HALOS mawalan na ako ng pag-asa sa paghahanap dahil kanina pa ako paikot-ikot dito pero hindi ko pa rin matagpuan ang punyetang gymnasium na 'yan, eh. 10 minutes nalang bago magsimula ang klase ko. First day pa lang pero minamalas na ako. Bosit!
Bakit ba kasi napakalaki ng paaralan na 'to? Tss.
Kaagad akong napatakbo ng may makitang tatlong lalaki na papunta sa direksyon ko kaya kaagad akong lumapit sa kanila. "Excuse me, po. Nasaan dito 'yong gymnasium?" Hinihingal kong tanong. Natigilan silang tatlo sa biglaan kong pagsulpot. Nagkatinginan pa sila na parang nag-uusap gamit ang mata.
"Over there." Tinuro ni kuyang brown hair ang daan kung saan sila galing. Napatango naman ako saka nagpasalamat at kaagad tumakbo papunta doon.
Pagkatapos ng isang minutong paghahanap ay kaagad akong napatigil ng may isang signage na nakaharang sa dinaanan ko.
C-12E
Nanlaki ang mga mata ko at aakmang pupulutin na 'yon pero kaagad napahiyaw nang may lalaking biglaang natumba sa harapan ko. Nanlaki ang mata ko ng may tumutulong dugo sa sahig kaya mas lalo akong nagulat.
"Tyler, that's enough!" Napalingon ako sa sumigaw no'n pero kaagad din namang napatingin sa lalaking papalapit sa direksyon namin na naglilisik ang mga mata. Parang hindi na niya ako napansin at kaagad hinawakan sa kwelyo ang lalaking nasa harap ko ngayon at saka ito sinuntok nang malakas. Hindi pa man nakakatayo ang kalaban niya pero panibagong suntok na naman ang binigay niya. Napa-atras naman ako nang magsilabasan ang maraming lalaki sa isang classroom at nilagpasan ako. Hindi na ata nila ako napansin sa focus nila sa labanan. Mga batang 'to talaga, oh.
"Magkano pusta mo, pre?"
"5k kay Tyler!"
"5k din sa akin!"
"Ayaw niyo kay Ace?"
"Sige, kay Ace ako, 5k din!"
"Kay Ace 1k! 1k lang-- pang pusta ko pa 'to sa underground."
"Ang poor mo naman."
Napanganga nalang ako sa mga pinag-gagawa nila. Imbes na awatin nila, nagpustahan pa! Magagaling! Nasaan ba ang mga teachers dito at hinahayaan lamang silang magsabong dito?
Napa-iling na lamang ako saka tinignan ang room na nilabasan ng mga may saltik sa ulo na 'to. Maayos naman tignan ang labas pero kung sumilip ka, huwag ka nalang magtanong. Hindi ko na alam kung classroom pa iyan o tambakan ng basura!
Napa-tingin ako sa paligid at ngayon ko lang napansin na likod na nga ito ng gymnasium dahil may malaking pabilog na building ang nasa harapan ng classroom na ito. Pero bakit dito ako tinuro ng mga loko na 'yon kanina?!
Hindi ko na pinansin ang nagsasabungan at kaagad lumapit sa classroom. Mukhang ito naman ata 'yong C-12E. Wala naman akong nakitang ibang bukas na classroom dito. Halos may kandado ang mga pintuan na ang mga katabi.
Sumilip ako sa loob at may nakita akong limang lalaki na may kanya-kanyang ginagawa. May natutulog, nag-gigitara at ang tatlo naman ay may pinapanood sa cellphone na may hindi kaaya-aya ang tunog. Alam niyo na kung ano 'yon.
"Excuse me po." Sabi ko dahilan para magsitigil sila sa kanilang mga ginagawa. Ang natutulog na ngayon ay biglang nagising. Kunot nuo itong tumingin sa akin.
"Uhm... Dito po ba 'yong C-12E?" Lumapit sa akin ang may hawak ng cellphone kanina na may ngisi sa mga labi. Nakatingala na ako ng kaunti dahil sa tangkad niya. Hindi ako pandak, ah, mataas lang talaga siya.
"What can I do for this beautiful young lady?" Malanding tanong niya saka niya kinuha ang kamay ko at inilapit sa labi niya pero kaagad ko iyong binawi. Napakalandi! Mabuti nalang gwapo siya.
"Sabi ko, dito po ba ang C-12E?" Grabe ha, pinapaulit-ulit ako. Tumingin siya sa akin bago siya sumulyap doon sa apat na lalaki.
"Yes, why?"
"Thank God! Kanina pa ako hanap ng hanap!"
"May sadya ka ba dito, miss?" Napalingon ako sa lalaking nag-gigitara.
"Wala, pero dito daw 'yong magiging classroom ko." Nginitian ko siya.
"What?!" Napataas ang kilay ko ng biglang tumayo ang lalaking natutulog kanina saka ako sinamaan ng tingin. Mahahabang hakbang siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso pero dahil sa gulat ay kaagad kong hinawakan ang kamay niya saka sinipa ang binti niya dahilan para namilipit siya sa sakit. Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa amin at tanging daing lamang niya ang naririnig. Kahit ang nagsasabong kanina ay natahimik din. Ang nagsusuntukan kanina ay natigil na din.
Ilang segundong katahimikan bago may sumigaw, "You are fvcking dead!" Sinundan naman ng tawanan ng lahat.
"Won't you all help me?!" Biglang tumigil ang tawanan nila ng sumigaw si kuyang nasipa ko. Parang nag-panic pa ang iba at kaagad binuhat ang lalaki para ibalik siya sa pwesto niya kanina. May nag-asikaso sa binti niya, meron namang taga-paypay, may taga-hilot at kung ano-ano pang ginawa nila. Walang ibang ginawa ang loko kung hindi ang samaan ako ng tingin.
"Miss, I don't think dito ang classroom mo." Napatingin muli ako sa lalaking may hawak ng gitara. Aakmang aalis na siya pero kaagad kong inalabas ang ibinigay sa akin ng head kanina, "Ito! Ito ang binigay ng head sa akin kanina. C-12E naman ito, hindi ba?" Natahimik siya saka tinanggap ang papel. Nagkatinginan pa sila sa lalaking unang lumapit sa akin kanina.
"No--"
"Huwag ka nang mag-sinungaling--may nakita akong signage d'yan sa labas." I smirked.
"What happened here?!" Napalingon ang lahat sa sumigaw do'n. Nanlaki ang mata ko ng makitang teacher na pala 'yon. Tinitignan niya ang mga lumang bangko na nasira na dahil sa away nila kanina plus marami pang mga basura na nakakalat. "Bahala kayo! Hindi ako magka-klase hanggat hindi niyo lilinisin 'yan!" Saka ito umalis. Pero ang mga loko nag saya pa. Is this even normal?
Definitely not.
"Don't mind her. Please come in, darling." Hinila ako ng lalaking unang lumapit sa akin. Iginaya niya ako sa isang upuan at pinaupo doon saka siya tumabi sa akin. "So, what's your name, sweetheart?" Malanding tanong niya sa akin.
"Zelene. Zelene Va-Walton." Sabi ko nalang dahil pinagtitinginan nila akong lahat. Nakita kong parang natigilan silang lahat. What? Did I say something wrong?
Awkward.
"Hi, Zelene baby. I'm Tristan but you can call me love." Putol ni Tristan sa katahimikan. Napangiwi naman ako sa banat niya.
"Corny." Napanganga siya sa sinabi ko. Nakarinig ako ng mga 'ohhhhh' sound galing sa iba. Pinaghahampas pa siya at inaasar ng kapwa niya buang.
"Bakit parang walang babae dito?" Ngayon ko lang napansin. Hindi naman ako natatakot na may gawin silang masama sa akin ngayon at baka mapisa ko pa mga itlog nila.
"Girls aren't allowed here. Of course, except when you want to fuck them here." Kinidatan pa niya ako. Napangiwi ako sa sinabi niya at napa-iling. Mga lalaki talaga.
"You should change your class." Napalingon ako sa likod ko. Siya 'yong binugbog kanina sa labas. Kasalukuyan niyang ginagamot ang sugat niya. Hindi man lang niya ako tinignan. Napatingin ako sa I.D niya.
Ace Yu
"Right! You aren't welcome here! Got it, woman?" Napa-ikot na lamang ako sa mata ko ng sumingit ang sinipa ko kanina.
"Huwag kang mag-alala, aalis din ako dito. Huwag kang atat!"
"Just ignore him," Napalingon ako sa katabing upuan ko. "By the way, Archer Ford at your service." Ngumiti siya ng matamis dahilan para makita ang malalim niyang dimples.
Madami silang tinanong nang kung ano-ano sa akin na hindi ko sinagot kapag feeling kong personal na. Some of them introduced theirselves to me pero sa pagkakaalam ko, hindi ko natandaan ang iba. Napagkaalaman kong mabigat ang apilyedo ng iba sa industriya kaya hindi ko alam kung bakit pakikipag basag-ulo ang inaatupag.