"Ysla Paraiso" Part 199 - Paalam sa Paraiso
Fiña's P.O.V.
Makalipas ang isang buwan, ay mapayapa kong naisaayos ang aming barko sa tulong ng mga pasahero, mga sundalo, at iba pang nga tauhan ng barko.
Hindi rin nawala ang kasiyahan sa pang araw-araw naming buhay na naninirahan rito sa masaganang Isla na pinangalanan naming "Ang Paraiso".
Kung kami lamang ang masusunod ay ayaw na naming lumisan pa sa mapayapang pook na ito kung saan sagana ang biyaya.
Magmula sa mga pagkaing prutas, isda, mga hayop at iba pa ay punong-puno ng yaman ang islang ito.
Sa bawat araw na aming iginugol sa isla ay punong-puno ito ng kasiyahan lalo na't naggagandahang mga katauhan ang kasama naming manirahan rito. Sa pangunguna ng napakahandang si Ysla Paraiso, ang malamang si Chef Katya Kagandahan, at ang mala-dyosang kapitana na walang kung hindi ako si Captain Fiña Malaya.
"Kapitana!" Sigaw ni Sarhento Yatko. "Magpaalam na po kayo, handa na pong umalis ang barko."
"Sige sandali lang, Katya tara na." Anyaya ko kay Katya na maluha-luha pa ang mga matang tumititig sa Isla.
Naglakad kami patungo sa dalampasigan, hanggang sa marating namin ang aming destinasyon.
"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Paalis na kami mamaya, maiiwan kang mag-isa dito pero nag-iwan rin kami ng mga gamit na mapapakinabangan mo." Saad ko.
"Hindi na talaga eh, alam mo naman kung ano ang trabaho ko at kung saan ako kilala. Bukod pa roon ay wala na akong magulang o kahit sino pa mang pwede kong balikan sa Pilipinas." Sagot ng aming matalik na kaibigang si Ysla Paraiso, na nagdesisyong mamalagi sa Isla sapagkat napamahal na siya rito ng husto at dito raw niya nahanap ang kapayapaang kaniyang matagal nang pinaka-aasam.
"O, sige mag-iingat ka palagi ah? Pangako, kahit anong mangyari babalikan kita para dumalaw sa Islang ito. Hintayin mo ang pagbabalik ko Y-Ysla ah?" Naluha na ako sa dulo ng pamamaalam kong iyon, at hindi ko na napigilang yakapin ang kaibigan kong si Ysla na matagal ko nang nakakasama noon pa mang panahon ng aming kabataan.
"Ysla~ huhu~" Umaatungal namang ani Katya bago yapusin kaming dalawa ni Ysla.
Alam kong nais rin niyang isama o samahan si Ysla kagaya ko, dahil alam naming pareho na buong buhay ni Ysla ay wala itong nakasama kundi ang kaniyang sarili lamang.
"Magluto ka lang palagi ng masasarap na pagkain ah? Katya?" Pagyapos ni Ysla kay Katya na patuloy sa paghagulhol.
"Huhu~ ito oh~ nagluto ako ng madaming cookies para sayo~ siniguro kong magtatagal ng ilang taon yan, k-kaya hintayin mo kaming dumalaw ni Fiña ah? Pangako hahanapin namin ang islang ito kahit ano pa mang mangyari, babalik ako para ipagluto ka ng masasarap na pagkain Ysla." Ani Katya, at mukhang hindi pa ito tapos magpaalam dahil biglang bumaba ang kaniyang mga tauhan mila sa barko na may dala-dalang malaking lalagyan.
"Sayo na to Ysla, may mga pangluto at pagkain diyan. Siniguro kong hindi ka magugutom bago ako umalis sa tabi mo." Umiiyak na ani Katya.
"Maraming salamat sa lahat, Katya mahal na mahal kita." Mahigpit na Yakap ni Ysla kay Katya.
"Magpapahuli ba naman ako? Ito may lamang mga survival kit yan na siguradong mapapakinabangan mo." Ani ko kay Ysla bago ipakita ang napakalaking bag na bitbit ko.
"Mahal na mahal ko kayong dalawa, Fiña, Katya..." Tumutulo ang mga luha sa dalawang mg mata ni Ysla na bibihirang kong makita magmula pa noon.
"Hintayin mo kaming makabalik dito, Ysla. Mahal na mahal ka naming lahat." Niyakap ko si Ysla ng napakahigpit at tila ba ayaw ko nang bumitaw.
"Sige na, hinihintay na nila kayo. Maghihintay ko, pangako ko yan. Hihintayin ko ang pagdalaw ninyo sa akon." Ani Ysla bago namin tapusin ang aming mahigpit na pagyayakapan.
Lumakad kami ni Katya papabalik sa barko.
"Paalam!" Sigaw naming pareho nang makalayo kay Ysla.
Ipinangako naming lahat ng mga nakasama ni Ysla na hindi ipapaalam kanino man na nagpa-iwan siya sa Ysla, at siya ay palabasing namatay habang kami ay namamalagi roon.
Bakit? Dahil sawang-sawa na si Ysla sa magulong pamumuhay sa mga syudad ng bansa kung saan maaari lamang daw siyang magkasakit dahil sa tindi ng polusyon o di kaya'y maging biktima ng karumal-dumal na krimen. Sawang-saw na rin daw siya sa mga corrupt na politiko na ang iba pa rito ay niyayaya siyang maging kabit, pinagbantaan rin ng mga ito ang kaniyang buhay kung hindi siya papayag sa kanilang mga naisin.
Kaya naman naniniwala akong mas ligtas si Ysla kung mamamalagi siya sa lugar na ito kaysa bumalik pa sa bansa.
"PAALAM YSLA!!" Sigawan naming lahat sa barko kay Ysla na kumakaway sa dalampasigan, suot-suot nito ang kaniyang seksing-seksing black bikini na talaga namang nahpapakita ng magagandang kurba ng kaniyang katawan kahit pa sa kalayuan.
Walang ano-ano'y bigla na lamang siyang naghubad ng kaniyang bra at iwinagayway iyon sa ere.
"Hay nako, Ysla hanggang sa huli ikaw pa rin ang nais ng mga lalaki dito." Napabulong na lamang ako sa hangin matapos matanaw ang mga kalalakihang kumakaway ng paalam kay Ysla at hanggang naguong ay titig na titig pa sa katawan niya, ang iba sa kanila ay masayang lumuluha.
Gayunpaman, sigurado akong pinaisa ni Ysla ang lahat ng mga lalaki rito at binigyan pa niya ng kaniyang mga kagamitan kagaya ng underwears at sex videos kasama sila. Kaya naman paniguradong hinding-hindi mawawala si Ysla Paraiso sa kanilang mg isipan.
"Fiña, dinalhan kita ng banana cake." Ani Katya na bumasag sa aking pagungulila kay Ysla.
"Salamat." Tipid kong sagot.
"Makakabalik tayo, magtiwala ka lang." Saad ni Katya nang tila ba nabasa niya ang laman ng aking isipan.
"Oo naman, ako pa ba. Kapitana ako no? Kaya ikaw siguraduhin mong magluluto ka ng masasarap na pagkain ah? Lalo na yung mga paboritong kainin ni Ysla para pagbalik niya matikman niya pa rin yung masasarap na mga lutuin mo." Utos ko kay Katya.
"Hahaha, oo naman." Pagtaw naman ni Katya gayong bakas pa rin ang kalungkutan sa kaniyang maluha-luhang mga mata.
"WOOOOHHOOOOOOO~!!!!!"
Pareho kaming napatinging muli kay Ysla nang maghiyawan ang lahat ng mga kalalakihan sa barko.
Dahan-dahan na palang hinuhubad nito ang panty ng black bikini niya at ibinalandra ang kaniyang magandang katawan habang nakapameywang na parang isang magandang modelo na mala-diyosa ang tinataglay na kagandahan at kaseksihan.
Sa isip ko ay ako'y napasabi na lamang ng mga katagang. "Ang sarap mo talaga, Ysla~"