"Ysla Paraiso" Part 177 - Ang Kalbaryo
Fiña's P.O.V.
"Anong ibig ninyong sabihin!?" Galit na sigaw ko habang kausap ang mga tauhan ko.
"Ma'am wala po talagang signal dito sa bundok, umakyat na rin po kami sa pinaka-tuktok pero wala pa rin po kaming nakuha." Sagot ng isa kong tauhan.
"Kung ganon hindi tayo makakahingi ng tulong mula sa labas?" Tanong kong muli sa mga ito.
"Mukhang ganoon na nga po Ma'am, wala po tayong ibang pag-asa kundi ang hintaying maayos ang sira ng barko." Sagot ng aking tauhan.
"Magpahinga na muna tayo, bukas na bukas din ay babalik tayo sa barko upang ayusin ito. Lahat ay tutulong upang makaalis na tayo sa lalong mas madaling panahon!" Galit kong sabi sa kaniya.
Ilang araw rin naming tinahak ang daan papunta rito sa bundok ngunit wala naman pala kaming mapapala siguradong madidismaya ang mga tao sa balitang ito at pagdududahan ang kakayahan ko bilang isang kapitana.
Tumungo na lamang ako sa tent ko at saglit na naidlip, nais kong mamahinga at makalimutan ang aming kasalukuyang sitwasyon.
Nang nagising ako kinagabihan ay kaagad akong umisipnng paraan upang makuhang muli ang loob ng mga tao at mapigilan ang mga ito na pagdudahan ang kakayahan ko, dahil kung sakali ay maari akong malagay sa alanganin kapag nalaman nilang walang silbi ang mga utos naibinibigay ko.
Isinuot ko ang bathing suit sa ilalim ng aking night gown bago maglakad-lakad sa labas, iniwan ko rin ang baril ko sa aking tent dahil hindi ko naman ito kakailanganin sa gagawin kong hakbang.
Hinanap ko si Yatco at ang pangkat ng mg sundalong pinamumunuan niya ngunit hindi ko sila makita kahit saan man.
Buti na lamang at may nakasalubong dalawang lalaki na amoy alak na palaging nakakasama ng mga sundalo.
"Magandang gabi~ nakita niyo ba kung nasaan si Yatko at mga sundalo~" Tanong ko sa mga ito.