Dumaan na naman ang maraming buwan at naging matiwasay ang pamumuhat ni Mira, Sebastian at Aya. Bukod sa panggugulo ng pamilya ng ama ni Sebastian ay wala ng ibang nanggugulo pa sa kanila. Hindi naman maiwasang hindi mainis ni Veronica habang nakikinig sa mga kwento ni Mira nang magkita ang mga ito sa mansyon ng mga Vonkreist. Bakasyon, kaya naman muli silang nanatili doon. Kasalukuyan silang nasa garden habang si Aya naman ay nakikipaglaro sa tutang alaga ni Dylan na ipinasama niya rito.
"You know what, matagal na talagang ganyang ang ugali ng bagong pamilya ng Daddy ni Sebastian. That was the reason why I don't like having a relationship with him. Masyadong complicated, dahil na din sa dami ng nakikisawsaw na hindi naman dapat. Mag-iingat ka sa kanila Mira, dahil hindi natin alam ang tumatakbo sa isip ng mga taong yun." Muling paalala ni Veronica at napangiti naman si Mira.
"Maiba nga pala ako Vee, kamusta kayo ni Kuya Gunther?" Tanong ni Mira at napasimnagot naman si Veronica.
"Ang kuya mo? Siya na yata ang pinakabatong tao na nakilala ko. Mas malala pa siya sa asawa mo. Buti pa nga si Sebastian, naglalabas ng ka-sweet-an kapag kasama ka. Eh, si Gunther? Naku puro kasungitan ang lumalabas sa katawan." Reklamo ni Veronica na ikinatawa naman ni Mira.
"Alam mo Vee, nakakatuwa kayong dalawa ni Kuya," humahagikgik na puna ni Mira. Napataas naman ang kilay ni Veronica at napangisi.
"Sira, paano namang nakakatuwa yun? Malapit na lang, matutuyuan na ako ng dugo sa kapatid mong hilaw." Wika pa niya at hamlukipkip. Napapiksi pa siya nang biglang may tumikhim sa kanilang likuran.
"Kuya Gunther, kanina ka pa diyan?" Nakangiting tanong ni Mira at bahagyang natawa nang makitang nakapamaywang na ang kaniyang kaibigan.
"Bakit ba para kang kabute, bigla-bigla ka na lang sumusulpot." Inis na wika ni Veronica.
"Bakit, hindi na ba ako pwedeng pumunta dito sa garden ni Mommy?" Balik na tanong ni Gunther at muling napaangat ang kilay ni Veronica.
"Yeah, whatever." Pairap na sagot niya at tinungo na ang kinaroroonan ni Aya para makipagkaro dito.
"Mira, nasabi na sa akin ni Sebastian ang nangyari kahapon. Nais mo bang gawan namin ng paraan para lubayan na kayo ng pamilya ng Daddy ni Sebastian." Tanong ni Gunther sa kapatid at napangiti lang si Mira.
Umiling ito at nakangiting tumingin sa naglalarong si Aya.
"Hayaan mo na muna Kuya, hindi naman nila ako magagalaw. Tsaka nais ko ding malaman kung ano ba talaga ang tunay na habol nila kay Sebastian. Hindi sa lahat ng oras ay si Sebastian lang ang poprotekta sa akin. Kailangan ko rin protektahan ang mga taong mahalaga sa akin." Wika niya at ngumiti si Gunther. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito na animo'y natutuwa sa naging sagot ni Mira.
"Kuya hindi na ako bata." Saway ni Mira habang tumatawa.
"Kahit hindi ka na bata, you are stil my little sister. Mas matanda pa rin ako sayo at mas bata ka sa akin." Malambing na wika nito na ikinabigla ni Veronica.
Ito kasi ang unang beses na nakita ni si Gunther na magiliw na nakikipag-usap sa isnag babae. Kapag siya naman ang kausap nito ay lagi itong nakasimangot o di kaya naman ay laging pagalit na animo'y yamot na yamot sa kaniya.
"Hindi ko alam na may lambing ka rin palang tinatago sa katawan mo?" Puna ni Veronica at mapahagikgik si Aya na nasa tabi nito habang ginagaya ang reaksiyon ni Veronica.
"Anong akala mo sa akin bato?" Tanong ni Gunther habang nakasimangot. Napatitig lamang siya kay Veronica at napansin niya ang maikling shorts na suot-suot nito at may parte na doong medyo namumula. Marahil ay nasagi iyon sa matinik na parte ng hardin.
"Why are you dress like that? Tingnan mo yang binti mo nagkanda-sugat-sugat na. Ang tanda-tanda mo na para ka pa ring bata." Reklamo ni Gunther sabay lapit sa dalaga.
Doon lang din napansin ni Mira ang mga gasgas nito sa binti. Hindi niya ito agad nakita kanina dahil abala rin sila sa pag-uusap kanina.
"Kaunting galos lang yan. Baka may nasagian lang ako kanina." Sabi naman ni Veronica habang tila balewala lang dito ang mga iyon. Akmang dadamputin niya si Aya ay bigla naman siyang hinatak ni Gunther papasok ng bahay at wala itong nagawa kundi ang magpatianod doon habang binubungangaan ito.
Iyon din ang eksenang naabutan ni Sebastian at agad na lumapit kay Mira at Aya.
"Aalis lang ako saglit. Babalik ako kaagad." Sambit nito habang humahalik sa noo ni Mira.
"Saan ang punta mo?" Tanong naman niya.
"Magkikita lang kami ni Leo. Mabilis lang ako. I'll be back before dinner." Wika naman ni Sebastian at napatango lang si Mira. Hindi niya alam ngunit tila ba kinakabahan siya ng mga oras na iyon. Pero dahil wala siyang nakikita sa hinaharap ng binata ay hindi niya mawari kung saan ba nanggagaling ang kaba niyang iyon.
Nang makaalis na ito ay siya din namang pagbabalik ni Veronica na noo'y nakasuot na ng pajama.
"Mama, saan pupunta si Daddy Bastian?" Tanong ni Aya habang nakatitig pa rin sa daang tinahak ni Sebastian. Namimilig ang kulay asul nitong mata habang nakakunot ang noo.
"Umalis ba ai Sebastian? Maghahapon na ah." Nagtatakang puna naman ni Veronica at muling tumabi kay Mira. Muli silang nag-usap ngunit sa pagkakataong iyon ay nagsimula nang hindi mapalagay ai Mira. Hindi na rin siya gaanong nakafocus sa mga sinasabi at kinukwento ni Veronica dahil lumilipad kung saan-saan ang utak niya.
"Ayos ka lang ba Mira?"
"Ayos lang ako," sagot ni Mira sa tanong ni Veronica. Subalit alam ni Veronica na may bumabagabag sa kalooban ni Mira.
Kinagabihan ay nakahinga lang nang maluwag si Mira nang makita ang pagbabalik ni Sebastian. Dire-diretsong tinungo ni Sebastian ang banyo at agad na naligo. Naghihintay naman si Mira sa labas ng banyo dala-dala ang first aid kit sa kwarto nila. Paglabas nito ay agad din niyang hinatak si Sebastian at pinaupo aa higaan. Tinanggal niya ang tuwalyang nakapatong sa balikat nito at tumambad sa kaniya ang mahabang latay nito sa likod na naglandas simula sa kaliwang balikat nito hanggang sa kanang beywang ni Sebastian.
Napasinghap naman si Mira nang makita ito at agad niya ginamot iyon.
"Umuwi ka ba sa inyo? Ang Daddy mo ang may gawa nito sayo?" Naluluhang tanong ni Mira habang marahang nilalagyan ng gamot ang sugat ni Sebastian. Marahang tumango lamg si Sebastian at hindi na umimik pa. Tahimik lang ito hanggang sa matapos nang bendahan ni Mira ang kabuuan ng sugat niya.
"Paano nagagawa ng Daddy mo ito sayo Bastian? Anak ka niya. " Hindi pa rin makapaniwalang wika ni Mira. Nalulungkot siya na nasasaktan dahil sa sitwasyon ni Sebastian ngayon. Hindi makatarungan ang parusang ito para sa isang taong nagpapakatao. Marahan niyang niyakap ang ulo ni Sebastian upang ibsan kung ano man ang gumugulo sa isip nito.
"Bastian, bakit hindi ka nagsasalita? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Mira nang mapansin niya ang pananahimik nito. Tumingala naman si Sebastian at hinaplos ang mukha ni Mira.
Let's just stay like this for a while. I just need to settle my mind." Sagot ni Sebastian at niyakap ang asawa. Humugot ito ng hininga at agad niyang naamoy ang mabangong katawan ni Mira na siya namang nagpakalma sa nagwawala niyang isipan.