Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Governor's Green-eyed Slave

🇵🇭Lexie_Onibas
--
chs / week
--
NOT RATINGS
5.4k
Views
Synopsis
Isang trahedya ang bumago sa mapayapang buhay ng isang anak ng magsasaka. Si Esmeralda. Sinunog ang kanilang baryo, pinatay ang kanyang mga magulang at kapatid, at napadpad sa isang kalapit baryo. Ngunit siya ay ipinagbili at napadpad sa teritoryo ni Heneral Greco o ang kasalalukuyang Gobernador bilang isang alipin. Insinyas ng sundalo ng gobernador ang kaniyang nakita ng gabing 'yon kaya ninais niyang makaharap ang gobernador at kitlan ng buhay tulad ng ginawa sa kaniyang mga magulang at taga baryo. Magtagumpay kaya siya sa kanyang paghihiganti o mabigo dahil si Heneral Greco ay isang magiting at magaling sa pakikipagdigma.
VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGO

ANG mansyon ng Gobernador ay katumbas ng isang malaking baryo. May mansyon na nasa hilaga kung saan tumutuloy ang gobernador sa gawing kanluran naman ay ang malaking garison kung saan nakahimpil ang tatlong libong sundalong nagpapatrol sa mga lalawigan. At sa hilaga ay naroon--- ang gulayan, alagang mga hayop, pangkalahatang kusina, tagasilbi, mga tulugan ng mga taga-silbi, imbakan ng pagkain at maliit na patahian. Sa Gawing katimugan naman ang mga pangmedikal na suplay kapag may mga sundalong sugatan o mga taga-silbing may karamdaman. Laging hiwalay ang mga babae at lalaki.

"Huuy Esme? Kamusta ka?" pagbati ni Dina ng makita niya ako sa hapag kainan. Ilang linggo na ang nakalilipas simula ng bilhin kami sa plasa ng Santa Lucia at dalhin dito sa mansyon ng gobernador.

"Ayos lang naman ako.. hindi ko parin siya---" sabi ko ngunit tinukop niya ang aking bibig dahil alam niya ang taong nais kong makita at panagutin sa nangyari sa aming lugar. Nabakas ko ang pagaalala sa kanyang mukha.

'Magbabayad ang Gobernador sa ginawa niya sa aming baryo. Ano bang makukuha niya kapag pinaubos niya ang mga taga-San Ferrer, ako ang papatay sa kanya!' sabi ko bago kami paghiwalayin ng araw ding iyon.

"Malupit ang taong sinasabi mo ... mabuti ng hindi mo nalang siya makita. Hindi ba ito ang gusto ng mga magulang mo? Ang mabuhay ka ng payapa.." tinanggal ko ang kanyang kamay at tinignan ko siya ng matalim.

"Handa kong ibuwis ang aking buhay at mamatay ng lumalaban para sa dangal ng aking pinagmulan," sabi ko at nilisan ang lugar na iyon.

Nang gabing iyon muli akong pumuslit at nag-abang sa silangan kung saan naroon ang tulugan ng Gobernador.

Lahat ay gagawin ko makaharap ko lang ang lalaking nagutos para sunugin ang buong San Ferer at patayin ang mga taga-baryo. Inipit ko sa aking hita ang maliit na patalim. Nang mayroon akong nakita ay agad kong kinuha ang pagkakataon para patulugin ito at makipagpalit ng damit. Tinalian ko ito at ikinulong sa isang gilid. Nakakamangha ang lawak at ganda ng tirahan ng Gobernador. Napaismid ako dahil hindi man ganito kaganda ang mga muebles namin ay masaya kaming naninirahan sa bukid. Nagulat ako ng may biglang tumawag sa akin.

"A-Alipin..." lumapit ako ng nakatungo.

"D-Dalhin mo sa Gobernador iyang tuwalya na ito, bago ka lang ba dito? Siguro naman alam mo na ang daan patungo sa kanyang paliguan? Ayyyss... diretsahin mo ang pasilyong iyan tapos lumiko ka pakanan. May kawal sa labas magtanong ka nalang," sabi ng isang lalaking may pugong-pugong sa ulo.

Kinuha ko ang tuwalya at marahang lumakad patungo sa direksyong kanyang ibinigay. Napalunok ako ng makita ang dalawang kawal sa labas ng kuwartong iyon. Para akong naglalakad patungo sa aking kamatayan.

Nautal akong nagtanong..

"T-Tuwalya para sa Gobernador," sabi ko at nagtawanan sila na parang nangaasar.

Pinigil ko ang aking sariling iangat ang aking mukha. Bagkos ay naghintay na may sumagot mula sa loob.

"Papasukin ninyo siya?" sabi ng boses. Napalunok ako ng biglang bumukas ang pinto.

"G-Gobernador," sambit ko. Medyo madilim ang buong kuwartong liguan at nakita ko ang anino ng isang lalaki mula sa manipis na telang humaharang mula sa amin. Ang sabi-sabi ang gobernador ay isang matandang may malaki ang tiyan. Kaya alam kong hindi siya ganoon kagaling sa pagilag tanging baril lamang ang magiging sandata niya laban sa akin.

"A-Akin na," maotorisadong sabi niya. Nanginginig akong lumapit. At iniabot ang tuwalya ngunit hindi niya ito kinuha. Dahan-dahan kong inalis ang aking patalim na nakaipit sa aking hita ng bigla niya mabilis at malakas akong hablutin papasok sa loob. Naglaglag ako sa kanyang paliguan kaya mahigpit kong hinawakan ang patalim kong hawak at ikinubli sa tuwalya. Nang imulat ko ang aking mga mata ay isang lalaking puno ng mga peklat--- sa mukha pati sa katawan at may nakatatakot na mata kung makatingin. Kaya dali-dali akong lumayo sa kanya. Malawak at malaking paliguan. Yumukod ako para ikubli ang aking mukha.

"P-Pasensya na po kayo.." paghingi ko ng tawad dahil ng kapain ko ang aking patalim sa tuwalya ay wala na ito. Wala akong kalaban-laban sa isang lalaking, may magandang pangangatawan at matalim na nakatitig sa akin.

Nabasa ako at ang tuwalyang hawak ko. Ngayon ay nanginginig na ako sa lamig dahil sa nipis ng aking kasuotan. Makulay ang suot ng mga alipin sa loob ng mansyon ngunit napakanipis na maaaring magnisnis anumang oras. Unti-unting lumapit sa akin ang gobernador kaya ako naman ay umatras ngunit nasa dulo na ako ng paliguan. Hinawakan niya ang aking mukha at iningat ngunit iniwas ko iyon. Hindi ko siya tinignan dahil sa--- nakahubad siya.

Ngunit muli niyang inangat ang aking mukha, kaiba ngayon may puwersa na. Piniga niya ang baba ko kaya alam ko na ang nais niya--- duda siya sa aking presensya.

"S-Sino ka?" sabi niya.

"A-A-Alipin po, G-Gobernador?" sagot ko.

Hindi ko naiwasan na ang pagtatama ng aming mga mata. "H-Hinahanap mo ba ito?" sa isa niyang mga kamay nakita ko ang aking patalim. Itinaas niya ito at itinutok sa aking leeg.

"W-Wala na akong pakielam sa wa-wala kong kuwentang buhay..ang nais ko lang malaman.. ba-bakit mo kami ipinapatay?" sabi ko. Hindi ko na napigilan ang paglalandas ng aking luha. Kaya napansin ko ang pagkagulat ng kaniyang mga mata.

"T-Taga San Ferer ka?" sabi niya at ibinaba niya ang patalim.

"Nais ko lang sabihin na isinusumpa ka namin at magbabayad ka ng mahal hindi man ngayon ngunit sa mga susunod na---" tumalikod siya at tumawag ng sundalo. Ngunit hindi ko na kinaya ang lamig kaya unti-unting lumabo ang aking paningin at natumba.

****

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. May asul na kisame ang aking nabungaran. May mga makukulay na telang nakaladlad. At napakalambot na kama. Naupo ako at nilinga ang paligid.

'Siguro ay nasa kabilang-buhay na ako?' bulong ko ng may biglang pumasok at lumapit sa akin.

"Ikinalulungkot ko wala kapa sa sinasabi mong kabilang-buhay.." anas niya.

Lumapit siya at akmang hihipuin niya ang aking mukha ng bigla kong salagin ang kanyang kamay.

"H-Huwag mo akong hawakan.." sabi ko.

"B-Balak mo ba akong patayin kanina sa paliguan? Puwes ayan subukan mo?" initsa niya ang aking patalim at akin itong sinalo. Sinugod ko siya. 'Non ko napansin ang manipis na telang suot ko. Halos bakat-katawang manipis na tela kaya napatingin akong muli sa lalaki kaya halip na siya ang tutukan ko ng patalim ay sarili kong leeg ang aking pinuntirya. Nais ko ng tapusin kung ano man ito.

Bago ko paman na itarak ay naagaw niya ang patalim. Hinila niya ako pabalik sa higaan at tinulak 'don.

"M-Magpalakas ka at bumalik sa dati mong trabaho. Hi-Hindi kita parurusahan tulad ng nasa isip mo. Dito sa teritoryo ko, pagmamayari kita. Akin lang ang buhay mo..naiintindihan mo ba iyon?" sabi niya.

"P-Pwe!" sagot ko sa kanya. At ang lalaking iyon ay biglang nawala sa aking harapan.