Chereads / Day Zero: Fairview Outbreak / Chapter 55 - Kabanata 55: Ambulansya ng Pag-asa

Chapter 55 - Kabanata 55: Ambulansya ng Pag-asa

Kabanata 55: Ambulansya ng Pag-asa

Kinabukasan, habang nagkakape sina Mon at Joel sa Hilltop, biglang dumating si Doc Monchi. Halata sa mukha nito ang pag-aalala.

"Mon," sabi ni Doc, "pwede bang mag-request? Hanapan nyo ako ng antibiotics, paubos na ang suplay natin ng gamot. May lagnat kasi ang bata natin na si Enzo. Kawawa naman siya."

Tango agad ang isinagot ni Mon. "Tama ka, Doc. Isa yan sa kailangan natin. Sige, aasikasuhin namin agad."

Tinawagan ni Mon sina Jake at Andrei gamit ang radyo. "Jake, Andrei, may mission ako para sa inyo. Bumaba kayo papunta ng Bigte. Subukan ninyong maghanap ng antibiotics sa mga drugstore doon. Pero tandaan nyo, huwag kayong masyadong lumayo. Tumawag agad sa radyo kung may problema. Gamitin nyo na rin ang motor nila Macmac."

---

**Paghahanda para sa Mission**

Pumunta sina Jake at Andrei sa bahay nina Macmac at Emjay sa San Lorenzo upang hiramin ang mga motor. Pagdating nila, agad nilang ipinaliwanag ang plano.

"Mac, pahiram ng dalawang motor mo. Pupunta kami ng Bigte para maghanap ng gamot," sabi ni Jake.

"Cge, kunin nyo lang dyan, eto ang susi," sagot ni Macmac habang iniabot ang mga susi. "Ingat kayo sa mga zombie at mga tao sa daan. At tandaan nyo, huwag kayong basta-basta magtitiwala. Baka magaya kayo kina Mon at Joel nung nakaraang linggo."

Natawa si Jake. "Salamat, Mac! Balik agad kami."

---

**Sa Landas ng Bigte**

Habang nasa biyahe, tahimik ang paligid. Ang tanging ingay ay mula sa mga makina ng motor na sinasakyan nila. Walang ibang tao sa kalsada, maliban sa iilang zombie na pakalat-kalat na parang lasing sa paglakad.

"Mga matatagal na zombie na 'yan," sabi ni Jake. "Mabagal na sila kumilos. Pero kapag bagong zombie, ang bibilis tumakbo. Naalala mo ba nung unang kita natin sa mga zombie sa SM Fairview? Para tayong nasa laro ng *Left 4 Dead* nun."

Tumawa si Andrei. "Oo nga, ang bibilis nila nun. Ngayon, parang mga lasing na lang."

---

**Paggalugad sa Bigte at San Jose**

Pagdating sa Bigte Wet and Dry Market, nalibot nila ang lugar ngunit wala silang nakita. "Simot na," sabi ni Jake. "Tara, lipat tayo."

Nagpatuloy sila sa Quirino Highway at nakarating sa Starmall San Jose del Monte.

"Tara, pasukin natin," yaya ni Jake.

"Kaya ba natin dito? Baka maraming zombie sa loob," tanong ni Andrei.

"Kung meron man, mga 'wasted' na 'yan, parang mga bangengeng lasing na lang," sagot ni Jake sabay tawa.

Pagpasok nila, napansin nilang halos wala nang natirang loot sa mall. "Wala na talaga, ilang buwan na kasi ang lumipas. Sigurado ako, hindi lang tayo ang nakaka-survive. Baka may ibang looter din na nakaloot dito," sabi ni Andrei.

---

**Grace Medical Center**

Nagpatuloy sila sa paglalakbay at napadpad sa Grace Medical Center. "Dito siguro may gamot," sabi ni Jake.

"Malaking chance, basta hospital, may gamot," sagot ni Andrei.

Sa loob, nahanap nila ang iba't ibang gamit tulad ng patient monitor, ultrasound machine, defibrillator, surgical masks, gloves, at mga gamot.

"Tignan mo ito," sabi ni Jake. "Siguradong matutuwa si Doc Monchi sa mga ito."

Problema lang nila kung paano dadalhin ang mga gamit dahil motor lang ang dala nila. "Bigyan na rin natin si Doc ng ambulansya," biro ni Jake nang makita ang isang nakaparadang ambulance.

"Oo nga, para may service siya," sagot ni Andrei sabay tawa.

Sinakay nila ang lahat ng kagamitan sa ambulansya, pati ang mga motor. Pagkatapos, agad silang bumiyahe pabalik sa Hilltop.

---

**Pag-uwi ng Tagumpay**

Bago makarating sa Bitbit River Bridge, nag-radio na si Jake kay Shynie. "Shynie, papasukin nyo kami. Gamit namin ang ambulansya."

Pagdating nila sa Hilltop, nagulat ang lahat sa dala nila.

"Antibiotics lang ang request ko," sabi ni Doc Monchi. "Buong hospital ata ang dinala nyo!"

Sabay nagtawanan ang lahat.

"Good job, Jake, Andrei," sabi ni Mon. "Ang galing nyo, maaasahan talaga kayo."

Ngayon, mas handa ang Hilltop sa mga susunod na araw dahil sa mga gamit at gamot na dala nina Jake at Andrei. Isa na namang tagumpay para sa grupo, ngunit batid nilang marami pa silang haharapin sa hinaharap.