Chereads / THE BOY NEXT DOOR THE SERIES / Chapter 16 - CHAPTER 14 The Boy Next To You

Chapter 16 - CHAPTER 14 The Boy Next To You

"the moment I saw you, feel me curios about you but this time, I can't imagine that you feel me desperate that how did you feel with me"

"Di mo ba alam?"tanong ni Ethan kaya naman di ko maiwasang mangamba sa mga kilos nila.

"Ng ano? Teka may dapat ba akong malaman?" Tanong ko sa kanila kaya naman nagtitigan pa sila sa isa't isa tsaka nagsalita na si Larance.

"Di na dito nag aaral si Philip lumipat na siya ng ibang school sa ibang bansa nung nakaraang araw lang" ani niya kaya naman nabigla ako sa sinasabi ni larance. Parang di ko na feel ang sinabi nila kung binibiro ba nila ako o ano ba.

"Ano ba kayo, wag nga kayong mag biro diyan, bat naman siya lilipat ng ibang school ehh bago pa naman siya dito sa Ateneo"sabi ko sa kanila at di ko pinahalata na napektado ako sa jokes nila.

"Akala naming alam mong umalis na siya, sabi niya kasi sa amin na nagpaalam na siya sayo nung pumunta siya sa hospital nung araw na nagkamalay ka" sabi ni larance kaya naman tumayo ako at agad na umalis sa gawi nila. Tila dinala ako ng mga paa ko kung saan niya gustong pumunta.

Bakit ako nagkakaganito, bat ang sakit wala naman akong gusto sa kanya at tika bat naman ako mag aapekto sa sinabi ni larance.

Bigla nalang tumulo ang luha ko na tila nais niyang kumawala sa hawla. Di ko masisi ang sarili ko na talaga bang huli na ako o talaga sinisisi ko ngayon ang sarili ko na di ko agad sinabi ang naramdaman ko.

Agad akong nag tungo sa bahay nina Philip kung baka sakali nandoon ang kanyang mga kasama niya sa bahay. Eksakto naman ay walang tao sa bahay namin kaya di muna ako mahuhuli ni mommy.

"Philip, philip utang na loob lumabas ka diyan, harapin mo ko alam kong nandiyan ka lang" tila na isang baliw na sumisigaw sa harapan mismo ng kanilang bahay kaya naman di ko mapigilang umiyak na halos sinaksak ng kutsilyo yung puso ko sa sakit.

"Utang na loob Philip, lumabas ka diyan"di ko na mapigilang maupo at talagang wala nang lakas ang katawan ko.

Habang umiiyak ako ay di ko namalayan na dinadala na pala ako ng mga paa ko kong saan saan. Tila wala ako sa katinuan at wala na akong bahala kung saan na ako mapunta basta mailabas ko lang tong sakit na naramdaman para sa kanya.

Habang naglalakad ako ay tila may aninong naka sunod sa akin kaya naman medyo nilakasan ko na ang pag lakad ko. Naglinga linga din ako para malaman ko kung may nakasunod ba sa akin kaso wala naman kaya patuloy pa rin ako sa paglalakad.

Nalimpungatan ko naman ulit ang aninong yun kaya naman medyo tumatakbo na ako. Sa oras na ito di ko na alam kung saan na ako pupunta basta mailayo lang ako sa kung sino man ang sumusunod sa akin. Baka binalikan na naman ako nung nag kidnap sa akin.

Pero this time nasa harap na siya ng dinadaanan ko dahilan na napahinto ako sa pagtatakbo ko. Di ko masyado kita ang mukha niya dahil sa mask at kalo niya kaya naman nagdahan dahan akong umaatras pabalik sa tinatakbuhan ko ngayon nang dahan dahan niyang ni reveal ang mukha niya dahilan na napahinto ako at gulat na tumingin sa kanya.

"Paa.aanong" tila walang salita na nais na ipalabas ng bibig ko dahil sa gulat kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

VUITTON POV

"Hoi Vuitton saan ka punta, may klasi pa tayo pagkatapos nito"sabi ni Reagan kaya naman tinuro ko mismo ang cafeteria kaya naman tumango tango nalang siya.

Pero nakailang hakbang palang ako ng nakita ko sa di kalayuan si Sander na tila nagmamadaling pumunta sa hallway ng parking lot ng Ateneo kaya naman susundan ko na sana siya ng bigla akong hinataw ni Reagan kaya napalingin ako sa kanya.

"Oh bat diyan dadaan nasa kaliwang banda ang cafeteria, ano may balak ka bang tumakas"sabi niya kaya naman sinagot ko siya.

"Nakita ko kasi si Sander, kaya pupuntahan ko muna siya" sabi ko at agad akong lumingon kung saan pumunta si Sander kaso wala na siya kaya naman pumunta nalang ako sa cafeteria.

Pagpasok ko lang ay nandoon pala yung mga kaibigan niya kaya naman lumapit na ako sa kanila.

"Oii Vuitton, nandiyan ka pala halika ka sabayan mo kami bigla kasing nag walk out yung isa naming kaibigan si Sander"sabi nung kasama ni larance di ko matandaan kung ano ang pangalan nila.

"Sge salamat bibili lang ako di naman ako magtatagal. Tanong lang, anyari sa kaniya nakita ko siya ngayon na nagmamadaling umalis" sabi ko sa kanila kaya tumingin silang lahat sa akin.

"Ahh ewan ko dun, sinabi lang namin na lumipat na ng ibang school si Philip nag walk out na agad"sabi niya kaya naman tumango tango nalang ako sa kanya at di rin ako nagtagal sa kanila dahil may klasi pa ako kaya nag paalam na ako sa kanila.

Alam kung nasasaktan ngayon si Sander kaya kung nasaan man siya ngayon sana ok lang siya.

SANDER POV

"Paanong" di makapaniwalang sambit ko na ang labis kong hinahanap ay nandito mismo sa harapan ko.

"I'm sorry Sander, i'm sorry dahil di ako nagpaalam sayo ng maayos ayaw ko lang na masaktan ka sa pag alis ko"paliwanag niya sa akin kaya walang alinlangang bigla akong lumapit sa kaniya at hinalikan siya na talagang matagal ko nang ipadama sa kanya.

Isang halik na talagang nagpapahiwatig ng ibat ibang emosyon na naramdaman ko ngayon kaya ibinalik din niya ang halik na ibinibigay ko sa kanya.

Tila para kaming uhaw sa isa't isa kaya matagal kaming tumigil sa ginagawa namin at maya naya ako na mismo ang tumigil sa ginagawa namin at agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Mahal kita Philip, mahal na mahal kita di ko man masabi sayo ito noon kaya sana matutunan mo parin akong mahalin tulad ng ipina pakita mo sa akin noon" sambit ko sa kanya kaya medyo naiyak din siya sa sinabi ko.

"Pasensya na talaga Sander, nadala lang talaga ako sa emosyon ko pero di ko pala kaya na iwan ka sana mapatawad mo ko"ani niya habang nakayakap pa rin sa akin kaya bumitaw na ako sa agad pinahid ang mga luhang tumutulo sa kaniyang mga mata.

"Apology accepted, tigilan mo na nga yan basta mahalaga nandito ka na. Yun lang naman ang gusto kong mangyari" sambit ko sa kanya kaya naman niyakap na naman niya ako ulit.

Sa oras na ito ang tanging pagsisi ko lang ang pag amin na talagang matagal ko na sana sinabi kaya dahil lang sa emosyon at pagdududa maraming pighati ang dinanas namin pero ngayon sisiguraduhin ko na sa araw na ito saksi mismo panahon na kailanman di na kami maghihiwalay.

Because this boy next door, are now my boy who loves me.

*****************************************

Dear,Diary

"Past and present is not important, because future will be together, no matter what happened"