Chereads / Anak ng Kalikasan / Chapter 73 - Chapter 39: Finale (Last Part)

Chapter 73 - Chapter 39: Finale (Last Part)

Tuwang-tuwa si Lando nang makita niyang paparating na ang kaniyang anak na si Mina. Patakbo itong lumapit sa dalaga at mahigpit itong yumakap doon. Nag-iyakan pa sila pareho dahil sa sorang kasabikan sa bawat isa. Ikinuwento naman ni Mina sa ama ang mga nangayari sa kanilng naging paglalakbay at paghahanap kay Sitan. maging ang nangyaring pagsanib nito kay Isagani ay naikwento rin ng dalaga.

Maluha-luha naman si Lando habang nakikinig sa anak, hawak-hawak nito ang kamay ni Mina habang marahan itong hinahaplos. 

"Mina, maari bang dumito na lang kayo? Tumatanda na ako, hindi ko alam kung hanggang kailan na lamang ang buhay ko. Nais ko sanang makasama kayo ng mas matagal pa. Kahit pilitin kong hindi mag-alala sa inyo, ay hindi ko pa rin ito nagagawa. Walang araw na hindi ako nagdarasal na makabalik kayo ng ligtas at buhay." marahang wika ni Lando. Napaluha naman si Mina at marahang tumango.

"Opo Itay, hindi na kami aalis, mamumuhay na tayo ng payapa at magkasama." sambit naman ni Mina na siyang nagpasaya pang lalo kay Lando. Lumipas ang araw na iyon na magkasama ang mag-ama. Dahil sa dami ng panahong kanilang nasayang ay tila ba doon lamang sila nagkaroon ng oras na makapag-usap ng mahaba.

Kinaumagahan ay pormal na ngang nagpaalam si Isagani kay Lando para pakasalan si Mina. Hindi naman tumutol si Lando dahil kabisado na rin niya ang ugali ng binata at isa pa naa tamang edad na rin sila pareho upang bumuo ng sarili nilang pamilya.

Agad naman nilang napagkasunduan na isabay na sa susunod na gapasan ang kanilang kasal upang kahit papaano ay may panahon pa silang ihanda ang lahat ng kanilang kailangan at imbitahan ang mga malalapit na tao sa kanila.

Sa pagdaan ng bawat araw ay naging masaya naman sila, kahit may mga pagkakataong may nakakaharap pa rin silang mga aswang o mambabarang ay hindi na nila ito iniinda dahil na din sa lawak ng kanilang mga karanasan. Nagsimula na ring magkamabutihan sina Amante at Luisa at halos magkasama na ang mga ito araw-araw.

Minsan pa nga ay nagkabiruan si Mina at Luisa habang nasa loob sila ng mansyon ni Manong Ricardo kasama si Christy at Maria.

"Ano na, kayo na ba ni Amante?" may pagbibirong tanong ni Mina. Agad na pinamulahan ng pisngi si Luisa at sabay na sumigaw si Mina at Christy. "Kayo na nga?" Masayang tanong nito at bahagyang tumango si Luisa.

"Itong batang ito, naku, dapat sinabi mo nang maaga. Paano ba yan, mukhang may isa pang ikakasal sa padating na gapasan. Paniguradong magiging masaya ang lahat." Sabik na wika ni Christy. Nanlaki naman ang mata ni Mina at nakangiting napatingin kay Luisa.

"Oo nga Luisa, bakit hindi nalang kayo sumabay sa amin? Doon din naman iyan hahantong, at kung ikinakatakot mo na baka iwan ka ni Amante, naku magdalwang isip na siya ngayon pa lang, dahil ipapahabol ko siya sa mga alaga niyang insekto." matapang na wika ni Mina na ikinatawa naman ni Luisa.

"Napag-usapan na din namin ni Amante na pagkatapos ng kasal niyo ni Isagani kami magpapakasal, pero kung ayos lang naman sa inyo na sumabay kami, mas ikasisiya ko iyon." Tila nahihiya pang wika ni Luisa. 

Kinahapunan ay agad nilang pinag-usapan ang tungkol sa kasal. Sumang-ayon naman ang dalawang binata sa plano nila na isasabay na lamang ang kanilang mga kasal upang mas lalo itong maging masaya.

Sumapit na nga ang araw na pinakahihintay ng lahat. Halos lahat ng trabahador ni Manong Ricardo at lahat ng nakatira sa hasyenda nito ay imbetado. Ginanap ang piging sa malapad na hardin ng mansyon ni Manong Ricardo kung saan naroroon ang matandang puno ng mangga na siya namang magsisilbing pahingahan at kainan ng mga engkantong dumalo sa kanilang mga kasal.

Naroroon din ang mga antinggerong una nilang nakasama at naging bahagi ng kanilang paglalakbay upang dumalo sa kasal. Nakaupo ang mga ito sa isang mahabang mesa kasama ang dalawang ermetanyo at si Tata Teryo na ipinasundo pa nila sa mga Garuda,maging ang Tatay ni Luisa at pinsan ay naroroon din. Iilan naman sa mga albularyo at antinggero na naimbetahan ay dumaan sa mga tan.awan na konektado sa lahat ng lugar. Masayang nagkukuwentuhan at nagyayabangan ang mga ito ng mga karga nila habang patuloy na umiikot ang baso ng tuba sa bawat isa. Napuno ng halakhakan at biruan ang kanilang mesa na siya namang ikinatuwa ng mga ordinaryong naroroon. May mangilan-ngilan pa ngang nakikisali na din at nakikinig sa kanilang mga kwento.

Lalong napuno ng hiyawan nang sa wakas ay masilayan na nila ang mga ikakasal. Parehong nakasuot ng puting bestida ang dalawang dalaga, habang ang mga binata ay nakasuot din ng puting pang-itaas ay itim na pantalon. Magkahawak-kamay na lumapit ang magkakapreha sa gitna ng hardin , patungo sa ginawa nilang maliit na altar. Doon ay nakatayo si Padre Dama at Miguel na siyang magkakasal naman sa kanila.

Nang magsimula na ang ritwal ng kasal ay tahimik na nakikinig ang mga tao. Ang mga kababaihan ay naluluha habang ang mga kalalakihan naman ay palim na sumisinghot dahil sa pagpipigil na hindi maiyak.

Nagpatuloy sa pagsambit si Padre Dama ng mga homiliya na siyang nagpapaantig ng puso ng lahat nang naroroon. Tila ba nabalot sila ng isang napakahiwagang presensya habang nakikinig sa boses ng Pari. Ni hindi nila napansin na tapos na palang magsalita ang Pari at nakatingin na ito sa magsing-irog na nasa harapan niya.

"Ngayong ay idinidiklara ko, sa ngalan ng simbahan at nang Panginoong Diyos na kayo ay ganap nang mag-asawa. Maari niyo ng halikan ang inyong asawa." Wika ni Padre Dama at doon lang nahimasmasan ang mga tao at naghiyawan sa tuwa. Mabilis na hinalikan naman ng mga binata ang ngayon ay asawa na nilang mga dalaga. Napuno ng hiyawan at tuksuhan ang buong paligid. Maging ang mga engkanto at tikbalang na naroroon ay nakikisali na rin sa paghiyaw.

Napuno nang masasayang kantahan, tawanan ay sayawan ang buong hardin ni Manong Ricardo. Masaya ang lahat. Walang kalungkutan ngunit sa kabilang banda ay naroroon ang paghihinayang nila sa mga buhay na nawala dahil sa kanilang pakikipaglaban. Kinagabihan, paisa-isa nang nagsiuwian ang mga tao hanggang sa ang natira na lamang ay ang grupo at pamilya nila.

"Isagani, tandaan mo lagi ang mga bilin ko ha. Huwag kayong mag-aaway ni Mina. Kapag may hindi pagkakaunawaan ay pag-usapan niyo. Lahat ng problema ay naayos sa magandang pag-uusap." Pangaral ni Lando sa kanila.

"Opo, Itay tatandaan namin ni Mina ang mga bilin niyo." Wika naman ni Isagani.

Lumipas ang gabing iyon na busog ang kanilang mga tiyan at mga puso. Maging ang mga tao ay umuwi ng masaya at may pananampalataya sa Ama. Baon-baon nila ang kanilang karanasan nang minsan silang dumalo sa isang kasalan kung saan nakipaghalubilo sa kanila ang iilan sa mga engkanto na noo'y kinakatakutan nila.

Paglipas ng isang linggo ay nagdesisyon nang bumalik si Luisa at Amante sa kanilang lugar kung saan sila payapang mamumuhay. Hindi naman tumutol si Mina dahil iyon din naman ang nakatakda sa mga ito. Magkahalong lungkot at saya ang kanilang nararamdaman habang nagpapaalam sa isa't-isa. Si Gorem naman ay tuluyan nang bumalik sa mundo ng mga engkanto upang makasama ang kanyang ama.

"Nakakalungkot ano, paisa-isa na silang nagsilisan. Parang bumabalik tuloy sa alaala ko ang mga panahong magkakasama pa tayo. " Wika ni Mina habang nakatanaw sila sa binatan ng kanilang baging bahay.

"Ano ka ba. Ang paglisan nila ay hindi nangangahulugan ng katapusan. Napakarami pang pagkakatao na muli tayong magkikitang muli." Sagot naman ni Isagani at niyakap si Mina.

"Tama ka." Sang-ayon ni Mina at napahagikgik.

Lumipas ang mga araw, buwan at taon, ang pag-iibigang Mina at Isagani ay tuluyan na ngang nagbunga ng kambal. Isang lalaki at isang babae na pinangalanan nilang Maya at Simon. Habang nagluluwal si Mina ay pinaiikotan ng nagkikislapang alitaptap ang buo nilamg bahay. Tila ba binabalot ng hiwaga ang kanilang buong paligid na maging amg kumadronang nagpaanak kay Mina ay manghang-mangha.

Nang tuluyan naman lumabas si Simon ay nakarinig sila ng pagdagundong sa kalangitan kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. At nang lumabas naman si Maya ay siya naman pagguhit ng maliwanag na kidlat at siyang pagtila ng ulan.

Agad na nilinis ng kumadron ang dalawang sanggol bago ito tuluyang ibigay kay Mina. Tuwang-tuwa naman si Mina nang mahawakan na nito ang dalawa niyang supling. Nakapikit ang mga ito at mahimbing nang natutulog. Marahan niyang hinalikan ang mga ito sa noo at nagpasalamat sa Panginoon dahil ligtas niyang nailuwal ang dalawang anak niya.

Maging si Lando ay sabik na sabik sa kanynag mga apo habang si Isagani naman ay naroroon sa tabi ni Mina habang hinahaplos ang buhok ng kanyang asawa.

"Kay gagandang bata, ano ang ipapangalan niyo sa kanila?" Tanong ni Lando sa dalawa.

"Maya at Simon." Halos sabay pang sambit ni Mina at Isagani. Nagkatinginan naman sika at nagkatawanan dahil pareho pala sila ng iniisip.

"Magpahinga ka na muna, Mahal. Alam kong pagod ka." Wika ni Isagani at pinahiga na ng maayos si Mina sa higaan nila. Nagpatianod naman dito si Mina hanggang sa makatulog nga siya.

Lumipas pa ang maraming taon at lumakimg masiyahin at malusog si Maya at Simon. Kapansin pansin din sa dalawang bata ang pagiging malapit ng mga ito sa mga nilalang at mga hayop. Hindi na rin nagtaka si Lando dahil dugo ng dalawang babaylan at may halong aswang ang kaniyang mga apo. Naging mapayapa ang kanilang naging pamumuhay. Hanggang sa nagdalaga at nagbinata na sina Maya at Simon. Si Mina at Isagani naman ay tuluyan na din tumanda habang si Lando ay namayapa na rin.

Nabalitaan na din nila ang pagpanaw ang mga ermetanyo nilang kasama na lubha din nilang ikinalungkot.

Sa kanilang pagtanda ay madalas nilang ikinukwento sa dalawang anak nila ang masasaya at masasalimuot nilang karanasan noong minsan silang maglakabay upang ipaglaban ang kabutihan laban sa kasamaan.

Hanggang dito na lamang po ang kwento ng talambuhay at pakikipagsapalaran ng ating bida na siyang Anak ng Kalikasan.