"Evangeline Erevalo. For short, Eva."
Ngumiti siya pero kakaiba ito. Pamilyar ang kanyang boses. Hindi ko alam kung saan ko narinig. Parang matinis na boses ito pero maganda ang kanyang tindig at porma. Nakasuot siya na black jumpsuit attire—sleeveless with pockets. It makes her beautiful pero mas nanatili pa rin maganda si Jacey.
"Bakit mo naman pinalitan si Megan, Jacey?" pang-aasar ni Eva sa kanya.
Sinamaan lang ito ng tingin at napakuyom ang kanyang kamay. I need to hold her hand para kumalma siya. Napatingin siya sa akin.
"Ay! Sorry. Siya pala nang-iwan sayo. Does it hurt?" pagpapanggap na concern niya sa kapatid niya. At ang malala hinawakan ang kanyang balikat pero hinawi ito ni Jacey sa sobrang badtrip nito.
"She's doesn't exist anymore." mariin niyang sinabi pero napansin ko si Eva pinipilit niya lang hindi ngumiti.
"Rinig mo 'yon, you doesn't exist in her life." sumbong ni Eva kay Megan.
"It's fine." tipid na sagot ni Megan. Kita kong nasasaktan siya sinasabi ni Jacey.
"Please leave." sambit ni Jacey sa kanya.
"Alright. As you wish." napataas ito ng kamay at saka umalis siya. Pumunta sa dance floor para sumayaw.
Ghad! Ito ba ang kapatid niya? Ang maldita lang ha? Nakakainsulto kanyang sinabi kay Jacey. Sa mismong birthday pa niya sisirain ang mood ni Jacey. Napailing na lang ako sa kapatid niya. Mabuti na lang may pasensya 'to kundi ako papatol sa kanya. Subukan lang niya.
Nakaramdam ako ng pagihi dahil siguro sa nainom ko na wine kanina.
"Magccr lang ako." pagpapaalam ko kay Jacey at hindi pa rin niya binitawan ang aking kamay.
"Why?" tanong ko sa kanya.
"Magccr din ako." bumalik na ito sa pagkapilya nitong mga tingin niya na mukhang may masamang balak na naman sa akin.
"Dyan ka lang..." malambing kong sabi sa kanya.
"I-entertain mo lang bisita mo." bilin ko sa kanya at tumango siya.
Habang naglalakad ako mag-isa papuntang cr, pinagtitinginan nila ako pero wala akong pakealam sa kanila. Basta gusto ko lang makaihi.
Pagkarating ko nakita ko si Megan na naghuhugas ng kamay.
"Buti nakapunta ka?" puna ko sa kanya at tiningnan niya ako sa salamin.
"Of course, part pa rin ako ng buhay ni Jacey. Pupunta at pupunta pa rin ako." pagmamayabang niya sa akin.
Nairita ako sa sinabi niya. Nawala lahat ng pagihi ko para patulan siya. Pero is not worth my time.
"Sa bagay ex ka na ni Jacey." ngumiti ako pambawi ko at nagcr ako.
Pagkatapos ko magcr, naka-sandal siya sa may lababo and she folded her arms while looking at me.
"Bakit ka nakatingin sa akin?"
"Do you remember our condition?" bigla niyang pinaalala sa akin ang dapat ko nang makalimutan.
Pero here I am sa katotohanan na walang nakakaalam pa.
"Yes. why?" kinuha ko ang lipstick ko para ipahid sa aking labi. Tumingin ako sa salamin kung maayos ba pagkalagay ko.
"Are you okay with that?" tanong niya sa akin.
"What do you mean?"
"You need money from me because of your mother pero you need to do my condition." umiwas siya ng tingin sa akin.
"It was not easy. Buhay ng pamilya ko nakasalalay sa akin. I need to save my family before her." sabi ko sa kanya.
"Pero tatatagan ko pa rin. Basta ang alam ko lang sincere ako na gusto ko siya. Wala na akong pakialam sa kondisyon mo. Ikaw naman may gustong ipagtulakan sa ibang tao para magmahal siya ng iba." Ngumiti ako sa salamin, "Bakit magiging masaya ka ba kung ikaw pa rin ang mahal niya?" nilagay ko yung lipstick sa bag at tumingin ng maigi sa kanya.
"O-of course n-not, m-mas okay na hindi niya ako m-mahal." pansin kong nauutal siya.
Mas mabuti ngang hindi sila nagkatuluyan. She will hurt Jacey. Ikaw ba naman pagtabuyan ng mahal mo?
Hindi ka pa niya paninindigan.
Hindi ka pa ba masasaktan sa lagay na 'yon?
"Huwag kang mag-alala. She's in love with me this time." sabi ko sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang balikat bago ako umalis.
Anong akala niya babalik sa kanya si Jacey? Hinding-hindi ko magagawang mapunta siya sa kanya.
Sa akin lang si Jacey.
Pabalik na ako sa table. Pero wala na si Jacey sa table. Sina Chloe at kanyang bagong lalaki nando'n.
Nasaan na kaya siya?
Pumunta ako sa table para itanong kung nasaan si Jacey.
"Si Jacey ba hanap mo?" habang nakapatong si Chloe sa binti ng lalaki.
Akala ko ba sila ni Kiel bakit may ibang lalaki na naman siyang nilalandi? Napailing na lang ako.
"Oo, nakita mo ba siya?" tanong ko sa kanya.
Tinuro niya sa may gilid ng counter bar. Kausap niya ang nanay niya. Mukhang nagtatalo sila at kita kong galit na galit si Jacey.
Hinayaan ko muna sila mag-usap. Mukhang masinsin ang pinag-uusapan nilang dalawa at ayokong makigulo.
"Mukhang hindi siya masaya na makita niya ang ate niya." sabi ni Chloe sa akin at umalis siya sa binti ng lalaki. May binulong siya kaya naman umalis na ito.
"Later." she winked at him then nag-flying kiss ang lalaki sa kanya.
Parang nandiri ako sa ginawa ng lalaki kay Chloe. Hindi naman sa panlalait pero mukhang manyak ang kinalandian ni Chloe. Kamusta na kaya sila ni Kiel?
"Kamusta na kayo ng jowa mo?" tanong ko kay Chloe at nagulat siya.
"Wow! May concern ka pala sa buhay ko, Scarlet." puna niya kaya naman napakamot ako sa ulo ko, "Akala ko puro si Jacey ang magiging usapan natin." nagtawanan kaming dalawa.
"Grabe naman. Hindi kaya." depensa ko.
"Kamusta na kayo ni Kiel?" dagdag kong tanong sa kanya.
"Kiel is just a fling. Hindi naman seryoso ang aming relasyon. Well, gano'n na rin ako sa kanya." sabi ni Chloe sa akin.
Mukhang she divert her attention to another guy para hindi niya maisip si Kiel.
"Sayang bagay naman kayo." puna ko at umimik si Chloe. Ininom niya ang buong wine na nasa wine glass niya.
"Sumasayaw si Eva sa dance floor. She's kinda hot." sabi ni Chloe na hindi makaalis ang tingin niya kay Eva.
I can't find her hot kasi mas alam kong si Jacey ang mas hot sa kanila. Iba talaga paningin ko kapag may gusto na akong iba.
"Magkakilala na ba kayo ni Eva?" patuloy pa rin siya sa pagtitig sa kanya.
"Yes..—No! I mean No. We're just strangers. Yeah. Strangers. I think that is the correct term."
Hmm... mukhang hindi ako na-convince sa sinabi niya.
"Weh? 'Di nga?"
"Okay. Fine. We were childhood friends before we met Jacey. Ako una niyang naging kaibigan until naging college kami. However, she met a boy and then naging sila. Unti-unti na niya ako ginost after no'n. I cried for a longer time akala ko kaibigan ko pa rin siya pero she met new friends at hindi na ako 'yon. Buti na lang I met Jacey noong inaapi ako ng mga kaibigan ni Eva. Kahit ayaw maniwala ni Eva na inaapi nila ako. Mas nanaig pa rin paniniwala niya sa mga kaibigan niya kaysa sa akin." Chloe said with a bitter smile.
Naalala ko yung sinabi ni Chloe sa kanya hindi masaya si Jacey makita ang kapatid niya.
"Bakit mo naman nasabi na hindi masaya si Jacey? 'Yong sinabi mo kanina."
"Naalala mo pa pala sinabi ko kanina?" natawa siya at she stopped for a while dahil kukuha siya ng wine sa bartender kahit pagewang-gewang na ang kanyang paglakad.
Buti na lang nasa pag-iisip pa rin si Chloe at alam niya kung paano bumalik dito sa table. She brought us two wines. Wine for her and another wine for me.
"Did you know malakas ang rivalry ang magkakapatid sa CLOUDD bilang CEO. Bata pa lang sila magkaaway na silang dalawa sa lahat ng bagay."
"Kaya naman pala ang maldita niya kanina." puna ko.
"At nabalitaan ko pa kalahati sa board of directors boto sa dalawang magkakapatid na 'yan. Buti na lang Chairman of the Board ang Dad nila. His favorite daughter will be Jacey kaya nanalo bilang CEO siya." pagsasalaysay ni Chloe sa akin at nakipag-cheers siya sa akin.
"Then, pinadala sa ibang bansa si Eva para alagaan niya yung clothing branch ng Mom niya which is 'yon ang ayaw ni Eva. Nagulat na lang ako pumayag siya sa condition ng Dad niya. We wonder why she's here. Na alam kong masaya na si Jacey sa posisyon niya." sabi niya.
"Baka pumunta lang si Eva to visit her family."
"Imposible, Scarlet. Hindi pupunta dito si Eva kung bibisitahan niya ang kanyang pamilya. She's not the person what you think."
biglang sumlpot si Clint, "For short, hindi siya mabait, Scarlet. Nangangain siya. Rawr!" biro niya.
Natawa ako sa kanya, "Kidding aside, mag-ingat ka kay Eva lalo na nalaman niya ikaw ang pumalit kay Megan." sabi ni Clint at inakbayan ako.
"Bakit paghihiwalayin ba kami?" pagtataka ko. Kita kong nagkatingin silang dalawa na umiling si Clint.
May hindi ba sila sinasabi sa akin?
Gusto ko malaman 'yon pero hindi na nila ako binigyan ng permiso na sabihin. However, I think they knew something na ayaw nila ipaalam sa akin.
"Basta kahit anong mangyari, tatagan mo lang." sabi ni Chloe at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko, "We got you back." sabay cheers namin dalawa.
Bakit pakiramdam kong hindi maganda ang mangyayari.
"Teka nasaan na pala bebe mo?" tanong ni Clint sa akin.
Nagkibit-balikat ako nang hindi ko na makita sa gilid ng counter bar sila mag-ina.
"Teka hanapin ko lang." pagpapaalam ko sa kanila.
Maraming nagsasayawan sa dance floor. Pero imposible naman sasayaw si Jacey. E, hindi naman siguro 'yon sasayaw sa dance floor. Luminga-linga ako sa paligid baka sakaling mahanap ko siya. Pupunta na sana ako para sa harapan pero may humila sa akin.
"Miss me?"
Nagulat ako na may bumulong sa akin. Alam ko ang kanyang boses.
Jacey...
Niyakap ko siya, "Akala ko iniwan mo na ako." sabi ko sa kanya at ang lapit ng mukha niya sa akin.
Hinawakan niya ang aking pisngi para halikan niya ako. Tumugon naman ako at sandali lang may narinig na naman akong bulung-bulungan.
She hold my hands at pumunta siya sa DJ. Hilang-hila ako. Pagkatapos, kinuha niya ang mic.
"Please open the mic." utos niya sa DJ.
Ano na naman pakana ni Jacey? Bakit nandito kami sa pwesto ni DJ.
Binigay sa kanya ang mic at tinesting niya ito kung gumagana. Hininto ni DJ ang music kaya nagsimulang nagtaka ang mga inimbitahan ni Jacey.
"Hello." panimula niya, "Ngayon nagtataka kayo kung bakit nandito kami magkasama."
"I thought Megan is the only person I can be with pero nagkamali ako. Hindi perpekto yung pagmamahalan namin pero nanatili pa rin ako nandyan para sa kanya kahit pinagtatabuyan niya na ako palayo." napayuko ako at alam kong pinagtitinginan ako. Pero hawak ko pa rin ang kamay niya.
Napansin kong tumalikod si Megan. Mukhang aalis na siya at ayaw niya na patapusin sa pagsasalita si Jacey.
"Pero one time may isang anghel na dumating. That's Scarlet de Guia. The person who saved me from pain. Saved me from tears." pagpapakilala sa akin and I just waved them shyly.
"She is the most precious in the world that needs to be kept in my heart. Right now.." nagulat akong lumuhod siya sa akin.
"I just want to ask you if you're willing to be my date tomorrow?" tanong niya sa akin walang pag-aalinlangan.
"Papayag na yan!" rinig kong sigaw ni Chloe sa pinakadulo.
"Papayag na yan. Papayag na yan." paninimula ni Clint at sumabay naman ang mga bisita ni Jacey.
Anebe! Ang haban ng hair ko. Naapakan niyo...
"Of course. Yes." tumayo agad si Jacey para yakapin niya ako.
Wala naman taong hi-hindi kay Jacey sa kanyang ginawa. Lalo akong nahulog sa kanya dahil pinagmalaki niya ako sa kanyang bisita na ako yung taong gusto niya.
Pinaramdam niya sa akin na mas karapat-dapat ako mahalin.
Pinaramdam niya na kaya akong panindigan sa harap ng mga tao na ako yung pinili niya.
After ng gabi ng birthday ni Jacey, hinatid niya ako sa bahay at napansin kami ng lola ko dahil nakadungaw ito sa bintana pero umalis na siya no'ng nakita niya kami. May binigay siya sa akin na ticket na para sa Clark Aurora Music Festival na hinahangad namin ng kapatid ko. Natuwa ako at niyakap ko siya.
I kissed her on the cheeks.
Nagpasalamat ako sa kanya. Mukhang magiging exciting ang aming date bukas.
I was ready to let her go. Nagsisigaw na ang aking mga kapatid na pumasok na ko sa loob pero nakahawak pa rin siya sa aking kamay.
"Can we stay for a little longer?"
"Pinapasok na ko sa loob ng kapatid ko." sabi ko sa kanya.
"Okay." busangot niya. Eto na naman siya. Ang tampuhin niya.
"Magkikita naman tayo bukas." hinawakan ko siya magkabilang braso na mukhang nagtatampo nga siya.
"Okay." Ang tampuhin naman nitong si Jacey. Tatalikod na sana siya pero hinila ko para halikan siya. Ramdam kong hinawakan niya ako sa bewang para tuluyang manatili ako.
"One more." mahinang sabi niya at kumalas na ako sa pagkakahawak niya sa akin.
"Ate..." nakita ni Irene ang aming ginagawa kaya kumalas agad ako at binuksan ko agad ang gate.
"Ate anong ginagawa niyo?" pagtataka ni Irene. Sa tamang pag-iisip na si Irene kaya kailangan kong sabihin sa kanya. Siguro naman niya maiintindihan niya kaya lang maraming tanong ito dahil high school siya.
"Ano kasi... A-ano... Niyayakap ko siya?" natawa ako dahil hindi ako sigurado sa sinabi ko sa kanya.
"Nililigawan ko ate mo."
"Pero parehas kayong babae." pagdadahilan ni Irene sa akin.
"Ang pag-ibig, Irene. Hindi nasusukat kung ano man kasarian man yan. Ang pag-ibig ay isang espesyal pagitan ng dalawang nagmamahalan. Parang si Inay at Itay lang pero ang nagkaiba lang iba yung minamahal namin." pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Alam kong maraming manghuhusga sa amin dalawa pero sana Irene, maintindihan mo na normal lang itong pagmamahalan namin. Kahit sa mata ng Diyos, hindi man tanggap kami pero sa mga taong tumatanggap sa aming dalawa ay buong puso na tinatanggap kami. Hindi lang kami nag-iisa, Irene. Marami pang ibang tao na katulad namin. Kaya sana maintindihan kahit bata ka pa. Lawakin mo sana ang pag-iisip mo para maintindihan ang mga bagay na ito." panay tango lang si Irene sa pangangaral ko sa kanya.
Tumayo ako at hinawakan ko sa balikat si Irene, "Naiintindihan mo ba?" tanong ko sa kanya.
Tumango lang siya, "Kapag may tanong diba?" hudyat ko sa kanya dahil alam ko kung ano isasagot niya.
"Itanong kay ate." maligayang sabi niya.
Ginulo ko ang buhok niya kaya naman nagreklamo siya.
"I need to go..." sabi ni Jacey at kumaway bilang pagpapaalam niya sa amin.
Pumasok na kami sa loob ni Irene at napabungad si lola sa amin. Tiningnan niya lang ako at hindi na niya ako pinansin pagkapasok niya ng kwarto.
Hanggang kailan mananatili ganito kami ni Lola?
Gusto ko siyang kausapin. Sabihin na kahit ano man desisyon ko, nasa akin pa rin ang huling desisyon at hindi sa kanya. Tapos na ako maging sunud-sunurin sa kanya. Kaya ako, wala akong pakealam kung ano magiging reaksyon nila kung mananatili pa rin ako sa tabi ni Jacey.
Sa dulo ng pag-iibigan namin, ipaglalaban ko siya.
Kinabukasan, ginising ako ng kapatid ko kahit ayoko pang bumangon. Pero no'ng nabanggit ni Irene ang kanyang pangalan. Napabangon ako bigla.
Pinagloloko ako nitong kapatid ko.
Pinipilit niyang nandito nga si Jacey kaya para sigurado ako na nandito talaga siya, lumabas ako ng kwarto na gulung-gulo ang aking buhok. Wala pa 'kong bra na suot.
Nakita ko si Jacey na kausap si Kevin at napatingin sila sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo at hanggang paa.
Tinawanan niya lang ako.
Bumalik agad ako sa kwarto at hinila ko si Irene.
"OMAYGHAD!" sabi ko kay Irene, "Bakit hindi mo sinabi na nandito si Jacey at nakita pa kong hindi pa ko ready mag-ayos." pinagsabihan ko ito at natawa lang siya sa akin.
"Sasabihin ko naman po ate kaso bigla ka lumabas." sabi niya sa akin.
"Kahit na." Nakakainis naman hindi nagtetext na pupunta dito sa bahay.
Akala ko naman hihintayin niya lang ako sa labas ng bahay. Baka magkita sila ni lola kaya naman tinanong ko kay Irene kung nandyan ang lola niya. Wala daw si lola. Maagang umalis daw ito para bantayan si Inay.
Siguro magkakaayos din kami ni lola sa tamang panahon.
Napabuntong-hininga na lang ako habang nagliligpit ng higaan. Inagawan ako ni Irene na gagawin at maligo na raw ako dahil pinaghihintay ko nang matagal si Jacey sa sala. Naligo na ako. At pagkatapos, nagulat ako na hinanda na ni Irene ang aking damit na susuotin. Nakalagay na ito sa kama ko bago niya iwanan ako mag-isa sa kwarto.
May taste din pala 'tong si Irene pagdating sa damit.
Pagkatapos ko mag-ayos ng sarili, lumabas na ako ng kwarto.
"Ang pretty naman ng ate ko." yayakapin sana ako ng kapatid kong si Kevin. Umiwas ako sa kanya at tumabi ako kay Jacey na busy ito sa pagsasagot—Wait! Siya gumagawa ng assignment ni Kevin.
"Walangya ka, Kevin! Halika rito!" kinuha ko yung sinasagutan ni Jacey at tumakbo siya. Hinabol ko siya paikot sa sala mismo.
"Hayaan mo na, Scar." sabi ni Jacey, "Tapos na rin ako sagutan 'yan."
"Pinalaki yan ni lola na maging independent. Hindi 'yan matututo kung iaasa sa iba ang gawain niya. Hayaan mo siya matuto kaya nga may guro sa eskwelahan." napakamot na lang sa ulo si Kevin. Hinila ako ni Jacey papalapit sa kanya kaya naman tumabi ako sa kanya.
"Hindi pa ba kayo aalis?" pagngising tanong ni Kevin sa akin pero sinamaan ko naman tingin ito.
"Aalis na nga." Tumayo na ako at akmang babatukan ko si Kevin.
"Ate Jacey, oh!" depensa niya. Kukutusin ko talaga 'to sa batok sa inis ko.
"Scarlet..." saway ni Jacey habang palabas kami ng bahay.
Pinapasok na niya ako sa front seat ng kanyang sasakyan at sumakay na rin siya.
Nagsimula na siya magmaneho papuntang Pampanga dahil ngayon ay dadalo kami sa Clark Aurora Music Festival.
***
"OMG! CUP OF JOE NA!"
Sigaw ko habang ginaya ko na winagawayway ko ang aking cellphone na naka-bukas ang flashlight.
Kinakanta nila ngayon ay Mananatili kaya sumingit ako para makalapit sa unahan.
"'Wag mo nang pigilan pa, mga mata'y 'di nakatingin sa iba, kaya..." kanta ni Gian ang vocalist nila na sobrang gwapitong dentistry.
"MANANATILI! SA IYONG TABI MAGDAMAG! ATING PALIGID! HINDI NA NATIN NAPAPANSIN!" malakas na pagkanta ko at tumingin ako kay Jacey pero hindi ko na siya kasama.
Nawawala siya.
Kinabahan ako. Naalala ko sa sobrang excited ko hindi ko siya hinila sa pwesto ko ngayon kaya umalis ako para hanapin siya.
Masyado nang madilim kaya naman sobrang hirap ako hanapin. Tinatawagan ko rin siya. Hindi nga lang sumasagot.
Paano ko siya hahanapin? Sa laki ng venue ang hirap hagilapin siya. Ang sakit na rin ng paa ko kakahanap sa kanya. Pagod na rin akong hanapin. Simula pa lang ng kanta ng Cup of Joe nawala na si Jacey.
At ngayon, pinagmasdan ko ang hot air baloon sa langit. Ang saya sana kung kasama ko lang si Jacey habang tinatanaw ang hot air balloon sa langit. Pinicturan ko ito.
Tumingin ako sa relo. Mag-alas syete y media na pero hindi ko pa rin siya mahagilap. Kaya nag-isip ako kung saan ko siya makikita.
Pumunta ako sa entrance at mukhang nahanap ko na nga siya.
"Jacey!!" may tumawag sa kanya at hindi ko akalain nandito si Megan. Siya ang tumawag kay Jacey.
Tatawagin ko sana siya pero naunahan ako ni Megan.
"Buti na lang nakita kita. Halika na si Adie na ang next." pag-aya ni Megan sa kanya pero pumiglas siya sa pagkahawak ng kamay niya.
"Stay away from me. I need to find Scarlet." pagtanggi niya at nakita kong nadismaya si Megan.
"Fine. Sasamahan kita dito." pagpupumilit niya.
Ang kapal talaga ng mukha para umagilid siya kay Megan. Naiinis ako habang tinitingnan sila.
"Just go." malamig na sabi ni Jacey sa kanya pero hindi pa rin siya nagpapatinag.
"Ayaw kitang iwan." natawa ako sa sinabi ni Megan.
Siya nga 'yong nang-iwan sa kanya? Ang lakas talaga ng loob para umagilid sa kanya.
"I said stay away from me. Kapag nakita tayo ni Scarlet. Magseselos 'yon. I don't want to ruin our date because of you." iritang sabi ni Jacey sa kanya.
"I need to say something about you..."
Pakiramdam ko hindi ako masisiyahan sa sasabihin niya...
"I don't care what you are talking about." pagdededma ni Jacey sa kanya.
"I'm still in love with you, Jacey. Bakit ang bilis mo kong palitan?"
Napatingin si Jacey sa kanya at hindi sumagot.
"Bakit ang bilis mo magmove-on?"
Dinedma niya lang ito.
"Ano bang mayroon kay Scarlet na wala ako?" lumipat ng pwesto si Jacey dahil naiirita ito.
"Magsalita ka naman oh." sigaw ni Megan na biglang nagtinginan ang ibang tao sa kanila. Hinawakan ito sa braso para tingnan siyang maigi mata sa mata.
"She is the most precious in the world that needs to be kept in my heart, Megan. At hindi ko pagkakaila na siya yung ninanais kong babaeng makasama habang buhay. Kaya niya akong panindigan. Hindi siya katulad mo na duwag." seryosong sabi ni Jacey at pumiglas siya.
"I need to find Scarlet..."saka niya iniwan ito.
Pero lumapit ako sa kanya at hinalikan siya..
Hindi ako nagkakamali sa pinili kong mahalin.
Dininggin ni Lord ang aking panalangin na siya ang taong gusto ko makasama. Alam kong nakakatakot mahulog sa isang tao. Pero tinaya ko ang pagmamahal kahit may kapalit ito. Basta alam kong taos-puso ako nagmamahal sa kanya.
Sinubukan ko kahit alam kong may masasaktan akong tao. Alam kong ang dami kong pinadaan pagdating sa pag-ibig. Ako palagi nasasaktan ika nga. Iniiwan mag-isa.
Ginawa ko ang lahat para manatili sila sa tabi pero sa huli hinayaan ko na lang sila kung ayaw nila sa akin. Yun yung mga taong hindi karapat-dapat mahalin. Pero noong nakilala ko si Jacey, hindi ko inaasahan na mahulog sa kanya ng ganito.
Siya rin ang dinalangin ko na mamahalin niya ako pabalik. Siya ang dumating sa buhay ko na kay gandang tingnan at madama tuwing umaga hanggang gumabi.
Naniniwala ako na siya na talaga.
Wala nang katanungan sa aking isipan dahil alam ko na ang sagot sa mga katanungan ko simula pa lang ng storya namin dalawa.
"I think I'm in love with you, Jacey."