"SO, do you already have a boyfriend, Zee?" Biglaang tanong ni Mr. Walton sa akin dahilan para muntik na akong mabilaukan. Kaagad naman akong uminom nang tubig para maalis ang bara sa lalamunan ko.
"Wala pa po at wala pa po iyon sa plano ko, Mr. Walton." Nakita ko naman siyang tumango. Nag-usap na sila ni mama kaya ang nagawa ko nalang ay lumamon. In fairness, ang sarap ng mga pagkain dito. Hindi ko nalang iisipin ang presyo ng mga 'to at baka mabaliw pa ako.
"So, your mom and I decided to transfer you to another school. Just to ensure your safety, you will be studying at my school since your soon to be brothers are there. You will meet them soon." Tuluyan na akong nabulunan sa sinabi niya. Nag-alala namang lumapit sa akin si mama at inabutan ako ng tubig na kaagad ko naman 'yong ininom.
"Are you okay, Zee?" Sabay na tanong nila mama sa akin. Kaagad ko namang tinaas ang kamay ko indicating that I am okay.
May okay bang nabulunan?
"Brothers? May mga anak ka po?" Gulat kong tanong kay Mr. Walton nang makahinga na ng maayos.
"You didn't tell her?" Naguguluhang tanong ni Mr. Walton kay mama. Nakita ko naman ang kaba ni mama sa mukha niya.
"N-No, It's just that we haven't properly talked earlier. Nakalimutan kong sabihin sa kanya." Sabi ni mama. Marami pa pala talaga akong hindi nalalaman at marami siyang hindi sinasabi sa akin. What are you really doing, ma?
"S-So, Z-Zee, magta-transfer kana sa Walton's Academy." Pag-iiba ni mama nang diskasyon.
"That's right, daughter. Don't worry about the expenses, I got it." Matamis itong ngumiti sa akin.
"Thank you, hon." Hinawakan ni mama ang kamay niya.
"You two are very welcome. We are family, right? And, Zelene, just ask me if you need anything, alright? Huwag kang mahiyang lumapit sa akin." Bumaling ito sa akin. Napatingin naman ako kay mama. Tinaas niya ang kilay niya kaya um-agree nalang ako kay Mr. Walton.
"Thank you po."
"You will be starting tomorrow, monday. My butler will deliver your school uniform together with your other school essentials to you early in the morning."
PAGBALIK ko sa kwarto ko ay kaagad akong nagbihis at sinuot ang hoodie ko. What a exhausting night. Umupo ako sa kama ko saka inilabas ang cellphone ko.
"Yes, Zee?" Bungad niya sa kabilang linya.
"May ipapagawa ako sa 'yo."
NAPABALIKWAS ako ng bangon nang marinig na may kumakatok. Aish! Ang sarap na ng tulog ko, eh!
"Ano?!" Sigaw ko habang nakasalampak pa din ang mukha ko sa unan.
"We are fvcking hungry!" Dinig kong sigaw ni Ged.
"Hindi ko kasalanan 'yon, bwesit!"
"Zelene, hindi ka ba naaawa sa amin?" Nagmamakaawang boses na naman ni Dwayne ang nadinig ko.
"Mayaman kayo hindi 'ba?! Edi bumili kayo!" Sigaw ko saka tinakpan ang tenga ko ng unan. Mas lalo akong nainis nang marinig ang sunod-sunod na katok nila. Parang masisira na ata 'yong pintuan.
"Bwesit kayo! Kung ayaw niyong matulog, magpatulog kayo!"
"GOOD morning, miss Zelene. Nandito na po ang pinadala ni Mr. Walton na kakailanganin ninyo." Sabi ni Mr. Jung, ang butler ni Mr. Walton. Napatingin naman ako sa mga tauhan niya na nilalagay ang mga gamit sa sofa.
"Ito po ang inyong school uniform together with your school I.D. Ito naman ang school shoes ninyo. Ang box na ito ay ang backpack ninyo, that is limited edition backpack na personally na pinagawa ni Mr. Walton para sa inyo. Ang loob naman nang paper bag na 'yan-" Tinuro niya ang bitbit nang isang lalaki na kakapasok lang. Inilagay naman iyon katabi ng isang box na may nakatatak na "Louis Vuitton". "-Iyan po ang mga school supplies na magagamit ninyo sa school."
"B-Bakit po parang ang dami?" Napakagat ako sa labi ko. Parang hindi ko carry ang mga nangyayari.
"Utos po lahat ni Mr. Walton lahat iyan kaya huwag po kayong mag-alala. Aalis na po kami." Yumuko silang lahat sa akin saka sila lumabas ng kwarto ko. Mag-aaral lang naman ako pero bakit ang mamahal? Isang taon na kainan na ata ang presyo ng bag ko. Ayoko nalang malaman kung magkano ang presyo.
"KINUHA ni Dad ang cards namin." Bungad nilang tatlo sa akin pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ko. Inirapan ko na lamang silang lahat saka nilagpasan sila. Alas 2 na ng madaling araw pero heto sila at ginugulo ang magandang tulog ko.
"Bakit pa kasi inalis ang mga maids dito?" Dinig kong reklamo ni Ged.
"Nasaan ba ang dalawa niyong kapatid?" Tanong ko sa kanila. Hindi ko kasi nakita si Henry at Randolph. Marunong naman si Randolph magluto, ewan ko kung bakit sa akin sila nanggugulo.
"They are out." sagot ni Emerson.
"Nasaan?"
"Huwag ka ngang maraming tanong at magluto na!" Bunganga talaga nitong hayop na Ged na 'to.
"NANDITO na po tayo." Sabi ng driver. Pagkalabas ko ng bahay kanina ay mayroon na kaagad nag hintay na sasakyan sa akin. Gusto ko sanang mag commute nalang kaso hindi ko pa alam ang exact location ng paaralan na 'to. Napatingin ako sa paligid. Paaralan ba 'to o palasyo?
Vintage ang style nang school na ito. Para siyang Oxford University but make it better. The place screamed expensive.
"Are you miss Zelene Walton?" napalingon ako sa isang babaeng may katandaan na.
Sinabi sa akin ni mama na ipinaasikaso ni Mr. Walton ang papeles ko para maging isang Walton dahil doon din naman daw ang punta ko. Kay mama kasi ang gamit kong apelyido. Ang weird lang sa pandinig.
"Yes po?"
"I am the school head here, please follow me this way." Nakangiting sabi niya saka siya nagsimulang maglakad. Napakamot naman ako ng ulo bago sumunod sa kanya. Wala pa ako masyadong nakikitang mga estudyante, mukhang napaaga ata ang pagpunta ko dito.
Huminto kami sa isang pintuan na may nakalagay na school heads office. Binuksan niya iyon saka siya pumasok. Malaki din ang espasyo ng lugar. May isang office table at saka may mini living room siya sa gitna. Tumingin ako sa kanya nang lumapit siya sa akin na may bitbit na isang papel.
"This is the list of your class schedule kasama na dyan ang mini map ng school na 'to as requested ni Mr. Walton. Enjoy your school year here, Miss Walton." Tumango ako saka ini-scan ang papel.
Class: C-12E
Nagpasalamat ako dito at aalis na sana pero hinawakan niya bigla ang kamay ko. "By the way, the classroom you will be staying for a while is just temporary. Wala pa kasi kaming vacant since puno na lahat ng sections and hindi ka na namin pwedeng isingit." Muntik nang tumaas ang kilay ko. I easily sense if there is something wrong at iyon ang nararamdaman ko ngayon.
"Okay, thank you po."
" Goodluck." ang creepy naman ngumiti ni anteh.
Pagkasarado ko sa pintuan ay nangunot ang nuo ko. Something is weird. Nagkibit-balikat nalang ako at nagsimulang hanapin kung saang lupalop ng mundo itong classroom ko. May isang oras pa ako para maghanap. Sabi dito sa mapa na nasa likod nang gymnasium ang classroom na 'to.
"ETO na!" Pagpasok ko sa dining room ay muntik pa akong matawa nang makitang nakahanda na ang kanin at mga plato nila. Wow! First time!
Pagkalagay ko sa niluto kong adobo–dahil iyon lang ang nakita kong pasok sa ingredients na meron sila dito–kaagad nila iyong nilantakan na para bang kakatayin na sila. Nakakain naman sila nang breakfast at lunch, ah? Hindi pa naman sila mamamatay kapag hindi sila kumain ng isang gabi.
"What are you staring, doll? Come on, join us." Aya sa akin ni Emerson.
"Huwag na, mga patay gutom pa naman kayo," bulong ko sa huli. Mukhang hindi naman ata nila narinig ang sinabi ko dahil patuloy pa rin sila sa paglamon.
Hay nako! Mga kabataan talaga ngayon.