Matapos higupin si Banri ng hologram na pinto na lumitaw sa kanyang kwarto ay natagpuan niya ang kanyang sarili sa isang kagubatan.
Nasa ilalim siya ng puno at nakaupo, naririnig niya ang mga huni ng ibon sa kalangitan, at nang mag angat siya ng tingin ay kitang kita niya ang asul na asul na kalangitan at maging ang tindi ng sikat ng araw.
Napahawak siya sa kanyang hita, binti papunta sa kanyang paa. At gulat na gulat siya ng maramdaman na niya ang kanyang mga binti, dati kasi ay manhid ang mga ito at walang pakiramdam. Kaya naman mula sa pagkakaupo sa damo sa ilalim ng malaking puno ay unti unti siyang tumayo.
At laking gulat niya nang magawa niyang makatayo, nanginginig pa ang kanyang tuhod at binti dahil sa matinding gulat at hindi makapaniwala si Banri na nagawa na niyang makatayo ngayon, unti unti ay inihakbang niya ang kanyang mga paa.
Ka muntikan pa siyang matumba at pasuray suray siyang naglalakad ng dahan dahan.
Dahil sa loob ng isang dekada niyang pagkalumpo ay tila ba nakalimutan na niya kung paano ang maglakad, kaya naman para siyang sanggol na nag uumpisang matutong maglakad.
Hanggang sa ilang minuto niyang paglalakad ay nasasanay na siya, hindi niya mapigilang mapangiti sa sobrang saya na kanyang nararamdaman.
Hanggang sa magtatalon talon siya sa sobrang tuwa at hanggang sa magtatatakbo siya sa kagubatan habang nagsisigaw sa labis na kagalakang kanyang nararamdaman.
"Sa wakas ay malaya na ako!!!" Sigaw ni Banri habang nagtatatakbo siya at dinadama ang kanyang mga binti at mga paa.
Ni wala siyang suot na tsinelas o sapatos, naka pajama pa siya.
Dahil kung ano ang suot niya noong nasa kwarto siya ay ayun parin ang kasuotan niya nang mapunta siya sa loob ng laro.
[ First quest: kill 10 forest monster limes ]
Biglang napahinto si Banri nang lumitaw ang mga letra at mga salitang iyon sa kanyang harapan na parang hologram. At kaagad din namang naglaho ito.
"Ano daw? Forest monster limes? Halimaw na kalamansi?" Naguguluhang sambit ni Banri sa kanyang sarili, atsaka siya napahinto at nagmasid sa buong paligid.
Wala naman siyang napapansing kakaiba sa paligid ng kagubatan, payapa ang kapaligiran. Pero nakaramdam siya ng kaba.
At laking gulat ni Banri nang mula sa mga naglalakihang puno ay may mga bumagsak na malalaking bunga ng kalamansi na may halimaw na mukha, may matatalas na ngipin ito, luwang mga mata at mga galamay.
At kaagad na nagsipag sugod kay Banri ang mga halimaw na kalamansi.
[ To clear the quest you need to kill at least 10 Forest Monster Slime! ]
Muling lumitaw ang mga salitang iyon sa kanyang harapan sa Ere.
"A--ano? P-pero papaano? Wala akong kahit na anong equipment o armas laban sa mga halimaw na kalamansi!" Natatarantang sambit na lang ni Banri at wala siyang ibang naisip na paraan kundi tumakbo na lamang.
Habang hinahabol siya sa kanyang likuran ng mga Halimaw na Kalamansi (Forest Monster Slime)
At laking gulat ni Banri nang magawa niyang makatakbo sa bilis na hindi niya inaasahan, para siyang hangin sa bilis ng takbo niya, bagay na ikinagulat niya.
Dahil kahit noong atleta pa lamang siya, panahong hindi pa siya lumpo ay tandang tanda niya pang hindi siya ganito kabilis tumakbo noon. Na para bang nagkaroon siya ng kakaibang kapangyarihan na mabilis ang pagtakbo.
Halos tumilapon ang katawan ni Banri sa kagubatan sa bilis ng takbo niya na halos hindi niya makontrol, hanggang sa duma usdos siya sa bahaging lupa na paibaba sa kagubatan, nagdire diretso siya paibaba, hindi niya akalain na hindi pala pantay pantay ang lupa sa kagubatan. Napapikit siya sa takot.
Napasigaw na lamang siya nang mabilis siyang duma usdos at gumulong gulong paibaba. Hanggang sa tuluyan na siyang nakarating sa ibabang bahagi.
At nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nasa patag na siyang lupain, na may kulay berdeng mga damo at mga bulaklak sa paligid. Nang lumingon siya sa likuran sa itaas ay iyon pala ang bahagi ng kagubatan.
Para sa kanya ay weirdo ang partition at lugar ng laro. Napatalon naman siya palayo nang bigla ay magtalunan paibaba papunta sa kanya ang mga Monster limes.
At kahit nga sumakit ang kanyang katawan mula sa pagkahulog at pagka gulong gulong niya mula sa itaas ng gubat ay napilitan siyang muling tumakbo.
Hanggang sa makarating siya sa gitna ng kapatagan, at namangha at nagulat siya nang makita na andaming manlalaro ang naroon sa gitna. Sila ay lumalaban at pumapatay ng Monster Slime, naisip niyang pare pareho sila ng quest.
Nagulat pa siya nang isang manlalaro ang naghagis sa kanya ng isang sibat, nanlaki ang mga mata ni Banri.
Buong akala niya'y katapusan na niya ngunit dumiretso ang sibat sa kanyang likuran at nang lumingon siya sa likuran niya ay tinamaan ang isang Monster lime na sobrang lapit na sa likuran niya.
"Pre, muntik ka na..." Sambit nito sa kanya at mabilis na nilapitan ng lalake ang Monster lime sa likod niya at kaagad nitong kinuha ang sibat na tumarak sa Monster lime, pagka kuha ng lalake sa sibat ay parang abo na naglaho ang Monster lime.
At nag drop ito ng isang dahon at ang dahon na iyon ay biglang dumiretso sa katawan ng lalake at kaagad din na naglaho. Sa dami ng nalaro ni Banri na RPG games, alam niya ang ibig sabihin nito, nagda drop ng materials yung lime, at napunta iyon sa bag or parang storage space ng manlalarong nakapatay sa monster lime.
"Salamat pre," saad ni Banri, matapos siyang iligtas nitong lalake.
"Ilan pa kailangan mong mapatay na Monster limes?" Tanong sa kanya ng lalake.
"Sa katunayan niyan, ay wala pa akong napapatay na Monster limes. Dahil wala pa akong kahit na anong equipment."
"Ganoon ba, ako patapos na ako sa quest ko, isa na lang makaka sampung Monster limes na ako."
"Saan ka nakakuha niyang sibat?" Tanong ni Banri.
"Sa totoo lang sa larong 'to, mukhang kailangan mo ring maging tuso kung minsan, para manalo ka. Ninakaw ko lang haha," tumatawang sabi pa nito.
"A-ano? Pwedeng magnakaw ng equipment sa laro na 'to? Parang hindi maganda. Hindi pala safe ang equipments ng mga manlalaro kung ganoon," di makapaniwalang sagot naman ni Banri.
Habang inilagan ang mga Monster limes na umaatake sa kanya at habang tinutulungan naman siya ng lalake, hanggang sa na kompleto na ng lalake ang kanyang quest.
"Tapos na 'ko pre, maghihintay na lang ako sa susunod na quest ang saya nito. Goodluck sa'yo." Sarkastiko at mayabang na sabi pa nito.
"Teka pre, wala bang ibang paraan kung paano maka kuha ng equipment bukod sa magnakaw sa ibang manlalaro?" Tanong ni Banri, dahil akmang aalis na ito.
"Narinig ko kasi kanina sa isang manlalaro, na nakakakuha daw ng equipment sa isang swamp o latian."
Ang swamp o latian ay isang lugar na parang gubat na punong puno ng mga putik at tubig ang mga lupa ngunit mababaw lamang ang tubig. May mga puno at halamang tubig rin dito.
"At pumunta lang ako doon, at nag abang ng mga manlalarong nakikipaglaban sa mga mababangis na halimaw sa swamp. Ang mga halimaw na naroon ay nagda drop ng mga equipments. At dahil meron akong steal card, ayun ninakaw ko ang equipment na nakuha nila sa mga halimaw doon." Paliwanag ng lalake.
"Steal card?" Naguguluhang tanong ni Banri.
"Oo, may steal card ako, ma utak din naman ang developer ng larong ito, dahil kahit maaaring makapag nakaw ang mga manlalaro mula sa ibang manlalaro ay hindi basta bastang makakapag nakaw ka dahil lang sa gusto mo, kailangan mo ng steal card, at ang steal card ay mabibili sa black market sa kapitolyo ng grimland. Kung wala kang steal card, aba hindi ka maaaring makakapag nakaw ng kagamitan mula sa ibang manlalaro."
Sa sinabi ng lalake ay napaisip si Banri, wala pang nalaro si Banri na RPG games na mayroong kakayahang makapag nakaw ng equipment ang mga manlalaro at lalong walang black market sa mga nalaro niyang RPG games, kaya naman naging interesante para sa kanya ang larong ito.
"Hindi ko na kailangan ng steal card, sabihin mo na lang sa akin kung saan ko matatagpuan yung swamp na may mga halimaw at mobs na nagda drop ng mga equipments." Pakiusap naman ni Banri sa lalake.
"O siya sige, nakaka awa ka naman, sa kanlurang bahagi, tatlong kagubatan pa ang madadaanan mo. Diretsuhin mo lang iyang masukal na bahaging iyan sa may kanluran, tiyak na makakarating ka sa swamp, mag iingat ka lamang sa mga mababangis na halimaw, o kung ako sa'yo sumuko ka na lang," mayabang na sabi pa ng lalake.
"Ako nga pala si Ponio, mauna na ako sa'yo." Pagpapakilala pa nito sa sarili.
"Banri..." Pag papakilala naman ni Banri sa kanyang sarili.
"Nawa'y makita pa kita sa mga susunod na level," natatawang sabi pa ni Ponio, na may halong pagmamaliit kay Banri, na tila ba kumbinsido na itong hindi makakausad sa susunod na level si Banri.
At umalis na si Ponio, panatag lang na naglalakad palayo si Ponio, samantalang napagtanto naman ni Banri, na kapag natapos na ang unang quest ang makapatay ng sampung halimaw na limes ay hindi ka na aatakehin pa ng mga Monster limes sa paligid kapag nagtagumpay ka na sa unang quest. Kaya naman habang naglalakad si Ponio ay hindi na siya ina atake ng mga limes.
Kamangha mangha para kay Banri ang manlalarong si Ponio, dahil tila ba ito ay marami ng nalalaman sa laro. At maayos din ang pananamit nito, tila ba nakakuha na ito ng armor at boots na siguradong nakapag dagdag sa stat nito bilang manlalaro.
Napatingin tuloy si Banri sa kanyang sarili, ni wala pa siyang suot sa paa na kahit ano, at naka pajama lamang siya.
Hirap na hirap parin si Banri sa pag ilag sa mga Monster Limes. Sa paligid ay marami paring mga manlalaro ang nakikipag laban at tinatapos ang quest sa Monster limes.
Samantalang ginamit na lamang ni Banri ang kanyang natuklasan na kakaibang katangian niya sa laro ay sobrang bilis niya sa pagtakbo.
Kaagad siyang tumakbo ng mabilis at tinungo ang kanlurang bahagi, pupunta siya sa swamp o latian, upang maka kuha ng equipment mula sa mga halimaw na naroon sa swamp.
Nang makapasok si Banri sa ika unang gubat na madadaanan patungong swamp ay nagulat siya nang paglingon niya sa likuran ay hindi na makalapit sa kanya ang mga Monster limes na humahabol sa kanaya, atsaka niya napagtanto na mayroon lamang palang hangganan kung hanggang saan lugar lang maaring manatili ang mga Monster limes.
At kapag wala na sa sakop ng lugar kung saan nananatili ang mga Monster limes ay wala na silang kakayahang maka tapak sa lugar na hindi na sakop ng kanilang lugar na kinalalagyan.
Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakbay, naramdaman niyang humahapdi na ang kanyang mga paa dahil sa matatalas na damo at mga tipak tipak na bato na kanyang naapakan.
Ngunit hindi na lamang niya ininda at nagpatuloy siya sa paglalakad. At upang mapablis ay tumakbo na siya at ginamit ang bilis niya sa pagtakbo upang agad na makarating sa swamp.
Nadaanan niya ang mga ikalawa at ikatlong gubat, marami din siyang mga nakasabay na manlalaro na tingin niya'y patungo rin sa swamp.
Hanggang sa wakas ay nakarating na si Banri sa swamp, hanggang binti niya ang tubig na maputik. May mga water lilies at iba pang halamang tubig ang nasa paligid at tubig.
May mangilan ngilang manlalaro ang nakikipag laban sa mga mobs o halimaw na naroon sa swamp.