Chereads / If We Fall In Love / Chapter 9 - Fall 8 - Part-timer (Zyrus Arellano)

Chapter 9 - Fall 8 - Part-timer (Zyrus Arellano)

Fall 8 – Part-timer

APRIL IMPERIAL

Birthday ko ngayon, April, like my name.

Daming naglalagay ng kung ano-ano sa locker ng Grade 9.

May mga pangalan kasi ito.

Since buong taon namin ito gagamitin at papaltan depende sa grade level na meron kami.

April Fools Day ang aking birthday.

Kaya pinangalan sa'kin ng mama at papa ko ay April.

May naglagay ng chocolate.

Nagulat ako nung pagbukas ko.

Mayroon pa lang kasamang letter ito.

"From your secret admirer. From the moment, I saw you.I began liking you. I love you, April Imperial."

Sabi nung letter.

May poetry pa baba nito.

"Ang ganda ng kanyang mga ngiti. Kaya naman, ang lalaki ay tumabas ng kapiraso ng kanyang puso para mapasaya ang babae sa kanyang kalungkutan. Hindi nagpaawat ang babae sa pagbalik nito ng mga binigay ng lalaki katumbas ng mga kapiraso ng puso niya."

Sino kaya ito?

Hindi ko kasi maisip kung sino.

Sana si Zyrus.

Inisip kong maigi pero parang hindi.

Busy ang Grade 10 sa pagprepare ng kanilang last project.

Zyrus Arellano: Magandang araw! Joke! Happy birthday, more birthdays to come and God bless!

April Imperial: Salamat sa lahat! Wahaha. Thank you for being the first one to greet me a happy birthday.

Nagulat akong 12am niya akong minessage eh hindi pa ko natutulog kakaisip sa kanya.

Nakita ko kasi ang bagong upload niyang Spoken Word Poetry tungkol sa broken family.

Hindi pa rin niya ko ina-add. Ang bad talaga niya!

Kahit chinachat ako.

Pero nagulat ako ng iaccept niya ko sa Instagram.

Mutuals na kami.

Nakita ko ang mga pictures niya with friends, Lander, Kuya Harden, at Arjo pati ng iba niyang classmates.

Hindi ko alam kung anong masasabi ko.

Masaya siya sa mga pictures niya.

May girlfriend na kaya siyang bago.

Balita ko ay single pa rin siya simula nung tumungtong siya ng Grade 10.

Nagresearch ako at kinaibigan ang isa sa mga kaklase niya.

Lander Lopez: Si Zyrus? Oo, single siya. Bakit? Ikaw hah!

April Imperial: For Sena De la Paz 'to. Baliw! Research purposes lang hehehe!

Excuses ko lang iyon.

Research ko iyon pala sa sarili ko.

May pag-asa pa pala kaming dalawa.

Bali-balita ay may gagawing surprise si Zyrus sa prom night.

Lander Lopez: Abangan mo ang prom night. May surprise siya sa babaeng gusto niya.

Ano daw?

Nagulat ako kasi malapit na kami sa isa't isa.

Sino ang maswerteng babaeng iyon?

Isasama ko si Sena para pag-usapan ang partner assignment.

Pinapapunta niya ko sa isang fastfood chain kasi nga yun ang gusto niya, magkita daw kami dito.

Nagulat ako sa pangalan ng restaurant.

Arellano. Ang pangalan.

Pamilyar ang tawag rito. Kaya nagtaka ako.

Hindi naman siguro kanila Zyrus ito.

Kalma ka lang, April.

Araw-araw mo na siyang nakikita.

Umupo ako doon ay naghintay.

"Gusto mo ba maging model ng restaurant namin. Urgent, kailangan kasi namin ng fresh face."

Natakot naman ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam na nagagandahan pala siya sa'kin.

Parang ganon din yun diba?

"Bakit ako, wag ako."

Nahihiya kong sagot.

Umiling-iling ako.

"Ayoko nga, gusto ko kung ikaw. Sige na, ikaw lang kakilala ko papayag at maganda."

Oh diba totoo nga, nagagandahan siya sa'kin.

Nakakakilig! Sinabihan ako ng crush ko ng maganda.

"Kailangan din namin ng parttimer, baka gusto mo tumulong din."

Sabi niya, siguro nagtitipid sila.

Ewan ko ba.

Pero in ako basta makasama siya.

Nakakahiya nga lang.

Marunong naman ako sa gawaing bahay.

Ako ang nagliligpit at naglalaba.

Baka ganon din ang ginagawa dito.

Parang chores. Nagseserve at nag-liligpit.

"Hindi pwede, Zyrus."

Pagtanggi ko.

"Sige na please, ililibre kita ng lunch."

Umupo siya sa harapan ko.

"Gagawin ko na lang assignments mo. Tutulungan kita."

Pagsabi niya nun, natawa ako.

"Hindi na. Sige papayag ako sa isang kondisyon. Sumama ka sa'min ng friends ko sa Enchanted Kingdom."

Sabi ko, naglakas loob na pasamahin siya.

"Sure, yun lang? Talaga? Sige, papayag ako. Kailan ba 'yan?"

Sagot niya na ikinatuwa ko.

"Next Saturday sana."

Sagot ko.

"Pero ngayon ka magsisimula ah. Be our part-timer and model."

Kaya ayun nagsuot ako ng apron.

"Hindi ko alam na may restaurant pala kayo."

"Minsan lang kasi ako tumulong sa tatay ko."

Sabi niya tapos nagligpit kami ng plato sa likuran.

Habang naluluto naman ang mga chef nila.

Nagplay ang Gorgeous by Taylor Swift sa restaurant nila.

What can I do to have you, Mister gorgeous?

Tulala na naman ako sa kanyang kagwapuhan.

Nagliligpit kami ng plato. Tagaktak ang pawis niya sa noo.

Umusod siya ng kaunti papalapit sa'kin kaya napapikit ako.

Ayun pala may kukunin sa likod ko.

"You watched too much, telenovela."

Tumawa siya habang naliligpit kami.

I was expecting a kiss from him.

But it didn't happen.

"I might kiss you, if you stayed here, a little more."

Sabi niya sa'kin.

I can't forget his surprise sa prom night na malapit na maganap.

**