Chereads / His Second Lover / Chapter 7 - Chapter 7

Chapter 7 - Chapter 7

Nabigla rin ako ng mapadpad kami sa management office at bumungad sa aking mga managers, consultant, executive directors etc. lahat ng matataas ng opisyal ng kanilang company. Subalit nagbigay sa akin ng atensyon ang isang babae at lalaki nakasimangot na nakatingin sa akin. Masasabi kong di ako gusto ng dalawang ito maliban sa karamihan ng high ranking positioned na employees dito.

"Hello everyone, I would like you to meet my special friend, Caroline Faith Quililan and she is currently working as a hotel receptionist at Kingstone Hotel." pagpapakilala niya sa akin sa mga narito. "Miss Faith, they are my managers from different departments and the executive directors." turo niya sa akin sa dalawang lalaki na may edad 40's na rin. "Then, the General Manager, Mr. Cedric Alcantara." turo naman niya sa akin sa lalaking kanina pang masama ang tingin sa akin. "The Vice President of our company, Ms. Chelsea Rivera." yung babae rin nakaismid sa akin na kasama ng lalaking nakasimangot na hindi ko alam ang dahilan kung bakit.

Nginitian ko lang sila pagkatapos ng pagpapakila at dumiretso naman si Sir Leander sa kanyang office at sumunod na rin ako.

"Take a seat, Miss Faith." sumunod kaagad ako sa kanyang sinabi at muling nilibot aking paningin sa buong paligid ng office ni Sir Leander.

"Do you want some drinks or anything to eat?" tanong niya kaagad sa akin dahil napansin din niya atang naiinip ako.

"Wala naman po, Sir." magalang na tugon ko.

"Di ba sinabi ko naman sa'yo huwag mo akong tatawagin Sir kapag tayong dalawa lang?"

"Pasesnya na. Nakasanayan ko lang kasi."

"I see." sabi niya saka umupo siya sa aking tabi. "Anyway, dito ka na rin susunod magtatrabaho bilang personal assistant ko." sabi niya na aking ikinagulat.

May parte sa akin na masaya ako dahil iba naman ang magiging aking trabaho habang may bahagi sa isip ko na hindi dapat matuwa.

"Are you happy?" napansin niya kasing hindi kaagad ako nakasagot.

"Pero Lean—der ayos naman na sa akin ang trabaho sa hotel kaya hindi ko na matatanggap na dito na ako magtatrabaho." naiilang kong sagot.

"Sana mapagbigyan mo ako, Miss Faith. Gusto ko lagi kitang nakikita at nakakasama sa trabaho kaya napag-isipan kong dito ka na lang mamalagi." paliwanag niya habang inaayos ko ang aking posisyon.

Magsasalita pa sana ulit nang magsalita ulit siya, "Please, Miss Faith! I will make your salary higher than when you're in a hotel." Pilit niyang mangungumbinse sa akin.

Hindi pa rin ako makapayag sa alk niya. Iniisip ko, parati siyang makikita rito.

"I'm starting to like you, Miss Faith." Nagulat rin ako sa aking narinig upang dahilan lingunin ko siya mula sa aking pagkakayuko.

"I know it's unbelievable nang dahil nga nakikita ko sayo si Marinela. But it seems different. There's nothing wrong to have feelings for you. Lahat ng efforts na aking ginagawa ay para sayo. So, hoping you can work here as my personal assistant. And don't worry hindi naman ako cruel boss para pahirapan ka, di ako gaanong klaseng tao most importantly you're special to me."

Huminga muna ako ng malalim dahil hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Hindi na rin ako mapalagay nang mag-confess na siya sa akin ng kanyang nararamdaman. Alam ko naman sa simula pa lang ng pagkakaibigan namin may something na siya para sa akin pero hindi ko nga lang binibigyan ng pansin. May gusto kasi akong iba at wala ng iba kundi ang childhood best friend ko.

"Please, Miss Faith sana mapagbigyan mo ako. Ayos lang kung di masusuklian ang nararamdaman ko para sayo at ang nais ko lang parati kitang nakikita at nakakasama. Hindi ko na kailangan pang pumunta ng hotel." Dagdag pa niyang muli.

Pinag-iisipan ko pa rin talaga ang ino-offer niyang trabaho sa akin ngayon. Hindi ko maiwasan maawa sa kanya. Napakaamo kasi ng kanyang mukha kaya napakahirap ng ganitong tanggihan siya sa huling pagkakataon. Napapansin kong attractive guy din siya kaya walang impossible na malakas din charisma niya.

Papayag na ba ako o tatanggihan siya? Ang hirap tumanggi sa isang kaibigan na naging bahagi na ng buhay mo.

"Papayag na ako." diretsahan ko ng sagot.

Laking tuwa naman niya na pumayag ako. Kaninang seryoso niyang mukha na katulad ng unang pagkikita namin napalitan na ng ngiti at mas lalo naging maamo pa ang kanyang itsura.

"You're going to stay in our home. Ofcourse, di ako papayag sa isang unit ka lang makikitira. It's not safe for you."

Mas nagulat ako nang marinig iyon.

Paano na si lola at ang mga kapatid ko?

"Huwag kang mag-alala sa lola at sa kapatid mo. Ako na ang bahala magpadala sa kanilang mga pangangailangan at sa magbabantay may naisip na akong tao na mag-aasikaso sa kanila."

Saka hindi rin naman ako mapalagay na magsasama kami sa isang bubong. Ano na lang sasabihin ni lola at ng karamihan sa akin?

"You don't have to worry about it. Malaki ang bahay namin at may sarili ka ring kwarto. I'm not like a guy you always know, Miss Faith. Malaki ang respeto ko sa mga babae lalong lalo na sa'yo. Pinalaki ako ng parents ko ng may good values kaya impossible 'yon."

Napakagat naman ako ng labi sa mahaba niyang explanations. Masasabi kong madali niyang nababasa ang nasa isip ko. Awesome!

"Ayos lang ba ito kina Tita at Tito?" Sinisiguro kong tanong sa kanya at mabilis siyang tumango. "May magbabantay naman kahit papaano kina lola kaya di mo na kailangan hatiran sila ng magbabantay." Paalala ko sa kanya at sumang-ayon siya kaagad.

"Alright, then I told my parents about that and they agreed." muli siyang humarap sa akin. "Wala kang dapat ikabahala mapagkakatiwalaan mo ako. I am the man with chivalry, Miss Faith." dagdag pa niya kaya napatangu-tango na lang din ako.

Tumingin siya sa kanyang relos. "Halika ka na, Miss Faith ihahatid na muna kita pabalik bago ako pumunta sa meeting namin at 10:30 AM." akmang hahawakan na niya ako sa braso nang pigilan ko na siya.

Nahihiya na kasi ako sa kanya. Ayaw kong masyado siyang nagki-care sa akin.

"Ako na lang babalik mag-isa. Baka ma-late ka pa sa meeting niyo. Magta-taxi na lang ako." Paliwanag ko sa kanya at napangiti siya.

"Sige pero mag-iingat ka pa rin, Miss Faith. Lagot sa akin ang mga taong gustong manakit sayo." napangiti naman ako sa kanyang sinabi.

Napakaginoo niya nga talaga at napaka-protective. Bihira na lang mahanap karamihan sa mga guys ngayon.

Sa umpisa pa lang alam kong mabuti siyang tao kaya tama rin naman ang naging desisyon ko pumayag ako sa offer. Hindi kumukontra ang instincts ko kapag siya na. Masasabi kong hindi siya yung taong karaniwan na mapagsamantala at manloloko.

"Sige na Miss Faith." saka niya ako pinagbuksan pa ng pinto kasabay ng pag-wave ko sa kanya ng kamay bilang pamamaalam.

Kasalukuyan ko nang binabaybay palabas ng building nang may narinig ako nagsalita sa aking likod.

Humarap ako rito at bumungad sa akin ang lalaki na kanina pang sinisimangutan ako.

"Ang mga babae talaga mahusay umarte makuha lang ang gusto niya."

Napasimangot ako sa kanyang sinabi dahil sa panlalait na ginawa nito.

"Ano kaya pinainom o pinakain mo kay Leander para maging ganun siya sa'yo. Magkamukha nga pero sobrang magkaiba kayo."

"Pasensya na Sir kailangan ko ng umalis."

Ayaw ko nang patulan pa mga sinasabi niya. Napaka-unprofessional ng isang ito hindi alam kung siya dapat lulugar.

Bigla na lang niya ako hinila sa braso.

"Huwag ka munang umalis dahil may isang bagay lang ako dapat sabihin at ipamukha sayo."

Aba nakakarami na ang lalaking 'to ah akala mo kung sino. Empleyado rin naman siya dito. Ang kakapal ng mga mukha.

Pilit kong kinokontrol ang inis sa lalaki na ito.

"Layuan mo na si Leander. Hindi siya nararapat para sayo. Isa ka lang naman dukha at mangagamit."

Sinampal ko siya dahil hindi napigilan ng sarili ko ang mainis. Sumusobra na siya eh.

"Makapal rin ang mukha mo na sabihin mo ako ng ganyan dahil hindi mo ako kilala. Para sabihin ko sayo...." dinuro ko pa siya. "Hindi ako tulad ng tao ng mga binabanggit mo. Kahit mahirap lang kami, lahat ng pangangailangan namin galing sa dugo't pawis na pagtatrabaho ko sa hotel hindi sa pangagamit ng ibang tao gaya ng sinasabi mo."

"Wala kang karapatang husgahan ako dahil hindi mo alam dinaranas ko mabuhay lang sila. Yung sinasabi mong pang-aakit ko kay Leander para makuha lahat ng gusto ko, siya lahat may gawa niyon at sumusunod lang ako. Gusto mo malaman kung ano ang totoo tanungin mo siya hindi iyong manghuhusga ka ng kapwa mo." tinignan ko siya from head to toe.

"Gwapo ka rin sana at may tinapos pero parang walang manners at..." napahinto saglit saka ko diniin ang huling kong sinabi. "Pinag-aralan."

Pagkatapos, umalis na rin ako at iniwan ang lalaki na 'yon.

Akala niya kasi madadala ako sa mga paratang niya. No way. Hangga't may katwiran akong ipagtanggol ang sarili gagawin ko.