"Ate! 'Yong niluluto mo masusunog na!"
Nakingiti ako habang tinitingnan ang aming pag-uusap sa text ni Jacey. Sasamahan niya raw ako kung saan ako pupunta ngayon. Pupunta lang naman ako sa police station dahil nga tumawag sa akin si Chief Anthony na gagawa sila ng sketch ng suspect. Sinabi ko naman na hindi na kailangan. Magpapasama na lang ako kay Francis. Pero gusto niya pa rin samahan ako dahil ayaw niya ako mag-isa. E, kasama ko nga diba si Francis.
Siguro ayaw nitong kasama ko si Francis kaya siya talaga may gusto samahan niya ako.
"Ate naman. Parang gusto mo mawalan ng bahay 'di oras?" rinig kong reklamo ni Kevin na siya na ang nagluluto sa kusina habang busy ako sa pakausap sa text si Jacey.
"Sasamahan pala ako ni Jacey sa police station."
Napatingin siya sa akin, "Bakit kasama siya, Ate?" tanong niya.
"Gusto niya lang samahan ako sa pulis." sabi ko at iniwan ko ang aking phone sa lamesa, "Ako na rito." sabi ko kay Kevin habang nagp-prito ito ng tilapia.
"Eh, baka naman maglandian pa kayo sa police station?" biro ni Kevin kaya naman binato ko siya ng pamunas dito sa lababo.
"Anong akala mo sa akin gano'n ako kalandi umabot pa sa police station." iritang sabi ko sa kanya.
"Kapag nakikita ko kasi kayong dalawa ni Ate Jacey parang gusto niyo magloving-loving sa kama. 'Yang mga titig niya sayo, ang lagkit. Hindi maalis." narinig ni Irene pagkalabas ng kwarto.
"Ano po yung loving-loving?"
"Ikaw mag-explain sa bata." hamon ko sa kanya.
"Eto." paninimula niya at pinakinggan ko ito ng mabuti, "Alam mo yung dalawang tao magkasama sa isang kam—" inakbayan ito pero binatukan ko siya.
"Ano tinuturo mo sa bata. Itigil mo 'yan." suway ko kay Kevin.
"Pinapa-explain mo ko kay Irene tapos pinapatigil mo ko." busangot niya.
"Bawal sa batang katulad niya 'no? Bad Influence ka talaga." tinulok ko siya para umupo na sa hapag-kainan.
Bigla kaming nakarinig ng pagbukas ng gate. Nagkatinginan kami ng kapatid ko. Inutusan ko si Kevin kung sino ang nagbukas ng gate.
"Si Lola." bigla akong nataranta.
Nagmadali kaming ilagay sa plato ang ulam namin. Naghain ako ng kanin sa lamesa para sa magiging hapunan. Napansin namin nagtanggal ng tsinelas ang Lola kaya naman agad na kinuha ang pinamili ni Lola.
"Namelengke ka na naman magisa, 'la." puna ni Kevin sa mga dalahin ni lola. Ako kasi palagi kasama niya tuwing pumupunta siya ng palengke. Ngunit hindi kami okay, siya ang mag-isa.
"Sa susunod tulungan mo Kevin si lola pumunta ng palengke." bilin ko kay Kevin at napa-thumbs up ito sa akin.
Ako naman dedma lang ako. Alam kong hindi naman ako kakausapin ni lola. Bigyan ko raw ng oras para mag-isip-isip siya.
Sana dumating ang oras na tatanggapin niya ako.
Dumeretso siya sa kwarto niya agad at umiwas ako sa pagkakatinginan namin ni Kevin. Bumuntong-hininga na lang ako.
Wala tayo magagawa kundi hayaan muna siya.
Kumain ako ng tahimik at pagkatapos kong kumain nilagay ko na sa lababo dahil si Kevin ang nakatoka maghugas ng pinggan. Dumeretso na ako sa kwarto para mag-ayos ng sarili. Mga ilang minuto na lang darating na rin si Jacey sa bahay.
Kaya naman dali-dali ako mag-ayos. Nagpaalam na ako kina Kevin at Irene na aalis ako dahil pupunta kami sa police station. Balitaan ko raw kung ano na nangyari sa kaso ni inay.
Narinig ko nagbusina ang sasakyan ni Jacey. Sumama pa nga ang dalawa kong kapatid sa mismong tapat ng gate para kawayan si Jacey.
"Hello! Ate Jacey!" sabay nila pagbati kay Jacey.
"Hello, kids." maligayang bati niya.
"Tara na, Jacey." sumakay na ako sa front seat.
"Ay! Wala man lang tawagan like 'babe', 'baby' or 'tangi'. Ang plain mo talaga, Ate." lakas talaga mantrip ni Kevin sa akin ngayon.
"Tse! Pumasok na kayo. Hinahanap na kayo ni Lola." inis kong sabi ko.
"Isang tawag ng 'baby' lang..." asar pa rin ni Kevin.
Itong kapatid ko pasimuno talaga. Wala ba 'tong ginagawang iba para mawala ang atensyon para asarin ako. Pustahan mang-aasar na naman 'to pag-uwi ko.
Nakaramdam ako ng mainit sa aking pisngi, "Dali na, Ate." pangungulit ni Kevin at narinig kong tumatawa si Jacey.
Tumingin ako kay Jacey kahit sobrang hiyang-hiya ako sa trip ni Kevin.
"Babe, tara na."
Sa kilig ni Kevin tinulak niya ng malakas ang kanyang kapatid niya buti na lang hindi ito na-out of balance. Ito talaga si Kevin parang 'di turing kapatid si Irene. Nagreklamo tuloy si Irene sa ginawa niya.
"Okay, babe." asar ni Jacey sa akin at sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano ginagawa ko bakit ang sama ng tingin mo sa akin, babe?" inirapan ko siya dahil hindi ako natutuwa.
Kasi naman kasalanan nito ni Kevin. Nakakainis.
"Tara na kasi." pamimilit ko. Hindi pa kami nakakaalis dahil patuloy pa rin sila pinagtitripan ako.
"Bakit ba kasi trip niyo ko?" naiiritang sabi ko.
She patted my head, "You're so adorable... when you're annoyed." sabi niya.
"Adorable ka dyan. Hindi pa ba tayo aalis?" Tiniklop ko aking braso dahil nababanas na ako sa kanila.
"Aalis na, babe."
"Isa pa. Lalabas ako ng kotse." pagbabanta ko sa kanya pero hinawakan niya ako sa braso.
Umimik na si Jacey at kumaway na ito kina Irene at Kevin. Nagsimula na siya magmaneho. Nagulat ako kinuha niya ang aking kamay para hawakan niya. Kadalasan niya na ito ginagawa tuwing magkasama kaming dalawa. Hinahawakan niya ako sa kamay habang nagmamaneho.
She is so sweet.
I guess I know her love language. Physical Touch. She always hugs me and holds my hand. Gusto niya malapit ako sa kanya. Lalo na hinalikan niya ang aking kamay habang nagd-drive siya.
I can see that she's in love with me.
Hindi ko naman maitatanggi na mahal niya ako. Sa lagay na yan parang gusto na niya ko iuwi sa bahay niya. Manatili nandon sa tabi niya.
Sana ganito na lang kami ni Jacey.
"We're here." sabi ni Jacey.
Napansin kong nasa tapat na kami ng District 7 Police Station para isagawa ang sketch.
Lumabas agad ako at mukhang pagbubuksan ako ng pinto pero nauna na ako.
"I am supposed to open your door." napasimangot si Jacey sa ginawa ko.
"Hindi mo naman ako kailangan maging gentlemen sa paningin ko. Kasama lang kita. Okay na ako." pinisil ko ang kanyang pisngi para ngumiti siya.
"Pero gusto kita pagsilbihan."
Bumugso ang aking damdamin sa kanyang sinabi at umiwas ako ng tingin. Tumingin ako sa paligid. Mukhang wala naman nakakakita sa amin.
Hahalikan ko na si—
"Taho!"
Nagulat kami kaya naman tumalikod kami nagkunwari wala kaming ginagawa. Tumingin kami sa taong nagbebenta ng taho na pasan niya ang kanyang dalawang timba. Nakatingin siya sa amin na mukhang nagulat siya.
Nakita niya ang ginawa ko. Nakakahiya. Ramdam kong uminit ang magkabilang tenga ko.
"Mukhang h-hinihintay na tayo s-sa loob." Hindi ko alam kung ano gagawin ko.
"Yeah. Let's go." sambit ni Jacey at hinawakan niya ang aking kamay para umalis kami sa pwesto. Narinig kong sinara niya ang sasakyan niya bago kami umalis.
Pagkapasok namin sa police station, sinalubong kami ng dalawang pulis.
Tumingin sila sa aming kamay kaya naman pumiglas ako at nagpanggap na walang nangyari.
"Anong pakay niyo?" napatingin ako sa kanyang nameplate na nangangalang Sir Kenneth.
"Nandyan po ba si Detective Chan?" tanong ni Jacey sa kanila.
"Nandito po. Bakit Madam?" sagot nito. May nakarinig sa usapan namin kaya naman hinanap agad si Detective Chan.
"Hindi kami nakapunta noong last Monday na dapat pupunta kami para tulungan namin sila gumawa ng sketch ng suspect sa pagkakidnap kay Scarlet." tumango lang si Sir Kenneth.
Sinabi ng kasama nilang pulis na papasukin na raw kami at doon daw kami sa table ni Sir Ronny. Sinundan namin si Sir Kenneth para ihatid kami sa table niya ngunit marami ako bulung-bulungan ng mga pulis na naririnig ko.
"'Di ba 'yan yung anak ng biktima?"
"Oo. Huwag kang maingay. Baka marinig ka."
"Wala pa rin ba usad ang mga pulis?"
"Wala pa. Wala nga sila mahanap na ebidensya. Mag-iisang taon na."
"Balak nga ipa-basura ni Chief ang kaso dahil wala talaga sila mahanap. Kahit man suspect wala din."
"Meron na raw suspect... yung kumidnap kay Scarlet."
Napatingin ako sa kanila. Nagpanggap sila na may ginagawa.
Ano itatapon lang ang kaso? Alam na agrabyado na nga ang buhay ni inay. Nakahiga pa rin siya ngayon sa ospital at hindi pa nagigising. Tapos sasabihin nila na itatapon lang nila dahil wala sila mahanap?! Gano'n na lang yon? Hindi ba nila alam gaano kasakit sa amin na nakikitang naka-coma pa rin ang inay ngayon.
Napatigil kami sa paglalakad at pinaupo kami ni Sir Kenneth sa upuan.
"Bago kayo mag-umpisa, may gusto lang ako itanong sa inyong dalawa."
"Tutal magnobya kayong dalawa, baka may tumututol sa inyong pagmamahalan kaya ginawa ng kidnapper sa inyong dalawa? Wala ba kayong maisip kung sino ito?" sabi ni Detective Chan sa amin.
Ha? Nobya? 'Kami' ba?
Pinakilala ba ako ni Jacey na magnobya kaming dalawa?
Saka kung pag-uusapan natin sino ang tutol, ang naiisip ko lang si Megan at ang Lola ko. Siyempre given na walang kinalaman si Lola dito. Mahina na ang katawan niya at imposible na lola ko ang kumusap sa akin dahil alam ko ang itsura ng kidnapper.
Baka si Megan.
Malaking tsansang siya 'yon. Naalala ko na gusto niya bumalik kay Jacey noong nasa Music Festival. Nahuli ko siya nagmamakaawa pa nga ito sa kanya. Alam kong mahal niya pa rin si Jacey at gagawin niya ang lahat para bumalik siya. Siguro siya ang naiisip kong kumidnap sa akin para bantaan kung ibibigay niya ang ebidensya. Basta magawa ko lang ang kondisyon niya maging kami ni Jacey. Baka gusto niya saktan kaming dalawa ni Jacey para mapasakanya ang mahal niya. Naalala ko rin na pinakiusapan niya ako dati na tulungan ko si Jacey magmove-on para lang bigyan niya ako kapalit na five hundred thousand. Tinanggap ko yon sa kalagitnaan ng pangangailangan ko.
Kailangan kong makausap si Megan. Kung madadaan lang naman sa usapan. Pwede niya ibigay sa akin ang CCTV footage.
I will do everything para makuha ang ebidensya.
Ngunit wala akong balak sabihin sa kanila kung sino ang naisip kong suspect. Mas naniniwala akong tutulungan ako ng detective na hawak ng tatay ni Ced. Umaasa akong bibigyan niya ako ng magandang balita tungkol sa pagkabunggo sa aking inay.
Back to the reality, wala kaming naisagot sa tanong ni Detective Chan. Napabuntong-hininga na lang ito.
"Go Ahead. Umpisahan niyo na ang pagsketch." utos ni Detective Chan at tuluyang umalis siya habang nakatingin siya sa kanyang notebook.
Nagsimula na magpasketch si Jacey at mukhang kabisadong-kabisado ni Jacey kung ano ang itsura ng suspect.
"Wait lang... bakit kabisado mo ang kumidnap sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Pumunta ako sa lugar kung saan binigay sa akin ang location kung saan ka kinidnap. Nadatnan ko siya nando'n." sabi niya sa akin.
"Sumugod yan mag-isa. Buti na lang walang balak sa kanya ang kidnapper." sabi ng sketcher.
"Delikado, Jacey. Huwag na huwag mo na gagawin 'yon." sabi ko sa kanya at tumango lang siya.
"Yes, babe.." mahinang sabi niya at binunggo ko ng aking binti ang binti niya para manahimik siya.
Hindi pa rin ako tatantanan sa 'babe' na yan.
Pinagpatuloy ulit nila ang kanilang ginagawa at ako naman pinapanood ko lang kung paano gumuhit ang isang sketcher. Malapit na rin siya matapos habang sinasalaysay ni Jacey kung anong itsura nito. Pagkatapos gumuhit si kuya, nagpasalamat kami sa kanya. Ipopost daw ito sa mga pader at poste baka may makakita sa kanya at maalarma ang iba para tulungan kami.
Lalabas na kami ng police station para umalis dahil may gig pa ko mamaya pasadong alas sais.
"Scarlet..."
Napalingon ako kung sino ang tumawag sa aking pangalan.
Si Ced.
Mahigpit na yakap galing sa kanya ang natanggap ko na parang hindi kami nagkita simula noong nagfamily dinner kami dati.
Kumalas siya sa pagkayakap niya sa akin at hinawakan pa rin ako sa magkabilang braso.
"Are you okay?" Chineck niya ako kung okay ako.
"Y-yes...." Hindi ko alam kung bakit siya ganito kaalalang-alala sa akin pero kita ko sa kanyang mga mata puno ito ng pag-alala sa akin.
"Hindi mo sinabi sa akin na nakidnap ka. Nabalitaan ko na lamang kay detective nangyari sayo." pag-alalang sabi niya.
"I am safe now." ngiti kong sabi sa kanya.
"I am worried to you... Magpaparequest ako kay Dad ng protection to you and your family." nagulat ako sa sinabi niya.
"No need. Hindi siya katulad ng ibang kidnapper na na idadaan sa dahas ang kailangan niya, she wants revenge on me." sabi ni Jacey biglang lumapit siya kay Ced.
"Bakit nadamay pa si Scarlet?" pag-aalalang niyang tanong.
"Alam niya ang kahinaan ko. She will destroy whoever is close to me." tugon ni Jacey sa tanong ni Ced.
Tama siya. Sabi nga ng kidnapper it will start with me. She chose me dahil ako ang malapit sa kanya na pwede ko siyang saktan. Sa simula pa lang alam kong gustung-gusto ko makuha ang evidence para sa hustisya ng aking inay. Alam kong masasaktan ko si Jacey sa naging desisyon ko. Gusto ko sabihin sa kanya pero wala akong lakas na loob. At hindi na siguro kailangan pa niya malaman baka maging kumplikado pa ang lahat.
Basta I'll focus na maging kami ni Jacey para mapadala ng kidnapper ang CCTV sa akin.
"What do you mean, Justine?" tanong niya kay Jacey.
"I am in love with Scarlet..."
"You're kidding me right? She's straight, Justine. Huwag mong guluhin ang buhay ni Scarlet because you're lesbian." hindi makapaniwalang sabi ni Ced.
Magsasalita na sana si Jacey pero inunahan ko na siya.
"I'm not straight, Ced. When I met Jacey I could feel the tension between her. Oo, straight ako pero kakaiba yung feeling na kasama ko si Jacey. I feel comfortable with women like her. I hope you understand." depensa ko sa kanya.
Kita kong naguguluhan pa rin siya.
"But you're into guy din diba?"
"What do you care? What are you going to do about it?" paghahamon na sabi ni Jacey sa kanya.
"Jacey, stop."
"I still love her." nagulat ako sa sinabi ni Ced and he smiled at me again. Hindi ko pagkakaila na ang gwapo niya ngumiti lalo na bagong ahit ang kanyang balbas niya.
Naalala ko naman ang masasayang alaala namin na hinaahit ko ang kanyang balbas habang nakayakap siya sa akin na nagtatawanan kaming dalawa dahil nilagay ko ang shave cream sa kanyang ilong.
"You can't. She's mine already." pang-aangkin ni Jacey sa akin at hinila niya ako gamit ang aking bewang.
"Huh? Hindi pa tayo." bigla ko na lang nasabi ito sa kanya at nagulat si Jacey sa aking sinabi.
Napansin kong ngumiti ng bahagya si Ced.
"See? Hindi pa kayo." sabi niya kay Jacey at nanliit ang mata nito. "It's okay to you na ligawan kita?" nakipag-kamayan ito sa kanya pero hindi pinansin ito.
"Alam mo mapagbiro ka talaga." pinalo ko sa braso si Ced pero kinuha niya ang aking braso.
Kita kong seryoso siya nakatingin sa akin. Naalala ko na naman ang mga oras na hindi ko siya binigyan pansin. Natatakot na kapag bumalik ulit nararamdaman ko sa kanya, masasaktan ko na naman siya.
"Alam mo naman kung seryoso ako o hindi." sabi niya sa akin.
"Pero Ced, bakit ako pa rin? Alam mo naman nasaktan na kita. Liligawan mo pa rin ba ako kahit alam mong iniwan kita dati?"
"Meron akong tiwala sayo na hindi mo na uulitin ang ginawa mo sa akin. We can share each others burdens as you told me the reason why you left me." nakangiti niyang sinabi sa akin at hinawakan ko ang kamay ko, "Noong nalaman ko na nakidnap ka, I can't stop worrying and thinking about you. I don't want to lose someone very important to me. Gusto kita iligtas noong nalaman ko ang balita kay Detective. Pero hindi tayo masyadong malapit sa isa't isa. Maybe if I was there, I can protect you."
"Give me a chance to be close with you again, Scarlet." napahilamos na lang ako sa mukha gamit ang aking kamay dahil gulung-gulo ako.
Kailangan ko muna mag-isip isip kaya iniwan ko silang dalawa doon at pumunta ako sa Juxred Bar.
Napabuntong hininga na lang ako pagkapasok ng bar. I don't know kung ano uunahin ko. Uunahin ko ba mag-isip o magtrabaho ngayon. Tinawag na ako sa stage ni Hero para magstart na kami.
I don't have much time to be ready pero bahala na.
Go with a flow ako kumakanta kahit gulung-gulo ang aking isip. Kinakanta ni Hero ang 'The One that Got Away' ni Katy Perry habang ako naman naggigitara. Hindi ko sinasadyang maisip na si Ced ang kumakanta. The way I look at him, si Ced talaga ang nagpapakita sa akin. Hindi ako makapagfocus maggitara kaya napatingin sa akin si Leo sa akin.
Bakit pa kasi TOTGA ni Katy Perry ang tinugtog. Nakakadistract tumingin kay Hero. Si Ced nakikita ko sa kanya.
"What's wrong?" mahinang sabi ni Leo, "Alalayin mo si Hero."
Ginawa ko naman ang inutos sa akin ni Leo pero after our gig. Kinausap ako ni Leo tinatanong kung anong nangyayari sa akin. Bakit daw mali-mali ang chords na tinutugtog ko.
"Hindi ko kabisado...."
"TOTGA yan ni Katy Perry at madalas na natin yan tinutugtog tuwing gig natin tapos hindi mo kabisado?" pinagalitan ako ni Leo habang naglilinis ako.
"Alam kong may gumugulo sa isip mo, Scarlet."
Kwinento ko kina Leo at Hero ang pangyayari kanina habang nagpupunas ako ng table.
" 'Yon na ang nangyari kanina."
Tinanong nila kung sino si Ced. Sinabi ko naman ang kanyang buong pangalan. Familiar daw ang pangalan parang narinig na nila 'yon dati pero hindi daw matandaan.
"So sino pipiliin mo sa kanilang dalawa?"
Napatigil ako sa paglilinis ko.
"Syempre si Jacey." sabi ni Leo sa akin.
"Ikaw ba si Scarlet?" Nag-away pa 'tong dalawang to. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.
"Scarlet, sino nga sa kanila pipiliin mo?" tanong ulit ni Hero sa akin.
Hindi ako makasagot. Ang dami kong pagkukulang sa relasyon namin ni Ced pero it doesn't mean na wala kaming pinagsamahan dati. Hindi ko makakalimutan ang pagmamahal niya binigay sa akin. Puno ito ng kasiyahan naming dalawa. Malaya at walang panghuhusga ng ibang tao.
If I can turn back time, maybe I can still be in love with him. Sasabihin ko sa kanya lahat ng bagay na gumugulo sa aking isipan. Tutulungan niya ako makabangon ulit. Baka may masasandalan akong tao sa oras na kailangan mapagsabihan ng problema.
And, we can share and bear each other's burdens.
Tinatanong ko sa sarili ko ngayon kung nakamove-on na ba talaga ako kay Ced.
Tuwing nagkikita kaming dalawa, hindi ko maitatanggi na namimis ko siya. Hindi maalis sa aking isipan ang masasayang alaala naming dalawa. Parang pakiramdam ko nagsisisi ako na pinakawalan siya nang gano'n lang.
Biglang may nagbukas ng pinto ng bar, "Sarado na po." sabi ko habang busy ako sa pagpupunas ng table.
"Scarlet."
Hindi ko namalayan si Ced pala 'yon.
May dala itong bouquet at binigyan niya ako ng matamis na tingin at ngiti sa akin.