Chereads / Log In To Fantasy World Of Grimland (TAGALOG) / Chapter 6 - Chapter 6 - Dungeon Boss: Shadow Spinner

Chapter 6 - Chapter 6 - Dungeon Boss: Shadow Spinner

Patuloy sa pagtakbo ang grupo nila Banri habang hinahabol parin sila ng Poisonous Arachnid.

"Ano ng gagawin natin? Siguradong mauubos ang enerhiya natin sa patuloy na pagtakbo, hindi natin pwedeng takasan na lang ang mga halimaw na yan," Sabi naman isa sa kanila.

"Mabuti pa ay harapin na natin ang mga yan!" Suhestiyon pa ng isa.

Kaya naman imbes na magpatuloy sa pag takbo ay napagpasyahan ng kanilang grupo na huminto at harapin ang poisonous arachnid. At Dahil pare pareho naman silang may mga weapon ay pinagtulungan nila ang mga halimaw na iyon. At iniilagan nila ang mga lason na binubuga ng mga halimaw

At hindi nila akalain na mauubos nila ang mga ito.

Mukha lang palang nakakatakot ang mga ito, dahil sa mga higanteng halimaw na gagamba ang hitsura ngunit dahil mababa lamang ang level ng mga halimaw na iyon, ay mahihina lamang sila at mabilis na namamatay sa ilang pag atake lamang nila.

Sa dami nilang napatay na mga Poisonous Arachnid ay sabay sabay din silang nag level up hanggang level 3. At tuwang tuwa naman si Banri dahil ang mga halimaw na iyon ay nag drop h mga foot gears at ilang processing material, para sa pag gawa ng ibat ibang potion.

Bagamat nakakuha sila ng foot gears mula sa mga poisonous arachnid, ay mababa lamang ang uri nito. Isa lamang common Item ang foot gears na nakuha nila, at mababa lang din ang stats nito.

*Foot gear obtain from Poisonous Arachnid stat*

[Level: 3]

[Increase player speed: 2%]

[Poison resistance: 1%]

[Defense rate: 4]

[Gear slot: 0]

Pero sa sitwasyon nila ngayon at sa mababang level ay para kay Banri maigi na ito kesa sa wala, dahil masakit na rin ang mga paa niya dahil mula pag pasok niya sa laro ng Grimland ay wala siyang kahit anong sapin sa paa.

Nagpatuloy sila paglalakad, at ibat ibang mga mobs ang kanilang nakalaban at nakasagupa. Mababa lamang ang mga levels ng mga ito kaya naman hindi sila nahirapan, nag drop din ang ilan sa uri ng mga mobs ng weapon, na higit na mas mataas ang stat kumpara sa kasalukuyang weapon nila na nakuha nila mula sa swamp beast sa swamp deepest area.

Hanggang sa marating nila ang last area ng dungeon level 1, at doon ay lumitaw ang isang spider boss na kung tawagin ay Shadow spinner, at ito ay level 6, umabot naman sa level 4 ang grupo nila Banri dahil sa mga napatay nila na mobs sa daan, ngunit lamang parin ng dalawang level ang Shadow spinner sa kanila, at di hamak na malakas at makunat ito dahil boss ang shadow spinner.

Nakakatakot ang hitsura nito, itim ang kulay, matatalas at malalaki ang mga galamay at mayroong kulay berdeng mga mata. Nagbubuga rin ito ng parang itim na usok.

At mga tusok tusok na parang galamay na umiikot ikot sa ere at tumatama sa target nito.

Bago magpasyang makipag laban ang grupo nila Banri, ay uminom na muna sila ng isang energy bottle. Pare pareho silang wala pang na o obtain na kahit na anong skills, at walang specific class. Kaya naman hindi nila alam kung tiyak bang magtatagumpay sila ngayon laban sa spider boss.

"Itutuloy pa ba natin ito?" Tanong ng isa.

"Tingin ko makakaya naman nating matalo ang boss na ito, kung magtutulungan parin tayo, kailangan lang natin dumiskarte sa pag atake," saad naman ni Sunade, na buo ang loob na labanan ang shadow spinner.

"Ni wala tayong kahit anong skills, para manalo," saad ng isa.

"Tama si Sunade, ang kailangan natin ngayon ay magtulungan at magtiwala sa sarili nating mga kakayahan, subukan parin natin," pag sang ayon naman ni Banri kay Sunade.

"Noga, ikaw ang group leader... Anong desisyon mo? Eh kung bumalik na lang kaya tayo sa kapitolyo?" Saad ng isa.

Saglit na nag isip si Noga, habang nakatingin sa Shadow spinner.

"Walang aalis, tatapusin natin at tiwala akong maki clear natin lahat ng layer area ng dungeon," optimistic na saad ni Noga.

Kaya napalunok sa kaba ang ilan sa grupo nila.

Chineck naman ni Sunade ang impormasyon tungkol sa Shadow spinner upang alamin ang kahinaan nito.

*Shadow Spinner*

[Level: 6]

[Skill 1: black poisonous smoke]

[Skill 2: Spinning sharp tendrils]

[Weakness: source of light]

[Drop: Armor, Weapon, gem]

"Source of light ang kahinaan ng shadow spinner," saad ni Sunade matapos niyang icheck ang impormasyon ng shadow spinner.

"Anong ibig sabihin?" Tanong ni Noga.

"Mukhang sensitive sa liwanag ang shadow spinner, at maaring magdudulot ng panghihina or immobilization ang liwanag sa mga Shadow spinner," Sambit naman ni Banri.

"Pero, tangin kadiliman ang mayroon dito sa dungeon, saan tayo kukuha ng liwanag?" Frustrated na sabi naman ng isa sa mga grupo.

Kaya naman saglit silang nag isip ng paraan.

"Siguradong merong paraan." Positibong sabi naman ni Banri, habang nag iisip.

Tapos chineck nila yung mga materials na nakuha nila sa mga mobs kanina, at nabuhayan ng pag asa si Banri ng makita doon ang dalawang Firestone pebbles, nakuha nila iyon sa isang monster stone mobs na kanilang na encounter kanina.

Binasa niyang description ng Firestone pebbles.

*Firestone pebbles*

[Small stones that can generate sparks when struck together]

"Meron tayong Firestone Pebbles, drop ng isang monster stone mobs kanina, sa pamamagitan nito makakalikha tayo ng apoy, at ang liwanag mula sa apoy ay tingin ko ay magiging sapat upang matumbok ang kahinaan ng Shadow spinner." Paliwanag ni Banri.

Namangha naman sila, dahil hindi nila naisip na mayroon palang palaisipan sa laro, at ang mga nakukuha nilang materials ay hindi lang basta basta, dahil lahat ng ito ay may purpose at kailangan lamang ng manlalaro maging matalino sa pag iisip, dahil magagamit ang mga ito upang magtagumpay sa pag clear ng dungeon.

"So the web developer of this game, like playing mind games pala." Naiiling iling na sabi ng isa sa grupo.

"Mabuti na lang at mayroon tayong kasama rito na nag iisip ng mabuti," saad naman ni Sunade.

Kaya namin, kiniskis nila ang mga Firestone pebbles. Nakakangalay at matagal bago ito kumislap, tuwang tuwa sila sa pagkislap ng bato, at hindi pa sila tumigil hanggang sa lumaki na ang apoy.

Pinindot na nila ang ready button na lumulutang sa ere, upang kalabanin na ang boss shadow spinner.

They all gathered around sa umaapoy na pebble stone, plano nila na lumapit sa kanila ang Shadow spinner sa apoy. Hanggang sa manghina ito at saka sila aatake.

Nag simula ng kumilos ang boss Shadow spinner, at nang makalapit nga ito sa kanila ay tila ba nasilaw ito sa liwanag na nagmumula sa apoy, ang kulay berderng mga mata nito ay umusok at unti unting naging kulay itim, na para bang nabulag na ito.

At naging agresibo ang Shadow spinner, ngunit bumagal ang pag galaw nito, kaya naman ginamit na nila ang pagkakataon na yun para umatake, sabay sabay nilang inatake ang Shadow spinner gamit ang kanilang mga na obtain na weapon.

They slashed with their swords ang tiyan at likot ng shadow spinner, nagkaputol putol at hati hati ang mga galamay ng mga ito, nang atakihin din nila ang bahaging iyon nh shadow spinner, at ang pinaka huling pag atake ang ginawa ng leader nilang si Noga.

Dahil sa nakuhang foot gear ni Noga kanina ay nagkaroon siya ng kakayahang tumalon ng malakas at lumipad sa ere, dahil ang footgear na suot niya ngayon ay may Jump stat, na nagpapataas ng talong ng manlalaro.

Pagtalon ni Noga sa Ere ay tinarget niya kaagad ang dalawang mata nito at tinusok niya iyon gamit ang dual blade swords niyang weapon.

Sumigaw sa sakit ang Shadow spinner at unti unti itong bumagsak, hanggang sa ito ay unti unti ding naglaho na parang usok.

Nagtatatalon talon naman ang ilan sa grupo nila nang matalo nila ang boss shadow spinner.

"Ayos ang galing nagawa natin woohhh!" Sigaw ng isa.

At tuwang tuwa rin ang kalooban ni Banri, dahil ito ang unang tagumpay nila sa World of Grimland. At masaya pala iyon sa pakiramdam, mayroon siyang sense of fulfilment na naramdaman, bagay na hindi niya maramdaman sa reyalidad at totoong buhay.

Nakangiti na lang si Banri.

[Boss shadow Spinner has been defeated]

*Players obtained the following reward*

*Distribution of reward is individual, each of members of the party will receive the following reward individually*

*Rewards and drop mula sa Boss shadow spinner*

[10,000 exp points]

[5,000 coins]

[Energy Bottle + 10]

[Venom blade sword spinner]

[Venom guard Armor]

[Amor upgrade gem]

"Ayos, ang angas ng mga rewards at drops ng boss na yun," tuwang tuwang sabi pa ng isa sa grupo nila.

At sa isang pader ay biglang nagkaroon ng kulay asul na portal.

[The party can now proceed to layer two area of dungeon good luck players]

At sabay sabay silang pumasok sa portal papunta sa layer two area part ng dungeon.