bago tuluyang tinawid ang ilang pulgadang pagitan nilang dalawa.

Alam niya, masama ang harasin ang isang taong tulog. But who cares? Wala naman nakaka-alam. At isa pa, tulog ang kanyang pasyente. Pangalawa, aalis na siya. Hindi ata masama ang samantalahin niya ang pagkakataon diba?

Nang makontento sa ilang segundong paglalapat ng kanilang mga labi, namumula ang mukha na binawi ni Davagne ang sarili at tsaka wala sa sariling binuhat ang plangganita palabas ng silid ni Eckiever.

Hindi niya alam kung halik ba ang ginawa niya. Iyon kasi ang unang pagkakataon na may labing dumikit sa kanyang labi. Whatever! Ang mahalaga, nagawa niya ang kanyang gusto!

So, that action of his didn't stop there. Sa tuwing papasok siya sa kwarto ng kanyang Uncle, hinahalikan niya ito kapag alam niyang tulog. Medyo bumaba na rin ang lagnat nito kaya alam niyang malapit na ito maka-recover. It's okay kung magtatapos na ang pananamantala niya, ang mahalaga, naka-ilang dampi ng labi na siya!