Nakapag desisyon ang mga magulang ni Banri na magbenta ng mga lupain para lamang makabili ng bagong video game na iyon ang "Fantasy World of Grimland" na sa tingin nila ay makakatulong kay Banri upang magkaroon ito ng normal na buhay.
"Pa, ayos lang po... 'wag na ninyong bilhin yung video game na yun," Saad ni Banri.
"Ano ka ba anak, kung yun ang paraan para maging masaya ka at maranasan mo ulit ang makapag lakad, kahit maubos pa ang ari arian namin mabili lang yung laro ay gagawin namin."
Masaya si Banri dahil sa labis labis na suportang binibigay sa kanya ng mga magulang niya, at labis siyang nagpapasalamat sa mga ito, pero labis naman ang panghihinayang niya sa isang bilyon para lamang sa laro.
Kaya naman nagdadalawang isip parin siya at naiisip niyang 'wag na lang silang bumilibng larong iyon.
Kinabukasan, araw ng release ng laro gaming market. Ay biglang nag announce sa website ng game na ang lahat ng may kapansanan na manlalaro ay libre lamang nilang ipapamigay, kailangan lamang mag present ng PWD ID para sa katunayan na PWD ang isang manlalaro na mag a avail sa laro.
At tanging mga manlalaro na walang kapansanan ang magbabayad ng isang bilyon.
Tuwang tuwa si Banri, gustuhin man niyang magtatalon talon sa tuwa ay di niya magawa dahil sa kapansanan niya kaya niyakap na lang niya ng mahigpit ang Papa niya, tuwang tuwa din ang Mama ni Banri, masaya ito para sa anak niya.
Kaagad silang nag asikaso sa kanilang mga sarili, para pumunta sa gaming market at makapag avail sa laro. Ayun sa website sampung libong video game ang ipamigay nila ng libre sa mga may kapansanang mag a avail sa araw ng release ng game.
"Anak, sigurado ka bang sasama ka? Baka mainip ka lang doon. Dito na lang kayo ng Mama mo, kasi siguradong mahaba ang pila niyan," Saad ng Papa ni Banri.
"Ayos lang Pa, gusto kong pumunta doon eh, tsaka excited na kasi ako."
"O'siya sige kung yan ang gusto mo, tara na," saad ng papa ni Banri at tinulak na ang wheelchair niya papunta sa garahe, kaagad siyang binuhat ng Papa niya papasok sa kotse nila.
At tinupi naman ng mama niya ang wheelchair niya saka inilagay ito sa compartment ng kotse.
"Mag iingat kayo ha," Saad ng Mama ni Banri.
Atsaka pinaandar na ng Papa ni Banri ang kotse at nagtungo na sila sa gaming market. Nang makarating sila sa Building ay sa labas pa lang ay mahaba na ang pila, marami ang mga may disabilities ang nandoon kasa kasama ang mga guardian nila.
Ibat ibang tao na may ibat ibang kapansanan din ang naroon.
Maryroong epileptic patient, may bingi, pipi at bulag, may mga PWD din na putol ang paa, kamay at kung ano pang parte ng katawan. At sobrang dami, bigla ay nagkaroon ng pag asa si Banri para sa sarili niya at para sa mga kapwa niya may kapansanan.
Labis siyang nagpapasalamat sa kaloob looban niya sa mga taong gumawa ng laro at maging sa suporta ng gobyerno para lang ma release yung laro.
Ilang oras ng nakapila sila Banri at ang Papa niya, pero sobrang haba parin ng pila.
"Pa, baka pagod ka na... O nagugutom kain ka muna Pa," Saad ni Banri sa Papa niya na ilang oras ng nakatayo sa pila.
"Ayos lang ako Banri, ikaw baka nagugutom ka na, teka sandali maiwan muna kita dito sa pila, bibili ako ng makakain mo," dahil gutom na rin si Banri ay di na siya tumangii pa na bibili ang Papa niya ng pagkain.
"O sige Pa, nagugutom na rin po ako,"
"Sige maiwan muna kita, itulak tulak mo na lang yung gulong ng wheelchair mo pag medyo umusad ang pila." At tumango naman si Banri bilang pag sang ayon.
At umalis na muna ang Papa ni Banri para bumii ng pagkain. Sobrang daming tao, at crowded na sa building, sa sobrang haba ng pila ay hinati na sa sampu ang pila, pero Sobrang haba parin talaga.
Mayroong mga PWD na hinimatay sa pila, mabuti na lang may mga naka antabay naman na mga medic sa buong building.
Habang naghihintay si Banri sa Papa niya, ay tumingin tingin siya paligid. Ngayon lang niya napagtanto na ang dami palang katulad niyang may kapansanan, mga taong pinili paring mabuhay sa kabila ng kanilang kapansanan, at nakita niya rin na mayroong mga PWD na mas malala pa sa kalagayan niya.
Nagkaroon siya ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang buhay dahil sa mga oras na iyon ay naramdaman niyang hindi siya nag iisa.
At maya maya ay biglang nagkagulo sa pila, sa sobrang crowded ay nagkatulakan, nagsimula ang gulo ng magbintang ang isang Ale na sumisingit sa pila sa isang lalake. Hanggang sa magkatulakan na, bigla ay nakaramdam si Banri ng kaba.
Baka magkaroon ng stampede at baka maipit siya sa gitna dahil hindi naman siya makalakad o makatakbo.
Hanggang sa mayroon nang bumabangga sa kanya at tumatama na ang mga katawan nila sa kanya dahil sa tulakan, ang mga pulis na naka antabay ay pilit pinapakalma ang mga tao sa building. Pero nagkakagulo parin ang lahat.
Sa gilid ni Banri ay may isang babaeng maputla at mukhang ka edad lang ito ni Banri, mukhang takot na takot siya at namumutla na ito.
"Ma, asan ka?! Sigaw ng babae at mukhang nahiwalay ito sa Nanay niya.
Nang tingnan ni Banri ang kamay ng babae ay mayroon siyang hawak na tungkod, napagtanto ni Banri na bulag pala ang babae. Nakakaramdan siya ng awa para sa babae lalo na nang sunod sunod itong mabangga ng mga tao sa pila.
Mabuti na lang at na kontrol na ng mga pulis ang pagkakagulo at tulakan. Kaya naging maayos na ulit ang lahat, ngunit yung babaeng bulag na nasa gilid ni Banri sa kabilang pila ay mukha parin siyang natatakot.
"Ma, asan ka na ba?" Tawag ng babae sa Nanay niya.
"Natatakot na ako dito," Nanginginig pang sabi nito.
"Ah miss, 'wag kang mag alala maayos na ang lahat, na kontrol na ng mga pulis ang tulakan at pagkakagulo ng mga tao dito sa paligid," Sabi naman ni Banri dahil naaawa siya dito.
"G--ganoon ba, sigurado ka bang wala ng kapahamakan sa paligid?" Tanong pa nito kay Banri.
"Oo wala na, maayos na ulit ang pila," Sagot ni Banri.
Maya maya ay may ginang na lumapit sa bulag na babae, at tinawag na anak ang bulag. Napagtanto ni Banri na iyon an Ina ng babae.
Naisip niyang mukhang mas mahirap pa la g maging bulag, kesa sa sitwasyon niya. Naisip niyang ano kaya ang pakiramdam ng wala kang makita na kahit ano, tingin niya'y napakalungkot.
Naisip niyang kanya kanya sila ng pinagdadaanan, parehong mahirap sa bawat taong katulad niyang PWD, ngunit ngayon narito sila dahil tulad ni Banri mayroon silang nakikitang pag asa na mabago ang sitwasyon nila at maranasang mamuhay ng normal sa pamamagitan ng bagog laro na ginawa ng mga pinaka magagaling na web developer.
Nang makabalik ang Papa ni Banri ay may dala na itong pagkain.
"Anak, ayos ka lang ba? Narinig kong nagkagulo daw dito kanina," alalang sabi ng Papa ni Banri.
"Ayos lang ako pa."
Madaling araw na ng makapag avail si Banri at Papa niya ng video game, sa likod niya ang haba parin ng pila.
"Sa wakas anak naka kuha ka na ng laro, tara na umuwi na tayo." Sabi naman ng Papa ni Banri.
Lumingon lingon sa paligid si Banri, na tila ba hinahanap niya sa kanyang mga mata yung bulag na babae, naisip niyang makikita niya kaya ito sa loob ng laro?
"Bakit? May gusto ka pa bang puntahan?" Takang tanong ng Papa ni Banri.
"Ah wala naman Pa, tara na.."
Pagdating sa bahay ay agad silang sinalubong ng kanyang Nanay at ibinalita nilang masayang balita na nakakuha na silang video game.
Kaagad silang pumunta sa kwarto ni Banri at nilagay yung CD ng video game sa game console.
Pare pareho silang kinakabahan... Maya maya nang mailagay ang CD sa game console ay may Hologram na lumabas, isang parang pinto na kulay Asul, may mga light effects ito na nakalutang sa ere ng kwarto ni Banri. Kapwa silang namangha ng kanyang mga magulang.
["Mangyaring pumasok sa pinto ang manlalaro kapag handa na"]
Biglang may boses silang narinig na mula sa game console.
Tinulungan at inalalayan ng Papa ni Banri na tumayo siya mula sa wheelchair, buhay buhay siya ng Papa niya.
"Pa, itutuloy ko ba?" Nag aalinlangang sabi ni Banri dahil nahihiwagaaan siya. Ang laro ay parang may Mahika.
"Oo anak, 'wag mo kami alalahanin ng Mama mo basta maging masaya ka. Ayos lang kami,"
"Sige na anak, masaya kami para sa'yo," saad naman ng Mama ni Banri.
At pagkabukas ng Papa ni Banri sa pinto ay biglang hinigip si Banri papasok sa pintong iyon at sumara ng malakas ang mahiwagang pinto na hologram, at kasunod noon ay nawala ang hologram ng pinto sa loob ng kwarto ni Banri.
[ "The player Banri Tatsuya has been Log in and transported to Fantasy World Of Grimland" ]
Rinig ng magulang ni Banri, boses na nagmula sa game console matapos higupin si Banri ng hologram na pinto at maglaho ito...