Chereads / His Second Lover / Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8 - Chapter 8

Pagkadating ko ng bahay, hinanap ko kaagad si lola para sabihin sa kanya ang napag-usapan namin ni Sir Leander. Uminom muna ako ng tubig saka ko sinimulang ikwento sa kanya ang nangyari. Ayaw kong maglihim kay lola kaya mahalagang sabihin ko sa kanya ang mga ito.

"Sa una naman po tumanggi ako pero nakiusap pa rin sa akin si Sir Leander kaya wala na akong nagawa kundi tanggapin ang offer niya." pagpapatuloy ko ng kwento.

"Wala naman na ako magagawa diyan apo kaya mas pipiliin ko na lang din hayaan ka saka mukhang mabait naman yung si Leander, di ba? Kaya may tiwala naman na ako sa kanya na hindi ka niya pababayaan."

Napangiti naman ako kay lola sa kanyang sinabi akala ko nga kasi hindi siya papayag alam mo naman kapag matatanda ay masusungit at conservative kaysa sa amin. Sobrang magkaiba kasi ang generation namin sa kanila.

"Pero lola secret lang muna natin 'to at tayo lang muna makakaalam. Huwag na munang ipaalam sa mga kapatid ko lalo na kay TJ. Ako na lang po bahala magsabi sa kanila sa susunod na pagbalik ko dito." bilin ko sa kanya.

Ayaw ko na munang may makakaalam nito lalo na kay Tristan dahil alam kong hindi rin siya papayag. Siguro ito na ang way para maiwasan ko na rin siya. Mawala na rin ang feelings ko para sa kanya. Tama nga. Ito na yung pagkakataon na hindi ko na muna siya makikita.

Pagkatapos ng usapan namin ni lola, tumungo muna ako sa kwarto para ayusin at iligpit na rin ang mga gamit na dadalhin ko sa pag-alis.

Hay namimiss ko itong bahay sa totoo lang pero babalik pa naman ako every three months para bisitahin sila rito.

Maya-maya narinig ko na rin ang mga kapatid ko sa labas ng silid. Iyong mga lagabog ng kanilang mga gamit at mga boses galing sa school. Lumabas muna ako at itinigil muna ang pagliligpit ng mga damit sa maleta para salubungin ang aking mga kapatid. Kailangan kong pagsawaan ang mga moment na magkikita kami.

Sabay-sabay kaming kumain ng merienda na inihanda ni lola.

"Napaaga po ata ate ang uwi mo ngayon ahhh." bungad sa akin ni Cipher habang patuloy na sa pagkain ng pandesal na may palaman na cheese.

"Hindi naman sakto lang." sagot ko. "Siya nga pala gusto ko yayain kayo bukas mamasyal kasama si Kuya Tristan niyo."

Nanlaki ang kanilang mga mata sa gulat habang tuwang-tuwa naman ang bunso namin.

Napatitig ako kay lola nang sabihin ko sa mga kapatid ko ang planong pamamasyal namin.

"May date ba kayo ni Kuya Tristan, Ate Carol?" pang-iinis na tanong ni Candy.

Itong bata na 'to talaga. Hindi sila maka-move on sa amin ni TJ. Hindi nila matanggap na hanggang magkaibigan lang kami.

"Wala kaming date. Gusto ko lang makasama kayong mamasyal dahil matagal na rin hindi nagagawa 'yon di ba?" pangungumbinse ko pa sa kanila para namang itigil na rin ang pag-a-assume sa aming dalawa ni Tristan.

"Ahhh ganun po ba ate? Akala namin magdi-date na kayo." sabay ngisi ni Cipher at nagawa pa nitong makipag-apir kay Candy.

Pagkatapos namin magmeryenda, bumalik na muli sa kani-kanilang mga kwarto sina Cipher at Candy at ganun din ako para ipagpatuloy ang pag-iimpake ko ng mga gamit.

Nang matapos ko na ang lahat, sinubukan kong tawagin si TJ para yayain siyang mamasyal bukas kasama ang mga bata. Susulitin ko na itong moment na makita at makasama ko siya na masaya.

Tumutunog na ang sa kabilang linya hanggang sa may sumagot. Si TJ.

Me: Hi Tj

Tristan: Oh Carol bakit ka napatawag? Namiss mo ba kaagad ang pinakagwapo mong bestfriend sa balat ng lupa?

(Napairap na lang ako bilang reaksyon).

Me: Hindi 'yon. Kapal mo hoy!

Tristan: Aba-aba ang taray naman girl bestfriend ko. Kapanget-panget ba ako and why?

(Ginaya pa talaga niya yung dialog ni Liza Soberano sa My Ex and Why's. Ibang klase rin ang isang ito. Napangisi na lang din ako bilang reaksyon sa sinabi niya).

Tristan: Tzk, wala kang kwentang bestfriend kung gano'n.

(Napatawa na lang ako sa kanyang reaskyon).

Me: Gusto lang sana kita yayain mamasyal kasama mga kapatid ko at si lola. Pwede ka ba bukas?

(Mga ilang segundo nanahimik sa kabilang linya kaya muli akong nagsalita kung naroon pa rin si Tj)

Tristan: Nagulat lang ako sayo, Carol sa biglaang panyayaya mo sa aking gumala.

Me: Ah ganun ba? Pasensya ka na kung ngayon lang naisipan.

Tristan: Ayos lang naman sa akin, Carol. Mamaya magpapaalam na ako sa HR assistant namin para may consent ako sa pagleave ko bukas.

Me: Mabuti naman. Akala ko kasi tatanggi ka.

Tristan: Bakit naman ako tatanggi? Pagkakataon ko na 'yon para makasama ang aking bestfriend. Sobrang dalang ka pa naman magyaya.

(Pagpaparinig niya pa sa akin dahil hindi kasi ako nagyayaya sa kanya lumabas para gumala. Ako iyong parating ini-invite niya sa galaan).

Me: Sige. Salamat Tristan. Akala ko....

(Hindi na niya ako pinatuloy pa sa aking sasabihin)

Tristan: Hindi ako tatanggi, Carol kapag ikaw na mismo ang magyaya sa akin.

Me: Sige. Ibaba ko na 'to para makausap mo na yung HR niyo at makapagpaalam ka na.

Tristan: Sige. Susunduin ko kayo diyan bukas. See you tomorrow.

Me: Same

Binababa ko na rin ang phone pagkatapos saka humiga sa kama para umidlip sandali.

KINABUKASAN

Naghahanda na ang mga kapatid ko nang may narinig akong isang katok mula sa pintuan. Sinilip ko muna ito sa maliit na butas saka pinagbuksan.

Hindi ko maiwasan mapatulala sa lalaking nasa harap ko ngayon. Parang mas lalo pa ata akong nahuhumaling sa kanya.

"Huwag mo akong titig-titigan baka mamaya niyan hindi na ako makasama sa inyo kasi tunaw na 'ko." bungad niya dahilan para bumalik ako sa ulirat.

Ano ba kasing nangyayari sa akin?

"Maya-maya lalabas na sila. Hintayin na lang natin."

Pag-iiba ko na lang ng usapan para di na maging awkward pa.

"Ano bang meron? Bakit biglaan ata pagyaya mong mamasyal?"

Napalinga ako nang itanong niya 'yon. Nagulat ako sa tanong niya pero hindi ko na lang pinahalata dahil sigurado malalaman niya ang totoo.

"Wala naman. Gusto ko lang kayo yayain mamasyal para makapaglibang. May masama ba?"

Pagdadahilan ko para hindi na maungkat ang tunay na rason kung bakit kasi mas lalo rin ako nakakaramdam ng lungkot.

"Alright."

Maya-maya pa ay lumabas na rin ang aking mga kapatid sa kanilang mga kwarto pati si lola.

"Halika na para hindi pa tayo abutan ng init masyado sa pupuntahan natin." sabi ni Tristan saka na niya pinauna ang mga kapatid ko pati si lola habang ako naman chineck muna ang anggulo ng bahay kung may naiwang nakasaksak sa kuryente saka na siniguridad ang bahay. Inalalayan na rin ako Tristan.

"Gwapo talaga ni Kuya Tristan, bagay na bagay talaga sila ni Ate Carol." napatitig ako sa Cipher at pinandilatan ko ito ng mata para masindak ko kasabay ng pagsuway sa kanya ni lola.

Dahil sa sinabi iyon ni Cipher, napatingin rin sa akin si Tristan pero agad kong iniwasan ang titig niyang 'yon.

Nakarating na rin kami sa zoo na kung saan napili naming puntahan. Iba't ibang klase ng hayop ang mga narito pero mas gusto ko 'yong monkey at parrot.

"Halika lola doon tayo oh." nasasabik na sambit ni Cyprus habang tinuturo niya na kung saan naroon ang aquarium.

Mahilig talaga sa isda itong bunso namin. Si Nemo daw ang pinakapaborito niyang uri ng isda.

"Halika Candy doon tayo sa may giraffe, ostritch at elepante. Ano tara?" yaya naman nitong ni Cipher sa kanya pero agad ko silang pinaalalahanan na mag-ingat at huwag masyado maglalayo. Tumango naman ang dalawa at sabay silang naglakad habang nakaakbay sa isa't isa.

Tinignan ko lang ang dalawa kong kapatid na naglalakad nang palayo sa amin nang biglang nagsalita si Tristan sa tabi ko.

"Ikaw saan mo gusto?" napatitig ako sa kanya saglit at umiwas kaagad.

Hindi ko na kaya titigan siya di tulad noon na hindi ako naiilang. Mukhang malala na nga ang tama ko sa aking bestfriend.

"Ahhh...." hindi ko alam aking sasabihin at nagulat na lang ako nang bigla niya akong hatakin sa braso.

Pinuntahan namin ang mga monkeys. Tuwang-tuwa ako sa kanila kaya hindi ko maiwasan ang mapangiti. Napansin ko rin sa peripheral vision ang pagtitig sa akin ni Tristan kaya hindi ko magawang lumingon sa kanya at patuloy ko na lang pagmasdan ang mga naglalarong chimpanzee.

"Ang cute nila. Kuhanan ko kaya sila ng pictures." pag-iiba ko na lang dahil hanggang ngayon nakatitig pa rin siya sa akin.

Hindi ko alam bakit ganito siya ngayon. Nalilito tuloy ako sa kanya.

"Buti pa mga monkeys kinukuhanan mo ng mga litrato ah." pagmamaktol niya dahilan para mapatingin ako.

"Hays dami mo na kaya litrato dito sa cellphone ko oh. Ikaw na nga nakapuno nito, tzk." reklamo ko rin.

Halos mapuno na sd card ko sa mga pictures niya kaya tuloy hindi ko siya malimut-limotan.

"Iba naman 'yan. Ang gusto ko kumuha ka ng litrato na tayong dalawa." muli akong nagulat at napatigil sa pagkuha ng mga pictures sa mga chimpanzees dahil sa aking narinig.

"Ano? Sige na Carol. Picture na tayo." wala akong ginawa kundi sundin siya saka tutal ito na pala yung last na magkakasama kami ulit.

Nakalima kaming shots sabay wacky. Natatawa ako sa itsura niya.

"Hayan marami na nanaman akong pictures sa phone mo at magkasama pa tayong dalawa diyan."

Iniwan ko na muna siya doon dahil balak ko naman pumunta sa mga parrots.

"Ang ganda ng kulay nila." sabi ko sabay kuha ng mga litrato nila.

"Carol...."

"Hmmm...." sabi ko lang habang patuloy lamang sa pagkuha ng mga pictures.

"Carol...." muli nanaman niyang pagsambit sa pangalan ko.

"Tristan kung may sasabihin ka, sabihin mo na..." habang pinagmamasdan ko lamang ang mga ibon.

"Carol...."

Hay nako, TJ!

Napapitlag na lang ako nang bigla niya akong pinaharap sa kanya. Seryoso siyang nakatitig sa akin.

May problema ba siya? Kanina ko pa napapansin 'yan eh.

"Carol. Humarap ka naman sa akin kapag kinakausap kita."

Hala. Seryoso nga siya kaya tinigil ko na muna pagkuha ng mga litrato sa mga hayop.

"Ano ba kasi sasabihin mo? At hirap na hirap kang sabihin 'yan."

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi.

"Ang cute-cute mo talaga. Hmmm." sabay pisil niya sa ilong ko na naging dahilan ng pagdaing sa kirot.

"Bwisit ka naman Tristan. Akala ko may sasabihin ka, ayon pala mang-iinis ka lang. Tzk." bwelta ko saka iniwan siya doon at nagpunta naman doon sa aquarium.

"Pasensya na. Carol trip lang kasi kitang inisin eh. Saka namiss ko 'yong pagpisil-pisil sa pisngi mo." sabay ngisi niya habang sinasabi niya 'yon na ikinakunot ko naman ng noo.

Kahit kailan lakas pa rin talaga niya mang-asar. Pero iyan ang pinakamami-miss ko kapag umalis na ako. Ma-miss ko lahat sa kanya.

Pagkatapos namin mamasyal sa zoo, napatungo naman kami sa park para doon naman magpahinga.

Sumunod naglakad-lakad kami at kumuha din ng mga pictures. Binalak din namin pumunta sa museum para tignan iyong mga sinaunang kagamitan noong panahon pa ng mga Kastila, Hapon at Amerikano.

Masayang-masaya kaming namasyal at nilibot ang buong parke kaya napakarami ko ring nakuhang litrato kasama sila lola at mga kapatid ko. Kinuhanan din kami ng pictures kasama si Tristan at may tatlong shots naman na kaming dalawa ulit na si Candy ang mismo kumuha.

Masasabi kong napakaraming pictures na magiging souveneirs ko kapag napalayo na ako sa kanila para magtrabaho.

Mag-aalas-kwartro na ng hapon nang makabalik na kami sa aming bahay. Sobra kaming napagod sa paggala kaya naman lahat kami nasa kanya-kanyang mga kwarto.

Habang tinitignan ko ang mga pictures na kinuhanan namin kanina bigla napatitig ang aking mga mata sa mga nakaimpake na sa gilid ng aking kama.

Nakaramdam tuloy ako ng lungkot nang makita ko iyon pero pinilit kong maging matatag tutal para sa mga kapatid ko rin naman at kay lola ang gagawin ko. Mas malaki ang magiging sweldo sa pagiging personal assistant at malaking tulong na 'yon sa kanila.

SUMUNOD NA ARAW

Nakarinig ako muli ng katok sa pintuan. Bigla ko tuloy naalala si Tristan pero nang sumilip ako sa butas si Sir Leander pala. Pinagbuksan ko kaagad siya at bumungad sa akin ang nakangiti niyang mukha at magiliw na pagbati.

It is a sign na lilisanin ko na muna ang lugar na ito para magtrabaho sa kanya.

"Maupo ka na muna."

"Salamat." nakangiting saad niya.

"Hindi ko alam na pupunta ka." saka umupo na rin at saktong nakita rin siya ni lola.

"Magandang umaga nga pala sayo, iho." masayang bati ni lola kay Sir Leander at bumati rin siya pabalik.

"Inaasahan ko na sayo, iho na ingatan mo sana aking apo na si Caroline lalo pa hindi na niya ako kasama."

"Lola naman." bigla kong reklamo.

"Wala po kayo dapat ipag-alala iingatan ko po ang apo niyo." confident niyang tugon saka napatitig siya muli sa akin.

"Hindi ko hahayaan na mapahamak siya kundi malalagot po ako sa inyo. Baka hindi lang mapatawad ang sarili ko." nagulat ako sa huling sinabi niya.

"Sir..."

Hindi niya ako pinansin bagkus pinagpatuloy niya lang ang kanyang sasabihin.

"Hayaan mo lang ako Miss Faith sabihin sa lola mo ang dapat niyang malaman."

Dahil sa kanyang sinabi mas lalo ako naramdam ng awkwardness sa pagitan naming tatlo ni lola.

"Ano ba ibig sabihin mo, iho?"

"Gusto ko po ang apo niyo." diretsahan niyang sagot dahilan para mapapitlag si lola sa kanyang kinauupuan.

"Kaya po iingatan ko siya at hindi pababayaan. Huwag po kayo mag-alala lola, hindi po ako tulad ng mga lalaki na sa kasalukuyan. Mataas po ang paggalang ko sa mga babae kagaya ng turo ng aking mga magulang. Mas pinapahalagaan ko ang mga babaing tulad ni Miss Faith kaya makakaasa po kayong hindi iyon mangyayari sa kanya."

Ano ka ba naman Sir Leander. Bakit sinabi mo kaagad iyon kay lola? Nahihiya na tuloy ako magsalita, hays.

Pagkaraan ng ilang minuto, nakasakay na rin kami pareho sa kanyang kotse. Nanatili lamang akong tahimik sa pagitan naming dalawa.

"Are you mad?" tanong niya habang nakafocus lamang siya sa pagmamaneho.

Hindi lang kasi ako mapalagay buhat nang aminin niya iyon lahat kay lola.

"I am sorry, Miss Faith. I just want to be honest with your grandma. Ayaw kong may tinatago ako lalo na tungkol sa feelings ko para sayo."

Hindi pa rin ako nagsasalita. Pakiramdam ko kasi hindi tama yung ginawa niya. Masyado naman kasi siya honest eh.

"Ok. Hahayaan na muna kita hanggang sa humupa iyang galit mo sa akin."

Pagkatapos niyon hindi na nga niya ako kinausap kaya para tuloy akong na-guilty sa ginawa ko. Masyado kasi siyang mabait, kada gawa ko ng mali sa kanya nakakaramdam ako ng awa. Parang pinagsisihan ko tuloy ng lubusan yung ginawa ko sa kanya kahit napakasimpleng problema lang naman.

Hindi na ako nakatagal kinausap ko na rin siya at muli nanamang lumapad ang ngiti niya na kaninang ang lungkot na ng kanyang itsura. Ganito na ba talaga niya ako kagusto? Kapag nagtatampo ako parang siyang iniwan ng mundo na sobrang lungkot na ng mukha. Kaya na lang ganun na rin ako kadali maawa pagdating sa kanya.

"Akala ko hindi mo na ako papansinin, Miss Faith."

Napabuntong-hininga na lang ako bilang reaksyon.

"I am sorry sa pagiging honest ko. Pwede ko naman iwasan kapag ayaw mo."

"Hindi. Ayos lang sakin na honest ka. Bihira na lang sa lalaking tulad mo ng sincere sa babaing gusto niya. Napahanga mo nga ako eh."

Dahilan para mas lumapad pa ang ngiti niya kaya nadala na rin ako.

Mga ilang sandali nagulat na lamang nang hininto niya ang sasakyan sa isang parlor.

Katulad ng dati pinagbubuksan niya pa rin ako ng pintuan kahit nahihiya na akong gawin niya sa akin ito.

Sa parlor nga ang punta namin. Don't tell me na....

Mga ilang sandali pa may lumapit sa amin na mga hair stylist at manicurist. Napakadali lang sa kanya iapproach ang mga ito kaya masasabi kong napaka-friendly niya rin.

"Kayo na muna bahala sa kanya." nagulat na lamang ako nang sabihin iyon ni Sir Leander at inakay na ako ng mga bakla at babae na mag-aayos daw sa akin.

Ano-anu na lamang ginawa nila sa akin hanggang sa makita ko na ang sarili sa salamin. Ibang-iba na ayos ko mula kanina. Masasabi kong 'I am the new self now'.

Pagkatapos na nila akong ayusan hinatid na nila ako kay Sir Leander at sobra siyang namangha pagkakita sa akin.

"You look more beautiful, Miss Faith." sabi niya habang tulala siyang nakatitig sa akin.

"Oh my dear. Tulalang-tulala na si Sir sayo oh." sabi ng bakla na nag-ayos sa buhok ko.

"Oo nga eh baks. Naiinggit tuloy ako." sabi naman ng isang babae na manicurista.

"Maraming salamat sa inyong dalawa at heto na yung bayad. Keep the change." gulat ng inabot ni Sir Leander sa kanila ang bayad saka na niya ako inilabas sa parlor at sumakay ng kotse.

"I can't believe na may igaganda ka pa pala, Miss Faith. Hindi ko maiwasan mamangha sayo. You look so different and amazing." komento pa niya saka muling pinaandar ang sasakyan.

Nagshopping din kami na kung saan binilhan niya ako ng mga dresses na sa una ay tumanggi pa ako dahil sa hiya.

Pagkarating namin sa kanilang mansion, bumungad sa amin ang kanilang maids na siyang nagdala ng mga gamit na dala ko at iyong pinagshopping namin. Dinala rin ako nito sa magiging silid ko raw at hindi maiwasan mamangha pagkakita ko rito.

Sa sobrang paggala ng aking paningin sa kwarto, may biglang kumatok sa pintuan na ikinaagaw naman ng aking atensyon. Binuksan ang pinto at bumungad sa akin si Sir Leander. Napatitig ako sa kanya na abot tainga ang kanyang mga ngiti.