Fall 12 - Cheer Up
APRIL IMPERIAL
Kaming tatlo ni Tristan at Nate ay todo review sa surprise quiz ni Ma'am.
Nagtanungan pa nga kami kung anong mga sagot.
Tumawa si Tristan nung iba yung sinagot ko, malayo sa topic.
"Kaya mo yan, April. Medyo kinakabahan ka ata."
Sabi niya sa'kin, tinapik ang balikat ko nang dalawang beses.
Mababa ang kinalabasan ng score sa quiz ko!
Nagagagulantang kasi nag-aral pa man din ako.
Ang highest ay si Tristan Cabrera.
Inannounce pa talaga ng teacher anga score namin from highest to lowest.
Napahiya tuloy ako.
Nung mag-uwian na hindi ko napigilan na umiyak.
Naiyak talaga ako sa may side walk ng labas ng school kasi yun yung last subject namin.
Nakita si Tristan sa gilid ko pinapayungan ako sa init ng araw.
"Okay ka lang?"
Panimula niya.
Syempre hindi.
Kasi naiyak talaga ako.
Ayokong madisappoint ko ang parents ko.
Ang mahal pa man din ng tuition ko.
Hindi rin naman ako scholar.
"Bakit naman naiyak dyan?"
Tanong niya tapos umupo naman ako sa halamanan dun.
Binaba niya ang payong.
Nasa silong na kami ngayon.
"Ang baba ng grades ko sa math."
Naiiyak pa rin ako kasi ang taas ng expectations ko sa sarili.
Nag-aral naman ako ah!
Bakit ganito pa rin kinalabasan ng grades ko.
Nakakapanlumo!
"You have me remember? I will help you next time, it was a surprise quiz. You must always ready. Review everytime the lesson finishes at home then tomorrow expect something like a quiz or recitation."
Sabi ni Tristan.
Dumaan si Nate Magbagay.
"Dapat kasi pinakopya mo, Tristan."
Sabi ni Nate, ikinatawa namin.
"Baliw, hindi iyon pwede. Edi hindi natuto si April."
Naangasan talaga ako sa kanya.
He's really cool with his principles being too good.
"Aalis na ko, uwi na muna ko. Ikaw na bahala kay April."
Paalam sa'min ni Nate since uwian na din.
Naghintay kami doon sa kawalan hanggang natapos akong umiyak.
Tumayo ako sa halamanan at tumingin sa kanya.
Wala siyang inabot na panyo.
Tulad ng mga telenovelang nakikita ko pero nakakakilig ang ginawa niya.
Natatawa siya tapos pinunasan niya ang luha ko gamit ang mga kamay niya.
"Alam ko na para maging masaya ka. Sama kita muna kita sa'min."
Inakay niya ko.
Kinuha niya ang kamay ko at hinila palayo.
Sumakay kami ng jeepney at ng isang tricycle.
Pumasok kami sa isang computer shop.
Hawak pa rin niya ang kamay ko.
Nakatulala ako sa kanyang ginawa.
Nahiwagaan ako sa kanya, kahit medyo over reacting na ko sa grades ko since simula pa lang ng sem buti inintindi niya ko.
Nakakatuwa, nakakapanghina ng loob kasi bakit ang sweet niya sa'kin?
"Maglaro muna tayo ng games sa computer shop namin."
Sabi niya habang napasok kami sa loob.
Pinaupo niya sa number 3 computer.
Nilagyan ng headphones.
He's really tall.
Naaamoy ko ang pabango niya.
"Play some games with me, I assure you, you will feel better."
Ngumiti siya sa'kin.
Showing his white teeth.
I realize how attractive he is right now.
Umupo siya sa tabi ko,
"Let the game begin."
Tumawa kaming dalawa sa sinabi niya.
Naalala ko tuloy ang isang kanta, Let the love begin by Kyla ang nagplay sa computer shop.
Napangiti ako habang ninanamnam ang lyrics ng kanta.
Pati ang coolness ni Tristan Cabrera.
He's definitely a math wizard.
Ang talino, kanina kung paano niya ko durugin sa math.
"Oh bakit sa'kin ka nakatingin?"
Sabay pindot niya sa mouse.
Habang ako ay matatalo na ata.
Duo kasi kaming dalawa sa Valorant.
"Kuya, sino yan?"
Tanong ng bagito sa gilid.
"Girlfriend ko."
Pang-aasar niya ata sa'kin kasi alam kong hindi totoo.
"Hoy, Kuya Tristan, pakilala mo naman sa'min."
Sabi nung isa pang bagito.
"Ako po pala si Haniel, ikaw ate, anong pangalan mo po? Kapatid po ako ni Kuya Tristan."
Ngumiti ito sa'kin.
"Ako si Samuel, Ikaw, ate? Kapatid din po."
Sabi nung isa pa.
"April Imperial, kaibigan ng kuya niyo."
Sabi ko sa kanya at nilisik ang mata kay Tristan na tumatawa.
Pumasok naman kami sa loob ng bahay nila kasi kanila pala ang computer shop.
"Kain po kayo ate."
Sabi ni Haniel.
May longganisa sa lamesa at kanin.
Meron ding mga nakatakip na plato.
"Upo ka muna."
Kinuha niya ang mga kamay ko at inupo ako sa sofa nilang pasira na.
Umalis muna si Tristan kaya kumuha ako ng longganisa at kanin, hindi na nahiya kasi inaalok naman nila ako at nagutom ako.
"Wala ng ulam."
Bulong ni Tristan, medyo natutuwa.
Naubos ko na kaya hindi ko nabalik.
Nahihiya tuloy ako.
Natatawa si Tristan sa'kin.
"Okay lang."
Bulong ulit niya na narinig ko.
Medyo kinabahan ako.
Tumabi siya sa'kin, hawak ang plato niya.
Hinati nila yung longganisa na natira ni Haniel at Samuel.
May dalawa lang kasing longganisa doon.
Hala! Akala ko marami silang ulam, nakakahiya.
Nung pag-uwi ay naglakad kami ni Tristan.
"Ayos ka na?"
Tanong niya sa'kin.
Kumaway siya sa mukha ko.
Nakatulala kasi ako, naawa naman ako sa hirap ng buhay ni Tristan.
"Scholar ka no?"
Tanong ko.
Tumango siya, ang sipag siguro niya mag-aral, kaya pala siya nakapasok sa school namin.
Humanga ako sa kanya nung tumango siya.
Napangiti ako.
Nagkaroon ako ng motivation na mag-aral.
"Idol na ang tawag ko sa'yo mula ngayon."
Nakangiti siya sa'kin.
"Ihahatid na kita sa sakayan, mag-ingat ka ah. Text ka kapag nakauwi ka na."
Sabi niya habang kumakaway pauwi.
Cute size: Nakauwi na ko. Thank you sa lahat! You cheered me up!
Math Wizard: Walang anuman, sa susunod ulit!
**