"To find the right path, you need to face the hell to survive to know the real situation you enter at. If you don't know, do your own process and fate"
"Good job guyss, ang galing niyo" sabi ni captain kaya naman tumango nalang kami at agad na nag bihis ng damit namin dahil sa pawis namin.
"Wala munang uuwi ngayon ahh, dahil i celebrate natin ang araw nato" dagdag ni captain kaya sumang ayon naman kami sa sinabi niya.
Nagpaalam muna ako kay captain na mag ccr muna ako kaya tumango naman siya at agad naman akong pumunta sa banyo.
Pagkatapos kong mag banyo ay naghugas muna ako ng kamay at inayos ko muna yung buhok ko bago ako lumabas ng cr.
Aalis na sana ako nang may biglang humila sa kamay ko at hinila ako sa may sulok ng hallway at agad na tinakpan ang bibig ko sa dahilan na unti unti akong nawalan ng paningin.
"Bilisan niyo, baka may makakita sa atin" sambit ng isang lalaki na boses at di ko siya kilala dahil nawalan na akong malay yun na din ang huli kong narinig mula sa kanila.
VUITTON POV
Habang naglalakad ako ay may biglang sumulpot sa tagiliran ko sa dahilan na gulat akong lumingon sa kanya.
"Ano kaba Regan, ginulat mo naman ako. Bat ka hingal na hingal diyan?" Tanong ko sa kanya kaya nag iipon muna siya ng hangin dahil kinakapos na ito bago siya nagsalita.
"Natatandaan mo pa ba yung tumulong sa akin nung gabi na nagkita tayo, si Sander ata pangalan nun" sabi niya Kaya naman sumeryoso naman akong tumingin sa kanya. Ano naman kaya ibabalita nito mukhang seryoso siya sinabi niya.
"Nakita ko siyang kinidnap sa kasama ni Cedric kanina, mabuti nalang nakita kita, ikaw lang kasi ang may alam kung saan nagtatambay sina Cedric"sabi niya kaya naman agad na akong tumakbo at sumakay na sa kotse ko at mabilis ko itong pinaandar.
Medyo may kalayuan ang lugar kung saan dinadala ni Cedric ang mga taong may atraso sa kanya kaya mas binilisan ko ang takbo ng kotse ko.
Tinawagan ko muna saglit si Regan para humingi ng tulong sa kakilala ni Sander.
[Ohh napatawag ka may nangyari ba?]
[Papunta palang ako, May ipapagawa ako sayo, humingi ka ng tulong sa kaibigan niya. Pumunta ka ngayon sa SB Room 3 sa kabilang building tsaka hanapin mo yung kaibigan niyang si Larance. I sesend ko lang sayo ang address kung nasaan ito] sabi ko sa kanya at agad ko na itong pinatay para maka concentrate ako sa pag mamaneho.
SANDER POV
Nagising ako sa malakas na sampal na biglang tumama sa mukha ko kaya napa aray ako sa sakit nito.
"Hoii gumising ka, tapos na ang oras mo sa pagtulog" saad ng isang lalaki kaya naman dahan dahan kong binuka ang mata ko at tiningnan sila.
"Sino ba kayo? Ano bang atraso sa inyo?" Sabi ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako kaya mas tiningnan ko sila ng maigi.
Pamilyar sa akin ang mukha nila pero di ko sila natatandaan.
"Mahina pala memorya mo kung di mo ko nakilala" may nagsalita sa likuran nila kaya tiningnan ko siya at na alala ko na kung sino sila.
"Para ma alala mo, ako yung binangga mo na talagang pagsisihan mo. Di ba babalikan pa kita, masyado ka kasing kampante kaya magsisisi ka ngayon"sabi niya at agad niya ako sinuntok sa mukha dahilan na dumugo ang panga ko.
"Duwag pala kayo, talagang kinidnap niyo pa talaga ako para lang sa ganitong paghiganti niyo sa akin ha" pabalang na sabi ko kaya sinuntok naman niya ako sa mukha at hinila niya ang buhok ko.
"Ang yabang mo talaga kahit ganyan ka na. Umayos ka sa pananalita mo, walang tutulong sayo ngayon kaya wag kang mayabang" ani niya sabay suntoj sa tiyan ko dahilan na napa ubo ako sa sakit. Unti unti na ring humihina ang katawan ko pero may lakas pa ako para magsalita.
"Dami mong satsat bat di mo pa ako tuluyan para mahimasmasan yang galit mo. Wag mong hintayin na makawala pa ako kung magkataon lang talagang papatayin ko talaga kayo" sabi ko sa kanila kaya naman natigilan sila pero maya maya ay bigla nila akong binugbog kaya napasigaw nalang ako sa sakit sa bawat suntok na natamo ko sa kanila.
Bigla silang napatigil sa pagbogbog sa akin nang biglang bumukas ang pinto na talagang sinipi ito dahilan na natanggal ito at tumilapon. Napatingin silang lahat sa may gawa nito at ako ay di ko na kayang tumingin pa kung sino yun dahil sa di ko na kayang tumingin pa kung sini man siya.
"Mga gonggong ako harapin niyo tan*g*na niyo" sigaw nito kaya agad niya ito sinugod at sinagad ng malalakas na suntok. Sa tingin ko ay magaling din makipag away si Vuitton dahil sa bilis niyang kumilos at sanay na sanay siya makikipag away.
"Pano mo nalaman na nandito kami?"tanong nung nakausap ko kanina.
"Dahil alam ko, tumigil ka na Cedric, walang kalaban laban yung tao. Ano bang atraso niya sayo?" Tanong ni Vuitton kaya naman ngumisi lang ito sa kanya na parang sinasapian parang naka drugs ata.
"Alam mo pakilamera ka talaga kahit saang pangyayari man. Ka ano ano mo ba to? Kamag anak, kaibigan o di kaya babyboy mo di ba?" Sambit nito kaya naman galit na tumingin si Vuitton sa kanya.
"Wag na wag mo kong susubukan Cedric, kung ako sayo tigilan mo na to habang mabait pa ako sayo. Talagang pagsisihan mo talaga ito" sabi ni Vuitton kaso di siya pinansin ni Cedric kaya sumugod ito sa kanya kaya hindi naman niya ito inuurungan. Naging matindi ang laban ni Vuitton dahil tatlo sila kaya may natatamo din siyang bugbog sa Kasama ni Cedric.
Pero sa huli ay natalo naman ito ni Vuitton at pinatumba niya itong lahat. Agad niya akong nilapitan at tinanggalan ng tali sa kamay at sa paa. Wala na akong lakas na tumayo kaya napahiga ako sa dibdib niya.
May biglang ingay na dumating na galing sa labas kaya tila nanginginig naman ang kasama ni Cedric at ganun din siya na tila nababaliw.
"Sander, ok ka lang ba? Kakayanin mo pa bang maglakad?" Sambit ni Vuitton kaya naman ngumisi nalang ako na tila isang baliw. Talagang tinatanong pa na ok ako ehh di na nga ako makagalaw sa sakit ng katawan ko.
Biglang pumasok ang mga pulis at napatayo naman silang Cedric at ang kasama niya at agad itong pinusasan papalabas ng bodega.
"Sander...Sander anong ginawa nila sayo, kaya mo pa bang tumayo"biglang sabat ni Larance habang tumatakbo ito papalapit sa akin. Kaya sinubukan ko naman tumayo at nakaya ko naman.
Inakay ako ni Vuitton papalabas ng bodega hanggang sa makalabas na kami at agad niya akong dinala sa kotse niya pero di pa ako nakapasok na may biglang humawak sa kamay ko at napatingin naman kami ni Vuitton.
"Ako na bahala sa kanya, samahan mo na yung kaibigan mo"sabi ni Philip kay Vuitton kaso nagmatigas ito sa kanya.
"Ako na, nandito na kami sa kotse samahan mon nalang siya" medyo pabalang na sambit ni Vuitton sa kanya kaso mas nagpatigas pa ito sa kanya.
"Sabi ng ako na, di siya komportable sayo di mo ba nakikita"sabi niya kaya tiningnan ako ni Vuitton kaso wala na akong panahon sa kanilang dalawa kaya di ko nalang sila pinansin. Agad akong kinuha ni Philip kaya nag paubaya nalang si Vuitton.
"Tiisin mo muna yang sugat mo ahhh bilisan ko lang to para makarating na tayo sa hospital" sabi niya kaya naman tumango nalang ako at maya maya ay di ko mapigilan ang sarili kong nahimatay sa dahil wala na akong lakas pa sa katawan ko.
Naimulat ko bigla ang mata ko nang dahil sa ingay sa loob ng hospital. Di ko alam kung ilang oras na ba ako dito dahil nawalan ako ng malay sa kotse ni Philip.
Nasa tabi ko si mommy at daddy kaya naman tinawag ko si mommy.
"Mommy, nauuhaw ako" sambit ko sa kanya kaya agad naman lumingon si mommy sa akin at kumuha ng tubig. Si daddy naman ay agad na lumapit sa akin at tinatanong kong may masakit ba sa katawan ko kaya naman lumingo naman ako bilang walang masakit sa katawan ko.
Agad namang tinawag ni mommy ang doctor at lumabas na ito sa kwarto kaya naiwan si daddy sa tabi ko.
" dad, ilang oras na ba akong nakatulog dito sa hospital?" Tanong ko kay daddy kaya naman sinagot niya ako sa tanong ko.
"Isang araw at kalahati ka nang nakatulog dito sa hospital simula nung dinala ka ng kaibigan mo dito sa hospital" sabi ni daddy kaya nagulat nalang ako dahil sa matagal na pala akong nakatulog dito aa loob ng hospital.
Biglang dumating ang doctor at sabi niya maaari na akong makalabas sa hospital bukas dahil nagising na ako dahil ako lang ang hinihintay ng doctor na magising.
"Sge doc salamat" sambit ni mommy at tumango naman ang doctor sabay alis sa kwarto.
Maya maya ay may biglang kumatok sa pinto kaya naman pinabuksan naman ito ni mommy at nandoon si philip habang may bitbit na prutas kaya pinapasok siya ni mommy.
"Oh ikaw pala, halika ka pasok ka" ani ni mommy kaya naman pumasok naman si philip at umupo sa may bakanteng upuan.
"Kakagising lang ng anak ko, tama tama ang pagbisita mo sa kanya" dagdag pa ni mommy kaya sinabayan nalang niya si mommy.
"Hon, pinatawag na ako sa opisina, ikaw muna bahala kay Sander, aalis na ako. Tawagan mo nalang ako mamaya kung may problema dito"sabi ni daddy kaya naman sinamahan naman siya ni mommy papalabas ng hospital at pinabilin muna niya ako kay Philip sandali at tumango naman ito.
"Ang bait ng mommy mo, kahapon pa siya ganyan masaya kasama" biglang sambit niya dahilan na tumingin ako sa kanya.
"May balita ka ba don sa nag kidnapbsa akin?" Tanong ko sa kanya kaya naman sinagot naman niya ang tanong ko.
"Ayun nasa kulungan, mga addict pala yung mga hay*p na yon. Gumagamit pala yun ng syabo at nagbebenta din sila." Sabi niya kaya naman di nako nagtataka sa mga kinikilos nang mga iyon. Pasalamat sila di ako nakawala sa kanila kung nagkataon man papatayin ko talaga sila.
"Talagang ayos ka na talaga? Wala na bang masakit sa iyo?" Tanong niya sa akin kaya naman napabuga nalang ako sa hininga ko at sinagot ang tanong niya.
"Ako pa ba? Malakas kaya immune ko di ako basta basta matitinag no" sabi ko sa kanya kaya nagulat nalang ako ng bigla siyang lumapit sa akin at agad niya akong niyakap kaya napatigil ako sa pagsalita ko.
"Mangako ka sakin na di na mauulit ang pangyayaring yon mag promise ka" sabi niya na tila nagmamakawa sa akin kaya naman tumango nalang ako at niyakap din siya pabalik. Sa oras na to wala na akong pakialam sa nangyayari sa paligid, mayakap lang kita nawawala na ang pangamba ko sa kanila.
Dear,Diary:
"This time, you make my day special, even I suffered all the pain, as long as you're here with me"