🤍🤍
"Mainit..? wait teka, mainti nga ang balat niya"
biglang naalarma si Raine ng maalala na mainit ang balat ng Babae ng madantayan niya. Muling kinapa ni Raine ang leeg ng babae, mainit na nga eto hindi tulad kanina.
Kinapa rin ng binata ang noo nito at ganun din.
"Jesus Christ ! she's burning hot" natatarantang sabi ni Raine.ung saka sakali kase ay hindi niya ito maitatakbo sa hospital o kaya naman ay hindi siya pwedeng tumawag ng tulong.. Hindi maaari...
"She was so cold just a few minutes ago what happened?" Nagaalalang sabi ng binata.
Umalis si Raine at nagmamadaling tumakbo sa itaas para maghanap ng gamot sa kanyang silid. Wala siyang stock ng kahit anong gamot doon. Bakit nga ba kase hindi siya nag stock ng gamot.
Hindi naman kase naiisip ng binata na may magkakasakit sa bahay na iyon. Kung siya kase ay ililigo lamang niya ang lagnat. Ang sipon naman ay itinutulog niya. Minsan kase na lumabas siya para bumili ng gamot sa lagnat dati ay nagkagulo ang mga nanay dahil nagsitakbuhan ang mga batang nadadaana niya. Pagkatapos ay may mga pulis na dumating at pagkatapos ay malaking chaos.
Kaya magmula noon ay hindi na niya inulit pa. Naalala ni Raine ang isang halamang gamot na sabi ay nakakapagpababa ng lagnat at panlaban din sa infection. Yun na lamang ang pagasa niya para matulungan ang babae.
Hinanap iyon ni Raine sa cabinet ng nasirang lolo at laking pasasalamat niya at meron pa. Pagbalik niya ay nakita niyang tila umuongol ang babae at ng lapitan niya ay nakita niyang nanginginig eto sa ginaw.
Marahil ay nasa ponto ito ng pagtaas lalo ng lagnat. Mukhang matagal itong nababad sa basa ang babae at marahil un ang naging sanhi ng pagkakasakit nito.
Inilapapg lamang ni Raine ang gamot sa center table saka nagtungo sa kusina at kumuha ng malinis na towel at malamig na tubig sa ref. mPinilit gisingin in Raine ang babae pero ungol lang ito ng ungol saka umiiling. Mayat maya ay umiyak ang babae saka nanginginig na bumubulong.
"Maawa ka, para mo ng awa…ayoko ayoko. Lumayo ka layuan mo ako….Saklolo" Sabi ng babae.
Sa mga narinig ni Raine ay napagtanto niyang marahil ay may masamang karanasan ang babae. O biktima ng mga sindikatong nauuso ngayon. Kaya siguro naligaw ito sa lugar niya. Sa kabila ng pagiyak ay pangungol lamang ng babae ay pinilit itong painumin ng gamot ni Raine.
Pagkatapos ay pinunasan niya ng malamig na towel ang ulo, leeg, braso at paa ng babae. Saka sinundan ng tuyong towel. Inulit ulit iyon ni Raine hanggang sa maramdamang hindi na ganun kaibit ang babae. Iniligpit ang palanggana at tubig na ginamit.
Matapos iligpit ni Raine ang mga ginamit ay hinila ng binata ang isang pang isahang sofa at itinabi iyon sa sofa kung saan tulog ang babae. Pinagmasdan ni Raine ang dalagang kasalukuyang nakapikit. Maamo ang mukha nito pero bakas sa linya sa noo na nahihirapan.
Mahaba ang mga pilik mata at sapat ang tangos ng ilong na bumabagay sa manipis na labing mamula mula. Hindi niya napansin kanina pero ngayon ay napagtuonan niya ng pansin na may mga gasgas sa braso at mukha ang babae.
Dumako ang tingin ni Raine sa paa ng babae, puno rin eto ng sugat. Hindi niya iyon napansin ng punasan niya ang mga putik nito sa paa.
"Anong nangyari sayo miss?" bulong ni Raine.
Hindi niya gustong magtiwala sa estranghera. Maaari rin niyang ikapahamak ang pagtulong na ginawa pero may isang umaakit sa binata para gawin iyon. May kung anong puwersa ang bumubulong sa kanyang tulungan ito. Ipinangdasal na lamang ng binata na sana ay hindi ito masamang tao o kaya ay isang pakana ni.....
Pero paano kung nasa kapahamakan ang babae? matulungan ba niya? tanong ni Raine sa sarili.
"Anong kaya mong gawin? anong magagawa mo ikaw mismo ay nakakulong sa madilim na lugar na eto"
muling bulong ni Raine saka naalala ang kapalaran. Napahawak sa noo si Raine.
Pero muling nagamba ng muling umungol ungol ang babae na tila nananaginip na naman. Kitang kita ni Raine ang takot na rumihistro sa mukha ng babae. Nakita niya ang butil butil na pawis sa noo nito. Nakita niya ang panginginig ng buong katawan nito.
"What happened to you miss?" curious na tanong ni Raine.
Lumiliwanag na ang kabahayan bagamat madilim pa eto dahil sarado ang mga bintana at makapal ang kurtina. Balak na sana ni Raine na bumalik sa silid niya para muling bumalik sa pagtulog ng bigla na lamang dumilat ang babae napabaliwasas eto at nagsisisigaw pagkakita sa kanya.
"Ahhhh..saklolo ...tungan nyo ako saklolo" Sigaw ni Sabrina.
Agad tinakpan ni Raine ang bibig ng babae dahil baka marinig sa labas pero nagpappalag ito kaya humantong sa puwersahan niyang hinawakan ang babae.
"Wait miss wag kang sumigaw.Hindi ako masamang tao.Katunayan ikaw ang pumasok sa teritoryo ko" Natigil sa pagpalag si Sabrina.
Doon lamang tila natauhan si Sabrina. Biglang naalala ang mga naganap bago siya nakatulog.
"Oo nga pala" Bulong ng dalaga.
"Ako nga pala ang walang paalam na pumasok sa bahay na eto"
Nagulat kase siya akala kase ni Sabrina ay nahuli na siya ni Marcus kaya siya nagsisisigaw. Pero ng muli niyang tingnan ang lalaking may hawak sa kanya. Muling etong nagsisigaw at nagpapalag Kaya muli siyang pinuwersang Patahimikin ni Raine. Nang makita ng binata ang takot sa mga mata ng dalaga habang nakatitig sa kanya. Napagtanto ng binata kung ano ang dahilan ng pagsigaw nito.
"Miss, bibitawan kita but promise me, your not going to shout.Maalarma ang mga kapit bahay ko" Sabi ni Raine.