Chereads / The Man And the Mask / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

🤍🤍

.

Abot hanggang langit ang kaba ng dalaga. Nananalangin na kung maaari ay maging patas sa kanya ang buhay.

Hanggang sa unti unting lumayo ang mga yabag hanggang sa tuluyan ng nawala. Isang nakakakilabot na katahimikan ang nangyari.

Dahan dahang sumilip si Sabrina upang tingann ang sitwasyun. Pero nanlaki ang mga mata ni Sabrina ng makitang nakatayo ang isang matangkad na lalaki na malaki ang katawan at nakahalukipkip na nakasilong sa bahay na sinilungan din niya kanina.

"Marcus!!!"

Hindi nakakilos si Sabrina.

Pinilit ng dalagang huwag gumawa ng ingay. Sobrang lakas ng kaba sa kanyang dibdib ilang pulgada lamang ang layo ni Marcus sa kanya.

Mawawalan ba ng saysay ang lahat ng pagod at hiram niyang makawala lamangsa impiyernong kinasadlakan. Maya maya ay narinig niyang bumukas ang pinto ng driver side ng truck at pagkatapos ay makina.

Pigil hininga ni Sabrina ng sitahin ng ni Marcus ang driver.

"Pare, pwede bang macheck ang kargada mo?"

Sabi ni Marcus.

"Bakit pre, may problema ba?pulis ka ba?"

Tanong ng matandang driver.

"Legal to pre, mga idedeliver kung dayami at mga sako ng uling at sako sakong saging"

Sabi ng matanda.

"May hinahanap lang kaming babae pre baka naligaw o nakita nyo?"

sabi pa ni Marcus.

"Wala akong napapansin.Saka kakadating ko lang dito.Kakakamada ko lang ng deliveries ko"

Sabi pa ng matanda.

"Sige na pre naaabala mo na ako. Kailangang makalabas ako ng bayan bago magliwanag coding ang truck ko"

sabi ng matanda at binuhay na ulit ang makina.

Buong usapan ay nakapikit si Sabrina at pigil ang hinihina at paulit ulit na nangdarasal. Nakahinga lamang ng maluwag ang dalaga ng maramdaman nito na mabilis na ang takbo ng truck.

Alam niyang malayo na ang narating nila. Hanggang sa makakita na siya ng malapad na kalsada. Ibig sabihin ay nakalabas na sila sa eskinita at posibleng nasa highway na.

May takip na tolda ang truck dahil maulan doon sumilip saglit si Sabrina at nakita nga niya na nasa highway na sila. Napausal ng pasasalamt si Sabrina.

"Bababa ba lang ako pag hinto ng truck"

Sa isip isip ng dalaga.

Pero dahil sa pagod, takot at lamig ay hindi namalayan ni Sabrina na nakaidlip siya. Kaya hindi niya namalayang nakadalawang hinto na ang truck.

Nang ikatlong hinto nito ay naramdaman na ng dalaga dahil Inalis ng driver ang kabuohan ng trapal plus narinig na niya ang tilaok ng mga manok.

Paghila ng driver sa isang kumpol ng dayami ay nakita nito si Sabrina na nakabalukot.

"Huh! sino ka?anong ginagawa mo sa truck ko?"

Takang tanong ng matanda.

Hindi nakasagot ni Sabrina. Sa pagkataranta ay nagawa niyang tumalon sa gilid ng truck para iwasan ang matanda. Saka mabilis na kumaripas ng takbo dahil sa takot.

"Sino ang babaeng iyon?"

Nasabi na lang ng matanda at napakamot sa ulo.

"Yun siguro ang babaeng hinahanap nung lalaki"

bulong ng matanda.

Ki gandang babae pero bakit siya tumatakbo?

Tanong ng matanda saka ipinangpatuloy ang pagbaba ng mga dayami.

Tinanaw ng matanda ang bahaging tinakbuhan ni Sabrina pero wala na kahit anong bakas ng dalaga.

Samantalang si Sabrina naman pagkatapos tumalon sa truck ay walang lingon lingong na kumaripas ng takbo. Natakot ang dalagang habulin ng matanda at isumbong kay Marcus.

Walang kamalay malay ang dalaga na malayo na sila sa dating lugar. Nakarinig ng mga yabag si Sabrina kaya bigla na nmang nanginig ang mga tuhod niya.

Mabigat ang ulo niya at para siyang mainit na hindi malaman. halos nanuyo na ang damit kanina sa truck. ngayon ay nabasa na mana ulit dahil sa lakas ng ulan.

Dahil sa takot ay luminga si Sabrina sa paligid para sana humingi ng tulong pero dahil madilim pa ay sarado pa lahat.

Kumaripas ng takbo si Sabrina hanggang sa mapunta siya ulit sa isang alley na halos puro pader at sa dulo niyon ay may isang lumang shop na hindi niya alam kung ano dahill madilim At wala naman itong ilaw sa labas.

Natakot si Sabrina dahil corner alley ang napasukan. Kung saka sakali na magawi doon ang humahabol sa kanya ay wala na siyang matatakbuhan.

Nakarinig ng kaloskos si Sabrina kaya sa takot ay tumakbo ito patungo sa isang lumang shop saka kinalampag ito.

Kinalampag niya ay pinilit pihitin ang door knob.Luma na ang shop at mukhang walang tao ng mapagtanto ni Sabrina.

Lalong pinanghinayan ng loob ang dalaga. Nagulat ang dalaga dahilpagpihit niya ng door knob ay bukas ito pero hindi na niya pinagtuunan ng pansin kung bakit.

Agad agad pumasok ang dalaga saka kinapa ang lock ng pinto at inilock. Walang tao ang shop at malamang kaya kahit paano ay nanglakas ng loob ang dalagang doon muna magtago.

Walang alam ang dalaga na ang mga yabag at kaluskos sa labas ay galing sa mga trabahador na maagang gumagayak sa pagpasok sa kani-kanilang mga trabaho.

Walang alam ang dalaga na alas kuwatro medya na ng madaling araw ng sandaling iyon at walang kaalam alam ang dalaga na tatlong bayan na ang nilagpasan niya at malayo na siya sa dating pinagmulan.

Walang ilaw ang shop, amoy pa lang ay patotoong luma na nga ang lugar. Nagdasal si Sabina na sana hindi tangkain ng humahabol sa kanya na pasukin ang shop.

Sa pagkapa kapa niya ay nakapa ni Sabrina ang sofa at doon naupo. Pero dahil sa pagod at sa hindi na magandang pakiramdam. Nakatulog si Sabrina ng mahimbing dahil sa pagod.