Only fate can predict the best future for us. In this case, you should take it and wait the right time managed it when it comes. What if matagal na palang dumating? How can you handle it without hurting yourself?
"Uuwi na ako, pagod ako ngayon tigilan niyo na yang kahibangan niyo utang na loob" sabi ko at agad na umalis iniwan ko silang dalawa doon sa covert court at mabilis na pumunta ng parking lot.
Pagdating ko palang don ay napahawak ako sa dibdib ko na tila mabilis ito tumitibok at kailangan ng maraming hangin.
Napabuga nalang ako ng malalim na tila binangungot ako ngayong araw na to. Tinawag ako ni philip kaso di ako tumingin kaya lumapit siya sa akin.
"Ano ok ka lang ba? Bat ganyan yung mukha mo may masakit ba sayo" sabi niya sa akin kaya di ko mapigilan ang sarili ko na bigla ko siyang hinalikan ng ikinagulat niya ito. Di ko alam kung bat ako nagkakaganito.
Basta ang alam ko nais nang puso ko na halikan ko siya at pinipilit na magdampi ang labi namin na di maipaliwanag na dahilan. What happened to me? Is this a lie again in my life?
Bigla ako lumayo sa kanya tsaka tila nanginginig na di alam kung ano ang sasabihin.
"Ahm.. I . I'm sorry wala akong ibang intensyon nabigla lang ako sa ginawa ko pasensya na"sabi ko sa kanya tsaka mabilis na sumakay sa motor at pinaandar ko na ito.
Mabilis ko namang pinatakbo ito hanggang sa nakarating ako sa bahay at agad dumiritso sa kwarto ko.
Napasigaw nalang ako sa ginawa ko kanina. Nakakahiya talaga ano bang napasok sa isip ko kung bat ko siya hinalikan.
Wala lng iyon Sander, nabigla ka lang sa nangyari ngayong araw wala kang ibang intensyon, oo wala tama.
Halos mababaliw ako sa kakaisip sa nangyari kanina. Magpapaliwanag na lang ako kapag magkikita kami sa Ateneo.
"Sander, bat ka sumisigaw diyan? Anong nangyari?" Biglang sigaw ni mama sa baba kaya naman tumahimik nalang ako tas sinagot ko nalang si mama na ok lang para di siya mag alala sa akin.
Nang pagsapit ng 7pm ay sabay na kaming lahat kumain at pagkatapos ay kaniya kaniya na kaming ginagawa lalo na si daddy na agad nag tungo sa kwarto dahil may gagawin siya sa trabaho niya.
Maya maya ay nagpaalam ako kay mommy na lalabas ako saglit kasi may bibilhin ako at pumayag naman siya kaya naman agad akong lumabas upang di na magbago ang isip ni mommy.
Paglabas ko ng gate ay bigla ring lumabas si philip sa dahilan na napahinto ako at bigla akong kinabahan na parang gusto ko muling pumasok sa bahay.
"Uhm hi, nandiyan ka pala" biglang sabi niya habang kumakaway siya na parang nagpipilitan kaya dahan dahan akong tumingin sa kanya at bigla ngumiti na parang baliw.
"Ahh hehheh hi, oo may bibilhin kasi ako. Ikaw may bibilhin ka rin?" Tanong ko sa kanya kaya naman sinagot naman niya ang tanong ko na parang kinakabahan.
"Ahh ano, exercise oo exercise, mag jojogging ako saglit" sabi niya habang ngumingiti kaya naman tumango nalang ako tsaka sinimulan ko nang maglakad.
Habang naglalakad naman ako ay sumabay muna siya sa akin kaya naman naging awkward ang tensyon naming dalawa.
"Ahmm kanina pala anong ibig sa-" pinutol ko bigla ang sasabihin niya dahil inunahan ko na siya.
"Ahh kanina, ano lang yun ano nabigla lang ako, nawala kasi ako bigla sa sarili ko dahil sa nangyayari ngayong araw kaya pasensya na binigyan ko lang kahihiyan ang sarili mo" sabi ko sa kanya kaya tumawa naman siya bigla dahilan nang ikabigla ko.
"Sure ka? Hahaha ano kaba ok lang, ako dapat humingi ng tawad sayo kasi di ko pinigilan ang sarili ko na halikan din kita kaya ka umiiwas sa akin" salaysay niya kaya naman natatawa nalang din ako sa sinabi niya.
"Sa totoo lang nabigla rin ako sa ginawa mo kanina pero napaisip din ako na may gusto ka na ba sa akin kaya kung bakit mo yon ginagawa sa akin kanina" sabi niya kaya dumipensa naman ako.
"Pilingero naman nito, pano naman ako magkagusto sayo na straight kaya ako, malabo naman yun" sabi ko sa kanya kaya tumahimik naman siya bigla pero maya maya nagsalita naman din ito.
"Posible naman diba? Di natin mapipigilan kung may gusto tayo sa isang tao kahit pareho kayong lalaki?" Sabi niya kaya naman di ko nalang siya pinansin at lumiko na ako banda sa may convenient store.
Binili ko na ang dapat kung bilhin pagkatapos ay umuwi na ako agad upang di ko na siya makita baka nandiyan lang yan sa tabi mahirap na nakaka awkward siya kasama.
Lumagpas ako sa isang may sulok na kalye na may narinig akong kaluskos ng bakal at hagulhol ng isang tao kaya naman sumilip muna ako upang siguraduhin kung anong meron doon.
"Diba sabi ko sayo na wag mo siyang lalapitan huh" sabi ng isang lalaki na tila galit ito at talagang sa pananalita nito ay isang siga at talagang nakakatakot siyang tingnan.
Napahiyaw naman bigla ang isang lalaki na bigla niya itong sinuntok sa tiyan.
"Tama na yan Brad, baka mapatay mo na yan malaking problema na naman" ani ng kaniyang kasama kaya tumawa lang to at diniin ang kamay sa leeg ng isang lalaki na sa oras na to ay tila nahihirapan ng huminga.
"Talagang mapapatay ko tong gonggong na to kung di niya lalayuan ang girlfriend ko, ang lakas naman pala yung tupak mo eh noh" galit na sabi niya kaya di ko napigilan ang sarili ko na sumigaw sa kanila dahil sa awa ko nung binugbog nila.
"Hoii mga sir*ulo tigilan niyo yan, ang dami niyo walang kalaban laban yung tao" ani ko kaya napatingin silang lahat sa akin kaya naman hinanda ko na ang sarili ko sa pinasok kong gulo.
"Aba dumating na din, yan ba yung kasama mo na palaging sinambit kanina ahhh, bago to ahh talagang masaya to" sabi niya kaya naman nagtaka naman ako pero di ko nalang pinansin yun.
"Di..di ko siya kilala, di ko siya kasama. Tama na Cedric wala akong alam sa sinasabi mo di ako ang lumapit sa girlfriend mo argggh" napahiyaw na naman ulit ang lalaki ng sinungkaban naman siya nito ng suntok sa tiyan sa dahilan na napa handusay ito sa sahig.
"Wag mo kong lolokohin ako mismo ang nakakita sayo kanina aba't magsisinungaling ka pa" sigaw niya kaya naman bigla akong lumapit sa kanya at agad na sinipa sa likod nito sa dahilan na tumilapon sa gilid ng kalye.
"Wag niyong hintayin na ako mismo ang magagalit sa inyo baka mag sisi lang kayo kapag magmatigas pa rin kayo diyan" ani ko sa kanila kaya medyo napa atras kaunti ang kasamahaan niya at agad naman na bumangon ang lalaki na sinipa ko kanina.
"Sino ka ba ahh? Talagang hinahamon mo ko ahh" sigaw niya at agad niya akong sinunggaban ng suntok ngunit naiwasan ko ito at nakuha ko ang kanyang kaliwang kamay at agad binali at sinuntok sa mukha dahilan na tumumba siya.
Sinugod ako ng mga kasama niya kaya iniiwasan ko nalang ito tsaka sinabayan ng sipa at suntok sa kanilang katawan dahilan na nangalay ang katawan nila at napa sigaw sila sa sakit nito.
"Huling sambit ko na ito, umalis na kayo kung hindi tutuluyan ko na talaga kayo, ano?" Sigaw ko sa kanila kaya naman tinutulungan naman nilang itayo ang kaibigan nila at nag ika ika itong umaatras sa akin.
"Pag sisihan mo to, may araw ka din" sabi niya at agad naman silang umalis kaya naman di ki nalang sila pinansin at agad na nilapitan ang lalaki.
"Kaya mo pa bang tumayo?" Tanong ko sa kanya kaya naman tumango naman siya at dahan dahang tumayo at humarap siya sa akin.
"S..salamat pala sayo, tatanawin ko tong utang na loob sayo ang gabing ito. Tsaka nga pala ako si Regor Caventes" saad niya kaya naman nagpakilala din ako sa kanya.
"Sander Mecardo, tsaka wala yun di ko lang matiis tingnan na may nakikita akong binubully na katulad ko din."sabi ko sa kanya kaya naman nguniti lang siya. Muntik ko na pala nakalimutan na uuwi na pala ako kaya naman nag paalam na ako sa kanya at agad na unalis dahil magtataka si mommy kung bat matagal akong bumalik sa bahay.
Nag iba na rin siya nang landas na tinahak kaya naman nagpatuloy na rin ako sa paglalakad ko na biglang may humawak sa balikat ko kaya agad ko siyang siniko kaya napahiyaw siya at laking gulat ko na si Philip pala to kaya naman napapikit nalang ako sa hiya at nag sorry sa kanya.
"Sorry, ikaw kasi ginulat mo ko akala ko kung ano" ani ko kaya naman napatingin siya sa kamay ko at agad niya itong kinuha.
"Anong nangyari dito? Bat may sugat ito, wala naman ito kanina" tanong niya kaya naman hinatak ko nalang ang kamay ko at pinalayo sa kanya.
"Na aksidente lang kanina di ko napansin. Alis na ako" sabi ko sa kanya kaya naman bigla niya akong niyakap sa dahilan na natigilan din ako sa ginawa niya sa akin.
Pinilit kong lumayo sa kanya pero bat di maigalaw ang katawan ko na tila gusto rin itong yakapin. It can't be, I think i fell in love with him.
Dear, Diary:
"Our hope is getting bigger and turn into lover that i cannot regret"
X-TRA CHAPTER
REGAN POV
Nag iba na ako ng daan ng umalis na si Sander. Habang paika ika akong naglalakad ng dumating bigla si Vuitton na di niya inaasahan na makita niya akong ganito.
"Anong nangyari sayo bat ka may pasa, sinong may gawa sayo nito?" Saad niya kaya naman sinabi ko sa kanya ang nangyari.
"Si Cedric ginawa na naman niya ulit ito mabuti nalang dumating si Sander kung hindi tigok na ako ngayon" sabi ko sa kanya kaya naman hinawakan niya ako bigla.
"Teka si Sander? Nandito siya? Nasaan na siya?" Sabi niya kaya nagtaka naman ako tsaka sinagot ko nalang siya.
"Ehh kakaalis lang doon banda"sabi ko sa kanya kaya agad na siyang tumakbo kaya hinabol ko naman siya.
Bigla kaming napahinto pati rin siya sa nakita namin kung sino ang lalaking ka yakap niya ngayon.
Tiningnan ko si Vuitton na tila nanggigilait sa galit habang nagtitimpi.
"Kilala mo ba siya? Anong ginagawa nila?" Tanong ko sa kanya sa halip ay umalis nalang siya bigla kaya nagtaka nalang ako at sumunod nalang din ako sa kanya.