Chapter 3:
Kinabukasan maaga akong pumasok kahit nahihilo, dahil sa sobrang ingay ng Nanay ko kakasermon.
Late na kasi akong nakauwi kagabi dahil sa kalokohang ginawa ko kahapon.
Nakakatrauma.
Hanggang alas-sais lang kasi ang ipinaalam ko sakanya sa text kaya siya nagalit, kasi nakauwi nako ng alas-otsyo. Nag-alala siya na baka daw dinampot na ko ng DSWD dahil mukha nakong napabayaan. Pero sa totoo nyan takot lang siyang mawala ang nag-iisa niyang poging anak, kasi wala siyang mauutusan.
Kamusta na kaya yung nasipa ko sa ano?
Masakit matamaan sa ari ang mga lalaki alam ko, pwede nilang ikabaog yun. Magsosorry ba ko? Pero hindi ko naman siya kilala. Hindi din dapat ako maguilty, kasi siya din naman ang may kasalanan kaya ko siya nasaktan.
What if ipakulong niya ko?
"Rai, Nakikinig kaba?"
Nagising ako sa realidad ng bigla akong tapikin ni Mikha.
Nagm-meeting kasi kaming Three Pig dito sa harap ng Grandstand habang nakaupo sa damuhan.
"Kanina ka pa jan parang wala sa sarili okay ka lang ba? Nasasayang na yung laway ko dito oh," Malungkot nyang reklamo. Wala namang kasing kwenta yung topic.
"Puro about lang naman sa crush niyo ang pinag-uusapan natin." Bagot kong turan at walang ganang kumuha ng chips para kainin habang pina-kikinggan na ang mga rants nilang dalawa ni Naih sa mga crush nilang wala namang mga pake sakanila.
Mas malaki pa nga ang mga problema ko kesa sakanilang dalawa. Tsk.
"Yung myday ni T-Triston kagabi huhu, nakita ko may kasama na namang new girl.'' Naiiyak na kwento ni Mikha habang nagpupunas ng luha niya.
Kinuha niya ang cellphone niya at pinakita samin ni Naih ang myday ni Triston.
Tinignan ko ang nonsense na ipinapakita niya samin, at hindi nagreact. Naka-akbay si Triston sa magandang babae habang nakasmile silang dalawang nakaupo na may hawak na wine. Sa Bar ata kuha, halata naman.
"She's not pretty." Maarteng comment ni Naih.
"Pagkatapos siguro ng laro nila sa basketball kahapon, kasama na nila yung new girl na'tong mukhang squammy, kasi hindi ko naman siya nakita kahapon sa Court habang naglalaro sila Triston." Umiiyak na kwento ni Mikha.
Nagpunta para manood sa laro ng crush niya, pero hindi pumasok. Mga kabataan nga naman ngayon.
Siya si Mikha, mahilig manghusga ng kung sino-sino at napaka-iyakin pagdating sa crush niyang si Triston, same sila ni Naih. Mga bestfriend kong gagawin ang lahat para mapunta sakanila ang Dream guy nila kahit na ipagtabuyan pa sila.
We're in a cycle. Silang dalawa lang ang mga kino-cinsider kong mga kaibigan pagdating sa End Of The Beginning, kahit na madami pa kong ibang mga friends bukod sakanila. Silang dalawa lang na nothing special and nothing magic, ang mga pinaka-bestfriend ko kahit nakakasawa na.
"Baka friend lang nila yan Mikha, o kaya naman pampalipas oras, tyaka alam naman natin dba? na womanizer talaga siya." Pampalakas ng loob ni Naih kay Mikha.
"Ganun ba yung friend? Naka-akbay sakanya si Triston, Naih." Naiiyak na hinanakit ni Mikha nang madrama naman siyang niyakap ni Naih para damayan. Hayst. Kahit kailan talaga mga OA.
"Think positive Miks, malay mo bigla ka nalang nyang ichat para ayain magdate." Trip kong singit sakanilang dalawa habang kumakain.
Napatigil sila sa ginagawa nila at taka nila akong tinignan. "Alam mo Rai, parang ang weird mo ngayon." Sabi ni Naih na ikinairap ko.
Anong wierd don? Nag comment lang naman ako. Tsk.
Kumuha ulit ako ng chips para isubo ng mapatigil.
Nakatitig parin silang dalawa sakin na may halong pagtataka.
Problema ng mga 'to?
"Ano ba namang mga tingin yan? Para naman kayong mga timang." Reklamo ko sakanila.
"May sakit kaba?" Tanong ni Naih at lumapit pa sakin para i-chineck ang noo ko. Tinapik ko ang kamay niya at kumuha ulit ng chips para isubo.
Tanga lang.
Ilang minuto na ang lumipas ng bigla silang tumahimik ng marinig ko silang nagbubulungan.
"Parang iba yung aura niya."
"Yup, kanina nga nakangiti siya na parang ewan e."
"Baka naman kasi may nagugustuhan na siya kaya ganyan."
"Sino naman ang gugustuhin ko?" Tinignan ko sila ng nagtataka. Magbubulungan nalang rinig pa.
"Siguro yung cutie guy na lalaki kanina sa library." Nang-aasar na hula ni Mikha na ikinatawa nilang dawala.
Eh?
"Hindi nadin naman nakakapagtaka kung ayun nga," Gatong ni Naih "Kasi same sila ng bookworm guy na 'yon, na kulang nalang idikit ang mga mukha nila sa libro." Aba.
"Ano namang masama sa pagiging bookworm, Naih?" Naasar kong tanong na ikinatigil nilang dalawa.
"So type mo nga yung bookworm guy na yon?" Gulat na tanong ni Mikha.
Ha? Type? Yung lalaki kanina sa library? Eh mas pogi pa nga ko don.
"Anong type type ba pinagsasabe niyo jan? wala akong type tigilan niyo ko." Inis kong deny. Imbis na maniwala sila sa sagot ko nagtinginan lang silang dalawa at binigyan ako ng makahulugang nakakaasar na tingin.
"Tigilan niyo nga ko." Reklamo ko at kumuha ulit ng chips para kainin. Ako na naman ang pinagtriripan nila, parang gusto ko magmura ngayon. Tsk.
Nagtawanan silang dalawa at nagbulungan pa ulit na parang may kakaiba.
Mga baliw.
Nilapitan nila akong dalawa pagkatapos magbulungan at tinignan nila ko na may nakakalokong tingin. Parang alam ko yang mga tinignan yan ah.
Natatawang tumayo si Mikha sa pagkakaupo, at biglang sumigaw ng malakas sa Grandstand.
"MAY CRUSHIECAKES NA SI RAI!!"
The heck?
Gulat akong napatayo bigla sa ginawa ni Mikha ng napatingin sa direksyon namin ang mga tao sa Grandstand.
"Huy ano bang ginagawa mo?" Nahihiya kong tanong at pilit na hinatak si Mikha paalis ng Grandstand, habang tuwang-tuwang sumunod samin si Naih na nang-aasar, Tangina. Bakit ko ba sila naging mga kaibigan?
Binitawan ko si Mikha sa inis at nahihiyang tumakbo palayo sakanilang dalawa. Arghh! Nakakahiya talaga kahit kailan!
"Yieeeee! may crush na siya!" Habol na nang-aasar na tinig ni Mikha ng iwanan ko sila. Tsk! Mga bwisit!
"Aray!"
Napadaing ako at napatigil sa pagtakbo ng may bigla akong nabunggong malaking tao. Kung minamalas ka nga naman, humarang pa. Napaupo ako sa sahig dahil sa malakas na impact.
Ahh! ang s-sakit.
"Aren't you looking where you're going?" Galit na tanong ng nabunggo ko.
Napatingin ako sakanya at nagulat. Natapon sa uniform niya ang iniinom niyang red juice ng magkabungguan kami. Pero hindi amoy juice ang amoy, bakit parang amoy alak?
Bawal ang kahit na anong Alcohol sa Campus, lasing siguro 'to.
Tumayo ako sa pagkakalagapak at binigyan siya ng nagtatakang tingin habang nilalabanan ang tingin niyang parang gusto akong bawian ng buhay kahit ano mang oras.
"Tumitingin ka din ba sa dinadaanan mo?" Mahinang sakristiko kong tanong sakanya ng makatayo ako. Pinagpagan ko ang sarili ko at tangkang lalagpasan ko na siya dahil sa dami ng nanonood, ng bigla niyang hinawakan ang bag ko sa likod para di makaalis.
Holy crap.
Napahinto ako sa balak kong gawin ng hatakin niya ko pabalik. Tinignan ko siya ng masama sa ginawa niya.
"Who was running and bumped into me, then?"
Eh?
"Hindi kita mabubunggo kung tumitingin ka din sa dinadaanan mo." Malakas na loob kong sagot sakanya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa bag ko.
Mabilis akong naglakad paalis ng makawala ako sa pagkakahawak niya. Siya yung lalaking nakaaway ko sa Shortcut area kahapon.
Hindi naman na niya siguro na naalala na.
Si Yeshua.