.
Halos madulas sa pagtakbo si Sabrina…...
Malakas ang buhos ng ulan na halos umaabot na sa kanyang bukong bukog ang tubig sa daan.
Maputik at masakit sa balat ang patak ng ulan. masakit rin sa mata ang malakas na patak ng ulan at nakakaliyo ang tindi ng lamig ng simoy ng hangin.
Pero hindi iyon alintana ni Sabrina. Kailangan niyang makaalis, kailangan niyang makalayo. Kailangan niyang makatakas.
Lakad takbo ang ginawa ng dalaga bitbit lamang ang isang lumang bag kung saan niya isinilid ang unang nadampot na damit kasama ang laraw ng kanyang ina.
Matagal niyang hinintay ang ganitong pagkakataong, matagal niyang pinangarap ang makalaya at ngayong abot kamay na niya at hndi niyan hahahayaang mabawi pasa kanya.
Kahit maging buhay pa niya ang kapalit ay tatakbo siya. Mas mabuti na ang mamatay kesa muling bumalik sa impyernong kanyang pinagmulan sa loob ng maraming taon.
"Hah! halos manuyo ang lalamunan g dalaga kahit pa nga malakas ang ulan. Sa walas ay nakalabas na rin ng dayamihan si Sabrina.Sa wakas ay nakakita narin siya ng kalsada.
Bagamat maulan parin ay maaliwalas ang paligid at hindi na maputik. Humugot ng malalim na hininga ang dalaga. Sa unang pagkakataong mula ng siya ay 15 anyos lamang nakakita siya ng pagasa.
"Ayun, parang siya yun boss!"
Sigaw ng isang lalaki sa kalayuan.
"Habulin nyo at ibalik nyo sa akin. Wag kayong uuwi hanggang hindi nyo dala ang babaeng yan"
Sigaw ng mas malakas na boses kahit malayo ay dumadagongdong ang malagom na boses nito.
"Hindi!!!hindi maaari"
Nanginginig sa takot na sabi ni Sabrina.
"Kailalang kong makalayo bago pa nila ako abutan .Kailangan kong makalayo"
Bulong ni Sabrina pero nanginginig na ang tuhod niya sa pagod at ginaw..
"Hindi...ayoko na.ayoko na sa impeyernong lugar na iyon"
Sigaw ng kalooban ni Sabrina.
Gamit ang determinasyun ay nilabanan ni Sabrina ang takot at panginginig ng mga tuhod. Hindi na inalintana ang lakas ng patak ng ulan at ang panginginig sa lamig.
Buong lakas na tumakbo si Sabrina upang makalayo.
"Hayun siya! bilis habulin nyo. Wag ninyong hahayaang makalayo ang babaeng yan"
Kumaripas nga ng takbo si Sabrina pero dahil pagod na at nanginginig ang tuhod ay tila ikinabagal niya iyon.
Kaya pag lingon ng dalaga ay nakita niyang malap[t na nga siyang abutin ng mga lalaking humahabol sa kanya. Habang pinipilit ang sariling mas bilisan pa ang pag takbo. lalo namang nararamdaman ni Sabrina ang pagod.
Nawawalan na ng lakas ang dalaga. Anumang sandal i ay maaarin g tuluyang ang katawan niya at bumigay ang lakas niya.
Hindi imposibleng maabutan siya ng mabibilis at matitikas nahumahabol sa kanya. Kaya nagisip si Sabrina kung paano matatakasan ang kapalaran.
Paglagpas ni Sabrina sa isang alley ay napahinto siya.Tila may kung anong puwersa ang humahatak sa kanya doon. Paahon ang lugar kaya pag lumiko siya doon ay baka hindi siya mamamalayan.
Hindi na nagpatupik tumpik pa si Sabrin at biglang bumaling pakanan ay sinuong ang madilin na iskinitang nakita.
Mabilis na takbo ang ginawa niya. Lalong lumakas ang ulan na sinabayan na ng kulog at kidlat. Nangangatal na ang labi mi Sabrina sa ginaw.
Halow hindi na niya kaya ang panginginig ng tuhod. at namamanhid na ang kanyang binti. Ilang oras na ba siyang tumatakbo. Siguro kung kakalkulahin niya ay limang oras na.
Naghanap si Sabrina ng pwedeng pansantalang taguan pero wala siyang makita. Pansamantala ay sumilong muna siya sa isang saradong bahay na may malapad na alulud.
Pero hindi pa man tatagal ay nakarinig na naman siya ng mga yabag. Nataranta si Sabrina kaya muling tumakbo hanggang sa nakakita siya ng pumaradang truck.
Kumapit si Sabrina doon at pinilit na makasampa bago pa maalarma ang driver. Kasama ng mga kung ano anong laman ng truck ay isiniksik ni Sabrina ang sarili sa mga kulumpon ng sako at dayami.
Walang kamalay malay ang driver sa nangyaysri sa likod. Hanggang sa marinig ni Sabrina na naging mas malapit ang tunog ng mga yabang hanggang sa marinig na nan niya ulit ang pamilyar na boses.