Chapter 71 - Chapter 71

"Ang aga-aga, galit ka na naman." Puna ni Rimo habang umiinom ng tubig. Kakatapos lamg nito mag-gym nang marinig niya ang sigaw ng kaniyang ama.

"Sino ang hindi magagalit? Why won't everything fall into my hands?" Galit na tanong nito. Rimo poured some whiskey on a glass and pass it to his Dad. Nakangiti ito ngunit bakas din sa mukha nito ang pagiging seryoso.

"Hindi ka pa ba nasanay Dad? These are just a game of trial and errors. Hindi ba't matagumpay naman kayo kay Eliza?" Nakangiti pa ring wika ni Rimo.

"But we still lost her." puno ng galit na wika ni Alejandro. Ngumiti lang si Rimo at kumuha ng malinis na towel upang ipunas sa pawisan niyang katawan. He's been living with his Dad ever since kaya naman hindi na bago sa kaniya ang mga ganitong episodes ng ama niya.

"Don't worry Dad, we will find her." Wika pa niya subalit sa halip na matuwa ito ay lalo lamang nag-init ang dugo nito. Padabog itong lumabas sa gym at naiwang nakangiti pa rin si Rimo. Nang mawala na si Alejandro sa silid, bigla namang nagbago ang ekpresyon ng mukha ng binata. Ang kaninang ngiti sa mga labi nito ay napalitan ang simangot at pagkunot ng kaniyang noo.

"I'm sorry Dad, but I won't let you harm Eliza again." Bulong pa niya sa sarili bago niya tinungo ang banyo para maligo.

It's been a while since he went outside the base but still the scenery looks dull for him. Nakatayo si Rimo sa ilalim ng isang malaking puno sa gitna ng isang isang malawak na libingan.

"How are you dear?" Tanong niya, ngunit wala naman siyang kausap. Nakatingin siya sa kulay itim na lapida na napapalamutian ng mga gintong desinyo.

"Eliza is safe. But she's not with me. Hahanapin ko siya pagkatapos ng gagawin ko. I'm sorry for realizing it this late. You won't be here if not for my stupidity. I know my words won't be enough, but I'll promise to make this straight." Wika pa niya habang lumuhod sa harap ng nityo at iniaalay ang isang bugkos ng puting Lily dito. Napatingin naman si Rimo sa nakalimbag na pangalan sa lapidang iyon...

Liliana Andrews

"Mahal kong Lily, kung sana ay hindi kita iniwan sa poder ni Dad. Kung sana hindi ako umalis sa tabi mo. Kung sana hindi ako naging sunud-sunuran na parang aso kay Dad. Buhay ka pa sana, at kompleto pa ang ating pamilya." Malungkot na saad niya . Marahan niyang hinahaplos ang lapida nito na tila ba ang pisngi ni Liliana ang kaniyang hinahaplos. Puno ng kalungkutan at hinagpis ang kaniyang mga mata na sa bawat paghaplos niya ay nababakas roon ang pagsisising hindi niya matakasan.

Ilang minuto pa siyang nanatili doon bago niya tuluyang lisanin ang lugar. Tinungo naman niya ang isang restaurant uoang katagpuin ang isang tao.

Sa kaniyang pagpasok ay agad niyang nakita ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng isang simpleng asul na polo at itim na pantalon. Bahagyang magulo pa ang buhok nito at nakasuot ng itim na shades.

"Kanina ka pa ba?" Agap na tanong niya bago umupo sa harapan nito. Inalis naman agad ng lalaki ang shades na suot nito at napangiti.

"Hindi naman, halos kararating ko rin lang. Anong magandang hangin ang nagtulak sayo para tawagan ako?" Tanong ni Sebastian, bakas sa boses nito ang pagdududa.

"Bago ka magduda sa akin, makinig ka muna sa kwento ko." Sambit ni Rimo habang inaabot ang isang folder sa binata. Binuksan naman ito ni Sebastian at nagsimula nang magsalita si Rimo.

"She's Liliana Andrews, 28 years old. Dating nag-aaral sa Johnson's University, sa kursong Medisina. Isang simpleng babae, na may simpleng pangarap at masayang buhay. I met her ten years ago at the school lobby. She's a bubbly girl bringing sunshine everywhere she goes."

"Why are you telling me this?" Tanong ni Sebastian.

Mapait na napangiti si Rimo bago humugot ng malalim na hininga.

"Because she's the very reason why I am talking to you. I can help you enter my father's den without trouble. Pagod na ako Sebastian. Pagod na akong ngumiti sa tuwing nakikita at nakakaharap ko ang taong pumatay sa pinakamamahal ko. I've been fooled for almost five years, until someone showed me something. I lost my memories of her, at kagagawan iyon ng mismong Daddy ko. He used my wife in his damn experiment and he didn't even spare my child. Sa tingin mo, ganoon ako ka tigas para hindi mamuhi sa sarili kong ama?" Salaysay ni Rimo, kitang-kita ni Sebastian ang matinding pagkamuhi at galit nito kay Alejandro.

"What do you want in return?" Tanong ni Sebastian at doon lang huminahon si Rimo. Rimo mastered to control his emotions. He was like a ticking bomb ready to explode anytime he wanted.

"Nothing. All I want is to avenge my wife. I will be your key and you have to let me kill that man I called Dad. He's not my Dad anymore, that day he touched my wife for his stupid dream, he lost his title of being my father."

"Matagal ko ding pinaghandaan ito. I've been waiting for the right time to approach you. I know Mira and Dylan is inside the lab. I already talk to my people about them. " Dagdag na wika ni Rimo at iniabot ang isang usb sa binata.

"Are you sure about this?" Muling tanong ni Sebastian at tumango naman si Rimo.

"Madami na akong pinagsisihan Sebastian at ayokong masayang ang pagkakataong ito dahil lang sa nagdadalawang-isip ako." Sambit ni Rimo at napangiti naman si Sebastian. Tumango siya at mariing pinanghawakan ang mga salitang iyon ni Rimo. Nang makauwi na siya sa bago nilang hideout ay agad niyang isinalpak sa kaniyang spare laptop ang usb na bigay ni Rimo.

Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto niyang blueprint iyon ng kabuuang istruktura ng Orion's base na nasa ilalim ng lupa. They've been hiding like rats all this years. At halos nasakop ng kabuuan nito ang buong lupang kinatatayuan ng metropolis. Napakalaking bagay ng ibinigay na ito sa kanila ni Rimo. Dito niya napatunayang seryoso nga ito sa gagawing pagtatraydor sa kaniyang ama.

Samantala,

Kakamulat lamang ng mata ni Mira nang maramdaman niyang mayro'ng gumagalaw sa tabi niya. Napatitig siya sa kisame at naoagtanto niyang nakabalik na pala sila sa kanilang silid. Marahil ay dahil sa pagod o di kaya naman ay epekto ng gamot.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ng isang babae sa kaninya. Nakatayo ito sa gilid ng kama niya habang inaayos ang swero sa kaniyang braso.

"Huwag mong tatanggalin ang swero ko. Makakatulong ito para manumbalik ang lakas mo." Malumanay nitong wika. Napakaamo ng mukha nito at malambing naman ang boses nito, kakaiba sa mga unang doktor na umasikaso sa kaniya.

"Ang pangalan ko ay Margarette, tulad mo dati rin akong isang sample sa laboratoryong ito. Isa ako sa mga naging successful, subalit hindi sa antas na kinabibilangan niyo. Sabihin na nating isa akong half defective product." Nakangiting wika nito, subalit pansin niya ang pagiging mapait ng ngiting iyon.

"Magpalakas kayo, nalalapit na ang pagpasok nila."bulong pa nito bago siya nilisan. Agad niyang napansin ang dalwang lalaki na pumasok sa loob para sunduin ang doktor na iyon.

"May kakampi sila sa loob? Sina Sebastian ba ang tinutukoy niya?" Biglang naitanong ni Mira sa kaniyang sarili. Mayamaya pa ay muli siyang nakaramdam ng antok kung kaya ay minabuti na lamang niya ang matulog at magpahinga.