R-18 Spg
Chapter: 8
Nang magsimula na ulit ang laro, seryosong nagsibalikan ulit ang mga players.
"WAAAAAAAAAAAAAH!!"
"KYAHAAAAAHAAAH!!"
Nasa kalaban ang bola habang drinibble ni Sevi, na nagtuturo sa kung saan saan na pagtatangkaan niyang pasahan ng bola.
Paulit-ulit na kilos at galaw ang mga ginagawa namin, lahat ay nag-iisip kung paano kukuhain ang bawat puntos. Magagaling ang mga kalaban namin ngayon, hindi ko maipagkakaila dahil lagi silang panalo sa Varsity, at iba rin ang mga galawan. Pero dahil sa kung saan saan na din kaming dumadayo magtrotropa, alam namin na kaya namin silang sabayan na tapatan na walang takot o kaya higitan pa.
Mabilis na tumakbo si Angelo palapit kay Luke at nang nakabwelo pinasa niya ang bola kay Triston na agad namang pinasa kay Yeshua. Sa isang mabilis na pagalaw ni Yeshua ay tumira siya't nahulog ang bola.
"WAAAAAAAAAAAAAH!!"
"I LOVE YOU YESHUA!!"
"GO FOR THE WIN!"
Inayos ko ang tali ng buhok ko habang nakikipagsabayan sa mga kalaban. Takbo dito, takbo doon, pasa dito, pasa doon. Sayang ang pustahan, kung ipapatalo namin 'to basta basta.
"Rai!" Sigaw sakin ni Gab at mabilis na sinambot ko ang bola na binato niya, muntikan pang maagaw ng kalaban, Tsk. Tumalon agad ako upang ihulog 'yon ngunit nabigo ako ng nagkamali ako sa pagtalon.
Stupid!
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong sakin ni Sevi ng lapitan niya ko, hindi ko na siya pinansin at tumakbo nalang ulit ako para bumalik sa laro.
Dikit na dikit na ang laban, tagaktak na din ang pawis ko at gahol sa paghinga. Nagkatinginan kami ni Yeshua na seryosong nagpapahinga gaya ko. Nag-iwas ako ng tingin sakanya ng mapansing natanggal na pala ang sintas ng sapatos ko.
Lahat ng manlalaro ay ganadong-ganado para manalo. Tinuloy namin ang laban haggang sa natapos na namin ang laro.
"Ang dudumi niyo maglaro bullshit!"
"Hindi niyo lang kami matalo eh! mga bobo!"
Galit na galit na lumapit si Triston kay Yago at marahas na pikon na sinuntok, hindi na gumanti ang kaibigan ko at tinawanan niya lang ng malakas na may pang-aasar, lalong nagalit si Triston, at tatangkain pa sanang lumapit sakanya para umulit ng suntok, ng inawat na siya ng mga kaibigan niya.
"WAAAAAAAAAAAAAH!!"
"WHAT HAPPENED?!"
"OMG!!"
Nagkapikunan ang magkabila naming kupunan ng matapos na ang laro. Tsk. mga ayaw tanggapin ang pagkatalo. Lumapit ako sakanila at tinulungan ang mga kaibigan ko para makiawat sa gulo.
"Kung ayaw niyo ng natatalo, Edi, wag na kayong makipaglaro samin mga puggok!" Pang-aasar ni Yago sa kabilang kupunan.
Nilapitan ko siya at binatukan para tumigil. "Tumigil ka na nga!" Hinatak namin siya ng matauhan.
Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Natalo namin sila. Mas magagaling naman sila kung ikukumpara samin, pero may pagkarumi maglaro ang kupunan ko, kahit ako mapipikon, buti nalang malaki ang pustahan dito, para di na ko umangal, sa pandadayang ginawa ng mga kaibigan ko. Hindi din naman ako mapapakain ng konsensya ko, kapag nagkataon.
Pinagmasdan ko ang mga nakalaban namin na balak na atang magsi-alisan, kumunot ang noo ko ng mapansing napatingin si Yeshua sa direksyon ko na parang kanina niya pa ko hinahanap.
May kailangan ba siya sakin?
Naglakad siya palapit sa direksyon ko habang hindi inaalis ang tingin niya sakin na hindi ko mabasa.
Nilakad ko ang paa ko para salubungin na lang din siya. "Y-"
Damn it!
"Let's talk." Bigla niyang hinatak ang kamay ko at kinaladkad sa kung saan.
"Saan mo ba ko dadalhin?" Gulat na reklamo ko na hindi niya sinagot.
What if gantihan niya na ko sa ginawa ko sakanya sa short cut area? o kaya yung sa banggaan namin?
"Bitawan mo nga ko!" Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya sakin, pero hindi ako makawala sakanya dahil sa madiing hawak niya sa kamay ko.
Ano bang pag-uusapan namin at kailangan niya pang kaladkarin ako? "Ah! Aray!"
Binitawan niya na ang kamay ko ng ng dalhin niya ko sa madilim na lugar.
"Bakit mo k-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya kong hinalikan.
H-hinalikan?
Ang first kiss ko!
Pilit kong tinulak si Yeshua sa dibdib niya para makawala ako, pero Lalo niya lang diniin ang pagkakahawak niya sa batok ko at mapusok akong hinalikan. Ito ba yung parusa niya sa ginawa ko?
I don't like the idea of kissing someone who's totally a stranger, that's why I didn't respond. Tanging luha lang ang naiganti ko sakanya.
Nawalan ako ng lakas ng itinigil niya na ang ginagawa niyang panghahalik sakin, nagsibagsakan lalo ang mga luha kong pinipigilan sa galit ng binitawan niya na ko, at hinabol ko ang paghinga ko.
"I told you, didn't I? get away from other men, dahil hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko." What?
Napatingin ako sakanya sa narinig ko ng naguguluhan. Told me? Kinuyom ko ang kamay ko sa galit at agad na sinuntok ang mukha niya.
"Fuck you! You fucking k-kiss me!" Susuntukin ko pa sana ulit ang mukha niya ng pinigilan niya ang kamay ko. "I didn't give you anything permission to do that, baliw ka!"
Hindi niya ko sinagot at hinawakan niya lang ulit ang kamay ko para tumigil. What the fuck is wrong with him para halikan ako ng basta basta?!
"First kiss ko 'yon tangina mo." Pervert ka! Lalo akong nagalit dahil parang wala lang sakanya 'yon, hindi ko siya maintindihan!
"Nice to hear that," hinawakan niya ang chin ko at hinarap sakanya para titigan ang mga mata ko. "Akin. ka. lang. Railey Ashtria Licauan, akin. wala ng ibang pwedeng humalik sayo, kundi ako lang, I'll kill them kapag malaman ko lang na ginawa din nila yan sa labi mo."
***
Alam kong binabalak niya lang akong paglaruan kagaya ng mga nagiging babae niya, putangina niya. Sana panaginip lang ang nangyari kagabi, dahil wala akong balak na makipagsabayan sa laro niya.
'I'll kill them kapag malaman ko lang na ginawa din nila yan sa labi mo.'
'I'll kill them kapag malaman ko lang na ginawa din nila yan sa labi mo.'
'I'll kill them kapag malaman ko lang na ginawa din nila yan sa labi mo.'
Tsk. Ano bang nakain niya at ako pa ang napili niyang paglaruan? He's a pervert! Magpapalipat talaga ako ng ibang school kapag pinagtriripan niya pa ko ulit, because I don't give a fuck sa bastos na gaya niya.
'I'll kill them kapag malaman ko lang na ginawa din nila yan sa labi mo.'
Hindi ako makapag-concentrate sa pag-aaral. Damn it! Inis kong nilagay ang gamit ko sa bag at padabog na umalis ng classroom.
"Problema 'non?"
Pumunta ako sa rooftop at inis kong binato ang bag ko. I freaking hate him!
"Woah! Parang ang pangit ng araw mo ngayon, ah!" Nang-aasar na tono ng lalaki sa likod ko na pikon kong tinignan. The fuck? Anong ginagawa ng lalaking 'to dito?
"Do you think hindi kita babalikan sa ginawa mong pagsapak sa handsome face ko?" Lumapit si Triston sakin at binuhos niya ang iniinom niya sa ulo ko.
How unlucky my life isn't it?
"The girl like you deserve that, matuto ka na sanang rumespeto sakin pagkatapos nito."
Nginisian ko siya sa ginawa niya at malakas na sinuntok ang mukha niyang gunggong. Sira na nga ang araw ko, lalo mo pang sinira.
"I don't deserve anything miserable, Asshole!"
Kinuha ko ang bag ko at mabilis na iniwan siya. He and his friend are much deserving for how pathetic this universe!