NAPAHINTO ako sa paga-ayos nang mga gamit ko nang may marinig na katok mula sa pintuan na kaagad ko naman 'yong binuksan. Bumungad sa akin si mama na naka suot nang eleganteng damit. Mas dalaga pa talagang tignan ang nanay ko kesa sa akin.
"Mind if I come in?" Napatawa ako saka nilakihan ang siwang ng pintuan para makapasok si mama. I closed the door as I watched her elegantly sit on the couch.
"Come here, Zee." Sabi niya, tapping the vacant seat beside her.
"I know marami nang mga tanong ang bumubuo sa matalino mong utak. You can ask now, my daughter." Nakangiting saad niya habang hinahawakan niya ang buhok ko.
Huminga ako ng malalim. "Bakit tayo umalis sa bahay? Okay naman na tayo doon."
"Dahil doon na tayo titira sa bahay nang magiging bagong tatay mo after we get married, Zee. We are just staying here temporarily." Gusto kong magalit dahil sa pabigla-biglang desisyon niya at hindi man lang niya sinabi sa akin noong una but considering her feelings, I am always the one who needs to understand the situation.
"But why you didn't told me this before? Sa iba ko pa talaga malalaman na may boyfriend ka na." Bakas sa tono ko ang pagtatampo. Natigilan naman si mama bago tumawa.
"I knew it, you are investigating me." Natatawang sabi niya. Hindi man lang siya nagalit na pinasusundan ko siya.
"Don't change the topic, ma."
"Alright, alright. I didn't told you about this before because I was hesitant na baka hindi kapa ready na magkaroon ako ng bago bukod sa papa mo lalo na kakamatay pa lang niya." Napabuntong hininga ako.
It's been a year since my father died pero I manage myself to move on quickly. Matagal ko nang tinanggap na if ever man magkaroon si mama nang bago, susuportahan ko siya. She deserved it after taking care of our family. Siya ang nagtatrabaho at tumataguyod sa amin simula noong hindi na makalakad si papa dahil sa isang car accident.
"Can I at least meet the guy, ma?" Gusto kong mag-tampo pero hindi ko magawa. She is my mother and her happiness what matters to me.
"Of course! You will meet him tonight."
Akala ko soon pa?
...
"Are you ready, Zee? It is almost time." Dinig kong sabi ni mama sa labas ng pintuan. Ilang oras na akong nakatayo dito sa loob ng banyo. "Do I really need to wear this, ma?" Nanlulumong tanong ko habang nakatingin sa repleksyon ko ngayon sa salamin.
I am not used to wear this kind of clothes dahil first of all, I find it uncomfortable to wear. I preferred wearing those baggy clothes. Mas madali pa akong makakapag "excercise" kapag komportable ang suot ko. Yes, it looks good on me but the chest part isn't covered well.
"Halika na." Napanguso ako saka dahan-dahang binuksan ang pintuan.
"I told you, it looks good on you!" Pumalakpak pa siya.
Natutuwa talaga siyang pagtrip-an ako.
Wala na akong nagawa nang hinila niya na ako palabas. Paglabas ng hotel room ko ay nandoon na naman 'yong matanda kasama ang mga kasama niyang naka-suit. Pagbaba namin ay naglakad na naman kami sa isang hallway na hindi na naman pamilyar sa akin. Pupunta na ata kami sa ibang dimensyon. Hindi ko na napigilan at ibinuka ko ang bibig ko para magtanong na naman.
"Bakit parang walang mga tao?" Kanina kasi pagdating namin, may makikita ka pang mga staffs at iba pang tao pero ngayon, kami lang ata nagpalakad-lakad ngayon. Bubuka pa sana ang bibig ko para dumaldal pero kaagad iyong naputol sa sinabi ni kuyang naka-suit.
"Mr. Walton rent the whole place." Mas lalo na naman akong naguluhan sa sinabi niya.
"Sino si Mr. Walton?"
"She's your stepfather, Zee." Napanganga ako sa sinabi ni mama.
Walton
Walton
Walton
Why is it familliar na parang nadinig ko na 'yan before?
"Mr. Henry Walton Sr.- the owner of El gran de Walton hotel - is here with us today to gave us a statement about his new successful business. Ano po ang masasabi ninyo sa resulta nang bago ninyong business? The fact na kakabukas lang nito pero dinadayo ito kaagad, hindi lamang nang mga ordinaryong tao pero mga mayayamang tao din sa iba't-ibang bansa."
Muntik na akong mapasinghap nang maalala na siya 'yong nasa news noong isang araw. What the actual fvck? My stepfather is THE Great Henry Walton?! Kung makasabi si mama parang hindi mataas na tao ang papakasalan!
Nabalik ako sa ulirat nang huminto kami sa isang napakalaking double door. Dahan-dahan iyong bumukas dahilan para kainin ako nang nerbyos. Wala na akong nagawa nang nagsimula na kaming pumasok. Malayo pa lang kami pero nakikita ko na ang bulto nang isang matangkad na lalaki. Masasabi mo na talagang napakatangkad itong tao. Kasalukuyan niyang kausap ang chef. Mas lalo pang nanlaki ang mata ko nang makilala ko kung sinong chef ang kausap niya; isang napakasikat na chef sa bansang Italy!
Ma, ano ba 'tong nabingwit mo?!
Kinalma ko na ang sarili ko nang nakalapit na kami. Lumingon ang lalaki kay mama saka niya ito nginitian. Lumapit naman si mama sa kanya para yumakap dito.
"Hi, gorgeous." Rinig kong sabi niya kay mama. Ito namang malandi na si mama, alam kong kinilig. May pa hampas-hampas pa siya sa braso.
Kainis, sanaol!
"Oh, is this her?" Napatayo ako ng maayos nang tumingin sa akin si Mr. Walton. Hindi ata ako makakahinga sa nerbyos.
"Yes, hon. This is Zelene, my daughter." Ngumiti nang pagkalaki-laki si mama. Kinabahan ako nang ilahad ni Mr. Walton ang kamay niya sa harap ko. Tinignan ko lang 'yon saka tumingin sa kanya na may paga-alinlangan. Ngumiti siya nang matamis dahilan para makita ang maputi at kompletong mga ngipin niya.
Fake kaya 'yan?
"Hi, Zelene. Nice to meet you, my daughter."
"N-Nice to meet you din po." Tinanggap ko ang kanyang kamay saka pilit na ngumiti. Narinig ko siyang tumawa habang nakatingin sa kamay ko. Napansin niya ata ang nanginginig kong kamay.
"Don't be nervous, iha." Natatawang saad niya dahilan para matawa din si mama.
Kita mo, pinagtatawanan ako ng sarili kong nanay.
"Let's eat?"
"Sure! I am hungry na din." Sabi ni mama.
Pinaghila ako ng upuan nang isang waiter kaya umupo na ako doon. Habang pinaghila naman si mama ni Mr. Walton nang upuan. Napangiti nalang ako. Just looking at the way they smile and the way they looked at each other, I am sure they are sincerely in love. Ano ba naman ang karapatan kong putulin 'yon, 'di ba?
"Can you tell me about yourself, Zelene?" Napakamot naman ako nang ulo saka alanganing ngumiti.
"Uhh... I am Zelene but you can call me Zee or whatever you are comfortable to call me po. I am 17, and I like reading a lot." Sabi ko.
"Your mother said that you are a trouble maker, is it true?" Kaagad naman akong napatingin kay mama sa narinig ko.
Ma, bakit mo naman sinabi 'yon huhuhu!
"Uhh minsan lang po." Sabi ko nalang dahil wala na akong lulusutan.
Minsan nga ba?
"You are just like your mom when we were in high school. Indeed a trouble maker." That leave me speechless. In high school? Does that mean they knew each other before?
Nawala ang ngiti ko sa mga labi saka tinignan si mama. Nakangiti lamang siya na parang wala lang. Huminga ako ng malalim saka muling ngumiti.
I won't ruin this night.