NAGISING ako sa ingay na nagmumula sa mga kabahayan. Nakatulog na naman ako sa taas ng puno ng puno. May maliit na kubo kasi na ginawa si ama dahil matapos ang pagdidilig ng mga halaman ay inaantok ako. Nakaamoy ako na parang may nasusunog kaya tumayo ako at sumilip. Nababalot ang buong lugar ng usok. Napaubo ako ng sunod-sunod. Kalahatian palang ng gabi, nagsimula akong makaramdam ng takot at nagsimulang kumalabog ang aking dibdib sa kaba, nagliliwanag ang buong San Ferrer dahil sa pagkasunog ng mga kabahayan. Umakyat ako sa tuktok ng puno para makita ang lawak ng sunog ngunit kalat-kalat ito.
Halos ang mga kabahayan ay gawa sa dayami at kahoy kaya talagang matutupok agad ng apoy. Pumasok sa aking isip ang aking mga magulang. Agad akong bumaba mula sa puno at tumakbo pahilaga kung saan naroon ang aming kubo. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa aming lugar o kung ano ang totoong nangyayari pero isa lang ang nais kong masiguro ang kaligtasan ng aking mga magulang. Walang tigil ang takbuhan at hiyawan.
Halos lahat ng kubo ay nagliliyab. Si Ama at Ina? tanong ko sa aking isipan. Narating ko ang aming kubo na hinihingal at hindi makahinga sa kaba. Nakita ko silang mga nakahandusay sa lupa. Si ama, ina at ate..nagliliyab ang kubo namin. Dali-dali kong tinungo ang aking ama. Sa aking paghawak sa kanya ay napansin ko ang basa sa kanyang likod. May tama ng palaso at walang tigil ang pagagos ng dugo. Wala na si ama at si ina naman ang aking pinutahan ganoon din siya may tama sa may bandang tagiliran. Pe-Pero...buhay pa siya kaya kahit papano ay gumaan ang aking pakiramdam.
"I-Ina...I-Ina???" tawag ko sa kanya. Bumuka ng kaunti ang kanyang labi. Pinilit kong maiunan ang kanyang ulo sa aking kandungan.
"A-A-Anak..uma-umalis ka-kana sa lu-lu-lugar na-naito...p-patayin n-nila ta-tayo," sabi ni Ina bago paman siya panawan ng buhay. Wala na si Ina.. Bakit kami nagdanas ng ganito.. Pinigil ko ang aking pagiyak ng may marinig akong mga paparating. Dali-dali akong tumakbo papunta sa talahiban sa likod. Nakita ko ang mga lalaking armado at walang habas na pinapatay ang aking mga taga-baryo. Sa huling pagkakataon nilingon ko ang aking mga magulang at tumakbo papalayo sa lugar na iyon. Tinalaktak ko ang kabilang baryo maaaring doon ay ligtas ako. Ang San Ferer ang baryo sa paanan ng bundok. Palay at gulay ang aming ikinabubuhay ngunit kadalasan ay palaging ninanakawan ng mga tulisan na naninirahan sa bundok.
Hindi ko alam kung bakit kami pinabayaan ng aming alkalde o ng aming Gobernador, tuluyan naba kaming ibinigay sa mga tulisan na nagmumula sa bundok. Nasaan ang tulong? Wala akong makukuhang sagot hangga't hindi ko nakakaharap ang Gobernador ng aming lugar. Kumalam na ang aking sikmura ngunit tanging paglunok lang aking ginawa. Ang sumunod na baryo ay ang Santa Lucia, hindi mayaman ang baryong ito ngunit mananatili akong ligtas dito. Umupo ako sa isang gilid at umiyak. Nais kong ipagluksa manlang ang aking mga magulang at kapatid. Isang maruming kamay ang biglang humawak sa akin.
"Bi-Bitawan mo ako! B-Bitawan mo ako.." sabi ko. Pero lalo lamang ako nakaramdam ng kaba ng makita ang mukha niya. Madungis at may mga itim sa kanyang ngipin. Tumatawa sa akin. Nagpumiglas ako ngunit sinuntok niya ako sa aking tiyan.
"Huwag ka ng lumaban pa... wala ka ng kawala. Halika sa plasa.. ipagbibili kita.." sabi ng lalaking hindi lang madungis mabaho din ang hininga. Ginapos niya ang aking kamay.
Hila-hila niya ako sa aking kamay na nakagapos. Nakita ko ang mga taong nakapila at isa-isang nilalagyan ng presyo. Tinulak niya ako sa gilid at humanay sa mga katulad kong ibinebenta. Hindi mayaman ang Santa Lucia dahil ito ang pinanggagalingan ng mga alipin na dinadala sa syudad at isa na ako sa kanila. Alipin at walang pangalan.
Nagpalinga-linga ako, nagbabakasakaling may makikita akong tiga-San Ferer ngunit wala. Wala ni isa man sa kanilang nakarating ng buhay. Siguro ako lang dahil ako lang naman ang tatakas at hindi magaalay ng sariling buhay sa aking kinagisnang lugar. Ilang sandali pa ay may mga dumating na kalalakihan. Mga armado ito tulad ng mga lalaki kagabi. Kaya nagsimula akong mangatog sa takot.
"Heto, ang bayad sa mga natirang alipin... sa gobernador na ang mga iyan.." sabi ng isang lalaki.
Nakita ko ang ilang barya na pinag-agaw-agawan ng mga lalaki. Isa-isa kaming isinakay sa isang karwahe . Lima kaming puro kababaihan.
Sa sobrang pagod ko ay hindi ko napigilan ang aking antok. Nakatulog akong nakasandal sa kasamahan ko.
"Gising... G-Gising na.. andito na tayo sa mansyon ng gobernador..." naimulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang mukha ng aking kapatid.
"A-Arasela?" sambit ko ngunit bumalik din ako sa kasalukuyan. "P-Pasensya na.." dagdag ko. Ngumiti lamang siya tulad ko ay mukhang katakot-takot na hirap din ang dinanas niya. May mga galos siya at pasa sa mukha.
"D-Dina..ang pangalan ko.. i-ikaw?" sabi niya.
"Ako? Ako si Esme..Esmeralda" sagot ko.
"Hindi na nakapagtataka dahil iyon ang kulay ng iyong mga mata..Esmeralda.. saan ka nanggaling?" muli niyang tanong.
"Sa- San Ferer.."
"D-Diba malayang baryo iyon sa pagitan ng mga bundok? paano ka napadpad sa kabilang baryo.."
"K-Kagabi may sumunog ng aming mga kubo at pumatay sa mga ka-baryo ko?" sagot ko.
Sinamaan ko ng tingin ang mga lalaking nagdala sa amin dito. Dahil ganiyan ang kulay at uniporme ng mga pumatay sa aking mga ka-baryo. Isa lang ang naiisip kong nagpasimula ng lahat ng ito. Ang gobernador.
Pinatahimik kami at gayon ang ginawa namin ni Dina. Kung nais pa raw namin humaba ang aming buhay ay matuto daw kaming manahimik at sumunod sa mga patakaran sa loob ng residente ng Gobernador. Inikot ko ang aking paningin. Napakalawak ng lugar at kung tutuusin ay parang kasing lawak na ng isang baryo ang residente ng Gobernador. Mataas ang mga bakal na bakod.
"I-Ikaw ano ang pangalan mo?" tanong sa akin ng isang babae. Maganda ang kanyang kasuotan at mukhang napaka-taray.
"E-Esmeralda po?"
"Ano ang kaya mong gawin? Manahi, magalaga ng hayop o mag-alaga ng mga pananim?" sabi niya. Umarko ang kanyang kilay ng i-angat ang aking mga mata. Nasinagan kasi ng araw kaya lalong lumabas ang pagkaberde ng mga ito.
"Taga-San Ferer ka?" sabi niya.
Tumango ako at iniabot niya sa akin ang isang pares ng kasuotan.
"S-Simula ngayon magtrabaho ka sa may gulayan..." halos iilan lang ang nakakaalam na iyon ang aming pagkakakilanlan. Berdeng mga lente ng mata at hinihinalang pinagkalooban ng kapangyarihan ang aming mga kamay ng kagalingan sa pagtatanim. Sumpain ang Diyosang sinamba ng aming mga ninuno hindi kami natulungan na maisalba ang aming lugar.