Chereads / His Second Lover / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

Mag-aalisyete na rin ng gabi nang makauwi si Sir Leander. Nakakatuwa siyang kausap kahit di niya ugali magbiro at mang-asar dahil marami siyang bagay na alam na nakakapukaw ng atensyon ko. Parehas kaming mas gusto ang deep conversations kaysa sa small talks. Hindi kasi kami mahilig magkwento tungkol sa personal naming buhay kaya mas nakakahinga ako ng maluwag.

Ngayon nasa nakahiga na ako sa aking kwarto at nagmuni-muni. Mga ilang minutong lumipas, napatitig ako sa aking cellphone at kinuha ito sa study table saka kinalikot.

Pagkabukas ko nito, bumungad sa akin ang isang text message mula kay Tristan dahilan para bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Gusto ko na sana siyang replayan pero nagdadalawang-isip pa rin ako dahil iniiwasan ko na rin siya para sa aking katahimikan ng loob. Tinignan ko lang mensahe niya saka na lang binalik ang cellphone sa table. Hindi ko namalayan na bigla na lang bumagsak ang butil ng aking luha na mabilis ko namang pinahid.

Tumagilid na rin ako sa kama saka sinimulan nang matulog dahil maaga pang gigising.

Hindi na rin ako dumaraan sa dati na nilalakad ko palabas para makasakay dahil alam kong makikita ko siya kaya humanap ako ng ibang paraan. Doon ako tumungo sa kabila na kung saan naman naglilinyahan ang mga tricycles. Malayo ang daan dito papunta sa labas pero mas pipiliin ko na ang ganito tutal kaya ko namang bayaran ang aking pamasahe basta't hindi ko na nakikita si Tristan.

Sinabihan ko si manong driver na dito na lang kami dumaan, babayaran ko man din naman siya. Pumayag naman kaagad ito kaya nakahinga na ako nang maluwag.

Noon kung daraan ako sa dating dinaraanan namin, kinse minutos lang naroon na kaagad ako sa trabaho pero ngayon umabot ng thirty minutes ang biyahe kaya napakaunti na lang ng oras na matitira bago pumatak ang 8AM.

Masayang binati ako ng mga co-workers ko lalo na si Joanne. "Good morning din."

"Ayos ka na ba 'te?" tanong naman niya sa akin kaya napalingon ako sa kasama ko.

"Hindi pa masyado pero kakayanin ko naman." buong-lakas ng loob nang sabihin ko sa kanya 'yon.

"Basta kung kailangan mo ng masasabihan at comfort, narito lang ako." sabi niya pa sabay kindat kaya napangisi na lang din ako.

Maya-maya pa nagulat na lamang kami nang lumapit sa akin si Sir Leander at hinila nanaman na niya ako sa braso.

Tinignan ko si Joanne habang naglalakad na kami palabas ng hotel. Nagtataka pero nagtitili doon sa pwesto namin at sinenyasan akong sumama na raw ako at siya na ang bahala.

Ang babaing ito talaga.

"Teka Sir...." hindi natuloy ang sasabihin nang sumabat siya.

"Don't call me Sir wala na tayo sa loob ng hotel." sagot niya habang hila-hila niya pa rin ako.

"Ok." maikling sagot ko na lang saka pumasok na sa kotse at pinagsarhan niya ako ng pinto.

Hindi na rin ako nagtanong kung saan pupunta hanggang sa makarating kami sa isang napakalaki at napakaganda ng mansion. Napanganga na ako kahit sa labas lang nakita ko.

Maya-maya tumigil na rin ang sasakyan.

"Welcome to my home, Miss Faith."

Nagulat na lamang ako nang sabihin niyang na nasa kanyang bahay kami.

"Bahay mo 'to?" gulat na reaksyon ko pa rin.

Napatangu-tango siya.

"Ang ganda ah!" namamangha na sagot ko.

"Let's go?"

Pinagbuksan na niya ng sasakyan at naglakad na rin kami sabay-sabay papasok sa mansion nila.

Habang binabaybay namin papasok, hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha sa mga interior designs nito. Mapresko at maganda sa mata.

"Halika pasok na tayo." sabi ni Sir Leander saka inalalayan niya ako pagkatapos.

Naglakad lang kami hanggang sa dumako sa isang dining area at bumungad sa akin iilang mga tao rito. May dalawang nasa 50's na rin ang edad marahil mga magulang niya ito at mga maids kasama ang dalawang mayordomas. Masasabing napakayaman ni Sir Leander at di ako makapaniwala na ganito kaunlad ang kanilang pamumuhay.

Maa-out of place ako sa ganitong lugar lalo pang sobrang layo ng estado nila sa estado ng pamumuhay namin.

Napansin kong gulat nang makita akong malapitan ng mga magulang ni Sir Leander.

"Hindi nga nagbibiro ang anak namin, kamukhang-kamukha mo nga si Marinela." nagugulat na saad ng ginang.

"Please be seated and you may join us." sumunod na rin ako sa kanila habang inaalalayan pa rin ako ni Sir Leander.

"You look too gorgeous like Marinela." puna naman ng ama nito.

"Oo nga po eh kaya napagkamalan akong karelasyon ng anak niyo noong unang magkita kami." pagsang-ayon ko sa kanila.

"Pagpasensyahan mo na ang anak namin." sabi naman ulit ng ina ni Sir Leander.

"Anyway, what is your name young lady?" tanong sa akin naman ng kanyang ama.

"Caroline Faith Quililan po." nakangiting sagot kahit naiilang na ako sa presensya nila.

"Alright. Where do you live?" tanong naman muli ng kanyang ama.

"Project 7, Quezon City po."

"How about your parents?"

"Wala na po sila, bata pa lang ako nang mamatay sila sa sakit kaya lola na ang nagpalaki at nagpaaral sa amin."

Nalungkot ang mga mukha ang magulang ni Sir Leander.

"Ilan ba kayo magkakapatid young lady?" tanong naman sa akin ng ina nito.

"Apat po kami magkakapatid. Two boys and two girls." napatango naman ang parents nito gayon din si Sir Leander dahil na-meet niya rin mga kapatid ko kahapon pati si lola.

"You have a lovely appearance, young lady. Even though you live in a poorer place but still good with us." tumawa ng marahan ang ina nito na sinang-ayunan naman ng kanyang ama.

Parehas sila ng kanilang anak na si Sir Leander, napaka-humble at down-to-earth.

Sa gitna ng aming pag-uusap, biglang tumunog ang cellphone ni Sir Leander at tinititigan niya ito.

"Mama at Papa, I need to answer this call." turo nito sa phone na hawak niya. "Stay here." sabi naman niya sa akin at tumango lang din ako.

"You know, gorgeous ngayon lang namin ulit nakitang ganyan kasigla ang anak namin simula nang pumanaw si Marinela sa isang airplane crush." simula ng pagkukwento ng ina ni Leander.

"Matapos mangyari ang trahedya sa kanyang minamahal, hindi namin siya nakikitang ngumiti pa ulit at parati siyang expressionless na makikita namin sa kanya." dugtong pa nito.

"Nakakausap namin siya pero parating seryoso pero noong malaman na may kamukha raw si Marinela at ikaw 'yon iha, unti nang bumabalik si Lean sa dating siya." ang ama naman niya ang nagpatuloy kaya nagpapalit rin ang tingin ko sa kanila.

Ibig sabihin kaya ganito siya kabait dahil nakikita niya sa akin ang girlfriend niya kahit sinabi ko naman na sa kanya ang totoo?

"Kaya Caroline....." sinambit na rin nila ang pangalan ko. Hinawakan ng nanay ni Sir Leander ang aking kanang kamay. "Hinihiling namin sayo na huwag mo sanang iiwan ang anak namin, alang-alang sa kanya." nakikiusap na saad nito.

"Nakikita na namin na masaya siya ulit nang makilala ka niya young lady kaya nakikiusap akong huwag mo siyang pababayaan. I will pay you just to stay with our son. Ayaw na namin siya maging malungkot ulit at miserable."

Nakikita ko sa kanila ang lungkot kaya di ko maiwasan ang madala sa kanilang mga sinasabi pero hindi naman ako pumapayag tumanggap ng pera para bayaran nila ako sa pagbibigay ko ng kaligayahan sa kanilang anak.

Tinanggi ko kaagad ang offer nila sa akin na pera. "Hindi ko po matatanggap ang pera na ibibigay niyo po sa akin pero ipapangako naman na hindi ko iiwan si Sir Leander dahil magkaibigan po kami saka kahit po sandali pa lang kami nagkakilala naging tingin ko parang dami na namin pinagsamahan." malumanay pa rin na aking paliwanag na pinagsang-ayunan nila.

"Leander is right. You are a kind of person who is not easily tempted by money. Isa kang may dignidad at prinsipyo, young lady. Kaya gustung-gusto ka namin hindi dahil sa kamukha mo si Mari kundi dahil nakikita namin sayo ang kabutihang-loob."

Napangiti naman ako sa kanila dahil kahit ganito lang ako, na-appreciate nila.

"Thank you po, Tita and Tito." napangisi sila sa huling sinabi ko.

Yung kaninang nararamdaman kong pagkailang sa kanila napalitan na ngayon parang napakagaan na lang ng loob ko.

Maya-maya pa nakabalik na rin si Sir Leander sa hapag upang ituloy ang pagkain.

"Sorry, kung natagalan ako. Nagkaroon pa kasi ng konting argument sa pagitan namin ng aking secretary." sabi niya saka tumititig sa akin pero umiwas kaagad ako.

"Ayos lang Lean tutal nakapag-usap naman kami nitong kaibigan mo." sagot ng kanyang ama saka tinuloy ang pagkain.

"That's good." sabay tango at nakangiting tumitig sa akin.