Chereads / Anak ng Kalikasan / Chapter 66 - Chapter 32

Chapter 66 - Chapter 32

Dumaan pa nga ang maraming oras hanggang sa tuluyan na din tumahimik ang paligid. Yung mga dumadaang wakwak sa himpapawid ay nakabalik na sa BUndok ng Siranggaya. Napangiti naman si Mina, dahil alam niya magkakabisa na ito pagsapit ng madaling araw.

Lahat ng nilalang na may bahid ng kasamaan at malayang makakapasok doon, ngunit hanggang naroroon ang harang ay hindi na sila makakalabas pa. Ngayong matagumpay na nilang naitaas ang harang, ang buong kabundukan ng Siranggaya ay nagsilbing kulungan ng mga nilalang na naroroon.

Kinaumagahan ay nagsimula na silang maglakad papasok sa kabundukan. Pagtapak pa lamang ng kanilang mga paa sa paanan ay agad na nilang naramdaman ang kapal mg hangin na nandoon.

Napatakip naman sila ng ilong nang malanghap nila pinaghalong amoy ng nabubulok na laman at asopre. Gamit ang dala-dala nilang balabal ay itinakip nila iyon sa kanilang mga mukha upang kahit papaano ay maibsan ang bahong kanilang naamoy.

Tinatayang anim na oras ang kanilang bubunuin para lamang maakyat ang bundok na iyon. Ramdam din kasi nila ang mga nakatanim na panligaw ng mga aswang na pumapaikot sa buong kagubatan kaya hindi nila basta-basta mararating ang tuktok ni ang gitna nito.

Kahit tirik ang araw noong pumasok sila ay kapansin-pansin na tila hindi nasisikatan ng araw ang buong gubat. Napakadilim ng kanilang daan na animoy gabi noon at dahil dito ay gumamit na sila ng sulo upang kahit kaunti ay magkaroon sila ng liwanag sa kanilang daanan.

"Mag-iingat kayo. Dahil ramdam ko ang mga nilalang na umaaligid sa atin." Sambit ni Tandang Ipo habang dahan-dahan ang kanilang paglalakad sa matarik at mabatong parte ng kabundukan.

"Nandiyan na sila." Pagkasambit nito ni Amante ay bigla-bigla na lamang tumalsik si Luisa sa kanilang harapan. Agaran din ang pagtakbo ni Amante para tulungan ito dahil kitang-kita nila ang malabayawak na nilalang na tumangay dito.

Nagkagulo na sila nang maglabasan ang mga nilalang na animo'y gutom na gutom. Nag-aangil ang mga ito habang walang putol na tumutulo ang mga malalapot nitong laway.

Samantala, nagtagumpay naman na masundan ni Amante ang nilalang na tumangay kay Luisa, gamit ang isang uri ng malaking uod na biglang lumitaw sa ilalim ng lupa ay napigilan niya ito sa paglayo.

Kitang-kita naman ni Amante kung paano dilaan ng nilalang ang mukha ng dalaga. Napasigaw naman si Luisa hindi dahil sa takot kundi dahil sa pandidiri dito.

Walang anu-ano'y nagliyab ang buong katawan ni Luisa at kasabay nito ay ang pagkatupok naman ng nilalang na tumangay sa kanya. Napasipol naman si Amante dahil sa nakita at mabilis naman niyang tinulungan si Luisa na tumayo nang mawala na ang pagliyab ng katawan nito.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Amante kay Luisa. Tumango naman ito at agad na silang bumalik sa kinaroroonan nila Mina. Pagdating roon ay tumambad sa kanilang harapan ang mga nilalang na pawang nakaluhod na sa lupa habang tila ba tinakasan ng mga kaluluwa.

"Anong nangyari?" Gulat na tanong ni Luisa nang makita ang ganoong sitwasyon.

"Nasobrahan yata ang ginamit kong dasal." Wika ni Miguel na ikinatawa ni Tandang Ipo. Maging sila ay nagulat din sa ipinamalas ni Miguel. Nag igkas lang ito ng isang simpleng dasal at tila ba isang liwanag ang sumakop sa mga nilalang na iyon. Nang mawala ang liwanag ay bigla na lamang nagkaganoon ang mga nilalang. Tulala at tila ba wala nang mga kaluluwa.

Ipinagpatuloy na nila ang paglalakad at sa bawat kasukalang mapapasukan nila ay may mga nilalang na pilit silang hinahadlangan. Hindi naman sila nagpatinag at walang takot nilang hinaharap ang mga ito. Gamit ang kanilang mga aral, mutya at mga sandatang dala.

Sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay ay nariyan ang makaramdam sila ng kakaibang pagod na tila hinahatak ng lupa ang kanilamg mga katawan. Iyong tipong maging ang mga tuhod nila ay ibig nang sumuko. Pare-pareho silang habol ang kanilang hininga hanggang sa marating nila ang isang malawak na kapatagang napalilibutan ng mga talahib na kung tawagin nila ay "kugon".

Halos nasa limang talampakan din ang taas ng mga talahib doon kung kaya inilabas na nila ang mga itak at karit na gagamitin nilang panggapas sa kanilang daraanan.

"Sandali, bago natin pasukin iyan, magtaas kayong muli ng inyong mga bakod. Mag-pondo na rin kayo ng mga usal upang magamit ninyo ito sa mga oras na hindi natin inaasahan." Wika ni Mina na agad din naman nilang sinunod

"Mina, baka maari kung sunugin na lang ang mga iyan para mabilisan?" Tanong ni Luisa. Umiling naman si Mina bilang pagtutol sa suhestiyon nito. Batid niyang ang lugar na iyon ay pinamamahayan ng mga lamang-lupang nagpapayabing sa mga taniman. Kaoag nawala ang mga talahib na iyon ay madali na silang matutuntun ng mga nilalang na nais humuli sa kanila.

Ang dahilan kung bakit niya pinagtaas ng bakod at poder ang kanyang mga kasama ay dahil sa mga nilalang na nakaabang sa kanila sa dulo ng talahiban.

"Hindi maaari ang nais mo Luisa. Ang talahibang iyan ang nagsisilbing taguan ng mga lamang-lupang nagpapayabing ng mga taniman at kagubatan. Iyan ang dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay umiiral pa rin sila sa nalasong kagubatang ito. " Sagot naman ni Mina at natahimik si Luisa. Ipinikit naman ni Mina ang kanynag mga mata upang pakiramdaman ang mga laman-lupang nagtatago sa talahiban. Nang masipat niya ang kinaroroonan ng mga ito ay agad naman siyang nagpadala ng mensahe gamit ang kanyang espiritual na anyo.

Sa pagtagos ng kanyang espiritual na anyo sa talhiban ay narating niya ang gitnang parte nito na siya namang pinamumugaran ng mga lamang-lupa. Kakaiba ang mga laman-lupang iyon dahil tila ba puro matatanda lamang ang naroroon. Nakasuot ang mga ito ng isang kasuutan na maihahalintulad mo ang kulay sa putik. Meron din silang sombrero na gawa hinabing dahon ang kugon. May mga suot-suot din silang kwintas na merong umiilaw na bato sa gitna.

"Kaibigan, hihilingin ko sana ang inyong mga gabay. Nais namin tumawid sa inyong tahanan. Nawa, kami ay inyong pahintulutan. " Wika ni Mina.

Agad namang nabahala ang mga ito habang nakatingin sa espiritual na kaanyuan ni Mina.

"Hindi kami kalaban. Nais lang namin ang tumawid upang marating namin amg tuktok nitong kabundukan." Dagdag pa niya.

"Sa tuktok naninirahan ang di*blo. Mamamatay lamang kayo." Wika nito na halatang hindi sumasang-ayon sa nais nila.

"Kung ang kamatayan namin ang magiging kabayaran ay walang kaming pagsisisi. Ang nais lang namin ay maibalik ang dem*nyo sa kanyang dapat kinalalagyan. Nawa'y maunawaan niyo ito. " Wika pa ni Mina. Kasabay nito ay ang pagpapakawala niya ng mahinang presensyang natatangi sa itinakda.

Nagulantang naman ang mga nilalang at dagling lumuhod sa lupa at humingi ng tawa. Di kalaunan ay napapayag din niya ang mga ito at muli nang bumalik sa katawan niya ang kanyang espiritual na kaanyuan.

"Mga kasama, hindi ninyo puputulin ang mga talahib, payapa tayong dadaan. " Wika niya at agad naman umangal si Emer.

"Pero Mina, mahihirapan tayo kung hindi natin gagapasin ang mga talahib." Wika ni Emer at ngumiti lang ang dalaga.

"Magtiwala kayo, merong tutulong sa atin. Tayo na. " Wika niya at nagpatiuna nang lumakad. Sumunod naman ang dalwang ermetanyo kaya wala na silang nagawa kundi ang sumunod na rin.

Gulat at pagkamangha ang rumihestro sa pagmumukha nila Emer nang makita nilang humawi ang mga talahib sa pagpasok nila. Kapag nadadaanan na nila ang lugar ay kusa namang bumabalik sa dati ang mga talahib.

"Paano nangyari ito Mina?" Manghang tanong ni Obet.

"Kinausao ko ang mga laman-lupang nakatira dito para padaanin tayo. Balot ng sabulag ang mga talahib na ito at sa mga ng mga alagad ni Sitan ay ordinaryong talahib lang ito. "Sagot ni Mina at napatango lamang ang binata. Hanggang ngayon ay nagugulat pa rin sila kapag may ipinamamalas na himala si Mina.

Nagtaasan naman ang mga balahibo niya nang mapagtanto niyang kasama lang nila kanina si Mina at hindi ito umalis sa tabi nila. Paano niyang nakausap ang mga nilalang na iyon.?

Sa paglipas pa ng mga oras na nasa loob sila mg talahiban ay bigalng huminto si Mina. Napahinto na rin ang kaniyang mga kasama at nilingon ito ni Mina.

"Ito na ang huling lugar na nadaraanan natin. Pagtapos ng talahibang ito ay magiging mas mapanganib na ang ating sitwasyon. " Wika ni Mina at napalunok ng laway si Miguel. Hindi niya maipagkakailang, kinakabahan siya at natatakot pa rin sa mga pwedeng maganap.

"Kayo ang haharap sa mga alipores ni Sitan at ako na ang bahala sa kanila ni Alisha. Barid kong wala sa lugar na ito si Sitan at si Alisha lamang ang naririto. Nasa tuktok ang pugad ni Sitan at doon magaganap ang huling laban. Tandang Ipo, manatili kayong magkukubli sa lugar na ito hanggang matapos namin ang mga kalabang naririto. Higit kong kailangan ang tulong niyo sa tuktok. " Wika ni Mina at sumang-ayon naman ang dalawang ermetanyo.

"Miguel, Gorem, Luisa, Amante, Emer, Obet at Kuya Karyo, handa na ba kayo? Sa oras na lisanin natin ang talahibang ito ay magsisismula na ang ating tunay na laban. "

"Handa na kami Mina. Hanggang sa huli, lalaban kami para sa kaligtasan ng sanlibutan." Wika ni Emer.

"Para sa ikakapayapa ng ating mga buhay." Dagdag pa ni Obet.

"Para sa mga kaibigan natimg magbuwis na mg buhay noon." Wika ni Karyo

"Asahan mo kami Mina hanggang katapusan." Si Amante.

"Sa ngalan ng ating mga gabay at sa mga taong naniniwala sa atin." Si luisa

"Para sa kapayapaan ng lahat ng mga engkanto at iba pang nilalang." Si Gorem

"Para sa ating Amang may Likha, lalaban ako gamit ang aking pananampalataya." Wika naman ni Miguel.

Napangiti naman si Mina at Taimtim na nag-alay ng dasal. Bago sila sabay-sabay ma lumabas sa talahiban.