Chereads / The Enemy Within. / Chapter 10 - SPG Chapter Nine: Thief

Chapter 10 - SPG Chapter Nine: Thief

R-18 Spg

Chapter: 9

Parang kagat lang ng Elepante sa bagal ng oras. Dalawang araw na ang lumipas simula nung pagtripan ako ng immatured na puggok.

Mikha:

Traffic ba? Why are you so tagal?

I'm still waiting you here sa inside ng Lotus 4th floor sa may Billiards place.

I'm gonna cry if your not coming

🥺🥺

Rai:

Tsk. Otw na.

Pagkatapos kong replyan si Mikha, binaba ko ang cellphone ko at nilagay sa bulsa.

"Para po!"

Bumaba ako ng jeep pagkarating ng Lumina at agad na naglakad patungong Lotus.

"Ang init! dapat pala nagdala ako ng payong!" Reklamo ko habang tinatakpan ko ng kamay ko ang noo ko. Bakit pa kasi ako umalis ng bahay? Hayst, Sinasanay na ata ni Lord ang kapogian ko sa kainitan eh!

Binilisan ko na sa paglalakad dahil sa sobrang init at pasimpleng nakikisilong sa mga nakapayong.

Grabe, para na kong iniihaw sa araw.

Nang makarating sa loob ng Lotus agad akong pumasok sa Elevator para makasakay.

1

2

3

4

*Ting*

Pagkabukas na pagkabukas ng Elevator tangkang lalabas nako ng pintuan ng may humawak sa kamay ko. Damn.

"Iha, pwede mo ba kong tulungan?" Nahihirapang tanong ng matandang babae pagkalingon ko.

May dala-dala siyang mga echo bag na mukhang marami-rami ang laman at mabigat. "Ay, sige po." Madaling pagsagot ko at mabilis na tinulungan siya sa mga dala niya.

"Okay lang ba saiyo?" Nag-aalalang tanong niya ng mabitbit ko na ang iba sa mga bitbit niya. May choice pa ba ko?

"Okay lang po." Ngiti kong sagot para di na siya mag-alala.

"Salamat naman, Iha. nasa training kasi ang apo ko, dadaanan ko lang siya ng pagkain dito, hindi kasi siya nag-almusal kaninang umaga." Mabait na nag-aalala niyang kwento habang tahimik akong nakasunod sakanya.

Nginitian ko lang siya at sinamahan siyang magdala ng mga dala niya sa pupuntahan niya. Ano kayang feeling kung maging ganyan din si Lola?

Huminto ang matandang babae sa food court, habang nakasunod ako sakanya at madali siyang naghanap ng mapwepwestuhang lamesa.

"Baba mo nalang dito, Iha." Malumanay na utos ng matanda na agad ko namang sinunod, maingat kong nilagay ang mga gamit niya sa table.

"Maraming salamat sa pagtulong mo Ineng, ha?" Mabait na pasasalamat ng matandang babae ng matapos kong ilagay ang mga dala niya sa lamesa.

"Ay, nako hindi na po." Pagtanggi ko ng balak niya kong bayaran. "Okay lang po ako hahaha."

"Sigurado ka ba? tinulungan mo akong magdala sa mga dala ko e," Pang-aabot niya pa din ng pera sa kamay ko na tinatanggihan ko.

"Nay, ayos lang po talaga, tulong ko na po yun sainyo."

"Sigurado ka?" Nag-aalala niyang tanong na ikina-tango ko nalang bilang pagsagot.

"Okay na po ba kayo dito, Nay? Alis na po ako? may naghihintay pa po kasi sakin na kaibigan ko." Nakangiting tanong ko at saglit pang tinignan ang cellphone ko ng mag-vibtate.

Mikha:

Rai Where are you na?

Buy ka pala ng buko shake for us before ka umakyat here, I'll pay you.

Tsk.

"Ineng, ito nalang ang tanggapin mo, huwag mo na sanang tanggihan," Inabutan ako ni Nanay ng plastic na may lamang ano 'to malagkit? "Biko yan, Iha. masarap yan kasi ako ang may gawa, tiyak kong mabubusog ka."

Wieww, kung sinuswerte ka nga naman.

"Ay, paborito ko po 'to Nay, salamat po." Mas lumawak pa ang ngiti ko ng amoyin ko ang binigay ng matanda. Ang bango!

"Nakakatuwa ka naman Iha, bigyan mo din ang kaibigan mong naghihintay sayo, ha? at baka nagugutom na 'yon."

"Sige po Nay, salamat po."

Magalang na kong nagpaalam sa matandang babae at nginitian siya bago ako umalis.

***

More patience to come to me po Lord.

"Akala ko ba magpapasama ka bumili ng libro?" Iritang tanong ko sa babaeng ng gising sakin kaninang umaga, na puro missed call ang ipina-alingawngaw sa buong sistema ko.

"Yieeee! ang pogi ng crush ko dba?" Kinikilig lang na sambit niya, habang patuloy na pinapanood ang lalaking nagbibilyar.

Nakakayamot nga naman po, oo.

Kinikilig siyang bumaling sakin. "Kita mong nagsi-sight seeing pa 'ko dito eh, pwedeng bang wait lang?"

Inhale, Exhale, Inhale, Exhale, Inhale, Exhale Lord, more patience pa ba?

Inis ko siyang iniraparan at tinignan ang pinapanood niyang wala namang kwenta, halos mag-iisang oras na kong naghihintay sa babaeng 'to.

Time check: 10:38am

"Kailangan ko umuwi agad Miks, maglalaro pako." Nawawalan ng pasensya kong reklamo na hindi niya pinakinggan.

Inis kong kinuha ang buko shake ko, na binili ko papunta dito at iritang tumayo na.

Nakakapikon talaga nga naman, kahit kailan sarap pumatay ng tao, kung hindi ko lang pinoprotektahan ang images ko sa buong mundo dahil sa mukhang respetado akong tao, na pinalaki ng nanay ko na kailangan laging magtimpi, ihahampas ko talaga 'tong buko shake na binili ko kay Mikha!

"Hala, sabing wait lang, eh!" Habol sakin ng babaita ng umalis ako.

"Rai!"

Tumigil ako sa paglalakad ng tawagin niya 'ko at nagtitimping nilingon siya.

"Rai, pwede bang bukas nalang? baka chance ko na 'to para magkajowa, malay natin siya na pala ang the one ko." Delusional niyang pagpapaawa ng mahabol ako.

Inis ko siyang tinignan. The One? Kung sampalin ko kaya 'to para magising? sayang lang ang ipinamasahe ko.

Three years niya ng crush si Triston, pero na-aatach pa din siya sa kung sino-sinong mga lalaki na nakikilala niya, umaasa na baka isa na sakanila ang the one niya.

Funny.

"Ako nalang bibili, akin na yang pera mo."

"Ha? ikaw? ikaw na bibili? okeyss best!" Tuwang tuwa naman si Tanga. "Wait lang, kuhain ko lang sa bag ko."

Masaya siyang nagmadaling bumalik sa nilagyan niya ng wallet at tuwang-tuwang inabot sakin ng makabalik.

"Your so sweet and the best bifey talaga ever!"

Nang makaalis sa kadramahan ni Mikha agad akong dumeretsyo sa National books store para bumili ng libro.

When It All Start Again by Elena Buncaras ang pinapabili ni Mikha, ang librong natapunan niya ng softdrink nung thursday, dahil sa kakulitan niya na hindi namin pwedeng sabihin kay ate Misya.

Pag nakarating kay ate Misya ang nagawa niya, siguradong papasok siyang wala ng mga kilay, sa pagiging di niya maingat sa libro ng ate niya.

Tyaka wala na naman akong choice kundi tulungan siya, kasi panigurado na kukulitin niya 'ko ng kukulitin.

Nang mahanap ko na ang librong hinahanap ko, tumingin naman ako ng para sakin.

The One Thing

Deep Work

How To Win Friends & Influence Others

Indistractable

Mindset

The Compound Effect

"Shadow Immortals," Tankang kukuhain ko ang librong napukaw ang interes ko ng may nauna na sakin, pahilim akong umirap at kunot-noo kong tinignan ang nanguna sa libro.

Tinignan niya ang librong hawak niya at inusisa, binasa pa niya ang unahan nito. "Hmm.. interesting."

Akin dapat yan!

"Hi, bibilhin mo ba yang libro?" Positive approach kong tanong sa immoral na nanguna.

Blangkong napatingin siya sakin at hindi sinagot ang tanong ko.

"Tsk, ang yabang, saksakin kita ng martilyo eh," Inis kong bulong ng tinalikuran niya lang ako. Daming walang manners sa generation na 'to, nakakainis, para tuloy akong tangang nagtanong.

"Tsk, asshole." Inis nalang ulit akong naghanap hanap ng librong pwedeng kong mabasa para bilhin.

The Almanack Of Naval Ravikant

Can't Hurt Me

Hop or Pop

Atomic Habits

12 Rules For Life

The Ikigai Journey

"Where The Sidewalk Fa-" Napatigil ako sa pagbabasa ng may humablot ulit sa librong kakakuha ko palang.

Inis kong tinignan ang may gawa at busy niyang tinignan ang librong akin dapat. Siya na naman?

Hinablot ko sa pagkakahawak niya ang libro kong ako ang nauna at tinignan siya ng masama.

"Ako. ang. nauna. dito." Diin kong pang-aangkin sa librong ako ang nauna.

Nakangisi siyang napatingin sakin at napatingin din samin ang tatlong babaeng nagbabasa ng makita nila ang ginawa ko.

Why? Ako ba gumagawa ng eksena? makatingin tong mga babaeng 'to halatang alam na kung sino ang kinakampihan nila, Tsk.

Muntik na kong magmura ng malakas ng biglang bastos na kinuha ng immoral sa kamay ko ang librong binawi ko at tumalikod.

"Immoral, peste, walang modo, hindi mahal ng magulang, asshole, uneducated, trashboy." Pikon na pikon kong bulong sa lalaking kulang na kulang ata sa IQ na walang modong tinalikuran ulit ako.

Kung wala lang talaga ako sa public place na 'to, makikipagbuno na ako sa papansing 'tong panira ng araw, kung wala lang din akong kahihiyan, sasaksakin ko pa siya ng martilyo!

***

"Thank you ah," Sakristiko kong sabi ng makabalik ako kay Mikha na hanggang ngayon nasa billyard boy parin ang atensyon.

"Akin nalang 'tong sukli mo, ako naman bumili e, uwi na din ako." Nilapag ko sa harapan niya ang librong binili ko na nakalagay sa paper bag at tinignan siya na malapit ng maglaway sa crush niyang mukha namang unggoy.

"Mikha." Tawag ko sakanya na hindi padin ako napasin. Ano ba 'tong babaeng 'to?

"Aray, ouchh! ano ba naman, Rai? bat mo naman ako pinitik?" Daing na reklamo niya, ng pitikin ko ang noo niya.

"Sabunutan kaya kita jan? kanina pa 'ko dito nagtatawag sayo, wala kang naririnig."

"Sorry, ang galing niya kasing maglaro e," Kinikilig niyang hingi ng sorry habang hinimas-himas niya ang noo niyang pinitik ko na namumula na.

"Akin nalang 'tong sukli mo, ha? uwi na din ako." Paalam ko sakanya habang tinitignan niya na ang librong binili ko.

"Okie dok- ay kain muna pala tayo?" Suggestions niya habang malawak na nakangiti.

"No, thanks ikaw nalang, nagluto si mama bago umalis e," Bagot na rason ko at agad na iniwan siya.

Makulimlim na ang kalangitan pagkalabas 'ko ng Lotus, kanina sobrang araw at mainit, ngayon naman ay parang uulan na ng malakas.

"Ahhhh! may magnanakaw! may magnanakaw! tulungan niyo 'ko! ninakaw niya yung bag ko!" Matinis na sigaw ng babae sa tabi ko ng may biglang may humablot ng bag niya.

Damn it!

Kumilos agad ako ng mabilis at mabilis kong hinabol ang lalaking nagnakaw sa babae para maabutan.

"Oy! bumalik ka dito! tumigil ka!" Sigaw na tawag ko sa magnanakaw habang hinahabol. Buti nalang pinag-athlete ako ni Tito.

Lumiko sa may tricycle ang lalaking magnanakaw at pumasok sa isang subdivision, dahil sa katangahan muntikan pa siyang madapa sa pagtakbo niya.

"Kapag hindi ka tumigil patay ka sakin!" Natatawa kong habol ng bumungo pa siya sa isang poste kakalingon sakin.

"Tumigil ka na nga! huwag mo na 'kong habulin!" Sigaw ng magnanakaw at lumiko pa siya sa isang daan.

"WAAAAAAAAAAAAAH!"

Buhay pa ba 'ko? Sumalangit nawa ang kaluluha ko kung ganon, muntikan na.

Napatigil ako sa pagtakbo ng biglang napagtigil ang mundo kong muntikan ng mag-agaw buhay, napahawak ako sa dibdib ko dahil gulat at napa-upong bumagsak.

Mabilis na lumabas ang nasa loob ng sasakyan at agad na pinuntahan ako.

"Are you okay?" Gulat na tanong ng lalaki ng muntikan niya na kong masagasaan, tinignan ko siya ng masama.

Tsk. si Yeshua!

"Nakatakas tuloy, kasalanan mo!" Galit na sigaw ko sakanya. Dalawang araw na nga kong umabsent para hindi ko siya makita, tapos bigla siyang susulpot para patayin ako?

"My fault?" Takang tanong niya ng malapitan niya 'ko.

"Yung hinahabol 'kong magnanakaw, nakatakas ng dahil sayo!" Inis kong sagot sakanya at galit na galit na tumayo.

Kahit kailan talaga.

"Bwiset! nakakainis!" Iritable kong ani at inis na pinagpagan ko ang sarili ko.

"Stop shouting, Ashtria." Malamig na suway niya sakin habang walang emosyon akong tinitignan. He called me w-what? "Wag mo 'kong sisihin sa kasalanan mo."

"Kasalanan ko? sino ba yung muntikan na kong sagasaan? habang hinahabol ko 'yong magnananakaw na 'yon?!" Akala siguro nito nakalimutan ko na yung ginawa niyang paghalik sakin! ano kinalimutan niya? syempre pinagtritripan niya lang ang gaya ko, animal siya!

Hindi siya makapaniwalang tinignan ako. "Hoy! ikaw ha! tangina mo! anong akala mo? nakalimutan ko na yung ginawa mo sakin?! baliw kang pervert ka! sana mamatay ka na!" I want to hug him tightly! sa neck niya hanggang sa mawalan ko siya ng buhay!

"Done?"

Walang emosyon siyang nakatitig sakin at dahan dahan niya kong nilapitan.

"Anong g-gagawin mo? huwag mo kong lalap-"

He kiss me. He kiss me again.

Malalim at parang nakakaadik. Tinulak ko siya ng malakas sa ginagawa niya, pero lalo niya lang akong hindi pinakawalan at lalong naging malalim.

I want to scream, I want to cry, I h-hate him!

Why it easy to other people to kiss someone they don't have any relationship? Second time around I slapped him.

"I hate you!"