Chereads / THE BOY NEXT DOOR THE SERIES / Chapter 15 - CHAPTER 13 Heartbreak

Chapter 15 - CHAPTER 13 Heartbreak

I've been realized that real love was with him. Once you inlove, you must to feel the pain, happiness, and most of all the loneliness but how I managed to this feelings to him.

"Ayun nasa kulungan, mga addict pala yung mga hay*p na yon. Gumagamit pala yun ng syabo at nagbebenta din sila." Sabi niya kaya naman di nako nagtataka sa mga kinikilos nang mga iyon. Pasalamat sila di ako nakawala sa kanila kung nagkataon man papatayin ko talaga sila.

"Talaga bang ayos ka na? Wala na bang masakit sa iyo?" Tanong niya sa akin kaya naman napabuga nalang ako sa hininga ko at sinagot ang tanong niya.

"Ako pa ba? Malakas kaya immune ko di ako basta basta matitinag no" sabi ko sa kanya kaya nagulat nalang ako ng bigla siyang lumapit sa akin at agad niya akong niyakap kaya napatigil ako sa pagsalita ko.

"Mangako ka sakin na di na mauulit ang pangyayaring yon mag promise ka" sabi niya na tila nagmamakawa sa akin kaya naman tumango nalang ako at niyakap din siya pabalik. Sa oras na to wala na akong pakialam sa nangyayari sa paligid, mayakap lang kita nawawala na ang pangamba ko sa kanila.

Tila naiyak siya ng bumitaw na siya sa akin kaya naman nagtaka ako kung bakit, parang ang OA mahilig yata to sa drama.

Bigla siyang napatayo ng may tumawag sa telepono niya kaya naman sinagot niya ito at lumabas ng kwarto ko. Tinitingnan ko naman ang pinto baka sakali ay bumalik siya kaso si mommy ang bumukas ng pinto kaya medyo nadismaya ako ng kaunti.

"Anong tinitingin tingin mo diyan sa pinto? May gusto ka bang ipabili?" Tanong ni mommy kaya di na ako nag paligiw ligiw pa.

"Yung classmate ko ma nasa labas pa ba?" Tanong ko kay mommy.

"Akala ko ba nagpaalam na yong umalis? Kanina lang umalis nagmamadali daw kasi siya" sabi ni mommy kaya tumango nalang ako at natulog.

Mga ilang araw ang lumipas ng na discharge na ako sa hospital kaso di pa ako pumasok kasi medyo wala muna akong gana at siguro bukas papasok na ako.

Nang nagpahangin ako sa sala ng kwarto ko ay napansin ko ang bahay na medyo tahimik at talagang walang katao tao kaya di naman ako nagtaka baka siguro pumasok si Philip at ganun din ang mga kasama niya sa bahay.

Wala akong ibang ginawa sa bahay ay kundi magbasa, matulog at tinutulungan si mommy sa ginawa niya dahil bawal akong gumala dahil baka may mangyari na naman sa akin ulit kaya di ko nalang sinuway ang utos nila.

Kinabukasan ay pumasok na talaga ako at maaga akong umalis ng bahay, ewan ko siguri excited lang akong pumasok ulit sa university.

Nang pinark ko ang motor ko sa parking lot ay nakita ko si Vuitton na nakatayo sa may di kalayuan kaya naman lumapit ako sa kanya.

"Bat ka nakatayo diyan? May hinihintay ka ba diyan talagang kanina ka pa siguro nakatayo diyan" sabi ko sa kanya kaya naman ngumiti nalang siya na tila parang tanga.

"Actually kanina pa talaga akong nandito, hinihintay kasi kita baka sakali kong pumasok ka kaya ito nga namdito ka" sabi niya kaya naman tumango nalang ako.

"Anong kailangan mo sa akin? May sasabihin ka ba kung bat mo ko hinintay kanina pa" tanong ko sa kanya kaya naman natahimik siya bigla na parang nahihiya kung ano ang sasabihin niya.

"Ahm.. kasi.. btw ok ka na ba ngayon? Kaya na ba ng katawan mo?" Tanong niya sa akin kaya naman tumango naman para di na siya mag alala pa.

"Diretsuhin mo na nga ako Vuitton, ano bang kailangan mo sa akin? Sabihin mo lang kong meron" sabi ko sa kanya kaya naman di na siya nag paligiw pa.

"Di ko masisi kong bakit nangyayari ang lahat ng ito nung dumating ako sa buhay mo. Kung meron mang sisihin sa lahat ng kamalasan na nangyayari sa buhay mo, ako yun dahil pinipilit kong makuha kita, pinipilit kong abutin ka kahit naman di ka para sa akin. Alam kong masakit kaya simula ngayon di na ko na ipipilit ang sarili ko sayo"sabi niya sa akin ng seryoso kaya naman natahimik ako sa sinabi niya at tinapik ko ang balikat niya.

"Ano ka ba ok lang yan, walang sisihan dito, di mo naman ginusto ang mga nangyayari at isa pa wala kang kasalanan kaya wag ka nang magdrama diyan."sabi ko sa kanya kaya medyo napa iyak siya sa sinabi ko kaya naman bigla niya akong niyakap ng mahigpit kaya hinayaan ko nalang siya. Bumitaw na siya at agad niyang pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata niya.

"Pwede naman na magkaibigan tayo diba? Di naman big deal sayo yun?" Tanong niya kaya naman ngumiti ako sa kanya at tumango dahilan na bigla kaming natawa sa isat isa.

"Salamat sa oras mo Sander, mauna na ako may klasi pa talaga ako sinadya kong mag pahuli para lang makausap ka, sige na mauna na ako" paalam niya sa akin kaya kumaway nalang ako sa kanya at agad na siyang nawala sa paningin ko.

Pumunta na rin ako sa room ko baka nandoon na din si Larance at tsaka si Philip, di pa naman yun nagsabi kung bakit nagmamadali siyang umalis.

Pagdating ko sa room ay medyo ganun pa rin tulad ng dati kaya agad akong umupo sa upuan ko.

Hinahanap mismo ng mga mata ko kung nasaan si Philip kaso di ko siya nakikita kaya naman naghintay nalang ako baka kasi late siya.

Lumipas ang ilang oras hanggang sa lunch break na kaya naman nagtaka na ako kung bakit wala pa rin si Philip.

Pumunta na ako sa canteen at nakita ko na doon ang tatlo kaya naman lumapit na ako sa kanila.

"Ohh Sander, kamusta ok na ba ang kalusugan mo diyan"tanong ng kaibigan ni larance kaya naman tumango lang ako at agad na umupo. Kinuha ko agad ang pagkain ni larance dahil di naman siya kumakain.

"Hoi, bumili ka kaya ng sayo mamaya ko pa yan kakainin ehh tsk" sabi niya kaya ngumiti nalang ako sa kanya kaya  mas nabadtrip siya.

Di ko na mapigilan ang sarili ko kaya tinanong ko na si Larance baka may alam siya kung bakit wala si Philip.

"Ahm larance, may alam ka ba kung nasaan si Philip, kanina ko pa siya hinahanap may sasabihin sana ako sa kanya. Di ba siya pumasok?" Tanong ko sa kanya kaya naman tumingin silang lahat sa akin at natahimik sila bigla kata naman nagtaka naman ako sa  mga titig nila.

"Di mo ba alam?"tanong ni Ethan kaya naman di ko maiwasang mangamba sa mga kilos nila.

"Ng ano? Teka may dapat ba akong malaman?" Tanong ko sa kanila kaya naman nagtitigan pa sila sa isa't isa tsaka nagsalita na si Larance.

"Di na dito nag aaral si Philip lumipat na siya ng ibang school sa ibang bansa nung nakaraang araw lang" ani niya kaya naman nabigla ako sa sinasabi ni larance. Parang di ko na feel ang sinabi nila kung binibiro ba nila ako o ano ba.

"Ano ba kayo, wag nga kayong mag biro diyan, bat naman siya lilipat ng ibang school ehh bago pa naman siya dito sa Ateneo"sabi ko sa kanila at di ko pinahalata na napektado ako sa jokes nila.

"Akala naming alam mong umalis na siya, sabi niya kasi sa amin na nagpaalam na siya sayo nung pumunta siya sa hospital nung araw na nagkamalay ka" sabi ni larance kaya naman tumayo ako at agad na umalis sa gawi nila. Tila dinala ako ng mga paa ko kung saan niya gustong pumunta.

Bakit ako nagkakaganito, bat ang sakit wala naman akong gusto sa kanya at tika bat naman ako mag aapekto sa sinabi ni larance.

Bigla nalang tumulo ang luha ko na tila nais niyang kumawala sa hawla. Di ko masisi ang sarili ko na talaga bang huli na ako....

*****************************************

Dear,Diary

"You left me unsaid, got rotten inside my heart that completely breaks"