Chereads / The Governor's Green-eyed Slave / Chapter 7 - Kapitulo 6 : IMBITASYON

Chapter 7 - Kapitulo 6 : IMBITASYON

Yumuko si Esmeralda na animo'y punong-puno ng pagkahiya sa harap ni Greco. Hindi siya kumportable sa kaniyang kasuotan at sa mga koloreteng nilagay sa kaniyang mukha.

"Mali ang akala nila tungkol sa atin," sabi ni Esmeralda.

"H-Hayaan mo lang sila. Normal lang na isipin nilang may nangyayari sa isang babae at lalaki sa likod ng pintong iyan," napangiti si Greco habang mabilis niyang binawi ang tingin at ibinalik sa kaniyang nirerebisang dokumento.

"A-Ayos lang sa iyo ang bagay na ito?" bulalas ni Esmeralda.

"Ipagpatuloy mo nalang ang ginagawa mong pagtatala. Maya-maya ay tatawagin na tayo para sa umagahan," sabi ni Greco.

"Imposible ka! Hinayaan mo akong matulog sa kuwarto mo at —" sabi ni Esmeralda ngunit agad naman pinutol ni Greco.

"Isang alipin ang nagtataas ng boses sa isang gobernador at gustong kuwesyunin ang aking mga desisyon. Nagawa mo nari'ng matulog dito at maglabas pasok sa mansyon ko hindi ba," giit ni Greco.

"Y-Yun ay–" putol niyang sabi.

Muling ipinaalala ni Greco kay Esmeralda ang unang beses nitong pumasok sa mansyon para sa paghihiganti. Halos lamukusin ni Esmeralda ang kaniyang kasuotan dahil sa kahihiyan buhat sa pagpapaala niyon.

"Maliban nalang kung nais mong maging malinis sa ginoo na iyong naiibigan? may panunudyong sabi ni Greco.

"W-Wala akong— at kung mayroon ay hindi mo na iyon kailangan pang panghimasukan. May kalayaan naman tayong ibigin kung kanino tumibok ang ating mga puso, hindi ba?"

Natahimik si Greco dahil hindi niya kayang magtiwala sa kahit kaninong babae sa hinaharap maliban kay Esmeralda lalo pa't nasaksihan na nito ang malungkot na tagpo sa kaniyang buhay.

"K-Kapag ginawa kitang babae ko ay may karapatan na akong manghimasok sa lahat ng gagawin mo. Tulad ng nangyayari ngayon," sabi ni Greco.

"Isa kang prinsepe," napatingin sa kaniya si Greco dahil sa narinig. Maaaring kalat na sa buong manor na isa siyang prinsepe na ipinatapon sa malayong probinsya dahil banta siya sa prinsepeng taga-pagmana.

"At– " inarkuhan niya ng kilay si Esmeralda.

"W-Wala kang dapat ipag-alala dahil isa lamang akong alipin at walang nais kundi ang mamuhay ng tahimik dito," matapos sabihin iyon ay tumalikod na siya kay Greco.

Hindi na niya hinintay na magsalita pa si Greco dahil hindi narin siya umaaasang may magandang lalabas sa bibig nito. Tinungo niya ang naiwan niyang trabaho. Nagsimula na siyang magdurog ng tinta.

Samantala, napabuntong-hininga na lamang siya sa inasal ni Esmeralda. Noon niya lalong napatunayan na may mga babae sa labas ng palasyo na hindi mahalaga ang katayuan dahil ang mahalaga ay maging masaya sa buhay.

"H-Hay komplikasyon, K-Komplikasyon!" ani ni Greco habang sinasalansan ang mga dokumentong kaniyang nirerebisa.

Nilingon naman siya ni Esmeralda dahil narinig niya ang lalaking may mga sinasabi. Ngunit nginusuan lamang niya ito at itinuloy ang paglalagay ng pangalan kasama narin ang pagtatala ng mga tsaa.

Dumating si Tyrione at dali-daling ibinaba ang dala nitong kalatas.

"Hmmm" At hinanap ni Tyrione ang babae. Nakita niya itong nakasuot ng isang magarang damit at nakaayos din ang buhok nito. Ibinalik niya ang tingin na may halong panunukso kay Greco.

"Imbitasyon para sa iyo at sa usap-usapang binibini na ipakikilala mo sa iyong ina?"

"W-Walang kuwentang imbitasyon kung ganoon. Kamamatay lang ni Tiyo marami pa akong dapat gawin dito," hindi siya nag-abalang buksan ang kalatas.

"P-Pero ang ama mo ang nagpapatawag sa iyo sa palasyo," saad ni Tyrione.

"K-Kay Ama? Ang kamahalan?" may pagtatakang tanong ni Greco.

Dali-dali niyang binuklat ang imbitasyon at nakita niyang ang selyo ng kaniyang ama.

Kunot-noo siyang tumingin kay Tyrione.

"Alam ba ito ni Ina?"

"Nagpadala na ako ng mensahe pero wala paring sagot galing sa palasyo ng Dayang Marisela. Ang imbitasyon ay mangyayari sa bulwagan ng Silangang Palasyo. Tama! Si Prinsepe Rowan ang pangunahing taga-pangasiwa ng pagtitipon. Ang lahat ng mga Gobernador ay dadalo kaya't mas maganda kung may isasama kang binibini para hindi ka mapanisan ng laway," ngumiti si Tyrione ng pagkaamis-tamis sabay tinignan ang tahimik na si Esmeralda.

"H-Hindi ako tinatratong anak ng kamahalan at isa lamang sa nasasakupan niya. Mabuti nang ganito kaysa naman naaalarma ang Imperatris sampo ng kaniyang kaalyado." ngumisi pa ito.

"D-Dadalo ka bilang gobernador hindi isang maharlika o anak niya," paglilinaw ni Tyrione.

Naputol ang kanilang paguusap ng dumating ang isang alipin para sa ianunsyo ang tungkol sa kaniyang umagahan.

"Sa susunod na linggo pa naman ito kaya't marami pa akong oras para humanap ng palusot."

"Nandito parin siya?" muli niyang ipinasok si Esmeralda sa usapan.

"Kailangan niyang malaman ang mga tsaa na iyan,"

"G-Gaano ka importante ang mga tsaang iyan o dahil hindi ka makalabas kaya ka nandamay ng isang binibini," sabi ni Tyrione.

"L-Labas Tyrione.."

"T-Totoo lang naman ang sinasabi ko walang halong m-malisya…" nagpatuloy pa ito sa pang-aasar hanggang mapukaw nila ang atensyon ni Esmeralda. Tumingin ito at bumalik din sa kaniyang ginawa.

Hinila na ni Greco si Tyrione palabas ng kaniyang kuwarto dahil madadagdagan lamang ang ipaliliwanag niya kapag nagkataon.

Narinig ni Esmeralda na sumarado ang pinto saka siya nagtungo sa lamesa ni Greco. Hinintay niyang makarating si Greco ngunit kinilabutan siya ng maramdaman niya ito sa kaniyang likuran.

"May i-aaalok akong bagong posisyon. Kailangan ko ng alipin dito sa loob ng opisina ko."

May lamig sa boses nito.

"H-Hindi ako interesado. Mas gusto ko pa sa bukid kaysa manatili dito sa malungkot mong mansyon," sabi ni Esmeralda.

Naramdaman niya ang pagdikit ni Greco ng labi nito sa kaniyang batok. Kaya siya humakbang palayo ngunit mabilis siyang nahawakan sa kaniyang magkabilang balikat.

"S-Sandali.."

"T-Tapos na po ang pinagagawa ninyo sa akin..babalik na po ako sa bukid," sabi ni Esmeralda.

Ngunit matagal silang nanatili sa ganoong posisyon bago siya pakawalan ni Greco.

Nagmadaling umalis si Esmeralda dahil sa inasal ni Greco. Alam niyang wala siyang kalayaan laban kay Greco kung ano man ang maibigan nito ay siyang masusunod. Para lamang siyang tubig na kung saan dalhin ng agos. Isa siyang alipin ni Greco, biniling alipin.

Samantala naihampas ni Greco ang kaniyang kamay sa lamesa dahil sa inasal niya kay Esmeralda. Kung bakit ang lakas ng loob niya para sabihin iyon sa dalaga kahit na ramdam niyang ayaw sa kaniya nito.