Agad akong tumungo sa banyo upang maligo at maghanda ng sarili dahil gagala kami ngayon ni Tristan sa mall. Laking tuwa ko na lang na yayain niya ako makapag-bonding kami magkaibigan.
Nagsuot lang ako ng black squarepants na may printed flowers saka ko tinernohan ng hanging blouse pero hindi gaano kita ang pusod nito kasi stretchable at fitted naman siya. Naglagay ng simpleng make-up at lipstick, manipis na eye-liner na bumagay naman sa singkit kong mata.
Nagpaalam muna ako kila lola at may pahabol pang asaran sina Candy at Cipher na hindi ko na rin pinansin. Nagulat na lang din ako nang makita siyang nakatayo at nakasandig sa motor niya at tinititigan ang aking kabuhuan kaya tumikhim ako at nagsalita para mapalingon siya.
"Saang galing 'yang motorcycle mo? Ngayon ko lang kasi nakita 'yan eh?" bungad kong tanong sa kanya.
"Binili ko nga pala noong nakaraang linggo para naman may service tayo kapag papunta at pauwi galing trabaho." agaran niyang sagot saka na ako niyaya na niyang sumakay sa motor at napa-ahhh na lamang ako bilang tugon.
Hindi ko maiwasan kiligin sa kanyang sinabi. Mapapansin kong kahit ganito siya sa akin, kasama pa rin ako sa mga priorities niya. Napakasarap sa feelings yung ganito.
"Ano na, let's go?" sabi niya pagkasakay niya sa motor.
"Yes, gora na tayo." masayang tugon ko sa kanya.
Abot langit nanaman ang tuwa ko nang makita at makasama ko siya. Siguradong marami nanaman akong ikukwento kay Joanne sa pagkikita namin sa Lunes. Parang kinain ko nanaman ang mga sinabi kong kakalimutan ko na ang nararamdaman ko para kay Tristan pero heto nagpapantasya nanaman habang nakasakay pa rin ako sa motor niya. Ewan ko ba, sadyang mahal ko na nga talaga siya eh kasi hindi ko magawa siyang kalimutan.
"Cef nandito na tayo." saka lang ako bumalik sa ulirat ng bigla siyang nagsalita dahilan ng pagkagulat ko.
Napangisi naman siya. "Ako ang kasama tapos ang isip nasa iba naman." reklamo niya.
Mas lalo akong nagulat pa sa sinabi niya. Anong may iba? Ikaw lang naman kasi ang iniisip ko, tzk.
"Wala ah, ano ka ba." pagmamaang-maangan ko na lang sabay iling.
"Mabuti pa bumababa ka na muna." sumunod kaagad ako saka ko naman siya tinititigan at biglang nagseryoso kanyang mukha.
"Kung balak mo na talaga magka-boyfriend dapat dumaan na muna siya sa akin nang makilatis ko." maotoridad niyang saad kaya napangiwi naman ako sa sinabi niya.
"Magulang ba kita?"
Napakunot naman ang kanyang noo pagkatapos, "Hindi pero may karapatan akong kilatisin yang magiging jowa mo dahil ako ata ang bestfriend mo, maliwanag?"
Naging speechless na lang ako sa sinabi niya. Ang awkward lang kasi eh, masyadong overprotective pero sa loob-looban ko kinikilig naman ako.
"Bakit nakatayo ka lang diyan?" reklamo niya ulit at siya naman sinimangutan ko.
"Dapat lang talaga ipinapaalam mo sa akin 'yang magiging boyfriend mo lalo na mukha ka pa naman aanga-anga at madaling maloko." sabay ngisi niya kaya humiwalay ako sa kanya at nauna ng maglakad mag-isa.
Nakakainis!
Naiirita ako sa kanya. Ganoon na lang ba tingin niya sa akin kaya hindi ako makakapagdesisyon kung wala siya? Gusto ko man sabihin sa kanya na kaya ko rin kaso nawawalan ako ng lakas ng loob para sabihin kaya inirapan ko na lang siya bilang reaksyon.
"Tzk, isip-bata nga talaga." kaya mas lalo kong binilisan ang paglakad para makalayo na sa kanya. Nag-aapoy na kasi ang mata ko sa pang-iinis niya.
Bigla na lang niya ako hinila sa braso para mapatigil sa paglalakad.
"I am sorry kung nasaktan ka sa sinabi ko. Ikaw naman kasi parang...." hindi na niya tinuloy ang sasabihin baka ma-offend nanaman niya ako kaya nagawang pisilin na lang niya ang pisngi ko dahilan mapadaing ako sa sakit.
"Heto naman masyadong sensitive. Sorry na. Huwag ka na bumusangot diyan hindi bagay sayo." panunuyo pa niya . "Ano gusto mong kainin para naman mawala 'yang inis mo sa akin?" dagdag pa niya.
"Ikaw na lang bahala." walang ganang sagot ko at tumango na lang din siya at dumiretso na sa counter.
Mukhang di nga niya talaga ako magugustuhan kasi napakaisip-bata ko. Masakit lang sa damdamin pero kailangan kong tiisin kasi ayaw ko rin naman masira ang friendship namin nang dahil lang sa nararamdaman ko para sa kanya. Pilit kong ngumiti at maging ok ulit, lalo nang nakikita ko siyang pinagmamasdan niya akong kumain nakangiti.
Pagkatapos naming kumain dumiretso naman kami sa timezone para makapaglaro. Sinubukan niyang laruin na kung saan naroon ang mga stuff toys and teddy bears. Maya-maya nakahakot na kami ng marami stickers kaya nakuha naming yung pinakamalaking teddy bear at inabot sa akin. Ngumiti ako sa kanya nang malapad at ganoon din siya, pagkatapos hinila naman niya ako palabas na magkahawak ang aming mga kamay kaya't bigla rin akong nakaramdam tila daloy ng kuryente sa buo kong katawan. Bumitaw ako sa kanya at napansi naman niya kaagad.
Muli niyang binawi ang aking mga kamay at hinawakan niya muli 'yon at hindi ko na ring nagawang tumanggi. Sobrang lakas lang ng tibok ng puso ko sa ganitong posisyon naming dalawa kaya napag-isipan ko munang nagpaalam sa kanya para mag-cr. Naiilang na kasi ako sa ganitong paghawak-hawak niya hays.
"Sige, hintayin lang kita dito." sabi niya at agad naman ako pumasok sa C.R saka huminga ng malalim at napahawak sa aking mukha, pinagtatapik-tapik ko ito.
Caroline Faith, umayos ka nga. Baka mamaya niyan makahalata na sayo si Tristan, paano na ang friendship niyo? Kapag nalaman niyang may gusto ka sa kanya?
Kaya muli ako napaayos sa sarili saka na rin lumabas.
Pagkagaling ko ng CR, kaagad niya akong nilapitan at sinimangutan.
"Bakit ang tagal mo naman? Ten-minutes na akong naghihintay sayo ahhh." nag-alalang saad ni Tristan sa akin kaya hindi rin ako kaagad nakapagsalita kasi natatakot na ako sa boses niya kapag ganitong kaseryoso siya.
"Nagpaganda lang..."maikli kong sagot habang pilit na nilalabanan ang kaba sa aking dibdib.
"Kayong mga babae talaga hays."nakangising saad niya. "Let's go?"
Tumango na nga lang din ako at hindi na sumagot. Tutal parang hindi siya interesado sa pagpapaganda ko, mukhang hindi nga niya napapansin kagandahan ng bestfriend niya. Sa isip kong 'yon, hindi ko maiwasan makaramdam ng tampo mula sa kanya kaya panay pamemeke na lang ng ngiti ang ginagawa ko. Mas maganda nang sulitin at hayaan na lang muna namin ang isa't isa na ma-enjoy ito na habang nakikita at nakakasama ko siya.
Ala-sais na ng gabi kami nakauwi ng bahay at nginitian ko na lang siya pagkatapos. Bigla na lang kasi nag-iba yung mood ko sa pang-aasar niya sa akin. Naiinis ako ng sobra kapag sinsabihan niya akong isip-bata, pinapakita niya na talagang ayaw ni Tristan sa babaing tulad ko.
Pagkakain namin ng gabihan, dumiretso na rin ako sa kwarto at ni-lock ito saka mahimbing na natulog dahil sa pagod na nramadaman ko sa paglalakad-lakad namin sa mall kanina.
SUNDAY. It's a rest day. Naalala ko nga pala ito yung araw na magsisimba kami nila lola kasama yung pamilya nila Tristan pati siya. Pero sa ngayon, wala akong balak magsimba. Ayaw ko na muna makita si TJ, naiinis at natatampo pa rin ako sa kanya.
Sana mapatawad ako ni Bathala sa ginawa ko, nadagdagan nanaman tuloy kasalanan sa kanya. Hays.
Kasalanan mo ito, Tristan!
Sigaw ko na lang sa isip hanggang sa may nakarinig akong katok at bumukas ito. Si lola pala.
"Oh apo bakit ngayon ka pa lang nagising at hindi pa nakabihis? Magsisimba tayo!" sabi niya pero nakangiwi akong napatitig sa kanya.
"Hindi po ako lola makakasama sa inyo ngayon magsimba."
Nagulat siya sa aking sinabi at nilapitan ako.
"Bakit? May problema ba?"
"Wala naman po. Hindi lang kasi maganda pakiramdam ko ngayon eh." sabi ko na lang sa kanya at napatangu-tango ito.
"Sige, apo hindi kita pipilitin na sumama. Ikaw na muna bahala dito sa bahay ahhh."
Bilin niya sa akin at napatango na rin ako bilang tugon saka siya lumabas na ng kwarto.
Muli nanaman akong napabuntong-hininga pagkatapos tinititigan ang teddy bear na pinalalunan namin kahapon. Napangiti ako nang maalala kung paano siya maglaro, napaka-determined niya talagang tao. Hindi siya titigil hangga't di niya nakukuha o napapalalunan ang isang bahay. Nakakatuwa lang isipin pero nang pumasok sa isip yung sinabi niya kahapon bigla akong napabusangot at iniwasan titigan ang manika.
Sa twenty-minutes na pamamalagi ko sa kwarto, napag-isipan ko na ring maligo. Lumabas ako at napansin ko na ring nakaalis na sila lola.
Wala akong ginawa kundi magbasa ng Bible at iba pang mga libro na maaaring basahin dito kasi wala naman na akong ibang gagawin at rest day ngayon, bawal magtrabaho kapag ganitong araw. Mahigpit na pinagbabawal ito sa sampung utos ng Diyos na igalang ang araw ng pamamahinga.
Pagsapit ng alas-diyes, napag-isipan ko na ring magluto ng panaghalian bago dumating sila lola at alam kong gutom na mga iyon pagdating.
Pagsapit ng gabi, ala-siyete pa lang binabalak ko nang matulog para mahaba ang oras ko dahil panigurado maraming gagawin bukas sa hotel. Binuksan ko muna ang cellphone at bumungad sa akin ang text ni TJ.
'Hi good evening. May problem ba tayo?'
Iyan ang sabi niya sa text pero hindi ko ni-replayan 'yon. Pinatay ko na lang ang ilaw sa kwarto saka na ring natulog.
KINABUKAN. Naglalakad na ako papasok sa trabaho nang makita ko siya sa labas ng kanilang bahay. Pinilit ko sa sarili na kunwari na wala akong napansin kaya diretso lang ako hanggang sa madaanan ko na ang kanilang bahay.
Tinatawag niya pa ako sa palayaw ko pero hinayaan ko siya pinansin at di nagawang lumingon. Nagbingi-bingi lang ako.
Nagulat na lang nang may biglang humila sa braso ko dahilan para makaharap ako sa kanya.
"Iniiwasan mo ba ako, cef?" seryoso niyang tinig habang binabasa niya ang nasa isip ko.
"Hindi." diretso kong sagot sa kanya at napangisi siyang nang mapait.
"Kanina pa kasi kita tinatawag hindi mo ako pinapansin. May problem ka ba sa akin?"
Bigla na lang ako hindi makagalaw sa aking kinatatayuan, nakaramdam na rin ako ng awa sa kanya dahil sa kagagawan ko. Napalunok muna ako bago ko siya sinagot.
"May iniisip lang kasi ako kaya hindi kita napansin at narinig, sorry." pagdadahilan ko na lang sa kanya.
Magsasalita pa sana ako nang bigla na lang niya ako hilain sa braso papunta sa bahay nila.
"Sino ba kasi 'yang iniisip mo..." napatigil siya saglit at napahilamos sa sarili. "Na kahit sa daan hindi mo magawang ipagliban muna yang pag-iimagine mo sa lalaki na 'yon?"
Tzk kung alam mo lang sana na ikaw yung nasa isip ko.
"Hindi mo ba alam maaari kang mapahamak sa ginagawa mo? Paano kung wala ako?" giit niya pa sa akin habang ako nakayuko lang habang kinakalikot ang mga daliri ko sa kamay na parang bata na pinapagalitan ng kanyang tatay.
"Sorry na. Hindi na mauulit." sabi ko na lang.
"Hindi na talaga mauulit 'yan dahil araw-araw magkasabay na tayo papasok sa trabaho kaya ako bumili ng motor para madali na lang kita maihahatid at maisusundo."
Napitlag pa rin ako sa naging pahayag niya kahit nasabi pa lang niya ito noong Sabado.
"Sabay-sabay na rin tayo uuwi at di mo na kailangan magcommute araw-araw." dagdag pa niya.
"Oo na sinabi mo pa lang sa akin 'yan last Saturday."
Pagkatapos ng ilang minuto nakarating na rin ako sa hotel at nagmadali na ring bumababa at inilagak ang helmet sa kanya.
"Wala man lang ba thank you diyan?" pahabol pa niya kaya napalingon ako ulit.
Nagpasalamat na lang ako saka nginisian lang niya katulad na ginagawa sa akin sa tuwing mang-iinis kaya inirapan ko na lang siya sabay talikod at naglakad na lang papasok ng trabaho.
Marami kaming ginawa nitong umaga kaya hindi naming nagawang magchismisan ni Joanne at ngayong lunchbreak lang kami nagkausap ulit. Binahagi ko sa kanya yung friendly date namin ni Tristan noong Sabado at yung nangyaring panenermon sa akin ng lalaking 'yon.
Pagsapit ng ala-singko nagsilabasan na rin kami sa hotel at magka-iba na ring direksyon ang tinahak namin ni Joanne. Ako kasi nag-aabang na lang ng taxi dito kasi pagod na rin ako kung maglalakad pa papunta ng terminal ng jeep.
Maya-maya nanlaki na lang ang mata ko nang may tumigil na motor sa harap ko.
"Nakalimutan mo na ata na may magsusundo sayo ng isang napakagwapong nilalang na tulad ko." bungad niya sa akin na may kasamang ngisi habang ako naman inirapan lamang siya.
Walang anu-ano sumunod at umagkas na rin ako sa kanya saka niya pinaandar ang motor nang mabilis.