NAUPO si Greco sa kanyang upuan kasabay ang pagalala sa babaeng nagtangka sarili nitong buhay. Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip ay biglang pumasok ang kanyang pinagkakatiwalaang sundalo. Ang sundalong si Tyrione. Nakakunot ang noo nito habang lumalapit at iniwas ang tingin ng bigla siyang ngumiti. Seryoso sa buhay ang kanyang kaibigan at pinagkakatiwalaang sundalo.
"A-Anong nangyari sa San Ferrer? Bakit wala ang taga-ulat?" sabi ni Greco.
Umiling si Tyrione at iniabot ang isang liham. May selyo ito ng Imperyo. Binuksan ito ni Greco at sa kanyang pagkadismaya ay sinunog niya ito sa harap ni Tyrione.
"Ha, Ipinatapon na nga nila ako sa malayo para sa ikapapanatag ng Inang Emperatris. Ano ito?" sabi ni Greco.
Yumuko si Tyrione at muling nagsalita. "Ukol sa San Ferrer, mga tulisan ang sumunog ng baryo. Kumuha ng mga inaning palay, bigas, gulay at mga kababaihan. Matagal na nilang balak itong gawin sa mga taga-San Ferrer para galitin ang Imperyo ayaw nila sa prinsepeng taga-pagmana. Kung hindi ninyo nalalaman ay dito galing si Miss Lavinia ang bagong babae ng mahal na hari," kuwento ni Tyrione.
"Mukhang marami ka ng nalalaman tungkol sa maharlikang pamilya? Hays, gusto ko nalang manatili sa tanggulan. Pero kailangan kong halinhinan ang aking tiyuhin at maipanatag ang kalooban ng Inang Emperatris," sabi ni Greco.
"Hanggang kailan tayo mananatili dito sa bahay ng gobernador? Hindi pa ba sapat na ikamatay natin ang pagpapanalo laban sa isang probinsya?" sabi ni Tyrione. Ngunit ng mapagtanto niya ang kanyang kapangahasan ay bigla siyang yumukod at lumuhod.
"Isang kapahangasan ang aking nagawa, kamatayan ang nararapat sa akin. P-Pr---" sabi niya ng bigla siyang batuhin ni Greco ng isang papel na nilamukos.
"Wala na ang titulong iyan. Matagal ko ng itinapon at mas gusto ko na ang buhay ko ngayon. Ihanda mo ang limang magagaling na sundalo. Magtungo kayo sa mga hangganan at pagaaralan ang mga gawi ng mga kalaban,"
"O-Opo, Gobernador," sabi ni Tyrione.
Tumayo siya at bumalik sa kanyang silid. Hinanap niya ang babae ngunit wala na ito. Napabuntonghininga na lang siya dahil hindi niya akalaing tatangkain nitong kitlin ang sariling buhay kaysa ang ihandog ang sarili sa kanya. Agad niyang winaglit ito sa kanyang isipan ng makita ang pares ng mga damit na hinubad nito.
***
ILANG linggo ang lumipas buhat ng insidente. Bumalik si Esmeralda sa gulayan at hindi na niya muli pang tinangkang balikan ang silid na iyon. Isang kapangahasan ang kaniyang ginawa kaya nais nalang niyang kalimutan ang engkuwentro nila ng Gobernador. Bata pa lang ay sinanay na siya ng ama para sa pagtatanggol sa sarili kaya kahit papaano ay may kaalaman siya sa paggamit ng palaso ngunit hindi ganoon kalakas ang kanyang mga kamay at paa. Hindi niya makakayang ipagtanggol ang sarili at ng oras na makaharap niya ang Gobernador ay nasabi niya sa kanyang sarili na hindi pa siya handang mamatay.
Mag-aani na sila ng mga gulay ng may mga dumating na sundalo. Lahat sila ay yumukod--- ni isa walang nangahas na iangat ang mukha at magtanong kung bakit sila narito.
Isa-isa nilang iniangat ang mukha ng bawat manggagawa sa gulayan. Pagdating kay Esmeralda ay sinenyasan ng isa sa mga sundalong nahanap na nila.
"A-Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Esmeralda.
"May kailangan sa iyo ang Gobernador..sumunod ka na lang.." sabi ng sundalo.
Nang marinig ni Esmeralda na ang Gobernador ang nagutos ay wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Naglakad sila pabalik ng mansyon. Maputik ang kanyang kasuotan at marumi ang kanyang mukha.
Hawak-hawak ng isang sundalo ang kaniyang kamay. Pagpasok nila sa silid-tanggapan ay iniwan na siya roon ng mga sundalo. Natuon ang kanyang tingin sa halaman na naroon sa ibabaw ng lamesa. Nilapitan niya ito upang tignan. Dali-dali niyang tinakpan ang kanyang ilong ng masigurado ito. Lumayo siya at akmang bubuksan ang pinto ng lumabas mula sa isang sulok.
"S-Saan ka pupunta?" sabi ni Greco.
Nagimbal siya ng makita ang itsura ng gobernador. "Papasok lamang ako kapag tinanggal mo na ang halaman na iyan sa la-lamesa mo," sabi ni Esmeralda.
"A-Alin? Ito ba?" turo ng Gobernador.
Nilapitan ito ng Gobernador at pinakatitigan. Kaya hindi napigilan ni Esmeralda na lapitan ang gobernador at hilahin palayo sa halaman.
"Takpan mo ang ilong mo dahil may inilalabas ang halaman. Sa sinumang lalapit dito," sabi ni Esmeralda. Tinakpan niya ang ilong ng Gobernador at napatda lamang ito sa ginawa niya.
Noon lang nagpatanto ni Esmeralda kung gaano na sila kalapit sa isat-isa. Inalis niya ang kaniyang maruming kamay sa mukha ni Greco at humakbang palayo.
"Pa-Pasensya na.. amoy lupa at marumi ang aking kamay," sabi ni Esmeralda.
Napatingin si Greco sa direksyon ng halaman. "H-Hindi ba't nais mo akong patayin bakit ka naman natatakot na mapatay ako ng isang halaman?" sabi ni Greco na may pangiti-ngiti.
"Maaari? Pero hindi ka naman mapapatay ng halamang iyan. Ginagamit iyan sa unang gabi ng isang mag-aasawa.. pa-para mapataas ang pa-pagna—" pautal-utal na ipinaliliwanag ni Esmeralda.
Ng marinig iyon ni Greco ay hinanap niya ang lalagyan nito. At muli niyang inilagay ng dahan-dahan ang halaman ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon nagalaw niya ang puno nito.
Bumalik siya sa kinaroroonan ni Esmeralda at hinila niya ito. Ngunit sa ekspresyon palang ng mukha ni Greco ay alam na ni Esmeralda na maaaring nakalanghap na ang lalaki. Nagpupumiglas siya at humingi ng tulong sa labas.
"T-Tulong..T-Tulong may sakit ang g-gobernador!" sabi ni Esmeralda.
May ilang sundalong pumasok kasama na roon si Tyrione. Tinali nila ang kamay ni Esmeralda at dinala sa piitan. Samantalang si Greco naman ay pinagtutulungan ng ilang sundalo para kumalma.
Tinungo ni Tyrione si Esmeralda. "A-Anong lason ang ipinainom mo sa Gobernador? Hanggang ngayon ay mataas ang kanyang temperature. Kamatayan ang igagawad sa iyo kaya magsalita kana.." sabi ni Tyrione.
"L-Lason? Ibabad ninyo lamang siya sa tubig. Hindi ko nilason ang Gobernador? Ang halaman na nasa ibabaw ng kaniyang lamesa ang may gawa noon. Ginagamit iyon para sa unang gabi ng bagong-kasal.." paliwanag ni Esmeralda.
Nilisan ni Tyrione ang babae sa piitan. Sinunod nila ang sinabi ni Esmeralda nilagay nila sa paliguan si Greco at unti-unting kumalma at bumaba ang temperatura nito. Napangiti si Tyrione sa kaniyang kaibigan.