Fall 13 – Not Obligatory
APRIL IMPERIAL
Cute Size: Good morning to all! Valentines day na!
Nagkunwari akong group message yung text ko kay Math Wizard, Tristan.
Pero ang totoo sa kanya ko lang, sinend nakakahiya kasing magtext ng nauna sa kanya.
First move is the hardest thing to execute.
Specially, if you are the girl.
Math Wizard: Uy, nahiya ka pa sa'kin! Good morning! Happy valentines day lol
Natuwa pa rin ako kahit nahuli niya ko.
Nakakaasar naman oh!
Nakakatuwa siya!
Feeling ko parang may something else na kong nararamdaman, siguro yung kilig.
Kinikilig na naman ako, panibagong kilig na naman ito.
Tristan Cabrera, what's with you making me feel the feels?
Nakakagulat!
I want to see him today!
Buti na lang may pasok kahit valentines day!
Mabibigyan ko si Tristan ng chocolate.
Naisipan kong sa locker na lang pero mas maganda siguro kung sa personal.
Para makita niyang ako iyon, at makita ko ang expression niya kapag nalaman niyang binigyan ko siya ng chocolate.
Naghanda ako ng mga ingredients.
Sinubukan ko ang magbake.
I'm baking cookies and cupcakes.
Puro chocolate flavored.
Bibigyan ko rin si Nate at Aliden para hindi halata.
Valentines day kasi ngayon.
Tradition ng school namin na magbigay sa mga lalaki at kapag white day ay sila naman ang magbibigay sa mga babae.
Pumasok ako sa school na dala-dala ang mga cupcake at cookies.
"Here's yours."
Nilapag ko sa lames ani Tristan Cabrera ang mga cookies at cupcakes.
"Ako lang ang mayroon? Sweet! Ngayon lang ako nakatanggap ng chocolate sa valentines."
Natutuwa si Tristan sa'kin pero hindi niya alam para sa kanya lang talaga ito pero hindi kasi pwedeng siya lang, I have new friends also.
Even though, I'm falling in love with him.
"Happy valentines guys."
Lumapit din si Nate at Aliden.
Binigyan ko sila ng tig-isang cupcake and cookie.
"Is this homemade? Wow!"
Tumango ako sa kanya. I smiled at him.
"Ako din ngayon lang din nakatanggap."
Sabi ni Aliden Santos.
"Me too. Thank you, April. Kahit obligatory chocolate."
Sabi naman ni Nate Magbagay.
"Ano yung obligatory chocolate?"
Tanong ni Tristan.
"Yung kailangan mo ibigay kasi friends mo. Obligatory chocolate. No choice. Parang brothers or what."
Nagtataka si Nate sa sinabi niya mismo kasi hindi siya sure.
"Obligatory chocolate pala 'to."
Napakamot si Tristan.
Is he disappointed?
Coz his chocolate ain't obligatory.
It is made for him.
It's a confession chocolate.
I smirked at his reaction.
Did he just told me he likes me without telling he likes me?
Natuwa yung puso ko.
Nahiwagaan ako sa naging reaksyon niya.
White day comes by. March.
Naglalakad ako sa hallway.
"Morning."
Sabi ko kay Tristan.
Pero hinatak niya ko at inabutan ng paperbag.
White chocolate na Toblerone ang nasa loob.
Maliit itong paperbag pero katamtamdan ang laman ng paperbag.
Malaking chocolate ng kilalang brand. Nashock ako.
"For you."
He smiled at me, showing his pretty teeth.
"Happy white's day."
Ngumiti ako sa sinabi niya sa'kin.
Nagmamadali siyang lumakad.
Ewan ko ba?
Nahihiya na ata.
Namula kasi ang dalawangtenga niya pati ang kanyang mukha, halata pa rin sa moreno niyang balat.
He looks so tall today looking at me.
We are walking side by side.
Umalis siya at pumasok sa restroom ng boys.
Math wizard: Did you like it?
He texted me.
What the heck?
Is he that shy?
Cute size: I'm happy! Thank you, buti naaalala mo kong bigyan. Happy white's day!
Math wizard: I hope you enjoy it well! Wuv u.
Cute size: What's wuv you?
Kinilig ako sa sinabi niya.
Nahiya lang sigurong umamin tong lalaking 'to sa'kin.
I'm hopeful to him kahit natuto na ko sa dati.
Math Wizard: I love you for a friend. No harm just love. Hahaha!
I saved his texts.
I didn't delete them in my inbox.
I smiled while rereading it all over again.
Math wizard: Hindi yan obligatory! That's really for you!
What does that mean?
Alam ba niya ang sinasabi niya?
Natutuwa tuloy ako.
He's cute and cool at the same time.
We texted late at night.
Math Wizard: Pinto ka ba?
Tumawa muna ako bago siya replyahan. What the heck? BAKIT may ganito na?
Cute size: Why?
Math Wizard: Kasi gusto kong pumasok sa buhay mo!
He replied immediately.
Natawa ako at umirit muli.
Tumili muna ako bago nagtype sa phone kong dikeypad pa.
Cute Size: Unan ka ba?
I do not know kung pwede kong sabihin sa kanya ito.
Math Wizard: Bakit po, miss?
Cute Size: Kasi naglalaway ako sa'yo eh! Hehehe!
Tumigil siyang magreply ng ilang minute.
Siguro tumawa muna.
Math Wizard: What? Anong naglalaway? Bago yun ah? Hahaha! XD
He sends another text.
Math Wizard: Am I that hot?
Cute size: Yes, you are!
Naglakas loob akong sabihin sa kanya iyon kaso hindi nagreply.
Siguro nga, talagang kinilig na siya sa'kin.
Nakakatuwa!
Natulog akong mapayapa.
Ang haba na rin kasi ng mga texts namin.
Parang textmate na kami.
Nagkamustahan sa mga schoolworks.
Tapos balak niya daw akong turuan ng mga lessons bukas kasi examination week na next week.
**