Chereads / this is how you fall in love (GL) [FILIPINO] / Chapter 15 - Chapter 15 - Untold

Chapter 15 - Chapter 15 - Untold

Pagkagising ko, kinusot ko muna ang aking mata. Kinuha ko ang aking phone sa ibabaw ng side table ko. Para makita ko kung sino nagmessage sa akin. As of now, wala pa rin message sa akin si Jacey.

"OMG! Ate!" nagmamadaling pumasok siya sa kwarto ko.

May pinakita siyang imahe ni Jacey, "Ate, finollow niya ako!" sabi niya at niyugyog pa nga ako.

"Picture lang naman pinapakita mo," bored kong sabi at tinuon ko na lang ang aking atensyon sa pagliligpit ng kama.

"Eto! Eto! Eto na talaga," maligayang sabi niya habang tinatapat sa akin screen ng phone niya sa mukha.

"Kailangan pa talagang itapat sa mukha ko?" inis kong sabi.

Nilayo niya ang cellphone niya sa mukha ko, "Ay! Finollow ako ni Ate Jacey kanina lang," sabi niya sa akin.

May oras pa siya i-follow ang kapatid ko kaysa sa oras na magmessage siya sa akin.

"Sana all," mahina kong sabi habang inaayos ko ang aking kumot. Nakaupo si Kevin sa kama ko habang busy siya kaka-stalk kay Jacey.

"OMG! ATE! TINATANONG KA SA AKIN NI ATE JACEY KUNG ANO IGN MO."

"Hindi naman ako mahilig sa mga ganyan, Kev."

"Alam mo minsan try mo rin maging papansin kay Ate Jacey, Ate." sabi ni Kevin sa akin and she tapped my shoulder, "Alam mo na para habulin ka." sabay kiliti sa akin.

"Paano ba yan?" curious kong tanong ko sa kanya.

"Uy! Gusto niya..." kantyaw niya sa akin.

"Alam mo bang pagkatapos mangyari sa amin, hindi na niya ako minessage sa akin." nadulas ako sa pagkasabi ko.

"M-may nangyari sa inyo?" nagulat na sabi ni Kevin at kita kong hindi siya makapaniwala sa akin.

"Eto naman. Mild lang naman nangyari." nahihiyang sabi ko sa kanya at lumapit ako.

"Kaya pala hindi ka nagm-message sa kanya. Nagpapahabol ka." napagtanto niya, "Anyways, gagawa ako ng instagram mo, ate. At... magpost ka rito kung ano ganap mo sa buhay mo," sabi niya sa akin at nagsimula na siya sa pag-gawa ng instagram ko.

Binigay ko ang phone ko, "Ano profile pic mo? Dapat kabog ha? Hindi pa puchu-puchu lang," sabi ni Kev.

"Akin na."

Kanina pa ko nags-scroll dito sa aking phone at may nakita na ako para sa magiging profile pic ko.

"Eto," Nakasuot naka-blouse ang pinili kong profile picture.

"Ang pretty mo dito, ate."

"Yan na lang."

"Sige," sagot niya at pinagpatuloy niya ang paglalagay ng profile picture ko sa instagram.

Ilang sandali lamang natapos na siya, binigay na sa akin ang phone ko.

Tiningnan ko ito.

@scarletdeguia | 0 Post | 2 Followers | 2 Following

"Tingnan mo yung notification mo at may pinost akong story mo." sabi ng kapatid ko.

kevinguia is now following you

jaceyeravalo is now following you

Mukhang active siya dito sa instagram ah. Kaysa sa text lang. Mukhang mapapapost ako ng marami dito. Tinuruan ako ni Kevin paano magpost, magdm, at magstory. Paano rin maseen yung story ko at ilike ang story at post. Buti na lang talaga may kapatid akong active sa social media.

May pinost din pala si Kevin sa story ko pero yun yung naka-sling bag ako at tinakip ko yung bibig ko gamit ang braso ko para sa posing ko.

Nagulat ako pinusuan ni Jacey ang story ko. Napasigaw ako sa kilig at narindi ang kapatid ko sa boses ko.

"Chill, ate."

Ngunit may nagnotif akin sa instagram.

tim.ced is now following you

tim.ced sent you a message.

Finollow niya pala ako kaya finollow back ko naman ito. Pagkatapos, binasa ko ito.

tim.ced: Hi

tim.ced: Let, I want you to know that we can help you regarding your mother's case.

tim.ced: This day sana yung family lunch namin. I just want you to join our lunch. You're still welcome to our family after we broke up.

Nahihiya ako Ced :(scarletdeguia) me

 I mean last na punta ko dyan, pinakilala mo ko bilang girlfriend :(scarletdeguia) me

Ngayon, ex na? HAHAHAHAHAHAHA :(scarletdeguia) me

tim.ced: Parang ganun na nga.

tim.ced: We're still friends

tim.ced: unless you want us to be more than friends?

me (scarletdeguia): Basta nahihiya ako. Pumunta lang ako para humingi ng tulong.

tim.ced: You badly want to do this for your mother right?

tim.ced: My father will help you since running for mayor siya.

tim.ced: He has a private investigator. Mas mapapabilis paghahanap ng suspect compared to the police.

Okay. Fine. :(scarletdeguia) me

 Sasama ako. :(scarletdeguia) me

tim.ced: Ako magsusundo sayo mamaya.

tim.ced: Wait me there 40 minutes

tim.ced: See you

Okiee. :(scarletdeguia) me

Seen

I have no choice kundi pumayag dahil pagdating sa inay ko gagawin ko ang lahat para makakuha ng hustisya kung sino man nakabunggo sa kanya.

Konting tiis na lang, nay. Makukuha na natin ang hustisya.

Gagawin ko ang lahat para lang kay inay dahil mahal na mahal ko siya. Kahit alam kong may mga bagay na hindi ko mapakita sa kanya, pero deep inside mahal na mahal ko ito. Sana maramdaman niya.

Biglang nagnotif ulit ang Instagram ko. Tiningnan ko naman ito, si Jacey.

jaceyerevalo: Scarlet

jaceyerevalo: Are you free this afternoon?

 Hindi eh. May lakad ako. :(scarletdeguia) me

Sorry.   :(scarletdeguia) me

jaceyerevalo: No, it's okay. Next time na lang.

I can see her typing kaya hinintay ko ang message niya sa akin.

jaceyerevalo: Sino kasama mo?

Sasabihin ko ba na si Ced kasama ko? I don't want to make her jealous. Wait. Why would I? It's okay rin naman to tell her since I have no intention to make her jealous. Sasagutin ko lang tanong niya. 'Yon lang. Wala nang iba.

Sinagot ko ito ng matipid.

jaceyerevalo: Sino kasama mo?

Si Ced. :(scarletdeguia) me

Sineen niya lang ako. Shet! Masama pakiramdam ko na naiinis siya. Na-iimagine ko na masama ang tingin niya sa akin. Tapos ang cold niya pa sa akin. Ramdam ko tuloy ang lamig dito sa pwesto ko.

O baka sineen niya lang dahil wala siyang pakialam kung sino man kasama ko. Baka hindi na siya interesado sa akin nang dahil sa nangyari sa aming dalawa kumakailan lang kaya

 pinaramdam niya sa akin ang kanyang cold treatment.

Hay ewan. Nakakabuang din minsan mag-isip ng ganito.

"Mukhang nageenjoy ka na dyan sa Instagram ha?" puna ng kapatid ko.

"Aalis ako mamaya kaya alis ka na dito para makapaghanda na ko ng sarili ko. Pupunta dito si Ced para ihatid niya ako," sabi ko sa aking kapatid na napatigil ito sa pagc-cellphone niya.

"Ced? As in ex mo, ate?" tumango ako at tumayo na siya.

"Oo, nakwento ko ba sayo na nagkita ulit kami."

"Hindi. Pero nagselos ba si ate Jacey? Kasi alam ko kung ang senaryo kapag nag-kita ang mag-ex. Sa una, friends kayo at magkakaalala kayo ng mga memories niyo in the past. Tapos narinig ni Ate Jacey. Hay na 'ko ate. Kabisado ko na yan."

Natawa ako ng malakas, "Hindi ah. Hindi ko nakita nagselos 'yon," sambit ko.

"Hindi mo sure." sabi ng kapatid ko, "May selos na tinatago lang."

"Sabihin ko na lang, 'Gwenchana. Gwenchana,'" natawa ako sa biro at tinulak ko ang kapatid ko papalabas ng kwarto.

"Ate naman seryoso ako sa sinasabi ko. Concern lang ako sa feelings ni Ate Jacey." sabi niya sa akin at huminga ako ng malalim.

"Kung magseselos yon ay impossible. Walang kami. Okay. Wala siyang karapatan magselos. Maski ako," sabi ko sa kanya at sinarhan ko siya ng pinto.

Impossible magselos 'yon.

Nagmessage si Jacey sa akin.

jaceyerevalo: Susunduin kita

Patay! Hindi pwede. Dali-dali akong nagtype.

Si Ced na Jacey :(scarletdeguia) me

Saka busy ka rin sa company mo :(scarletdeguia) me

Nakakaistorbo :(scarletdeguia) me

jaceyerevalo: Hindi ka istorbo

jaceyerevalo: Tsk

jaceyerevalo: Sige si Ced na tutal gusto mo naman.

Jacey :(scarletdeguia) me

Jacey!!! :(scarletdeguia) me

Hindi na niya ako si-neen pagkatapos. Akala niya hahabulin ko siya. Siya ang maghabol sa akin ngayon. Hmp!

Bahala siya. Siya ang maghabol.

Binitawan ko ang aking phone ko para maligo at mag-ayos ng sarili dahil ilang minuto na lang darating si Ced. Pagkatapos kong maligo, nagsuot ako ng jeans na naka tuck in sa akin ang suot kong t-shirt at sinuot ko itong long coat na brown. Then I simply put my natural makeup and lip gloss in my lips. After that, I just make a raised dutch braid for my hair.

Finish!

Narinig ko na ang busina ng kotse sa labas ng bahay namin. At alam kong si Ced na ang naghihintay.

I just grab my black sling bag at lumabas na ako ng bahay.

Napansin kong lumabas siya ng kotse para ipagbuksan ako ng pinto. Pero may napansin akong kotse na itim. Alam kong mamahalin na nakatapat sa kapit bahay namin. Hindi naman kasing yaman ang kapitbahay namin para magkaroon ng gano'n.

Kanino ba 'yon?

Biglang nagbukas ito ng pinto.

Kaso kaharap ko na si Ced, "You look gorgeous," bati niya sa akin at nagbeso kami sa isa't isa.

"Thanks." nahihiyang sabi ko sa kanya at pumasok na ko sa front seat para umupo. Sinara niya na ang pinto.

Pinaandar niya na ang kotse at papunta na kami sa bahay nila. Ilang minuto lang dumating na rin kami sa tapat ng bahay ni Ced.

Pinagbuksan ako at inayos ko ang aking damit habang hinihintay ko siya samahan niya ako sa loob.

"I'm going to close my car's engine." and he smiled at me.

.

"Maghihintay na lang ako. Nahihiya ako." sabi ko sa kanya at napailing siya sa akin.

Nahihiya ako at wala akong mukhang ihaharap sa kanya.

"Ate Scarlet? Is that you?" napalingon ako kung sino.

Si April. Younger sister ni Ced. She was my closest in Ced's family.

SInalubong niya ako ng yakap at niyakap ko rin ito ng mahigpit. Namiss ko si April. Palagi ko siya kasama tuwing pumupunta ako dito. Minsan sinasamahan niya ako sa bar after ng school niya. Alam kong bawal siya sa bar kaya lang hindi naman siya mukhang bata tingnan kaya okay lang din na samahan niya ako. She also met his boyfriend at the bar. I wonder kung kamusta na silang dalawa. Maybe later I'll ask her.

"Are you two back together?" inipit niya ang kamay niya sa braso. Namiss rin ako nitong si April for sure.

"No. We're just friends." hindi siya na-convince sa sinabi ko.

"Friends daw kayo, kuya?" pinalo ko ng mahina si April. Sinabi pa niya sa kuya niya. Eto talaga.

"She's right. We're friends." seryosong sabi ni Ced at sinara niya na ang engine ng sasakyan niya kaya naman lumabas na siya para isara ang kotse niya.

"Weh?" binatukan niya ang kanyang kapatid niya dahil mapang-asar ito.

Nakakamiss tuloy ang kulitan nilang dalawa.

Dumaan kami sa sala nila at ilang sandali lamang nandito na kami sa hapag-kainan at nandito naghihintay pala sa amin ang father at mother ni Ced.

Kinabahan tuloy ako.

"Hi! Scarlet." seryosong sabi ng mother ni Ced.

Hindi na niya ako pinabeso kaya naman lumipat ako sa father ni Ced, "Hello po." Nakibeso naman ito sa akin.

"Hello, iha." ngiting sabi sa akin ni tito sa akin.

Pagkatapos, umupo ako sa tabi ni Ced at siniko ko siya ang awkward ng atmosphere namin.

"Let's eat na." sabi ni Ced at kinuha ni Ced ang rice para ihain sa akin.

"Ako na." akmang ako na ang maghahain pero pilit niyang hinainan ako.

Nahiya tuloy ako at napayuko ako.

"So sweet. Parang dati lang." kinikilig na sabi ni April at nginitian ko na lang.

"Ano pinagkakaabalahan mo ngayon, iha?" sabi sa akin ni tito habang naghihiwa siya ng beef dahil ulam namin ay bulalo.

"Singer po sa bar." lakas na loob kong sinabi sa kanya dahil dati tinatago pa lang namin na nagtatrabaho ako doon baka hindi ako matanggap ni tito pero ngayon wala na kami ni Ced kaya ko na ipagtapat kung sino ako.

"Singer..." natatawang sabi ng mother ni Ced.

Sa una pa lang ng pag-iibigan namin ni Ced. Siya ang hadlang sa pag-iibigan namin. Hindi siya boto sa akin. Ang dami niyang niretong babae sa anak niya pero ni isa, hindi ito pinapansin niya. Hindi naman sa paninira pero maldita ang nanay ni Ced. Kaya isa na rin sa rason na bumitaw din ako sa relasyon naming dalawa dahil sa kanya.

"What's wrong with being a singer at the bar, ma?" iritang sabi ni Ced sa kanya.

"Nothing. Mabuti na lang nagbreak kayo." kita kong masaya ito sa amin dahil nagbreak kami.

Siya pa ang natuwa. Nakakairita talaga.

"Why did you guys break up?" nagulat si tito sa pagkasabi ng asawa niya.

"Bec—"

Hindi niya ako pinasagot, "It's a mutual decision," he lied to them.

Kung ako rin naman magisisnungaling din ako gaya ng ayaw niyang mapahamak ang ex niya sa pamilya niya. Pero wala naman kaso sa akin kung sasabihin niya ang totoo.

"Mutual decision? Eh siya nga yung nang-iwan sa anak natin." kita ko si tito nilapag ng malakas ang kutsara't tinidor sa magkabilang plato niya at nagalit ito sa kanyang asawa.

"Stop it. Pwede ka ng umalis dito." inis na sabi ni tito sa kanya.

"Tama po siya." lakas na loob kong sinabi, "Iniwan ko yung anak niyo." napatigil si tito kumain.

"Scarlet..." bulong sa akin ni Ced pero ayoko rin naman i-deny na mutual decision ang dahilan.

He folded his arms and lay on his chair, looking at me seriously.

"Why did you leave my son?"

"Kailangan ko po alagaan ang inay ko dahil naaksidente siya. Hindi ko kayang ipagpatuloy ang relasyon ng anak dahil kailangan kong alagaan ang mga kapatid ko. Ako ang bumuhay ngayon sa pamilya namin." sabi ko at panay tango ito. Mukhang naiintindihan niya kalagayan ko kaysa sa isa dyan na hindi marunong makinig muna sa sasabihin at padalos-dalos sasabihin.

"She's De Guia, Dad. The famous case here in Manila na hindi pa rin matagpuan ang suspect almost a year." sabi ni Ced.

"Hawak ni Chief Anthony yung case mo 'no?" tanong ni tito sa akin.

Tumango ako, " Yes po bakit po?" napailing ito.

"Tamang-tama you're here. I know your case pero mukhang may kapalpakan ang mga pulis niya kaya I'm sure kung gusto mo ng tulong mula sa akin. I have a private investigator. We will help you the best we can. Scarlet, right?" natuwa ako sa narinig ko mula sa dad ni Ced at hinawakan ko yung braso ni Ced.

"Gustung-gusto ko talaga , Sir."

"Ang sabihin mo gusto mo lang pumunta dito para humingi ng tulong sa ami—"

"Stop, Amanda. You can go now." pagpapaalis ng asawa ni dad ni Ced. Nagdabog ang asawa niya paalis ng hapag-kainan.

"Sorry about my mother. I don't know why she's so against with you." sabi ni April sa akin habang hawak niya ang kamay ko.

"Ayos lang ako. Tama naman po siya. Nandito ako humingi ng tulong sa inyo."

"No, you're here because you're still part of the family." saad ni Ced sa akin.

"Don't call me Sir. Tito na lang." he laughed at me, "Everything will be okay, iha. I promise mahuhuli natin ang suspect." sabi niya sa akin at napanatag ang aking loob sa mga sinasabi niya.

'Nay, gumising ka na oh! May tutulong na sa atin.

"Speaking of the friendship niyo ni Ced, may pag-asa bang magbalikan kayo?" tanong in April.

"Just stop, April." sabi ng dad ni Ced.

"It's okay, Tito. I'm sorry but It's very complicated. May nagugustuhan na kong iba."

"Ouch!" umakto itong nasasaktan ang kanyang puso at nagtawanan kami.

After ng family lunch namin, nagpaalam na rin ako sa kanila except sa mother ni Ced.

Nandito kami sa labas at linanghap ko ang simoy ng hangin.

Nakuha ang atensyon ko sa isang sasakyan na nakaparada sa kapitbahay nila ni Ced. Ito yung kotse na nakaparada rin sa kapitbahay namin ah?

Lalapit na sana ako biglang lumabas si Ced.

"May gig ka ba mamaya?" tanong sa akin ni Ced.

"Yes, bakit?"

"Ihatid na kita." alok niya sa akin.

"Justine?" kumunot-noo ko nang may narinig akong pangalan ni Jacey galing kay Ced.

Jacey? Nandito siya?

Tumalikod ako para makita kung totoo bang nandito si Jacey.

"B-bakit nandito ka?" gulat kong sabi sa kanya.

"I am going to pick her up, Ced." giit niyang sabi.

"Ako na, 'Tine." giit din sabi ni Ced sa kanya.

"T-teka lang. Bakit nandito ka, Justine?" pagtatakang tanong ko sa kanya.

Hinila niya ako at pinaupo ako sa front seat ng sasakyan niya. Sasakyan ni Jacey ako sumakay.

"Ano bang problema?" seryosong tanong ko sa kanya.

"N-nothing." cold niyang sabi sa akin.

"May nagawa ba akong kasalanan?"

"Nothing. It's just... arggh!" cold niyang sabi sa akin at napalo niya pa ang manibela.

Natahimik ako dahil galit siya sa akin. Malala pa nga hindi ko alam kung bakit siya ganyan.

Bahala ka dyan.

Pagkarating namin sa bar, hindi ko siya pinansin pagkababa ko. Dali-dali akong kumuha ng beer sa may refrigerator.

"Oh! Oh!" lumapit si Hero sa akin, "Bakit napainom ang ating singer ngayon?"

"Minsan hindi ko maintindihan mga babae ngayon." iritang sabi ko at napasulyap ako kay Jacey na nahihintay sa sulok.

Umiwas ako ng tingin nung pasulyap siya tumingin sa akin.

"Care to share?" tanong sa akin ni Hero.

"Alam mo yung tinatanong ko siya kung ano problema niya tapos sasabihin niya lang wala lang." tinungga ko yung beer sa bote.

"Chill lang sa pag-inom, Syn." inakbayan ako ni Hero, "Alam mo Syn mas mabuti pang malaman mo na..."napatigil sa pagsasalita si Hero at dahan-dahan ito pagtanggal sa pag-akbay sa akin nang makita namin si Jacey.

Pero ako ang nag-insist na akbayan niya ako. Hinawakan ko ulit ang braso ni Hero para akbayin ako.

"Scarlet." seryosong sabi sa akin.

Tumalikod siya at bumalik sa pwesto niya. Kita ko nag-iba ang ekspresyon niya.

She's not mad. I can see the sadness in her eyes while looking at me.

"Type ka ni Ma'am Jacey." bulong sa akin ni Hero.

"Babae ako 'no?" pagtatanggi ko.

"Wala akong sinabi. Ikaw ha? Napaghahalata ka." may nakita akong karton hinagis ko sa kanyang likod

Lumingon siya, "Kausapin mo na hangga't hindi pa siya sumasabog." sabi ni Hero at iniwan niya ako mag-isa dito. Bumalik na siya sa stage para kausapin mga bandmates ko.

Sumabog? Siya? Sasabog? Hindi ko gets pinagsasabi ni Hero.

Ilang sandali lamang nagsimula na kami mag-gig pero parang wala akong gana kumanta ngayon kahit ginagalingan ko naman.

Iba sa pakiramdam ngayon na love song kinakanta ko pero in reality, malungkot din ako.

Naapektuhan performance ko dahil kay Jacey...

Bakit ba siya ganyan sa akin...

Hindi ko siya maintindihan. Una, ilang araw hindi niya ako pinapansin. Pangalawa, kanina lang umaakto na siya ang nagpupumilit na sunduin niya ako at mukhang naiinis pa nga ito.

Hindi ko siya gets.

Pauwi na rin ako at lumabas ako ng Juxred Bar at nakita kong nakasandal sa sasakyan si Jacey.

"Hayaan mo na ako umuwi mag-isa." walang-gana kong sagot.

"I'm worried. Let me take you home."

"Worried? Eh kanina lang mukhang inis na inis ka sa akin, eh."

"Get in." cold niyang sabi sa akin.

Binuksan niya ang pinto para sumakay ako. I have no choice dahil gabi na rin kaya sumakay na ako. Ayoko magcommute mag-isa dahil delikado na. Almost 12 am na kaya.

Tahimik lang kami habang nagmamaneho siya. Panay sulyap ako sa kanya at kita ko walang emosyon ang kanyang ekspresyon ng kanyang mukha ngayon.

Dumating kami sa bahay na mag-alas doce y media na. Lumabas agad ako ng sasakyan at pabukas na ko ng gate.....

Hinila niya ko.

"Ano ba!" inis na sabi ko sa kanya, "Anong problema mo? Kanina ka pa."

"Uuwi ka na lang, Hindi pa tayo nagkakaayos?" iritang sabi ni Jacey.

Wow ha?

"Hindi mo nga masabi kung ano ang problema mo."

"Scarlet..."

"Ano?!" inis na sabi ko sa kanya.

"Hindi ko alam nararamdaman ko. It feels weird at nasasaktan ako tuwing may kasama kang iba. It's not normal to have this feeling. Gusto ko akin ka lang. Akin ka lang sana kaso wala naman tayo."

Ano ba mayro'n sa ating dalawa?

"Bakit hindi mo ko mapadalhan ng message o kahit man tawag sa phone after mangyari sa ating dalawa?"

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko, "I don't have a guts to call you or text you. I thought you're going to call me kaya naghihintay din ako. Nalaman ko kay Clint na kasama mo si Ced noong araw na hindi tayo nag-uusap. Akala ko wala lang sayo ang nangyari kaya naiinis ako ngayon."

Lumapit siya sa akin, "Why are you making me jealous?" nilapit niya ang mukha niya sa akin na akmang gusto niya ako halikan ngayon.

"Wala kang karapatan magselos dahil wala naman tayo." lumayo siya at kumunot-noo ito sa akin.

"So pinaparating mo, ako lang ang may feelings sa ating dalawa?"

"Hindi naman sa gano'n." nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Gusto din kita pero bakit gusto ko higit pa do'n?" umaatras ako, "I want more... I want us to be together. Like the couples do." sabi niya at lumapit siya sa akin.

Umiling ako, "I'm sorry." Napasandal ako sa may kotse niya at ang lapit ng mukha niya sa akin.

Tinulak ko siya at umiwas ako. Lumayo ako sa kanya.

"See? I can see right now you're not ready in a relationship with someone like me." sabi niya sa akin, "Why?" tanong niya sa akin habang nakatalikod ako, binubuksan ang gate.

I'm not out.

Hindi ko kayang sabihin sa pamilya ko na ganito akong babae. Hindi lang ako babae na nagmamahal sa lalaki. Nagmamahal din ako sa babae.

Do I really need to make a choice na tuparin ko yung pangarap ng pamilya ko kaysa panindigan ko na hindi lang ako isang babae?

Dahil ngayon, nahihirapan akong pumili.

"Why you just can't answer? Why are you hesitating to say something?" she's pressuring me.

"Answer me, Scarlet!" sigaw niya sa akin at nakita kong naiirita siya ngayon sa akin, "Oh! Ghad! Please, answer me. Paninindigan mo ba ako?"

"Ba't hindi ka makasagot?"

Humarap ako sa kanya, "I want us to be together din naman. Iniisip ko lang yung pamilya ko kung ano magiging tingin nila sa akin kapag naging tayo. Ayokong magkasakitan tayo kaya hindi kita kayang panindigan sa ngayon." After that I left her after i told her everything on my mind.

Hindi ko namalayan na narinig ni lola ang sinabi ko.

"Hindi ka babae, apo?" hindi makapaniwalang tanong niya at biglang pumasok siya loob.

"'La! Magpapaliwanag ako. Pakinggan niyo po ako."

"'La!"

Hinabol ko si lola hangga't nakarating ako sa tapat ng kwarto niya.

Sinaraduhan ako ng pinto.