Chereads / THE BILLIONAIRE'S PART-TIMER / Chapter 18 - Chapter 17

Chapter 18 - Chapter 17

PASADO alas-nuebe na ng gabi at nasa pool side pa rin sila. Nakailang baso na rin siya ng wine na iniinom nila at ramdam na niyang bumibigat na ang talukap niya sa mga mata habang nakasandal siya sa pool chair kasama ni Raven. Nasa gitna nila ang mga alak at pulutan habang hindi pa rin nauubusan ng kwento ang binata sa kaniya.

"May girlfriend ka ba, Attorney?" lakas-loob niyang tanong dito.

Nilagok muna nito ang laman ng basong hawak saka nito sinagot ang tanong niya. "I have—before."

"Marami ka ng na-ikuwento sa akin ngunit hindi mo pa na-ikuwento ang tungkol sa love life mo. Sorry kung naglakas-loob na akong nagtanong sa'yo. Pero kung hindi mo naman ito sasagutin ay ayos lang."

"It's okay. It's been two years na rin naman kaya ayos lang." Tumingala ito. "She's a sweet woman wearing a lovely smile. Isa siya sa mga matatapang na babaeng nakilala ko at babaeng pinakamamahal ko. She had a severe illness⸻that damn breast cancer, and died after. Her name is Aurora. Masaklap ang naging buhay pag-ibig ko pero hindi ko pa rin nakakalimutang ngumiti dahil iyon ang huling kahilingan niya bago siya namatay. Kaya heto ako ngayon at nanatiling matatag."

Naramdaman niya habang nagkukuwento si Raven ang pait na sinapit nito kahit na nakangiti pa rin ito sa kaniya, na kahit kaunti lang ang alam niya tungkol sa personal nitong buhay tulad ng ikinukuwento nina Ann sa kaniya. Alam niyang hindi madali ang mawalan ng minamahal sa buhay.

"Ikaw. Bakit hindi ka pa nagkaroon ng boyfriend?" tanong nito sa kaniya.

"Tulad nang sinabi ko, priority ko ang pamilya ko. Gusto ko silang makaahon sa kahirapan dahil maliliit pa lang ang mga kapatid ko. Kaya nakilala mo ako na nagtatrabaho sa isang night club para lang makaipon. Hindi ko naman inaasahan na dumating ang malaking dagok sa buhay namin at napadpad ako rito. Mabuti na lang at nakilala kita. Hulog ka ng langit, Raven."

"Hindi ako hulog ng langit. Sabi ko nga at isa akong anghel na nangangagat," biro nito.

Natawa siya. "Mabait na anghel na nangangagat."

Nagtawanan silang dalawa. Nanatili lamang sila roon hanggang sa lumalim na ang gabi. Nahihilo na rin siya habang inaalalayan siya ni Raven na maglakad patungo sa isang silid. Halos hindi na rin diretso ang mga lakad niya at pasuray-suray na rin sa kanilang nadadaan hanggang sa naihiga na siya ng binata sa malambot na kama. Ang mga sumunod na nangyari ay wala na siyang natatandaan pa at sigurado naman siyang hindi katulad si Raven ng ibang kalalakihan. 

KINAUMAGAHAN, hindi maipinta ang mukha ni Zack nang dumating siya ng bahay nito pasado alas-otso ng umaga. Maagang nagising ito at agad siya ang hinanap ng binata.

"Prepare my clothes and I will take a bath," seryosong wika ng binata.

"Okay. Susunod na lang ako⸻"

"No! I can do it with myself."

Nagtaka pa siya sa sinabi nitong kaya na nitong paliguan ang sarili gayong hirap na hirap nga itong abutin ang shower rod. "Are you sure?"

"I will tell you if I need help." Namimilosopo na naman ito saka ito tumalikod at pinaandar ang wheelchair patungong banyo.

Napapailing na lamang siyang sinundan ng tingin ang binata saka siya nagtungo sa dresser nito. Kumuha lang siya ng mga damit na susuotin nito at inilapag niya sa higaan. Bumalik muna siya ng kaniyang kwarto upang hintaying matapos ang binata. Ilang minuto lang ay tumunog ang cell phone niya. Tinungo niya ito na nakalagay sa ibabaw ng kaniyang kama at nasilip niyang nakarehistro ang pangalan ng kaniyang ina. Si Mama? Agad niyang sinagot ang tawag nito.

"Zairah?!" bungad agad nito.

Narinig niyang paos ang boses ng kaniyang ina kaya alam na agad niyang may problema ito. "Ma? A-Anong nangyari? Bakit ganyan ang boses mo?" kinakabahan niyang tanong dito.

"Zairah...ang papa mo!"

"A-Anong nangyari kay Papa?"

"Naaksidente ang papa mo!"

"Ho?! Paanong—naaksidente?!" Sunod-sunod na ang kabang nararamdaman niya.

"Ang pera na pinadala mo sa bangko..nadisgrasya pati ang papa mo! Na-holdap siya nang papauwi na rito! H-Hindi ko na alam anong gagawin ko anak! Malubha ang kalagayan ng ama mo! Diyos ko!"

"Ma...." Nasapo niya ang bibig saka siya nanginginig. Hindi niya alam kung paano makapag-isip sa nangyayari sa kaniya at sunod-sunod na naman ang kaniyang kamalasan. Unti-unti rin namamalisbis ang mga luha niya sa kaniyang mga mata.

"Zairah...kailangang operahan ang papa mo dahil nasaksak ito ng mga tulisan. Hindi naman daw siya nanlaban ngunit ayaw ng mga kriminal na mabuhay siya. Iyon ang sinabi ng papa mo." Patuloy pa rin ang pag-iyak ng kaniyang ina sa kabilang linya.

"Uhm—magkano ang halagang kailangan para sa operasyon, Ma?!" Paroon at parito na rin ang lakad niya habang hindi mapakali sa balitang bumulaga sa kaniya.

"Isang daang libong piso, Zairah!"

"Diyos ko!" Napaupo siya sa swivel chair niya. Muli na namang nagsilaglagan ang mga luha niya. "Uhm… Ma, g-ganito. M-Maghahanap agad ako ng pera basta...basta kailangang ma-operahan si Papa! Uhm—h-huwag ka ng mag-alala at umiyak, Ma. T-Tawag ako mamaya at—babalitaan kita."

"S-sige, anak!"

Napasinghap siya nang maibaba na ang tawag ng kaniyang iba. Sumisikip na ang dibdib niya habang nagpapahid ng luha. Nakailang bunot na rin niya ng tissue dahil hindi naman niya inaasahan ang ganoong pangyayari. Naisip niyang sadyang mailap sa kaniya ang kapalaran dahil halos binuwis na niya ang sarili para lang sa perang makukuha at heto ngayon siya, buhay ng kaniyang ama ang nanganganib.

"Do you have a problem?"

Narinig niyang wika ni Zack na naroon na pala malapit sa kaniya. Dali-dali siyang tumayo at ipinahid ang huling tissue sa mukha saka ito hinarap. Halatang kakalabas lang nito ng banyo dahil nakatakip pa ng tuwalyang puti ang kahubdan ng binata sakay pa rin ng wheelchair nito. Halos hindi rin siya makatingin dito nang diretso. "S-Sir! Uhm...kayo pala. S-Sorry! T-tulungan ko na kayong magbihis!" Aligaga siyang kumilos saka siya tumungo sa likuran ng binata upang itulak ito.

"I heard everything," in his serious voice again.

Natigilan siyang mahawakan na niya ang wheelchair nito. Ayaw niyang ipaalam dito na nadisgrasya ang pera na ibinigay nito pati na rin ang kaniyang ama. Hindi rin niya inaasahang marinig nito ang sinasabi niya sa kabilang linya. Naalala na naman niya ang sinapit ng kaniyang ama.