Chereads / THE BOY NEXT DOOR THE SERIES / Chapter 9 - CHAPTER 7 Rose Between the Two Torns

Chapter 9 - CHAPTER 7 Rose Between the Two Torns

The more you hate, The more you love. Parang ang labo naman nun, ang jeje nag eexist paba yun. If so, that was a ridiculous qoutes.

"Sander, ito ID mo nahulog sa parking lot" sabi ni Vuitton kaya nag thank you naman ako sa kanya tsaka ngumiti siya sa akin pero nawala din ito kaagad ng tumingin siya kay Philip kaya tumingin din ako kay Philip na ang seryoso ng mukha.

Anong nangyari sa dalawang to naka drugs ba to. Ang aga aga pumapangit na agad yung mga mukha kaya akmang aalis na sana ako ng biglang nag tanong si Vuitton.

"Sino yang kausap mo Sander, kaibigan mo ba?" Tanong niya kaya naman sasagot na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"Boyfriend niya ako. Ikaw sino ka" sabi niya kaya naman nag lipat lipat ang tingin ko sa kanila. B"wset ka talaga Philip.

"Loko ka talaga, wag kang maniwala sa kanya ganyan na talaga siya mapagbiro" sabi ko kay Vuitton habang pilit na tumatawa kaya tumawa nalang din si Philip.

"Sige una muna ako sa inyo, may pasok pa kasi ako" sabi ni Vuitton kaya naman ngumiti naman ako sa kanya. Naka noot pa rin ako noo ni Philip habang nakatingin sa akin.

"Ang dali mo namang magtiwala sa isang tao, alam mo ba ang personality nun?" Tanong niya kaya naman sinagot ko na siya.

"Bakit ka ba ganyan, tigilan mo nga yang boyfriend² mo na yan, pinapahiya mo naman ako sa ibang tao para kang timang" sabi ko sa kanya kaya naman nag Boombastic side eye lang siya sa akin tsaka nag walk out.

Ayh hala parang sinapian, kailan pa siya ganyan. Nakakailang naman kung ganyan siya parang ayaw ko na yata tong kasama tong gonggong na ito.

Pagdating namin sa room ay may inilahad na puting papel ang kaklase ko na kung saan inilista ang mga pangalan sa mga sasali sa laro at anong laro ang sinalihan namin.

Inabot ko naman at tsaka pinil apan ko na agad ito. Pagkatapos ay agad kong ibinalik sa kanya.

"Ikaw hindi ka fi fill up?" Sabi ng kaklase ko kay Philip kaya tumingin naman siya sa paligid.

"Tapos na ba silang lahat?" Tanong niya kaya sinagot naman siya.

"Ika tatlo palang si Sander, lalapitan ko pa sila" sabi ng kaklase ko.

"Unahin mo muna sila, lapitan mo lang ako kapag ako nalang ang kulang" sabi ni Philip kaya tumango naman ito sa kanya tsaka umalis agad.

"Bakit di ka pa nag fill up, pinahirapan mo pa siya" sabi ko sa kanya tsaka tumingin naman siya sa akin at sinagot niya ako ng pabalang.

"Ehh gusto ko lang nasa huli ang pangalan ko sa listahan" sabi niya tsaka natulog na siya bigla.

Ang isip bata talaga, baka di to nag almusal kanina.

Ilang oras ang lumipas ng tinawag na ako ng mga kasama ko para mag practice ng volleyball kaya naman niligpit ko muna ang mga gamit ko bago ako sumama sa kanila.

Habang pupunta kami sa covert court, nakita ko si Vuitton na tumatakbo sa gilid ng soccer field. Runner pala siya kaya ang bilis niyang tumakbo kanina nung sinauli niya yung ID ko.

Nakarating na kami sa covert court kaya nag pwesto na kami sa area namin. Malaki ang covert court ng Ateneo kaya kinakasya ang iilang sports na nag pa practice dito tulad ng volleyball, basketball, badminton tsaka may cheer dance practice din.

Pero mas umingay ito ng dumating kami lalong lalo na ang mga cheer dance members na nag pa practice na kinikilig at sinisigaw ang mga pangalan namin. Medyo nakaka ilang hindi dahil heartrob ako dito sa campus pero kasi nakakahiya di ako sanay.

"Guys, bago tayo magsimula may bago tayong member na sasali sa volleyball" biglang nagsalita ang captain namin kaya naman lumapit naman kami.

"Si Renzo at Carlos mga junior students sa kabilang faculty" pagpakilala ni captain sa kasama namin.

"Hello, I'm Renzo De Guzman Grade 10 students and kasama ko pala si Carlos Francisco, we're just classmates" sabi nung Renzo kaya ni welcome naman sila ng mga ka member namin ganun din ako sa kanila.

"Sge, yung mga position natin ganun parin walang magbabago, Sander ikaw sa center tsaka Tyler ikaw yung Receiver then Renzo ikaw munang mag spike ng bola tingnan lang namin kong makakaya mo ba" sabi ni captain sa amin kaya tumango naman kami habang patuloy pa rin siyang nag sasalita sa amin.

Di nagtagal ay nagsimula na kami at hindi mo masasabi na mas magaling pa yung mga bago kaysa sa amin lalong lalo na si Renzo, kahit medyo di mataas ang height niya nakukuha pa rin niya ang bola.

Lumipas ang oras ay natapos na din kami sa pag pa practice namin kaya nag launch break na kami. Habang naglalakad ako ay may babaeng biglang humarang sa dinadaanan ko kaya napahinto ako tsaka gulat na tiningnan siya.

Kinikilig siya at tila nag iipon muna ng lakad bago siya nag salita.

"Ahm, Sander may ibibigay ako sayo" sabi niya kaya naman hinintay ko naman kung ano ang ibibigay niya sa akin tsaka inilahad ang kamay niya na may letter ata siguro yun.

"May gusto ako sayo sana tanggapin mo ito" sabi niya kaya kinuha ko naman ito kaya ngumiti naman siya tsaka umalis na din sa harapan ko.

Habang tiningnan ko ang letter na binigay niya ay may biglang humablot nito at tsaka agad niya itong binasa papalayo sa akin.

"Hoi Philip, akin na yan wala ka bang respeto sa binigyan" sigaw ko sa kanya kaya naman nag matigas siya tsaka ibinulsa niya ito.

"Pangit di bagay sayo, tara na" sabi niya at nauna na siyang mag lakad sa akin kaya wala na rin akong magawa kundi sumunod.

Bat paiba iba ang mood nito ano bang nakain nang gonggong nato. Daig pang nireregla.

Nang makarating na kami sa cafeteria ay nag order na kami at tsaka nag simula nang kumain.

Maya maya ay biglang may umupo sa tabi ko at Vuitton lang pala iyon kaya naman binati ko naman siya.

"Oi ikaw pala ginulat mo ko ahh" sabi ko sabay ngiti sa kanya kaya naman ngumiti naman siya sa amin.

"Pwede naman siguro sumabay sa inyo diba? Wala kasi yung kaibigan ko ngayon busy" sabi niya kaya naman tumango naman ako pero si Philip walang imik.

"Oo pwede naman bakit naman hindi diba Philip" sabi ko sa kanya pero walang man lang siyang expression na ibinigay tahimik lng siya habang kumakain kaya na patawa nalang ako ng pilit.

"Hahahaha ganyan na talaga siya introvert type" sabi ko sa kanya kaya ngumiti nalang siya habang tinitingnan niya si Philip.

"Ahm ngayon lang kita nakita dito sa Ateneo nung pinahiram moko ng payong mo transferre kaba dito" sabi ko sa kanya kaya naman napatigil siya sa pagkain niya pero tumango naman ito agad kaya tumango nalang din ako.

"Kaya pala di kita masyadong nakikita, by the way gusto kitang makilala ng lubos may naco curious kasi dahil di tayo magkakilala ng masyado alam mo na hehe" sabi ko sa kanya kaya naman tumango naman siya.

"Ahm galing ako sa Hodre Santiago Dominican Academy tsaka nag transfer ako last week palang at di ako masyadong pumupunta dito at wala akong masyadong kaibigan kaya ayun hahaha" sabi niya kaya naman biglang nagtanong si Philip na ikinagulat namin.

"May gusto ka ba sa kaniya?" Tanong niya kaya naman napatigil din si Vuitton sa tanong ni Philip. Kaya naman sinuway ko na siya dahil may nakatingin sa amin.

"Ano ba Philip nahihibang ka na ba? Bat ka ba ganyan di ka naman ganyan ahh" sabi ko sa kanya kaya naman nakatuon pa rin ang tingin niya kay Vuitton. Ano bang nangyayari dito.

"Ano may gusto ka ba sa kanya? Bat di ka makasagot"sabi niya ulit kaya naman sinipa ko na siya dahil nakakahiya na ang mga sinasabi niya.

"Haha huwag muna siyang pansinin, binobola ka lan-" di ko natapos ang sasabihin ko nang sinagot niya ang tanong ni Philip.

"Kung sasabihin kung oo, maniniwala ka?" Sabi niya na ikatigil ko at hindi naman napatinag si Philip sa sagot ni Vuitton. Halos magtagpo na ang dalawang kilay niya sa labis na pagtitig niya kay Vuitton.

Nagbuntong hininga nalang ako at napapikit sa di maipaliwanag na dahilan kung bakit nila ito ginagawa sa akin. Hayst

Dear,Diary:

"Confess to someone is so romantic not until it turns like a rose between the two thorns"

*****************************************

X-TRA CHAPTER

VUITTON POV

"Ano kumustang plano, effecttive ba?"

"Hindi, may boyfriend na siya" malungkot na saad ko sa kaibigan ko.

"Boyfriend? Sa tingin ko wala naman siyang boyfriend o girlfriend, torpe kaya yun"

"Pero sa tingin ko may mali ehh, di ko kasi masyadong tiningnan yung mga kilos nila pero halata namang napilitan lang siya"

"Sa tingin ko, it was a show maybe, para matahimik ka sa pag dududa mo just approach him and talk about his relationship" sabi ng kaibigan ko kaya this time, I will enter to her life now.

"Thank you brad, I need to go now maybe he's arrived now. I will call you later" sabi ko tsaka agad na pumunta sa parking lot.

You make me crazy all of sudden Sander Mecardo..