Chereads / His Second Lover / Chapter 10 - Chapter 10

Chapter 10 - Chapter 10

Third Person's Point of View

Kasalukuyang naglalakad si Tristan patungo sa bahay nila Caroline para sunduin ito para sabay na rin silang papasok ng trabaho. Kumatok muna siya ng dalawang boses saka bumukas ito at bumungad sa kanya ang lola ng kanyang bestfriend.

Binati niya kaagad ito ng magandang umaga at ganoon din ang matanda.

"Maupo ka muna, Tristan." sabi nito sa kanya habang nilibot naman niya angpaningin upang hanapain si Caroline.

"Si Carol po, lola?" tanong na niya kaagad subalit ilang segundo bago nakapagsalita ang lola ng dalaga.

"Umalis na siya, Tristan." mabilis na sagot ng matanda sa kanya na kanyang ikinapagtaka dahil may usapan sila ni Caroline na sabay sila papasok sa trabaho. "Nagpunta siya sa malayo para magtrabaho."

Napawi ang ngiti ng binata nang marinig niya buhat sa lola ang pag-alis nito. Nakaramadam siya ng dissapointment sa kanyang matalik na kaibigan dahil hindi man lamang ito nagpaalam sa kanya. Kaya gano'n na lamang niyaya siya kasama ang mga kapatid nito kahapon dahil aalis na pala kinabukasan.

"Bakit hindi niya po sa sinabi, lola? Saan raw siya pupunta?" sunud-sunod na tanong ng binata sa matanda subalit nagkibit balikat lamang ito.

"Kung nasaan man siya ngayon hayaan na lang muna natin, iho. Kung di niya man nagawang ipagpaalam sayo may dahilan siya." paliwanag muli ni lola Esmeralda subalit hindi sapat iyon para mapalagay na ang loob ni Tristan sa biglaang desisyon ng kaibigan.

"Heto nga pala ang sulat na pinabibigay niya sayo." inabot sa kanya ang sobre na nagsasabing may laman na liham mula kay Caroline.

Naging iba ang pakiramdam ni Tristan matapos makausap ang lola nito kaya napag-isipan muna niyang hindi pumasok sa trabaho at basahin ang sulat para sa kanya ni Caroline. Para siya nangulila sa biglaang pag-alis nito lalo pa't wala siyang kaalam-alam dahil kapatid na rin na babae ang turing niya sa matalik na kaibigan.

Pagkarating niya ng bahay, kaagad siya naglakad diretso sa kwarto para basahin ang sulat baka sakali rito sa sulat may magandang mensahe maihatid sa kanya si Caroline.

Binuksan na nga niya ito at bumungad sa kanya ang mahabang liham mula sa kababata. Huminga muna siya nang malalim bago simulang basahin ang sulat.

April 21, 2021

Dear TJ,

Pasensya ka na kung di na ako nakapagpaalam sayo tungkol sa aking pag-alis dahil alam kong hindi mo ako maiitindihan at papayagan. Pasensya na kung nilihim ko sa'yo ang tungkol rito at di kita pinagkatiwalaan kaya sana maintindihan mo ako at sana huwag kang magtatanim ng galit o sama ng loob sa akin. Ang ginawa kong desisyon ay para naman ito sa kila lola at sa mga kapatid kong nag-aaral pa. Huwag ka mag-alala magkakausap pa nmana tayo through chat sa facebook o through text messages and calls. Lagi mo lang iisipin na nariyan lang ako malapit sayo, nakikipag-usap at nakikipagdamayan sayo. Huwag kang malungkot dahil magkikita pa naman tayo kada dalawang buwana dadalawin ko sila lola at aking mga kapatid, syempre pati ikaw. Hinding-hindi kita makakalimutan Tristan dahil ikaw yung natatanging kaibigan na madalas na nagpapangiti sa akin kahit parati mo akong inaasar. Basta't ipapangako mo rin na babantayan mo pa rin sila lola at mga kapatid ko para sa akin ah. Ipangako mo 'yan sa akin kasi kundi kakalimutan na kita maging betfriend, sige ka. Biro lang basta ikaw muna magmamasid sa kanila habang nasa malayo ako. Huwag na huwag mo kakalimutan 'yan. Huwag ka na rin malungkot at sumimangot diyan, hindi ka na magiging gwapo niyan kapag nagkita tayo. Stay strong and be happy.

Nagmamahal na kaibigan,

Caroline Faith

Matapos basahin ni Tristan ang liham ni Carol, nanatili pa rin ang kalungkutan na kanyang nararamdaman. Hindi niya pa talaga tanggap na sa malayo na ang kaibigan at bihira na lamang sila magkita nito. Hindi niya rin akalain na ganito na pala epekto ng paglisan ni Caroline Faith sa kanya kaya hindi niya maiwasan mapahilamos sa kanyang sarili dulot ng frustrations na kanyang nararamdaman.

Sa kabilang dako, napaaga naman ng gising si Caroline upang ipaghanda na ng ang mga kakailanganin ni Leander. Ganyan na ang magiging trabaho niya ngayon ang pagsilbhan ang presidente ng isang bigating kumpanya at hindi biro ang magiging trabaho niya. Kung dati ay kadalasan ay mga ordinaryong mamamayan lamang ang kanyang pinagsisilbihan at ini-entertain ngayon ay isa nang may mataas na posisyon at may-ari rin ng Kingstone Furnitures.

Bumangon na siya mula sa kama saka na ring lumabas ng kwarto para gawin na niya kaagad ang trabaho. Nagtimpla muna siya ng kape at kumain ng tinapay saka tumungo na sa banyo upang maligo. Maya-maya pa inihanda na niya ang mga gamit nang makita na rin niya si Leander kalalabas lamang ito ng kwarto.

"Good morning." masayang bungad nito sa kanya at binati niya rin ito pabalik.

"Sakto nakahanda na rin ang breakfast at ng makakain na tayo." sunod na tugon ni Caroline sa binata.

"Sure." saka sabay na silang tumungo sa kusina upang kumain na ng agahan at pagkatapos inihanda na ang kanilang mga sarili sa pagpasok.

"Ayusin ko muna suit mo, hindi pantay eh." sabi ni Carol saka niya kaagad nilapitan ang binata.

Habang inaayos ni Caroline ang suot ni Leander hindi mapigilan ng binata na mapatitig sa dalaga tila bumugal ang kanyang oras na pinagmamasdan ang dalaga. Masasabing ganito niya talaga ang kagusto si Caroline na parati siyang napapangiti at nagiging kumpleto ang kanyang araw kapag nakikita ito. Masaya siya sa tuwing kausap at nakakasama ang dalaga, unti-unting napapawi nito ang sobrang kalungkutan na kanyang naranasan buhat nang mamatay ang kanyang girlfriend na si Marinela.

Pagkatapos, napatitig din sa kanya si Caroline subalit agad naman nito binawi ang pagtitig sa kanya kaya hindi napangisi sa kanyang isip.

"Siya nga pala lahat ng kailangan mo naihanda ko na." muling sambit ng dalaga habang nanatili pa rin siya pinagmamasdan ni Leander.

Sa palagay ng binata, habang tumatagal mas tumutindi na rin ang nararamdaman niya para kay Caroline. Lubos siyang humahanga sa kabaitan nito, pagiging sweet at caring na kaibigan bagama't simple pero di siya pangkaraniwang babae.

"Ahmm, Sir Leander." bumalik na lang siya sa ulirat nang marinig niyang tinatawag na siya nito.

"Yes, Miss Faith?" naguguluhang tanong ng binata.

"Ano po nangyayari sa'yo Sir Leander, maysakit ka ba? Para kasing ang layo ng iniisip mo eh."

"Wala naman, Miss Faith. Pinagmamasdan lang kita at hindi ko akalain na babaing simpleng tulad mo nabibihag mo ang puso ko."

Napakurap-kurap naman ng mata si Caroline habang napakamot na lamang ng ulo si Leander sa kanyang nasabi sa dalaga.

"Sir Leander naman nagawa mo pang mambola."

Hindi ugali ng binata ang mambola ng sinumang babae maliban lamang sa babaing mahal niya dahil malaki talaga ang respeto niya sa kababaihan at na kahit siya ang presidente ng kumpanya nagagawa pa niyang tawagin ang dalaga ng binibini kasunod ng pangalan nito bilang paggalang pa rin. Kahit nasa mataas na posisyon siya, hindi niya magagawang itaas ang sarili at ipagyabang ito dahil mas mainam sa kanya ang pagiging mapagkumbaba at disiplinadong tao.

Ayaw niyang gayahin ang ginagawa ng karamihan na negosyante na masyadong mapagmataas at walang dignidad na hindi marunong umayon sa taong pinakikisalamuhaan niya. Mas pinili niyang maging mabuti, friendly at approachable sa mga tao, hindi dahil sa makakuha ng simpatya kundi iyon naman talaga ang tamang gawin dito sa mundong ibabaw.

"Sayo ko lang nagagawa 'to Miss Faith dahil alam mo naman kung gaano kita kagusto."

Pagkalipas ng ilang minuto, nakarating na rin sila sa opisina at pinagtitinginan si Caroline Faith ng mga empleyado subalit sinabihan siya ni Leander ngitian niya ang ito at maging nice lang sa kanila.

"What do you mean by this, Leander?" bumungad kaagad sa kanya si Cedric Alcantara ang General Manager ang kanyang posisyon dito sa kumpanya. "Don't tell me that girl will work here with us?" sunud-sunod na tanong ng lalaki at napakunot naman ng noo si Leander sa naging tanong sa kanya.

"What's on your mind na papasukin mo ang babae na 'yan dito sa company? How do you know this girl that much para pagkatiwalaan mo siya rito." si Chelsea Rivera na isang Vice President naman ng kanilang kumpanya.

"I know what I'am doing so please step aside and do your job?" naiinis nang tugon ni Leander sa mga ito. "You have no right to judge her that way."

Napapalit-palit na lamang ang tingin ni Caroline sa mga ito dahil wala siyang karapatang sumabat dahil isang hamak lang siyang personnal assistant.

Napabuga ng hangin ang babae dahil sa frustrations niyang nararamdaman kay Caroline habang napahilamos naman ang lalaki sa naging desisyon ni Tristan.

"We have to dahil hindi siya marunong lumugar." muling giit ni Chelsea kay Leander dahilan naman para mawala ang gana ni Caroline para manatili pa rito.

Sa totoo lang sobra na siyang nasasaktan sa sinasabi sa kanya ng dalawa kahit pilit naman siyang pinagtatanggol ni Leander laban sa kanila. Tila ipinamumukha sa kanya na isa lamang siyang mangagamit.

"Leander hindi siya si Marinela, ok? Magkamukha lang sila pero magkaiba lamang sila ng pagkatao. Leander please wake up." dikat naman sa kanya ni Cedric.

"And you, stay away from us. You're not belong here." sigaw at pangsusupla ni Chelsea kay Caroline dahilan para magwalk-out ang dalaga subalit madali siyang napigilan ni Leander.

"No, Miss Faith just stay here. Don't listen to them at sa akin ka lang makinig." sabay hatak muli sa kanya at pinaupo sa sofa. "And you two, stay away from us or else, I will fire you all." habang natatangis na ngipin ni Leander sa dalawa sa sobrang inis nararadaman ito na ikinagulat naman ng dalaga dahil niya lang makita ito magalit.

"Are you alright?" nag-alalang tanong ng binata kay Caroline dahil nakayuko lang ito hindi magawang titigan si Leander. "I am sorry for what happened." sabay hawak sa baba ng dalaga para mapatingin ito sa kanya. "Just don't mind them, ok? Nandito ako parati para ipagtanggol kita. Hinding-hindi ko hahayaan na tapakan ka ng ibang tao." pagpapakalma sa kanya ni Leander.

"Pero....."

"No but's. Ako ang mas nakakilala sayo kaya alam ko kung sino ka, Miss Faith. Don't leave me kundi di ko na alam ang gagawin ko kung lalayo ka pa sa akin. Hindi ko na kakayanin pa."

"Pero..."

"Miss Faith hindi ako tumitingin sa katayuan sa buhay kung sino ang gusto kong mahalin. Believe me, ok." sabay hinalikan siya nito sa noo na laking ikinagulat ni Caroline dahilan rin ng pag-estatwa niya at biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso kaya napahawak siya sa kanyang dibdib.