Third Person's P.O.V
Parang patay na bumaba ng sasakyan si Zelene nang makarating sa paaralan. Marami pa itong nakabanggaan habang patungo sa classroom niya. Naiisip niya pa lang ang kaniyang mga pasaway pa sa pasaway na mga kaklase ay mas lalo siyang nawawalan ng lakas. Napabuntong hininga ito at saka nagpatuloy sa paglalakad. Ito din ang kinaiinis niya araw-araw kapag papasok siya, napakalayo pa ng lalakarin niya para lang makarating sa classroom niya.
Sa ngayon ay iwinaksi niya muna ang pag-aalala sa kanyang ina at pinilit na pumasok ngayon. Mabuti nalang at nandyan ang magiging asawa ng kanyang ina habang hindi pa ito nagigising sa ngayon.
Napatigil siya sa paglalakad ng may humarang sa kanyang nilalakaran kaya napa-angat ang kaniyang ulo.
"Hey there, babe." Nakangising mukha ni Tristan ang sumalubong sa kanya. Malalim siyang huminga at saka ito nilagpasan. Hindi niya na lamang pinansin si Tristan na panay daldal sa kanyang likuran. She couldn't imagine how much energy this man had.
"Bakit hindi ka pumasok nitong nagdaang araw?" Chismosong tanong pa nito. Hindi niya ito sinagot at tuluyang pumasok na sa kanilang classroom. As she entered the classroom, she couldn't help feeling a sense of confusion. The usual vibrant chatter and loud energy that always filled the room was nowhere to be heard. The atmospehere was unusually quiet na parang may sari-sariling iniisip silang lahat pwera nalang kay Tristan na dumadaldal sa kanya ngayon. She couldn't quite figure out kung anong nangyayari dito sa klase nila habang wala siya.
"Pansinin mo naman ako, darling. May nangyari ba?"
Siya dapat ang nagtatanong niyan.
Hinarap niya si Tristan at saka ito pinalapit. Parang nasasabik naman ang binata sa pinagagawa sa kaniya.
"Gusto niya kaya ng halik?" Sa isip pa nito at saka pumikit. Muntik nang matawa si Zelene at binatukan ito.
"Aray ko!"
"Anong ginagawa mong lalaki ka?"
"Akala ko ba gusto mo ng kiss?!" Napatawa ang dalaga at binatukan muli ang lalaki kaya mas lalo itong bumusangot.
"Stop flirting in front of us!" A grumpy voice echoed through the room. Napatingin silang dalawa sa kanilang likuran, it was Drake again sitting with the twin. Iirapan niya na sana ang lalaki ngunit napansin nito ang ilang mga pasa sa mukha. She frowned and scanned her classmates one by one. They also had several bruises on their face and they appeared fresh. Napatingin din siya kay Tristan, ngayon niya lang napansin na meron din pala itong maliit na sugat malapit sa kanyang labi.
"Anong nangyari sa mga mukha niyo?" Tanong nito kahit obvious naman. Tristan was taken a back by her question and immediately looked at Drake who doesn't even care.
"Napaaway lang." Mahinang sagot nito sa dalaga habang hindi ito makatingin ng diritso kaya nakatanggap na naman siya ng batok mula kay Zelene.
"Hindi ko alam na love language mo pala ay physical abuse." He said feeling so done with Zelene. Biktima talaga siya sa maliit pero mabigat na kamay ni Zelene. Kung hindi ito namamatok ay hampas naman ang matatanggap niya.
PAGKATAPOS ng kanilang mga klase ay kaagad silang nagsitayuan para umuwi na. Inayos muna ni Zelene ang kaniyang gamit bago naglakad papunta sa pintuan pero kaagad siyang napahinto ng sarado ito.
No way!
Kaagad siyang tumakbo patungo dito at sinubukang buksan ngunit sa kasamaang palad ay naka-lock ito. Kaagad siyang napamura at saka kinalampag ang pintuan. Mas lalo siyang nainis nang marinig niya ang mga tawanan nila sa labas.
"Mga bwisit kayo! Buksan niyo 'to!" Malakas niyang sigaw at inis na sinipa ang pintuan. Lumapit siya sa bintana ng silid at kaagad na sinamaan sila ng tingin. Nakangisi sila lalo na si Drake, natutuwa sa mga nangyayari.
"Buksan mo 'tong bwisit ka!" Frustrated nitong sigaw.
"Not in one condition. You need to clean the entire classroom." Nakangisi niyang sabi. Maghintay lang talaga siyang makalabas siya sa silid at susuntukin niya ang bungo nito!
She couldn't believe it! How could he be so cruel? They locked her up in the classroom para lang palinisin? There is no way she would do that! She didn't know what to do, but she knew she didn't want to stay trapped in this room any longer. Inis siyang bumuntong hininga and started picking up various items, trying to figure out where they belonged. Sinipa niya ang isa sa mga upuan at doon ibinuntong ang inis.
"Nasaan ba ang walis niyo?!" Pasigaw niyang tanong sa mga tao sa labas. Sumulip si Tristan at saka itinuro kung saan ang walis. Isa pa ito, hindi man lang siya tinulungan!
Nakabusangot siyang naglinis sa loob. She swept the floor and rearranged things. May tinapon silang trash bag sa kaniya kaya kinuha niya iyon para doon ilagay ang mga naipon niyang basura. Sinimulan niya na ding punasan ang bintana at mga aparador sa loob habang ang ibang mga gamit na hindi na nagagamit sa loob ay isinilid niya nalang din sa trash bag.
"You are doing good, sweetheart!" Sinamaan niya ng tingin si Tristan na naka silip sa bintana.
"Bwisit kayo!"
It took her almost an hour to finish everything. Pinunasan niya ang kaniyang pawis sa noo at pinagpagan ang kamay na nababalot na ng alikabok. Hindi na siya nag abala na mag-ayos ng sarili at kaagad kinuha ang mga gamit niya at lumakad patungong pintuan. She once again banged the door, "Tapos na kaya buksan niyo na 'to!" She shouted. Nakarinig siya ng iilang mga hakbang hanggang sa bumukas ang pintuan. Nagsipasukan sila at inilibot ang paningin. Parang namangha naman ito sa linis ng paligid. This is new to them.
"Okay na? Pwede na ba akong umalis?" She sarcastically said almost rolling her eyes.
"Nah."
"Ano?!" Ano pa ba ang ipapagawa nito sa kanya?! She swear, she will murder this man!
"Come with me."
SHE wiped her face using a tissue after washing her face. Napatingin na lamang siya sa sarili; her hair was a mess and her shirt was stained with dirt! Kinuha niya ang isang newly bought pink t-shirt at kaagad nagpalit. She took off her ponytail before brushing her hair using her hand since she didn't bring a comb.
Binilisan niya na ang kaniyang mga kilos dahil gumagabi na din at baka nag-aalala na sa kanya si Mr. Walton. Hindi niya pa naman nasabihan ito na gagabihin siya ng uwi. Kasalanan talaga nila lahat 'to. Isinilid niya sa paper bag ang kanyang maruming damit at lumabas na.
"You done?" He looked at him who was leaning beside the door.
"Obvi." Sagot niya bago nagsimula nang maglakad palabas ng convenience store. Binayaran ni Drake ang kahera kaya nakagamit siya nitong restroom nila. Hayst, perks of being rich, dinadaan lahat sa pera kaya nagagawa lahat ng gusto.
Naramdaman niyang sumunod naman ang binata sa kanya. He managed to catch up her step-- sa tangkad ba ng lalaking 'to. Huminto siya sa harap ng sports car ni Drake bago niya tinignan ang binata. "Can I at least borrow a phone?" Inilahad niya ang kaniyang kamay at sana naman ay papahiramin siya nito kung hindi ay hindi siya makaka-uwi.
"Why is that?"
"Bro, I need to call someone to pick me up."
"Do not bro me and who said someone will pick you up? I will give you a ride." Hindi siya makapaniwala sa narinig.
What is he up to?