Chereads / Ysla Paraiso / Chapter 132 - Ysla Paraiso Part 132

Chapter 132 - Ysla Paraiso Part 132

"Ysla Paraiso" Part 132 - Pagbalik sa Isla

Captain Fiña's P.O.V.

Matapos kong pag-utusan si Katya na pasiyahin ang mga lalaking pasahero ng barko ay gumayak ako papabalik sa misteryosong islang ito.

Kasama si Sarhento Yatko at dala-dala ang aming mga kagamitan at tinungo namin ang isla.

"Tayong dalawa lang ba ang bababa ng barko?" Tanong sa akin ni Yatko.

"Bakit? May gusto ka pa bang isama? Si Ysla? Si Katya?" Pabalik na tanong ko naman rito.

"Oo sana eh, para naman mas masaya kung mas marami." Sagot sa akin ng manyakis na sundalong ito.

"Che, busy yung dalawang yun sa barko. Hindi sila makakababa." Sagot ko.

Nagpatuloy kaming lumakad hanggang sa aming marating ang masukal na kagubatan.

Buti na lamang at isinuot ko ang pantalon at bota ko, dahil kung hindi ay nagkasugat-sugat na ang paanan ko dito sa mga sagabal na mga damo.

Sa kapaligiran ay nakakita kami ng masasagang mga bunga, mga hayop, at mga nagtataasang mga puno.

"Nasaan ba tayo?" Tanong ni Yatko na tila ba ngayon lamang napadpad sa ganitong uri ng lugar.

"Mukhang wala na tayo sa Pilipinas, pero nasisiguro kong hindi tayo ganoon kalayo." Ani ko.

"Paano mo naman nasabi yan?"

"Tignan mo ang mga hayop at halaman, pati na rin ang klima. Hindi nalalayo ang lahat ng iyan sa mga nakikita natin sa Pilipinas." Sagot ko.

"Pero isa lang ang pinagtataka ko, sa dinami-rami ng lugar na puntahan ko ay ngayon lang ako napadpad sa ganitong uri ng lupain." Saad ko sa sundalong si Yatko.

"Anong ibig mong sabihin, Fiña?" Pagtataka naman niya.

"Tignan mo itong compass, simula nang pumunta tayo rito. Nagka-ganito na ito." Ani ko bago ipakkita kay Yatko ang compass na nagtututuro a iba't-ibang mga direksiyon, at paikot-ikot lamang ang mga kamay na tila ba isang sirang orasan.

"Tang*na Fiña, bakit ngayon mo lang ipinakita sa akin 'to?" Inis na pagkakasabi ni Yatko.

"Naiintindihan ko ang galit mo pero, kung malalaman ito ng iba pang mg pasahero ay lalo lamang silang magkakagulo." Aking sagot.