Chereads / this is how you fall in love (GL) [FILIPINO] / Chapter 14 - Chapter 14 - Lean On

Chapter 14 - Chapter 14 - Lean On

Pagkatapos ang araw na magkasama kami, nagising na lang ako na walang katabi. She left me with a note.

'I'm sorry I left you this morning. I have an emergency at my office. They need me.' - Jacey

Oh! F*ck! Naalala ko na naman nangyari kagabi. Nakakahiya. Pero ang lakas ng loob para ako magfirst move. Hindi ko mapigilan sarili ko kaya hinatak ko siya and I kissed HER!

Ang tapang ko talaga pero wala naman siya sa tabi ko.

Huwag niyang sabihin na 'One night stand' lang nangyari sa amin at iiwan niya ako mag-isa dito? Hmmp!

Napatakip ako ng mukha at humiyaw ako sa sobrang kahihiyaan.

Wala akong mukhang ihaharap sa kanya. Wala talaga.

Kaya naman niligpit ko ang kama namin at umalis na. Sigurado ako, hinahanap na 'ko ng kapatid ko at si lola.

Pagkarating ko sa bahay, dahan-dahan akong naglalakad sa likuran ng bakuran namin. May lusutan kasi dito para makarating ako sa bintana ng kwarto ko.

Paakyat na ako sa bintana ko at nagulat dahil nakahiga ang aking kapatid sa kama habang nagbabasa ng libro ko.

Binaba ko ang shoulder bag sa upuan ko. Umupo ako at humarap sa tabi ng kapatid ko na nakahiga.

"Kevin..." nakabusangot ako at niyugyog ko siya para pansinin niya ako.

"Kevin....."

Tumingin siya sa akin at sinarado niya ang libro.

"Bakit may katangahan ka na naman ba nagawa?" tanong niya sa akin.

Nag-aalanganan ako sabihin sa kanya dahil masyado pang bata 'tong kapatid ko para maikwento ko kung ano ganap sa akin ngayong araw. Pero napag-isipan ko na huwag na lang dahil bawal sa batang katulad niya.

"Wala naman ako nagawa. Basta. Wala." sabi ko sa kanya at mukhang hindi pa siya na-convince sa sinabi ko.

"Sure ka, ate? Bakit nakabusangot ka?"

"Hindi ko alam kung nagustuhan niya ginawa ko," sabi ko.

"Ano ba ginawa niya sayo?"

Sh*t! Hindi ko pwede sabihin sa inosente kong kapatid.

"Ah! Basta! May ginawa ako sa kanya pero hindi ko alam kung nagustuhan niya." sabi ko sa kanya.

"Oh-okay... Kahit ano pang gawin mo ate magugustuhan niya yan," pagkukumbinsi niya sa akin.

"Talaga ba?" naging masaya ako sa narinig ko galing sa kapatid ko.

Ulitin ko kaya?

Joke lang! Once in a lifetime mangyari yon sa akin. Saka first time ko 'yon. Sa babae pa. Kaya napakatapang ko talaga na ako ang nagfirst move. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para mangyari ang lahat ng yon. Pero basta nangyari na ang nangyari.

Biglang nagpop up sa akin ang message ni Francis.

From: Francis

Kamusta ka na? May balita na ba ang pulis tungkol sa suspect sa pagkabunggo ng mama mo?

Tumahimik ang paligid no'ng nagtext ng ganito si Francis. Balak ko rin puntahan sa pulis kung ano na ang ganap kung nahuli na ba ang suspect o hindi pa?

Nagreply ako sa message ni Francis.

To: Francis

Samahan mo ko.

At nagreply agad ito.

From: Francis

Sige samahan kita.

In-off ko ang phone ko at naghanap ako ng panibagong damig para susuotin ko mamaya.

"Aalis ka, ate?" puna sa akin ni Kevin.

"Oo. Pupunta ako sa pulis," sabi ko sa kanya at nakita kong lumigaya siya.

"Nahuli na, ate?" atat niyang tanong sa akin.

"Hihingi lang ako ng update sa kanila," sabi ko sa kanya at huminga kami ng malalim.

"Sana mahuli na ate kung sino man nakabunggo sa kanya."

Sana nga.

May nilahad akong damit sa kama para susuotin ko kaya naman tumayo na si Kevin.

"Try mo rin bumili sa online mga damit, ate." suggestion niya at nahalata niya na ang luma na ng mga damit ko panlabas.

"Susunod na sweldo ko. Bibili ako," sabi ko at ginulo ko yung buhok ng kapatid ko.

Naalala ko na naman na ganito ginagawa ni Jacey sa akin.

Erase. Erase.

Focus muna tayo kay inay. Hindi ko na nga nadadalaw si inay sa hospital dahil sobrang busy ko. Ang daming ganap kapag kasama ko sila. Try ko rin ipasyal ang mga pamilya ko.

Naligo ako at nagbihis ng panibago.

Ilang sandali lamang nandito na si Francis sa labas ng bahay namin dahil dumungaw ako sa bintana.

Nakita ko si lola na nagwawalis kausap si Francis.

Kita ko sa mga mukha ni lola na ang saya-saya niya tuwing nakakausap si Francis. Mapagbiro kasi si Francis konting kibot lang yan mapapasaya ka na nyan. Pero never in my life, nagkagalit kaming dalawa except lang sa nangyari sa amin tungkol sa utang.

Doon lang ako nagtampo sa kanya. Pero okay na kami. Lumilipas naman ang tampo ko sa kanya. Panandalian lang. Saka bihira lang ako magtampo pero hindi ko lang mapapatawad talaga kung sino man nagtangkang saktan ang pamilya ko lalo na sa nangyari kay inay.

Hindi ko siya mapapatawad.

"Ang apo ko nakadungaw sa bintana," sigaw ni lola sa labas kaya naman nagtago ako dahil napatingin si Francis. Baka mahuli niya sa kanya ako nakatingin 'no?

Bumaba na ako sa labas ng bahay namin dahil may hadanan ito at binuksan ko ang gate.

"Napakatagal mo naman apo," sinalubong ako ng yakap ni lola at niyakap ko rin siya kahit hiyang-hiya ako dahil nandito si Francis.

"Sweet naman ng apo niyo," kantyaw sa akin ni Francis at sinamaan ko siya ng tingin.

Para makaalis na kami, nagpaalam kami kay lola, "Aalis na po kami 'la." sabi ko

"Saan ba kayo pupunta?" tanong ni lola.

Pasalita na ako kaso naunahan ako ni Francis.

"Sa police station po 'la. Hihingi lang kami ng impormasyon tungkol kay tita." sabi niya.

"Huwag kayo mag-alala 'la. Mahuhuli talaga 'yong taong 'yon kung sino man nakabangga kay inay." sabi ko sa kanya at niyakap ko si lola.

"Dapat lang apo. Gusto ko na makasama ang inay mo."

"Kahit ako rin naman 'la. Sino bang hindi may gusto?" kumalas ako sa pagkayap at kumaway na kami papalayo para magpaalam.

Pagkarating namin sa police station, agad namin sinabi ang concern namin sa kaso ng inay ko.

"Oh! Nandito na ang De Guia!" sigaw ni Sir Daniel sa Hepe kung saan hawak niya ang kaso namin ng inay ko.

Pumasok kami sa isang kwarto kung saan pwede pag-usapan ito.

Dumating si Chief Anthony, "Hello! Ms. De Guia," nakipagkamayan siya at tinugon ko ito. Nakipagkamayan din silang dalawa ni Francis.

"Kamusta ang 'yong inay?" tanong sa akin ni Chief.

"Malapit na siya magising, Chief." maligaya kong sabi sa kanya.

"Hindi na kami magpapaligoy-ligoy, Chief." seryosong sabi ni Francis, " Kamusta pala ang paghahanap ng suspect?" nag-iba ang itsura ni Francis. Hindi pa rin siya natutuwa sa mga nalalaman niya.

"Hinahanap pa rin ang suspect, iho. Hindi madali trabaho namin para mahanap agad ang hinahanap natin." sabi ni Chief at napabrush-up ako ng buhok sa inis.

"Gawan naman ng paraan, Chief. Gusto namin malagot kung sino man nakabunggo sa nanay ko," nagmamakaawa kong sabi.

"Gumagawa kami ng paraan, iha. Naghahanap kami ng ibedensiya para ipanlaban sa suspect," sabi ni Chief, "Wala pa rin hinto ang mga police sa paghahanap."

"Sa mga CCTV malapit sa lugar kung saan nangyari ang aksidente, wala pa rin ba kayo nahanap?" tanong ko.

"'Yan ang problema ng mga kapulisan ko ngayon. May nagtangkang kunin ang mga CCTV footage noong last month. Hinahanap din ng mga pulis kung sino man nag-alis ng mga footage. Alam namin kagagawan ng suspect din ito at may kasabwat ito," sabi ni Chief at sinuntok ni Francis ang lamesa.

"Ayan! Ayan! Naunahan na kayo kase ang bagal niyo kumilos. Edi sana kung mabilis kayo mag-isip at kumilos baka nakuha pa natin yung footage na 'yan," inis na sabi ni Francis.

"We are doing the best we can, iho." 'yon na lang ang naging huling sinabi ni Chief Anthony bago pa magwalk-out si Francis.

"The best you can? Hindi pa rin sapat yung best na ginagawa niyo. Kami naaagrabyado at ang laki ng utang namin sa hospital dahil nakacoma ang nanay ko. Mag-iisang taon na. Sana naman magawa ng paraan. Hirap na hirap na ako buhayin ang pamilya ko, Chief." nagmamakaawang sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang braso ni Chief.

"Kung magising lang si Mrs. De Guia baka pwede namin kunin ang statement niya baka makatulong ito sa imbestigasyon namin." guminhawa ang aking pakiramdam nung pagkasabi niya.

Gumising ka na, 'nay.

Kailangan namin ng Hustisya. Pero saan ako kukuha ng lakas ng loob para maranasan ang lahat ng ito? Pasan ko ang mundo at ang hirap huminga ng maluwag kung ganito nangyayari sa buhay ko.

Umalis na kami ni Francis at mukhang wala kaming nasagap na magandang balita.

"Alam kong may tinatago sila. Bakit ngayon lang hinayaan sirain ang CCTV footage nila?" inis na sabi ni Francis habang nasa labas kami ng police station.

"Kaya nga. Dapat sa una pa lang priority na nila yon dahil 'yon ang magsisilbing ebidensya natin," tinabi ko si Francis dahil nakaharang siya sa daanan.

"Hindi ako natutuwa sa nalalaman ko," sabi ni Francis.

"Maski ako rin," bumuntong-hininga kaming dalawa.

After namin pumunta ni Francis, nagkahiwalay na kami ni Francis ng pupuntahan. Kailangan ko na rin pumunta sa Juxred Resto Bar para magtrabaho.

Pero nanatili pa rin walang message sa akin si Jacey. Busy ba talaga siya at hindi niya man lang ako i-text ng nakauwi na ako or ingat sa pupuntahan ko? Kasi kanina pa ako naghihintay sa text niya.

Nakarating na ako sa bar at naghahanda ang mga ka-band mates ko sa aming performances. Ako naman uminom ako ng tubig para maayos ang boses natin mamaya.

"Oh! Si Syn nandito na!" gulat na sabi ni Gio sa akin at nakipag-apir ako sa kanila.

Kinamusta ako ni Hero habang nags-strum ito sa kanyang gitara. Pinaalala pa ni Hero sa akin at tumingin ako sa cellphone ko. Walang message galing sa kanya. Matipid ko sinabi na okay lang naman kasama si Jacey. Ngunit sinabi naman ni Leo na piyanista namin na type ako ni Jacey dahil first time lang siya sumama sa mga trip ni Chloe. Lahat daw ng mga trip dati ni Chloe, hindi niya sinusunod pero ngayon kasama ako, doon siya ginanahan. Sabi ko na babae ako at hindi ko siya gusto pero pinolosopo lang nila ako na hindi naman nila tinatanong. Maka-deny daw ako parang kwinestyon na nila katauhan ko. Pwede naman daw ibaliko ang mga babae sabi ni Hero at binatukan ito. Loko-loko kasi 'tong mga kasama ko.

Pero hindi ako okay sa sitwasyon kong ito. Gusto kong ikwento sa kanya kung ano naging ganap kanina kay inay pero wala ako mapagsabihan. Gusto ko lang lang kausapin siya sa mga problema na gumugulo sa isipan ko pero sino ba naman ako? Hindi naman kami. Wala kaming label para magreklamo nang ganito sa kanya.

Hays. Ang lamya ko tuloy magperform sa gig at hindi bigay todo ang performance ko dahil may gumugulo sa isipan ko.

Habang kumakanta ako, bawat pasok ng mga tao sa entrance. Tinitingnan ko kung darating si Jacey dito sa bar. Pero kahit anino man lang makita ko, wala ako nakita.

Hindi siya darating. Ba't ba ako umaasa?

Pagkatapos ng gig ko, nagpahinga ako sa gilid at pinapanood ang next performer.

Nag-order ako ng isang bottled water at binayaran ko 'yon.

"Scarlet!" may tumatawag sa akin pangalan ko.

Lumingon ako pero hindi ko masyado makita dahil ang daming tao. May nakita akong kumakaway papunta sa akin.

Si Ced. Ex ko.

"Oh! Ced!" nagbesuhan kaming dalawa.

"Hinihintay kita," sabi ni Ced sa akin pero hindi ako masaya ngayon dahil hindi siya ang hinahanap ko.

"Bakit mo ko hinahanap?" pagtataka kong tanong sa kanya.

"Diba hindi natuloy yung dinner natin? Pwede natin ituloy ngayon," sabi ni Ced at umupo siya sa tabi ko.

I find him cute with his sweater over his shoulder while he's looking at me straightly. Cute siya pero he's not my type anymore.

Tuwing nakikita ko siya naalala ko lang masasayang alaala naming dalawa pero hindi ko na kailangan pang ibalik ang dati. Tapos na ang love story naming dalawa. Ako ang nang-iwan kaya wala nang babalikan pa.

"Friendly date lang ha?" sabi ko sa kanya.

"Bakit ayaw mo na magdate tayo?" natawa ako sa sinabi niya.

"Hay na 'ko. Komplikado buhay ko, Cedric."

Natahimik siya at hinawakan niya ang kamay ko. Nagulat ako at hinila niya ako palabas sa bar.

Bigla namin nakita si Clint na mag-isa papasok sa bar at nagkita kami sa entrance. Tumingin siya sa kamay naming dalawa ni Ced.

"It's not what you think," sabi ko kay Clint.

"Taken na yan, bro." seryosong sabi ni Clint at lumapit siya kay Ced.

"Magdi-dinner lang kami." sambit ko at tumingin si Clint sa akin, "Saka we're friends," sabi ko sa kanya.

"Ikaw bahala," sagot niya, "Pero huwag mong saktan kaibigan ko." at tuluyang umalis na si Clint.

He was saying his friend? Jacey? Hindi ko siya sasaktan 'no?

Wala akong intensyon saktan si Jacey. I am here because I need some accompany para maalis ang iniisip ko.

"Di ko maintindihan, Let." humarap siya sa akin at kita ko na nagtataka ito.

"Just don't mind him," sabi ko na lang para hindi na siya mag-isip pa.

Pumasok na kami sa sasakyan at pumunta kami kung saan man ako dadalhin ni Ced.

***

"We're here at my bistro bar."

Sobrang ganda ng exterior design ng bar niya. Ang aesthetic tingnan. May mga pulang flowers sa itaas ng kisame sa labas at may pasabit pa itong yellow lights. May kasama pang table at chair sa labas nito.

This was our dream together when we were dating pa.

Pero ngayon, natupad na at hindi ako kasama do'n habang tinutupad niya ang pangarap niya. Okay lang naman. No hard feelings.

Masaya naman ako kung gaano siya kasuccessful ngayon.

Nakakainggit kasi may narating na siya sa buhay niya pero ako ni isa wala except sa pagtatrabaho ko sa bar bilang singer. Una, driver dahil no choice wala ako mahanap na magandang trabaho. Panghuli, buti na lang si Clint nagsalba ng kahirapan ko kaya inoffer-an ako ng desenteng trabaho.

Kailangan ko talaga kasi ng pera.

Hindi ko sana kayang iwan trabaho ko bilang driver dahil kay Jacey pero wala e kailangan ko pa rin ng trabaho na mataas ang sweldo.

"Let's go!" sabi niya sa akin papasok sa bistro bar niya.

Pagdating namin sa kinaroonan, pinaupo ako ni Ced sa upuan at umupo na rin ako.

May sinerve agad ang waiter kaya naman nagulat ako, "Bilis ha?" sabi ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung parehas pa rin ang gusto mong pagkain dati sa ngayon," nahihiya niyang sabi.

"Kahit ano naman. Hindi naman ako maarte. Kahit tuyo lang at kanin, Okay na ako do'n," natatawa kong sabi sa kanya at nilagyan ng tubig ang water glass ko ng waiter.

"Naalala ko dati na parehas tayo nagtutuyo noong college pa tayo. Binabaon mo pa nga sa school eh," kwento niya sa akin.

"Napagalitan nga ako ng prof amoy tuyo na yung room kaya binuksan yung pinto," natatawa kong sabi at kumain ng roasted baby back ribs.

Ang sarap naman nitong kinakain ko. Ang shala!

"Nakakamiss mga araw natin magkasama," pagngiti niyang sabi sa akin.

"Oo nga eh. Nakakamiss din pero thankful ako na masaya ka ngayon." sabi ko sa kanya.

"Nagalit ka ba dati sa akin dahil hindi ako sumipot sa recording natin?" tanong ko sa kanya habang hinihiwa niya ang beef.

"Tampo lang pero no'ng nalaman ko kay Sir Jeff na hindi natuloy dahil nga na-aksidente mother mo, naiintindihan ko. Naiintindihan ko na inuna mo yung family mo pero nasaktan ako dahil kinalimutan mo ako," sabi niya at tama siya.

Kinalimutan ko siya dahil kailangan kong buhayin pamilya ko. Sobrang stress ako at hindi makakain dahil pasan ko ang problema ko. Ayoko maging pabigat sa kanya. Hindi ko kaya pagsabayin ang mga problema ko kaya mas pinili ko na lang umalis ng walang paalam. Alam kong mali ginawa ko kaya nasaktan siya.

"I'm sorry kung iniwan kita na walang pasabi," sabi ko sa kanya at ngumiti siya ng peke.

"I just want to ask you why did you leave me?" kita ko sa kanya na ang lungkot nito, "Araw-araw ako tumatawag sayo pero dinededma mo na lang ako."

"Ang bigat sa pakiramdam na pasan ko lahat ng problema mo. Hindi ako makakain ng maayos at hindi makatuon sa ginagawa ko. Hindi ko nabigyan ng pansin ang relasyon natin na nawawasak ko na pala. Sobrang busy ako at nakalimutan kita," sabi ko sa kanya.

"Kung may problema ka, nandito naman ako para tulungan ka," seryosong sabi niya sa akin.

"What's your problem?"

Sinabi ko yung nangyari kanina sa police station at nabigla siya yun ang problema ko.

"Maybe we can ask someone who works in private investigation?" sabi niya sa akin, "My father knew someone for sure," sabi niya.

"Hindi ko kaya maging pabigat sayo. Kaya ko naman sarilinin ang problema ko." umiling siya at napatigil siya kumain.

"Sometimes you need to seek some help to someone you trusted to," seryosong sabi niya at hinawakan ang kamay ko, "Hindi sa lahat ng oras pasan mo palagi ang problema, Scarlet. Kaya ka nahihirapan kasi sinasarili mo. Kaya ka nag-ooverthink sa problema mo, you need some answers too."

"We need someone to share and bear each other's burdens, Scarlet." he smiled at me and he hold my hands.

Siguro tama siya kailangan ko ng tulong. Salamat kasi may tumutulong sa mga tanong ko na lagi ko iniisip.

Napasilip na lang ako sa phone ko. Hinihintay ko ang message niya pero wala akong natanggap.

Kahit inuwi ako ni Ced sa bahay, nagmeet na kami wala pa rin.

Nakakatampo ka, Jacey.

Ayoko rin maghabol kasi hindi naman ako kasing desperado na gustuhin siya at magmakaawa na gustuhin niya ako.

Pero sa nangyari kagabi sa amin, hindi naman siya papayag kung hindi niya ako gusto diba?

I mean wala siyang sinabi na gusto niya ako pero...

Tama na mag-assume, self.

Itutulog ko na lang 'to.