"Ysla Paraiso" Part 134 - Sa Tabing Ilog
Sa labas ng tent ay sinalubong ako ng preskong hangin, tahimik ang kapaligiran at walang lamok na kumakagat sa aking balat.
Tanging liwanag lamang buwan at kalmadong tubig ng ilog ang aking natatanaw sa di kalayuan habang napapaligiran ng matataas na kakahuyan.
Bigla akong nagdalawang isip na nasa Pilipinas ang islang aming napuntahan sapagkat kung naroon nga kami, ay kanina pang pinapapak ng mga lamok ang hubarang katawan ko.
Humakbang ako papalubog sa tubig ng ilog at inilapat ang aking talampakan sa katubigan upang alamin kung gaano kalamig ang tubig roon.
Maaligamgam lamang naman ito at saktong-sakto lamang upang banlawan ang aking katawan.
Patuloy kong inilubog ang paanan ko hanggang sa mailubog ko ang kalahati ng aking katawan hanggang sa umabot ang tubig sa itaas ng malulusog kong mga dibdib.
Sakto lamang ang lalim nito upang aking paliguan at saglit na kalmahin ang sarili upang maayos na makapagisip-isip.
Habang naliligo sa ilalim ng tubig ay dinarama ko ang marahang pagdaloy ng alon, at sinubukang magpadala rito.
May iilan-ilan rin akong nakikitang makukulay na isdang lumalangoy sa tubig kaya't sumisid ako upang sila'y pagmasdan.
Napakaganda ng ilog na ito, lalo na sa kailaliman na imbis na putik ay mapuputi at pinong buhangin ang natatapakan kagaya ng mga nagkalat sa dalampasigan.
Tila ba isang paraiso ang nakikita ko habang sumisisid sa ilog na ito.
Ngunit biglang nabulabog ang kagandahang iyon nang maramdaman ko ang isang kamay na biglang sumapo sa isang dibdib ko.
Nilalamas-lamas niya iyon, at pinipisil-pisil na tila ba ito'y kaniya nang pagmamay-ari. Sunod niyang hinimas-himas ang aking hubarang mga hita at puwetan.
Doon ako nakaramdam ng takot sapagkat wala akong dalang armas upang ipagtanggol ang aking sarili sa sinomang humahawak sa hubad na katawan ko.
Inipon ko ang aking buong puwersa at umahon bago sampalin ang pagmumukha ng lalaking humawak sa aking maseselang bahagi.